Chereads / Cindy Rella (Not A Fairytale) / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Nilapitan ni Mark si Samantha sa table nito, quarter to five bago ang out nila sa opisina. "Okay lang ba kung ihahatid kita sa inyo?"

Nag-angat ng tingin ang dalaga. Hindi niya alam kung natuwa o nainis ito sa sinabi niya.

"Sir, I don't know how to say this properly but..." Tila nagdadalawang-isip ito kung sasabihin ang laman ng isipan o hindi. "Palagi mo akong sinasabayang kumain tuwing lunch at breaktime. Pangalawang beses ka nang nagpresinta na ihatid ako. Sir, may favor ka bang ipapagawa sa 'kin o nanliligaw ka?"

He chuckled. He didn't expect that she will say those things. "Both."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. "Huwag kang magbiro ng ganyan."

"Yeah, I'm just kidding about courting you but I'm serious about asking you a favor. Ikaw lang ang makakatulong sa 'kin dahil ikaw lang ang kaibigan niya." She listened, so, he continued to talk. "I want to know more about Cindy Rella."

Nagulat ito sa sinabi niya ngunit dagli rin itong nakabawi sa pagkakagulat. "How did you know her?" puno ng pagtatakang tanong nito.

"Naka-tag ka sa posts niya kaya nakita ko ang picture niya. Simula noon na curious na ako sa kanya."

Partially true, he was curious about who is Cindy Rella. Pero hindi niya sasabihin kay Samantha na siya talaga ang una niyang ini-stalk kaya niya nakita ang profile ng kaibigan nito. But honestly, may kung anong puwersa ang nag-uudyok sa kanya na kilalanin si Cindy.

"Stalker?"

"I strongly disagree. Ang sabi nila ang term na stalker ay para lang sa pangit. I believe that I'm hot, handsome, and oozing with sex appeal. Therefore, hindi ko puwedeng i-consider ang sarili ko na stalker."

"Ang lakas mo, Sir!" natatawang sabi nito. "Kung hindi ka lang totoong guwapo, masasabi ko na ang hangin mo."

First time niyang nakitang tumawa si Samantha. She was really beautiful.

"I'm not sure if she's ready to meet other guy but I'll see what I can do." Nagsimula na itong magligpit ng mga gamit. "But for now, huwag mo muna akong ihatid. Magkasama kasi kami sa apartment. Aalamin ko muna ang estado ng puso niya bago ko siya ipakilala sa 'yo."

Gusto niyang magtanong, pero pinigilan niya ang sarili dahil baka magmukha na talaga siyang stalker. "Okay!"

***

Tinext ni Cindy si Samantha na gagabihin siya nang uwi dahil kailangan niyang mag-overtime sa trabaho. Pagdating niya sa apartment ay himalang nakapaghanda na ng hapunan si Sam. Hindi marunong magluto ang kaibigan kaya nga siya ang kusinera sa kanilang dalawa.

"Nagluto ka?"

Umiling ito. "Mayroong nag-sponsor."

"Hinatiran ka ni Jeffrey ng pagkain?"

"Tsk! Hindi, 'no!" mariing tutol nito. "Malabong mangyari 'yon dahil hanggang ngayon ay magkagalit kami. Huwag na nga natin siyang pag-usapan," reklamo nito. "Kumain na lang tayo."

Gutom siya kaya agad niyang nilantakan ang mga pagkaing nakahain sa hapag. "Sinong nag-sponsor? Ang sarap naman ng mga pagkaing ibinigay niya. Sabihin mo sa kanya na nagpapasalamat ang best friend mo at sana maulit pa ang pagbibigay niya ng pagkain."

"Walang poblema, makakarating sa kanya. Gusto mo ipakilala kita?"

Tumigil siya sa pagsubo. "Lalaki ba 'yon? Nanliligaw ba sa 'yo?"

"Oo, lalaki siya, pero hindi niya ako nililigawan. He's single. He is hot, handsome, and oozing with sex appeal," natatawang sabi nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Kailan pa naging ganoon si Sam? "Hoy! si Samantha ka ba talaga? Kailan ka pa nagkaroon ng pagnanasa sa ibang lalaki?"

"Hoy! Masyado kang judgemental. Hindi ako ang may sabi no'n. Siya mismo ang naglarawan sa sarili niya."

"So, mayabang pala?"

"Hindi rin," tutol nito. "Nagsasabi lang siya ng totoo. Actually, kasing yummy niya ang pagkain na nakahain sa lamesa."

