Chereads / Cindy Rella (Not A Fairytale) / Chapter 2 - Kabanata 1

Chapter 2 - Kabanata 1

"Bakit nakapangalumbaba ka?" puna ni Samantha, ang matalik na kaibigan ni Cindy. Magkasama sila sa boarding house noong nag-aaral sila sa University. Nang makapagtapos sila sa pag-aaral at nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho ay napagdesisyonan nilang mangupahan sa iisang apartment, tutal, magkalapit lang ang pinapasukan nilang kompanya. "Nag-away ba kayo ni Miguel?" usisa nito.

"Yeah!"

Birthday ng kanyang nobyo noong nakaraang araw. Hiniling nito na may mangyari sa kanila ngunit hindi niya ito pinagbigyan. She made a promise to herself that she will give her virginity to her husband on the night of their wedding day. Alam niyang hindi na uso ang virgin na babaeng ikakasal pero iyon ang gusto niya. 'Di baleng magalit sa kanya si Miguel basta hindi niya isusuko ang kanyang 'Bataan'.

"Bakit?"

"Wala siyang time para sa 'kin," pagsisinuwaling niya. "Dapat mag-a-out of town kami kaso busy siya."

"I-reschedule niyo na lang."

"Hindi niya ako maisingit sa schedule niya."

"Really?" naiinis na turan ni Sam. "Di ba, dapat may time siya para sa 'yo hindi 'yong naghahanap siya ng time para sa 'yo. Anong klaseng boyfriend siya?"

"Baka busy lang talaga."

"Whatever! Busy o hindi, dapat may time siya para sa 'yo. Baka naman kasi may ibang pinagkakaabalahan? Pumunta ka kaya sa condo niya nang hindi niya alam."

Dinampot ni Cindy ang throw pillow saka binato si Samantha. "Kung anu-ano ang iniisip mo."

"Hindi naman kasi mawawalan ng time sa 'yo ang isang lalaki maliban na lang kung may ibang pinagkakaabalahan."

Her friend was right. Pero hindi naman kasi iyon ang totoong dahilan kung bakit sila nag-away ni Miguel. But come to think of it, hindi malabong mangyari iyon dahil hindi niya maibigay ang gusto nito. Baka maghanap ito ng kalinga mula sa iba.

"Wala naman siguro."

***

Ilang beses in-enter ni Cindy ang password upang buksan ang condo unit ni Miguel ngunit palaging nag-e-error. Tama naman ang information na nilalagay niya. Napilitan tuloy siyang gamitin ang doorbell. Ilang minuto rin siyang nakatayo sa labas bago binuksan ni Miguel ang pinto.

Nagulat pa ito nang makita siya. Halatang bagong gising ang binata dahil magulo ang buhok nito, namumungay ang mga mata, at nakatapis lang ito ng tuwalya.

"Anong ginagawa mo rito?" natatarantang tanong nito.

"Nag-aalala ako dahil hindi ka nagpaparamdam kahit sa text man lang." Pero ang totoo, pumunta siya roon dahil hindi siya mapalagay sa sinabi ni Samantha. Napa-praning na yata siya.

Habang nagsasalita si Cindy ay napansin ng dalaga na balisa ito. Hindi ito umaalis sa pintuan kaya nanatili siyang nakatayo sa labas. "Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Ha? Ah, ano kasi-"

"Migz, may bisita ka ba?"

Nagsalubong ang kilay ni Cindy dahil sa pagtataka. May babae itong kasama sa condo? Mukhang tama nga ang hinala ni Samantha. "Sinong kasama mo?" tanong niya sa kalmadong tinig.

"Si ano, si Patricia, pinsan ko, oo pinsan ko," hindi magkandatutong sagot nito. Halatang nagsisinuwaling sa kanya ang nobyo.

"Migz," tawag ng babae. Lumabas ito mula sa kuwarto ng binata. At kagaya ng nobyo ay mukhang bagong gising din ang babae at nakatapis lang din ng tuwalya. Magdamag sigurong naglaro ng apoy ang dalawa. "Hi! I guess you're Cindy, right?"

Hindi siya kumibo. Ang kapal naman ng mukha nito na kausapin siya. Gusto niyang pagbuhulin ang dalawa at ibaon sa lupa. "Pinsan?" ibinalik niya ang tingin sa future ex-boyfriend niya. "Puwede na pa lang mag-sex ang magpinsan? Great!"

