Chereads / Above your time / Chapter 5 - FOUR

Chapter 5 - FOUR

πŸ•πŸ•πŸ•

June 6, 2016

___________

Tatlong araw narin ang nakalipas simula ng magising ako at bigla nalang akong napadpad pabalik sa nakaraan. Well hindi naman nakaraang nakaraan sabihin na nating napadpad ako sa ala ala ko 14 years ago. Ilang araw din bago ko marealize na hindi ako nananaginip at totoo lahat ng ito. Tatlong araw narin akong naghahanap ng paraan para maka alis at makabalik sa future kung saan naman talaga ako nararapat.

Sinubukan kong sabihin kay Alliyah na ako si Cosette Meisy na galing sa future pero nagmukha lang akong sinungaling sa kanya. Bakit nga ba ako paniniwalaan ng pinsan kong 12 years old din diba.

Sino ba naman kasing maniniwala sa 12 years old na Cosette. Ni hindi ka pa nga teenager ngayon tas sasabihin mong 25 years old ka na nasa katawan ng 12 years old na ikaw? Panggugulo ng utak ko. Naistress ako lalo nang maalala kong ang dami ko pa palang trabahong naiwan sa companya. Sana naman may maka isip na imanage muna yon ng maayos habang wala ako.

Ngayon ang unang araw ng pasukan namin at tandang tanda ko parin lahat hanggang ngayon. Kinakabahan ako ngunit hindi mawawala ang excitement at sakit na ngayon ko nalang uli naramdaman. Ito ang araw na una ko siyang nakilala. Ang araw na hindi ko inaakalang magkakaroon ng malaking impact sa future ko. Kung dati ay sa panaginip lang ito nagpapaulit ulit sa utak ko ngayon ay nasa mismong panahon ako ng unang pagkikita namin. Hindi ko masabi kung masaya ba ako o hindi ngayong makikita ko nanaman uli siya.

Nasa loob nako ng classroom ng magsi-datingan ang mga magiging kaklase ko. Malapit ng mag time ng dumating siya na para sakin ay nakakapanibago dahil hindi naman ganon ang nangyari non. Tahimik lng ako sa buong klase at nakikiramdam kung may mangyayari pa bang kakaiba. May mga pamilyar paring mukha sakin hanggang ngayon. Ang iba naman ay hindi ko na maalala ngunit namumukhaan ko na lamang.

Napako ang tingin ko sa isang taong hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Kagaya dati ay ganon parin siya ang istura niya. Sa unang tingin ay akala mo na siya yung tipo ng estudyante na nerd, mahiyain, seryoso sa pagaaral at hindi makabasag pinggan. Yung tipong lapitin ng bully.

Natapos ang buong araw nang hindi kami naguusap. Pauwi ako nang makita ko siyang magisa na nagaantay ng jeep. Walking distance lang ang bahay ko sa school dahilan para hindi nako mahirapan parang mamasahe.

Lumipas ang ilang araw at napapansin kong hindi parin niya ako pinapansin. Napag isipan kong hindi nalang siya pansinin gaya ng ginagawa ko dati nang mabago ko ang tadhana namin. Siya yung taong huli kong gustong makasama sa buhay ko.

"Yung panyo mo nalaglag."

"Ay kabayong ina ka."

Halos malaglag ang puso ko sa gulat ng kausapin niya ako. Napansin kong kaming dalawa lang ang nasa loob ng classroom dahil kasalukuyang nagrrecess ang mga kaklase namin. Inabot niya sakin yon at sa pagaakala kong hindi na niya ako kakausapin uli doon pala ako nagkakamali.

"Alam mo sa lahat ng naging kaklase natin ikaw yung ubod ng sungit."

"Pake mo?" pabalang kong sagot.

"May lahi ka ba?"

"Oo Fil-Am ako." poker face kong sagot sa kanya.

"Talaga?! Sabi ko na may lahi ka eh."

Hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ng sumabat uli ako. "Half Filipino, Half amputa."

"Nak ng pucha HAHAHAHA."

Akala ko ay titigilan na niya ako ngunit bigla niya nalang hinawakan ang pisnge ko gamit ang dalawa niyang kamay habang nakangiti.

"Oy oy oy anong gagaawin mo ha. Marunong ako manapak hindi porke babae ako eh pede mo na gawin yan sakin." Kasabay ng paglapit ng mukha niya sa mukha ko ay ang siyang pagpula ng buong pisnge ko.

Tanginang lalake to ano kayang iniisip niya ngayon. Hindi ko siya mabasa. Hindi niya naman to ginawa dati. Bakit ganon ano bang nangyayari ngayon.Naguguluhan ako.

Nilabanan ko ang tingin niya sakin habang ganon parin ang pwesto namin. Aba hinding hindi nako magpapatalo sa kanya noh. Tinitigan niya lang ako hanggang sa maramdaman ko nalang na nakayakap na siya sakin ngayon.

May binubulong siya ngayon sakin ngunit hindi ko to maintindihan dahil ang naririnig ko nalang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Oy Rion hokage ka kay coco ah. Kayong dalawa nawala lang kami nagkamabutihan na agad kayo."

Hindi ko napansin na kanina pa pala kami pinagtitinginan ng mga kaklase namin. Sa gulat ko ay walang pagaalinlangan ko siyang tinulak. Bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko. Ang mga kaklase naman namin ay ngising ngisi sa kanilang nasaksihan.

Walanghiya. Ano bang nangyayari sakin?! T*ng*n* kang lalake ka.

Dali dali akong lumabas ng classroom habang hinahabol ko ang aking hininga. Ayaw parin humupa ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung tama pa bang nandito pa ako ngayon.

πŸ•πŸ•πŸ•πŸ•πŸ•πŸ•

@SEIRUS