Dylan's P.O.V.
I know naiinis kayo sa ugali ko pero may dahilan kong bakit ako galit kay Yesha. Alam kong wala itong kasalanan pero hindi ko alam kong bakit ganito katindi ang galit ko rito.
Nagsimula akong magalit sa mga babaeng boyish kumilos at manumit, nang iwan kami ni mommy para sa ibang lalaki 12 years ago. Si mommy ang klase ng taong parang siga rin kumilos tulad nito dahil na rin siguro isa rin itong agent. Simula no'n naiinis na ako sa mga gano'ng babae. 'Yong akala mo napakadesenting tao pero mas malandi pa pala sa ibang babae. That was the reason kung bakit ako nananakit ng damdamin ng isang babae dahil gusto kong maramdaman ng mga ito ang sakit na na sa loob ko. Si mommy kasi ang mas close ko kay sa kay daddy kaya ng umalis ito mas ako ang higit na naapektohan.
Dagdag pa nito ang isang pangyayari 3 years ago.
Flashback...
Kaa-upload ko lang ng blog ko sa youtube tungkol sa gummy bear challenge ng may biglang nagfollow sa akin sa facebook. Bigla akong nagkaintriga sa profile picture nito dahil napakaganda nito. Yesha Dhel ang name nito. Agad kung ini-stalk ang fb account nito at nalaman kong schoolmate pala kami.
Unang beses iyon na hindi ako nagalit sa isang babae na may pagka-boyish manamit.
Kinabukasan nakasalubong ko ito sa hallway kaya pasimple ko itong binangga para mapansin ako nito. Napangiting ipinagpatuloy ko ang paglalakad.
Ilang beses ko ring napapansing sumusunod ito lagi sa akin. Kaya mas pinag-iigihan ko ang paglalaro ng basketball dahil alam kong nanonood ito. Pero mayro'n akong bagay na pinagtakhan. Hindi ko kayang basahin ang iniisip nito.
Until one day, excited ako ng araw na iyon dahil balak ko ng makipagkilala rito. Pumunta muna ako sa garden dahil balak kong humugot muna ng lakas ng loob bago makipagkita rito. Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan pero iyon ang nararamdaman ko tuwing alam kong malapit lang ito sa akin.
Napansin kong parang may tao sa garden maliban sa akin. Nagmasid ako sa paligid nang mapansin ko ang dalawang taong naghahalikan sa ilalim ng isang puno. Nakasandal ang babae sa katawan ng puno habang ang lalaki ay todo sa pagsakop sa labi nito. Hindi ako napansin ng mga iyon dahil patuloy lang ito sa ginagawa. Tatalikod sana ako para umalis nang mamukhaan ko ang babae.
Si Yesha iyon. Iyon ang unang beses na nabasa ko rin ang iniisip nito.
Flirting...
Iyon ang laman ng isip nito.
Puno ng galit ang puso ko na nilisan ang lugar na iyon. Nasira ang kaunting tiwala ko sa isang babae nang dahil doon dahil ang akala ko iba ito sa lahat pero tulad lang din pala ito ng iba.
Simula ng araw na iyon iniwasan ko na ito. Hindi ko na rin ito pinapansin kahit nagkasasalubong kami sa raan. Nang makita ko ito sa bar ng gabing iyon. Hindi ko agad ito nakilala dahil medyo malayo at madilim sa bahagi kung saan ito nakatayo. Naalala ko lang ito ulit dahil tanging ito lang ang babaeng hindi ko kayang basahin. Kaya kung maaari lang ayaw kong lumapit ulit ito sa akin dahil galit ako rito.
"Shut your mouth."
Ang boses ni Dwight ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Mas lalo akong nagalit dito dahil mas napalapit ito sa mga kasamahan kong lalaki. At naiinis ako dahil hindi ko man lang mabasa ang iniisip nito.