Chereads / Agent Vlogger Becomes my Lover / Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 10 - Chapter 9

Lauren's P.O.V.

Taas-noo akong pumasok ng boutique para kausapin ang kapatid sa bagong design na naisip ko.

"Wow...nandito na ang mabait kong kapatid. Dwight may gunting ka ba r'yan?" Dylan.

Ito namang si Dwight binigyan nga ng gunting si DJ. Dahil ayaw kong makalbo, tumakbo talaga ako ng palayo rito dahil ayaw kong mawalan ng buhok. Ang nangyari naghabulan kami sa loob ng boutique. Tumigil lang ito sa kahahabol sa akin nang magtago ako sa likod ni Yesha na nakatayo sa may counter.

"Oh saan ka ngayon? Takot kang lumapit 'no?" pang-iinis ko rito. Hindi ito nagpatinag dahil dahan-dahan itong humakbang palapit sa akin. Sa takot ko na baka kalbohin nga ako nito agad kung itinulak si Yesha rito para makatakas ako. Agad akong tumakbo sa labas.

"Sorry Yesha... Bye bro see you 'pag 'di ka na galit." sigaw ko sa mga ito sabay alis.

Dylan's P.O.V.

Napayakap ako kay Yesha nang bigla itong itulak ni Lauren patungo sa akin. Bigla ko itong naitulak ng bahagya nang parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang maramdaman ko ang init ng katawan nito.

"Labas muna ako." sabi ko kay Dwight sabay talikod. Pumunta ako sa labas ng boutique para pakalmahin ang sarili.

Yesha's P.O.V.

Hindi ako madaling masaktan pero nitong mga nagdaang araw sa nakikita kong pag-iwas sa akin ni Dylan na para ba akong may nakakahawang sakit aaminin kung nasasaktan ako. Hindi ko kasi maintintindihan kung bakit sa akin lang ito gano'n. Nang sumubsob ako sa sahig dahil sa kagagawan din nito gusto ko ng maawa sa sarili ko. Gusto ko ng umiyak ng oras na iyon buti na lang dumating si Dwight. Isa pa ayaw kong ipakita rito na mahina ako.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko agad iyon.

"Hello Yesha. Si Ate Lauren 'to. Pasensya ka na kanina ha? Pwede ba tayong magkita ngayon?" sabi nito.

"Okay lang po ate naiintindihan ko. Nasa'n po kayo ngayon?" tanong ko.

Sinabi nito ang lugar kung saan kami magkikita kaya nagpaalam ako kay Dwight na aalis muna. Pumayag naman ito. Pagkalabas ko nakita kong nakatayo roon si Dylan.

"Sir. Aalis po muna ako may importante lang po akong kauusapin. Babalik po ako agad." Hindi ito sumagot at pumasok na sa loob.

Dumeretso na ako sa coffee shop na malapit lang doon. Agad ko namang nakita si Ate Lauren.

Kumaway ito sa akin. Naupo ako sa harap nito. Napansin kong may na-order na itong kape.

"Pasensya ka na 'di ko kasi alam ang gusto mo."

"Okay lang po ate kahit ano naman iniinom ko." nakangiti kong sabi.

"Sorry talaga kanina ha?" hinawakan nito ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

Ngumiti lang ako.

"Pinapahirapan ka ba ng kapatid ko?" seryosong tanong nito.

"H-hindi naman po." sagot ko.

"'Wag kana mahiya. Alam kong pinapahirapan ka niya. Galit kasi 'yon sa mga babaeng boyish." paliwanag nito

Nagulat ako, iyon pala ang dahilan bakit ayaw nitong lumalapit sa akin?

"Bakit naman po?" tanong ko bigla kasi akong na-curious.

Bumuntong hininga muna ito.

"Bata pa lang kasi kami ng umalis si mama at sumama sa ibang lalaki. Si mama kasi ay ang klase ng taong boyish kumilos at manamit. Mas close sila ng kapatid ko kaya nang umalis si mommy isang buwan itong nagkulong sa kwarto. Pagkatapos ay bigla na lang ito nagbago. Nagagalit na ito sa mga babaeng katulad mong may pagkagboyish. Kaya... Gusto ko sanang hingin sa 'yo na lawakan mo ang pasensya mo sa kapatid ko." paliwanag nito.

Bigla akong nakaramdam ng awa kay DJ.

Pagkatapos naming mag-usap ni ate Lauren bumalik na rin ako sa boutique. Naabutan ko si Dylan na nakaupo habang hawak ang cellphone. Inilibot ko ang mata ko para hanapin si Dwight pero wala ito roon.

"Umalis muna si Dwight dahil may importanteng pinuntahan." sabi nito. Napansin siguro nito ang paglibot ng paningin ko. Tumungo na ako sa counter at lihim kong tinitingnan ito.

Naapektohan ako sa sinabi ni ate Lauren kanina. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit napaka-playboy nito. Siguro gusto lang nitong ibsan ang sakit sa puso nito sa pamamagitan ng pakikipaglaro sa mga babae. Siguro para rito lahat ng mga babae hindi mapagkatitiwalaan dahil sa ginawa ng ina nito sa kanila.

"Why do you keep on staring? Hindi kita type kaya 'wag kang mangarap na magugus---"

"Excuse me sir, babae ang gusto ko kaya 'wag din kayong mangarap kahit ikaw pa ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo dahil hindi kita papatusin." agaw ko sa sasabihin nito.

Napangiwi ako dahil hindi ko plinanong sabihin iyon. Wala na kasi akong makuhang dahilan. Bigla namang kumunot ang noo nito dahil sa sinabi ko.

Unti-unti itong lumapit sa akin na parang hindi makapaniwala sa narinig. Bigla akong natakot sa mukha nito dahil may nababakas akong galit doon. Napaatras ako at napasandal sa malamig na pader. Unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko ito magawang itulak. Pakiramdam ko bigla akong namaligno sa ginawa nito.

"So how can you explain to me, what happened 3 years ago when I saw you passionately kissing a man?" magkasalubong ang kilay na tanong nito.

Ramdam ko ang galit sa boses nito. Hindi ako nakasagot dahil bigla nitong siniil ng halik ang labi ko. Puno ng pagpaparusa ang halik na iyon. Walang pagmamahal at walang paggalang puno ng galit.

Napaiyak ako dahil hindi iyon ang 'first kiss' na pinangarap ko. Ramdam ko ang pamamaga ng labi ko at ang mahigpit na paghawak nito sa braso ko habang ang isang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa batok ko para hindi ako makawala sa mga halik nito.