Yesha's P.O.V.
Tama nga ang sinabi ni Ate Lauren dahil ilang segundo lang ang lumipas ay dumating ang gwapong lalaking nakasalamin. Sigurado akong si Zyrus ito dahil mukhang genius. Hindi man lang ako sinulyapan ng tingin nito at tuloy-tuloy na pumasok sa pinto.
Sumunod naman dito ang isang gwapong lalaki. Hindi ito mukhang badboy kaya hula ko ito si Clark. Tulad ni Zyrus hindi rin ako pinansin nito dahil nilampasan lang ako. Pero bigla na lang itong bumalik ng mapagtanto siguro nito na hindi ako si ate Lauren.
"Teka... Ikaw ba ang bagong magbabantay rito?" tanong nito.
"O-opo." sagot ko.
"Sana all may bago para mapalitan ko na siya sa puso ko." Malungkot na sabi nito at tinalikuran ako. Tama ito nga si Clark may pinaghuhugotan e.
So it means isa na lang ang hindi pa dumadating ang sinasabi ni ate Lauren na badboy. Ano kaya ang gagawin ko kapag dumating na ito? Bahala na hindi ko na lang papansinin.
Maya-maya nga mayro'ng dumating. Hindi ko ito tiningnan na para bang wala ito roon.
"Teka miss, nagkita na ba tayo?" biglang tanong nito kaya napalingon ako rito. Nagtama ang paningin namin.
"Ikaw?" magkasabay naming sabi.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito.
"Ako na ang taga-bantay ng boutique." sagot ko naman nang makabawi.
"Ahh…Okay see you later," sabi nito at agarang umalis.
"Wait," sabi ko.
Lumapit ako rito at inilahad ang kamay ko.
"Maraming salamat pala sa pagligtas sa akin." sabi ko. Nakipagkamay naman ito bago pumasok din sa secret door.
Sabi ni ate badboy raw. Pero para sa akin ito ang pinaka-cool sa kanilang lima.
Napangiti ako sa naiisip. Puro mga gwapo ang mga lalaki. Sigurado kapag nalaman ito ng mga kaibigan ko, rito tatambay ang mga iyon.
Liam's P.O.V.
Pagkapasok ko pa lang sa hideout agad kung napansin si Dylan na hindi maipinta ang mukha. Nilapitan ko ito at inakbayan.
"Oy Flash...anong nangyari sa 'yo? Hindi ka ba nag-enjoy sa kasama mong babae kagabi?" nakangisi kong tanong dito.
"Hindi iyon ang kinainis ko kung 'di ang kapatid ko." sagot nito.
"Bakit anong kalukuhan na naman ba ang ginawa ng kapatid mo?"
"Nakita niyo ba 'yong tomboy sa baba?" Dylan.
"May tomboy ba sa baba? Bakit wala akong napansin?" Zyrus.
"May napansin ako pero isang magandang babae." Clark.
"Tsk…" Dwight.
"Ang tinutukoy mo ba ang bagong tagabantay? Anong problema roon?" ako.
"Alam niyo namang alergy ako sa mga gano'n 'di ba?" inis na sabi ni Dylan.
"Para sa akin ayos na iyon dahil kapag sexy 'yon sigurado ngayon nakipaglandian kana ro'n." Dwight.
"Sabagay may punto ka Dwight." natatawa kong sabi.
"Tumahimik nga kayo, dumadagdag pa kayo sa problema ko." Dylan.
"May bago ba tayong misyon?" pag-iiba ng topic ni Dwight.
"So far, wala pa namang kumontak sa atin." Dylan.
"So it means may oras pa tayo para magsaya." Ako.
"So…anong plano?" si Zyrus.
"Wala tayong plano. Tulungan niyo na lang akong magtinda ng mga damit ko para may kwenta naman kayo." Dylan.
"Ang galing mo talagang leader ano?" sabi ko.
Ngumisi lang ito.
"Alam niyo naman na malakas binta ko kapag kayo ang bantay." Dylan.
"Okay lang sa akin magbantay...dahil hindi ko siya nabantayan noon. Kinuha tuloy siya sa akin ng iba." Clark.
"Kayo na lang, dito na muna ako sa loob, may libro pa akong kailangang tapusin." Zyrus.
"Sige ba, ang ayaw sumamang magbantay siya ang maglilinis mamaya sa buong building." Dylan.
"Sabi ko nga sasama ako." Zyrus.
Natatawang sabay na kaming lumabas.