"It's not what you think. It was just a mistake—"

"Mistake? Mistake pero mukhang nag-enjoy ka," mapanuyang turan niya. "Nag-enjoy kayo, 'di ba?" tanong niya sa babae na kaulayaw ni Miguel buong magdamag.

"Yup! Madaling araw na nga kami natapos," walang kagatol-gatol na sagot nito.

"Patricia, please, just shut your mouth! Hindi ka nakakatulong."

Nakakainsultong tawa ang pinakawalan niya. "Hindi siya nakatulong pero nakaraos ka. You're ungrateful!" Nagpupuyos na siya sa galit ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili. "Maghiwalay na tayo, tutal, hindi ko naman maibibigay ang gusto mo."

Gumihit ang pagkabigla sa mukha ni Miguel. "Cindy please, don't do this to me," pagmamakaawa nito. "Natukso lang ako." Hinawakan nito ang kamay ni Cindy, pero iwinaksi iyon ng dalaga. "Hindi ko sinasadya."

"Don't touch me!"

Tuluyan na niya itong tinalikuran. Walang saysay kung magtatagal pa siya roon. Naiintindihan na niya kung bakit mali ang password na ginamit niya dahil sadyang binago iyon ni Miguel.

"Hey! Watch out!

Narinig ni Cindy na may nagsalita, pero hindi niya iyon pinansin dahil marami siyang iniisip. Huli na upang mapagtanto niya na siya pala ang kausap ng estranghero. Bumanga siya sa bitbit nitong malaking kahon. Nawalan ng balanse ang lalaki kaya nabitawan nito ang kahon dahilan upang kumalat sa sahig ang laman ng bitbit nito.

"I'm sorry." Tinulungan niyang makabangon ang lalaki. Nang maglapat ang kanilang mga balat ay nakaramdam siya nang pagdaloy ng kuryente sa buo niyang katawan kaya mabilis niyang binitawan ang binata. Nawalan ulit ito ng balanse dahil sa ginawa niya kaya natumba ulit ito. "Sorry."

Imbes na tulungan ang lalaki na makatayo ay isa-isa niyang dinampot ang mga gamit nitong nakakalat sa sahig. Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman niyang nakabangon na ito at nagpupulot na rin ng mga gamit.

"Miss, sa susunod na maglalakad ka, tumingin ka naman sa dinadaanan mo," reklamo nito.

Hindi niya magawang magalit dito dahil may point ang sinabi ng binata. Nag-angat siya ng tingin. Sinalubong siya ng mga mata nitong kulay tsokolate na waring nangugusap. Sa tingin niya, kahit magalit ito ay mananatiling maamo mga mata nito. Kapansin-pansin din ang malalantik nitong pilik-mata at makapal na kilay na makorte. Matangos ang ilong nito at mapula ang labi. May balbas ito ngunit hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan ng estrangherong kaharap niya. Darn! She found it so attractive. Dati marumi ang tingin niya sa lalaking may balbas. But know...

What the hell she was thinking? Kaka-break lang nila ni Miguel pero heto siya at humahanga sa lalaking hindi naman niya kilala.

"You're crying."

"Ha?" Awtomatikong pinunasan niya ang luha na naglandas sa kanyang mukha. Umiiyak pala siya, pero hindi man lang niya iyon naramdaman. "Napuwing lang ako."

What a lame excuse!

"Cindy!"

Narinig niyang tawag ni Miguel sa kanya kaya nagmamadali siyang tumayo.

"Cindy mag-usap tayo."

Sinundan siya ng binata. Nakasuot na ito ng damit. "Wala na tayong dapat na pag-uusapan. Tapos na ang relasyon natin. Huwag ka nang magpapakita sa 'kin."

"Cindy, please, give me another chance. I don't love her. I love you."

Nagbabagang tingin ang pinukol niya sa ex-boyfriend. "If you really loved me, you wouldn't cheat on me. Magpakasaya ka dahil malaya ka na ngayon. Kahit ilang babae pa ang pagsabayin mo, I wouldn't mind," matapang niyang wika. Taas-noo niyang nilgapasan ang walang kuwentang lalaki na naging parte ng buhay niya.