Clark P.O.V.
Isa akong Vice President ng shopping mall na pagmamay-ari ng aking ama. Naisip kong maglibot para i-monitor ang mga empleyado ng mall kung ginagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin. Busy ako sa pagmamasid ng bigla akong nabangga sa isang babaeng busy sa katitingin sa cellphone nito. Maagap namang nahawakan ko ang braso nito kaya hindi ito sumadsad sa sahig.
"WTF. Hindi mo ba tinitingnan ang dinadaanan mo?" mataray itong tumingin sa akin.
Napaurong ang dila ko nang masulyapan ang mukha nito dahil kamukha ito ni Yesha.
"Yes?" nakataas ang kabilang kilay na sabi ulit nito nang hindi man lang ako nagsalita.
Napatitig ako rito. Sa uri ng suot nitong sexy na damit at maiksing buhok nito masasabi kong hindi ito si Yesha.
"Sa susunod Miss, matuto kang umiwas para wala kang ibang taong masaktan." iniwan ko na ito pagkasabi niyon.
"Wait... What do you mean? Ako pa nga ang muntik ng masaktan." hinabol ako nito kaya napahinto ako ng paghakbang at nilingon ulit ito.
"'Yan ang hirap sa inyong mga babae akala niyo kayo lang ang nasasaktan. Akala niyo kasi dahil mukha kaming okay wala lang, ang hindi niyo lang alam mas matindi ang sakit na nararamdaman namin kay sa sa nararamdaman ninyo." sabi ko rito at pinagpatuloy ang pag-alis.
Yesha's P.O.V.
Wala pang tao nang buksan ko ang boutique. Naglilinis ako ng biglang pumasok doon si Dylan.
"Good morning Sir." bati ko ngunit hindi ako pinansin. Naupo ito sa may gilid dahil may mahabang upuan na nandoon at kinuha ang cellphone nito. Hindi ko na lang ito pinansin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglilinis.
Nagwawalis ako malapit dito ng bigla itong tumingin sa akin.
"Nakalimutan mo ba ang sabi kong 'wag kang lumapit sa akin?" pasupladong sita nito.
"Hmmp...ang arte." bulong ko.
"May sinasabi ka ba?"
"Wala po, sabi ko po itaas niyo muna ang paa niyo dahil wawalisin ko lang 'yong ilalim ng inuupu---"
Napasigaw ako biglang may tumalong butiki sa sahig mula sa kisame. Bigla akong napatalon dito kaya napaupo ako sa kandungan nito dahil sa takot. Nakita kong na-shock ito sa inasal ko dahil bigla itong nanigas.
"Ahh." sumigaw ito sabay tulak sa akin kaya napasubsub ako sa sahig.
Timing namang pumasok doon si Dwight. Agad itong lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo.
"What happened?" tanong nito
"Lumapit lang naman 'yan sa akin at kumandong pa kaya ilayo mo sa akin 'yang babaeng 'yan Dwight." sigaw nito.
"Bago ka mag-inarte r'yan. Tingnan mo muna ang ginawa mo." seryosong sagot nito.
Tumingin si Dylan sa mukha ko. Napahawak ako sa gilid ng labi ko dahil may nalasahan akong malansa mula roon. May sugat pala ako roon.
Nakaramdam ako ng inis dito. Kung dati gustong-gusto ko ito pero dahil sa ugaling pinapakita nito bigla akong naiinis dito. Hindi ko naman maintindihan kung bakit iwas na iwas ito sa akin. Hindi naman ako pangit at mas lalong hindi naman ako mabaho.
Inilalayan ako ni Dwight na maupo sa may counter. Ngayon ko lang naramdamang sumasakit din pala ang balakang ko.
"May masakit pa ba sa 'yo?"
Umiling ako dahil ayaw ko ng abalahin pa ito.
"Okay wait here." pumasok ito sa loob at may dala na itong medicine kit nang bumalik. Humarap ito sa akin at ipinatong sa counter ang dala nito. Kumuha ito ng bulak doon at nilagyan ng betadine at dinampi sa sugatang bibig ko.
"Ouch!" sigaw ko.
"I'm sorry." seryosong sabi nito.
Naramdaman kong ingat na ingat na ito sa pagkilos. Hinihipan pa nito iyon para maibsan ang hapdi.
Jusko po. Ang bango naman ng hininga nito.
Inaayos na nito ang kit at inilagay sa gilid ng counter. Nang mapalingon ulit ako kay DJ mas sumama ang mukha nito.
Wow ah. Ito na nga ang may kasalanan ito pa ang may ganang magalit. Bahala ka dahil simula ngayon hindi na kita idol. Mas lalong hindi ko na panonoorin ang mga blog mo.
"Magpahinga ka lang muna rito. Ako na ang bahalang magbantay." Dwight.
"Pero hin---"
"Shut your mouth." putol nito sa sasabihin ko.
Napakaseryoso ng mukha nito kaya hindi na ako muling nagsalita pa.