πππ
______________
"Coco malapit na tayong bumaba. Gumising ka na anak."
Napabalingkwas ako sa aking kinauupuan dahil sa taong tumatapik sa pisnge ko. Ang huli kong naaalala ay nagddrive ako sa kotse at... Nanlaki ang mata ko ng maalala kong muntik na pala akong mabunggo.
Nang mapagtanto kong buhay pako ay tumingin ako sa katabi ko.
Mama!? teka paano? bakit?
"Ma bakit ka nandito? Akala ko ba?"
Hindi ko maexplain ang nasa isip ko ngayon. Matagal na simula nung mawala sila. Impossible na nasa harapan ko siya ngayon!
"Patay na ba ako?!" naguguluhang tanong ko kay mama. Napaisip ako kung buhay pa ba ako ngayon dahil kasama ko si mama. Nakasimangot siya sakin ngayon at halatang naguguluhan din sa inaasta ko.
"Ano bang nangyayari sayong bata ka? Anong patay patay? Papunta tayong Quezon City ngayon diba dahil yon ang request mo samin. Aba'y sabi mo doon mo gustong mag high school."
Tinitigan ko ng mabuti si mama. Hindi parin nagbabago ang itsura niya. Kahit nalilito ako ngayon ay nagawa kong kurotin ang sarili ko para macheck kung nananaginip lang ba ako o kung patay na ba ako. Hindi pwedeng buhay pa si mama. 5 taon narin simula ng mawala sila. Kaya napaka imposible na kasa kasama ko ngayon si mama. Nang kurotin ko ng patago ang sarili ko ay nakaramdam ako ng sakit. Inulit ko pa ng inulit pero may nararamdaman parin ako.
Nasasaktan ako? Ibig sabihin hindi to panaginip. Ano ba kasing nangyayari sakin!!
Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng bahay ni lola. Bumaba na si mama sa sasakyan at sinabihan akong sumunod narin ako. Tanaw ko mula sa kotse ang hindi pa na renovate sa bahay nila lola. Sa unang kita mo ay parang maliit ang bahay dahil sa kalumaan nito. Natatangi din itong luma dahil ang mga katabi nitong bahay ay bago na at sumasabay sa modernisasyon.
Habang naka tulala sa labas ng bahay ni lola ay saka lamang nag sink in sa utak ko lahat ng nangyayari. Unang una ay hindi ako nananaginip dahil nasasaktan ako. Pangalawa ay hindi pako patay dahil nakatayo ako sa labas ng bahay na kama-kailan ko lang nirenovate. At higit sa lahat nangyari na to sakin. Hinding hindi ko makakalimutan tong araw na to.
"Coco wag kang tumunganga diyan aba. Tulungan moko sa pagbubuhat sa gamit mo." sigaw ni mama sakin habang buhat buhat ang isang maleta at bag na puno ng mga gamit ko.
Sinunod ko si mama at kinuha na mula sa likod ng sasakyan ang ilan pang gamit na naiwan ko. Habang papasok sa bahay ay tila nag flashback lahat ang mga ala ala sakin.. Mga panahon na kumpleto pa kami. Sinalubong kami ni lola kasama ni Alliyah. Pinsan ko siya sa side ni papa.
"Aalis ka na agad Missy? Naghanda pa naman ako ng makakain natin." malungkot sa sabi ni lola.
"Hindi na po ma dinaan ko lang po yung mga gamit si Coco. Saka may problema din po sa factory kaya dun na po diretso ko. Mag bbaon nalang po ako para samin ng Carlo."
Binalutan nalang ni lola ng pagkain si mama at nag madali na itong umalis. Yumakap pa siya ng mahigpit sakin na siyang miss na miss ko na. Hindi ko inakala na darating uli ang araw na mararamdaman ko uli yon.
Pagkatapos naming mag gabihan ay inihatid na ako ni lola sa magiging kwarto ko. Naalala kong magkatabi lang kami ni Alliyah ng kwarto. Tahimik kong pinagmasdan ang kwartong ito. Unti unting nagssink in sakin lahat.
Kung hindi ako nananaginip.. ibig sabihin totoo lahat nang to.
Nilibot ko ang buong kwarto at kamukhang kamukha ito ng kwarto ko nung una ko itong dinatnan sa bahay. Habang iniikot ko ang aking kwarto ay naisipan kong tignan ang petsa ngayon.
May 20 2016
Teka.. bakit pamilyar tong date na to. Alam ko to ah.
Inisip kong mabuti.. 14 years ago. Ano bang nangyari 14 years ago... Binalikan ko lahat ng ala alang kaya kong baliktan ng mapagtanto kong iyon ang mga ala alang matagal ko ng gustong makalimutan.
SH*T
Malapit na ang first day ng pagiging highschool ko!
Maya maya pa ay hindi ko namalayan na hinimatay na pala ako.
Nagising nalang ako na may nakalagay ng bimpo sa ulo ko. Nakapalibot rin sakin si Alliyah at lola Mercidita. Bakas sa mukha nila ang labis na pagaalala kaya sinubukan kong bumangon kahit nanghihina ako. Pinilit ko paring umupo ng maayos.
"Wag ka munang maglililikot apo. Masyado ka atang napagod sa biyahe niyo. Naabutan ka namin ng pinsan mong walang malay matapos kaming makarinig ng malakas na lagabog. Nilalagnat ka rin ngayon iha kaya mas mabuti nang magpahinga ka nalang. Sana ay gumaling ka agad dahil sa susunod na araw na ang first day niyo. Hindi magandang sa unang araw ng pasukan ay wala ka."
Yan lang ang huli ko narinig na sinabi ni lola Mercy dahil sa pangalawang pagkakataon ay hinimatay uli ako.
ππππππ
@SEIRUS