Nabilaukan siya sa sinabi nito. Dali-dali naman itong nagsalin ng tubig sa baso saka ibinigay sa kanya.

"Dahan-dahan sa pagkain. Huwag mong isipin na siya ang literal na nakahain sa lamesa."

"Baliw ka!"

Tinawanan lang siya nito. "Anyways, kumusta ang lagay ng puso mo? Huwag mong isasagot na tumitibok pa siya. Babatukan kita."

Kung makapagtanong ito sa kanya akala mo naman siya lang ang may sugatang puso. "Bakit ikaw, okay ka na ba?"

"I'll be okay soon but not now. Ikaw?"

Uminom siya ng tubig bago sumagot. "I don't know. Nasaktan ako, pero parang ang bilis lang nawala. And the weird thing is, na-attract ako sa isang lalaki na hindi ko naman kilala."

Ang mas nakapagpa-weird sa sitwasyon ay noong araw na nakita niya ang lalaki ay iyong araw mismo na nakipag-break siya kay Miguel. Wasak ang puso niya pero nakuha niyang humanga sa ibang lalaki.

"Never nagkaroon ng chance na magkakilala kayo?"

"No." Napabuga siya ng hangin. "Isang beses pa lang kaming nagkikita, pero hindi siya mawala sa isipan ko." At sa panaginip ko. Gusto niyang idagdag ngunit pinigilan niya ang sarili. "I think I'm crazy."

She was really crazy. Bakit kasi hindi niya makalimutan ang mukha ng estranghero samantalang isang beses niya pa lang itong nakita at ang malala pa, bigla itong nagpapakita sa panaginip niya.

"I agree," walang pakundangang pagsang-ayon nito. "Masyado ka yatang nagmamadaling kalimutan si Miguel kaya na focus ang atensyon mo sa lalaking hindi mo naman kilala. Kung ako sa 'yo, makikipag-date ako."

"Iku-consider ko 'yong sinabi mong makipag-date." Hindi lang si Miguel ang marunong maghanap ng iba, marunong din siya.

Nagliwanag ang mukha nito. "Ipapakilala kita sa boss ko."

"Siguraduhin mong matinong lalaki 'yang boss mo."

Inirapan siya ng kaibigan. "Hello? Di ko naman sinabi na jowain mo agad. Siyemre, dapat kilalanin mo muna."

"Yeah! Right!"

***

Mula sa bintana ng kuwarto ni Cindy ay nakita ng dalaga ang pagdating ni Samantha. May naghatid na guwapong lalaki rito. Masaya siyang makita na masayang nakikipag-usap si Sam sa lalaking kasama nito. Pero hindi niya alam kung bakit mas pabor siyang makatuluyan ni Sam si Jeff kahit naiinis siya sa lalaki.

Habang pinagmamasdan niya ang dalawang taong nag-uusap ay napako ang atensyon niya sa isa— sa lalaking kausap ni Samantha. Parang nakita na niya ito noon ngunit hindi niya matandaan kung saan at kailan. Lumipas ang ilang minuto, nagpaalam na ang lalaki kaya pumasok na si Sam sa loob ng bahay. Siya naman ay umalis sa bintana.

"Ang aga ng sundo mo," bungad niya kay Samantha pagpasok nito sa kuwarto. "Pagdating ko naghihintay na 'yan." Nauna siyang umuwi mula sa trabaho. Pagdating niya ay naabutan niyang naghihintay si Jeffrey kay Samantha. "Bati na kayo?" tanong niya habang nagpapahid ng lipstick.

"Nag-sorry na siya," maikling tugon nito saka nagbihis. "Sumabay ka na sa 'min. Ipapahatid kita sa terminal."

Weekend bukas kaya uuwi sa Bulacan si Sam at siya naman ay uuwi sa Bataan.

"Kahit hindi mo sabihin ay magre-request ako. By the way, ang guwapo at ang macho nang naghatid sa 'yo," pag-iiba niya sa usapan. "Sino iyon?"

"Boss ko. Bet mo ba? Ilalakad kita."

Kumuha siya ng unan saka hinampas ang kaibigan. "Bakit mo ibibigay sa 'kin, eh, ikaw ang type no'n?"

Halata naman na may gusto kay Samantha ang boss nito.

"Tara na nga! Basta tutulungan kita sa kanya. Kalimutan mo na si Miguel."

"Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka broken—" pinutol nito ang sasabihin niya.

Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Tumahimik ka nga," anito sabay walk-out. Napapailing na lang siyang sumunod sa kaibigan.