Chereads / Cindy Rella (Not A Fairytale) / Chapter 7 - Kabanata 5

Chapter 7 - Kabanata 5

Gustong pigilan ni Cindy si Samantha kaso hindi niya alam kung anong idadahilan. Ayaw niyag maiwan na mag-isa kasama si Mark, ang estrangherong laman ng isip at panaginip niya nitong mga nakaraang araw. Bakit hindi niya ito namukhaan nang hinatid nito si Sam?

It must be the beard, sagot ng isipan niya. Right! Makapal ang balbas nito nang una niya itong makita. Juice ko po! Anong gagawin niya?

"Cinderella, what a nice name, huh? Cinderella was innocent and naïve, the exact opposite of you, Cindy-Rella," binigyang diin nito ang pagbigkas sa pangalan ng dalaga.

"What's wrong with that? Kailangan ko bang maging kagaya ni Cinderella?" mataray niyang tanong. "At paano mo nalaman na Cindy Rella ang pangalan ko? I didn't mention my full name."

"Social media," tipid nitong sagot.

Siguro madalas nitong tingnan ang profile ni Samantha. Palagi niyang tina-tag ang kaibigan kaya siguro nakilala siya ng binata.

"Huwag mong babanggitin kay Sam ang tungkol sa nakita mo," pag-iiba niya sa usapan. "Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong nangyari."

Gumalaw ang sulok ng labi nito. "Bakit kita susundin?"

"It's none of your business."

"Exactly, it's none of my business. Kaya bakit ako magsisinuwaling?"

"Please, don't tell her. I'm not doing this for bad reason."

"Then, give me one good reason."

Nag-ipon muna siya ng hangin sa dibdib bago nagsalita. "Hindi ko sinabi ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay kami ng ex-boyfriend ko dahil may pinagdadaanan din si Sam. Wala sa kalingkingan ang sakit na nararamdaman ko kumpara sa sakit na nararamdaman niya. Ayokong dumagdag sa alalahanin niya."

Honestly, hindi siya sigurado kung nasaktan nga ba siya o ang pride niya ang nasaktan sa nangyari.

"Alright!"

"Thank you!"

Nakahinga siya nang maluwag. Maliban sa sinabi niyang dahilan ay may iba pang dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ni Samantha ang totoong nangyari.

"I'll think about it."

"What?"

Marami siyang gustong sabihin subalit dumating na ang waiter dala ang order nila kasabay nang pagdating ni Samantha. Darn! Nanggigigil siya kay Mark. Akala niya ay pumayag na ito.

***

"Bakit hindi mo sinabi na ang boss mo pala ang ka-date mo? Sana hindi na lang ako sumama," reklamo ni Cindy pagdating nila sa apartment.

Naiinis talaga siya sa nangyari. Sino bang mag-aakala na ang boss ni Samantha ay ang estrangherong crush niya na may gusto naman kay Samantha?

"Hindi ko siya ka-date. Actually, ang purpose ng date na 'yon ay para ipakilala kita kay Mark."

"Ano?"

"Sorry na, hindi ko sinabi sa 'yo na ipapakilala kita kay Mark. Hindi ko kasi alam kung papayag ka o hindi kaya sinabi ko sa 'yo na ako ang makikipag-date. Sorry, Cindy."

Magaling! Ipinakilala siya nito sa lalaking saksi sa paghihiwalay nila ni Miguel. Baka isipin ni Mark na hindi siya girlfriend material dahil ipinagpalit siya ng kanyang ex-boyfriend.

Gusto niyang kastiguhin ang sarili. Bakit girlfriend material agad ang iniisip niya, eh, ipinakilala lang naman sila sa isa't isa? Masyado siyang advanced mag-isip!

"Hindi ko siya type."

Liar! Mukhang ermitanyo si Mark noong una mo siyang nakita pero hindi mo siya nakalimutan. Hindi mo type, huh?

"Why? Guwapo at mabait si Mark, hindi siya mahirap magustuhan."

Right! Pero nagbago na ang isip niya. Hindi niya ito puwedeng magustuhan dahil halatang may gusto ito sa kaibigan niya.

"Hindi kami bagay. Mas mukha pa siyang babae sa 'kin dahil sa kinis at puti ng kutis niya. Baka bakla 'yon."

"Bakla agad? Hindi ba puwedeng ganoon talaga siya no'ng ipinanganak?"

"Basta ayoko sa kanya. Kayo na lang kaya ang mag-date?"

"No thanks! Ayoko nang muling umibig pa," pagda-drama nito.

Pinaikot niya ang mata. "Ang arte!"

Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit itong nagpapakatanga sa isang lalaki at siya naman ay walang suwerte sa lalaki. Pareho naman silang maganda at matalino, pero pareho silang malas pagdating sa pag-ibig.

***

Mabagal siyang naglakad pauwi sa apartment mula sa office nang may marinig siyang sunod-sunod na pagbusina. Lumingon siya sa likuran upang malaman kung siya ba ang bunubusinahan. Laking pagtataka niya nang makita si Mark, dumungaw ito mula sa binta ng kotse.

"Sumabay ka na sa 'kin."

Hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Naramdaman niya ang pagsunod ng kotse nito sa kanya.

"Cindy, sumabay ka na."

Nilingon niyang muli ang binata. Nakasakay pa rin ito sa kotse. Nakadungaw nang bahagya ang ulo nito sa bintana, sapat na upang makita niya.

"Magkasabay naman tayo, naglalakad ako at ikaw naman ay nagmamaneho."

Nangunot ang noo ng binata. Lumabas ito mula sa kotse. Halatang nainis ito sa sinabi niya. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan sa may bandang front seat.

"Your highness, sumakay ka na po. Ihahatid na kita."

Inirapan niya ito. "Sanay sa hirap si Cinderella kaya maglalakad na lang ako."

Bakit kasi hinango sa fairytale na Cinderella ang pangalan niya? Inaasar tuloy siya ngayon ni Mark. Papagalitan niya ang kanyang ina kapag nakauwi siya sa Bataan dahil ito ang nagpangalan sa kanya ng Cindy Rella.

"Napag-isipan ko pa naman na manahimik na lang kahit damay ako sa pagsisinuwaling mo kaso biglang nagbago ang isip ko."

Natigilan siya. Muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa bagay na 'yon. Siya na mismo ang nagkusang sumakay sa kotse ni Mark. "Ihatid mo na ako."