Chereads / Above your time / Chapter 7 - SIX

Chapter 7 - SIX

🕐🕐🕐

­­­___________

Marami rami na ang nag bibigay ng anonymous letter. Sa katunayan ay ang booth namin ang may pinaka maraming customer. Iba iba ang mga letter na natatanggap namin habang tumatagal. May mga nakakatawang confessions, meron ding nakakakilabot gaya ng mga nauna. Merong nakakakilig, merong hindi maipaliwanag at halos lahat naman ay kalokohan lang.

Eto ang ilan sa mga anonymous letter na nakakuha ng atensyon ko at ng mga tao.

"Ang sumunod ay galing kay The girl from knowhere. Year 2025, ang taon kung saan maging Presidente ng Pilipinas si Senator Bong Revilla. Magtatagal lamang ang kanyang panunungkulan sa loob ng tatlong buwan."

Nagkataong si Miel ang nagbasa ng sulat kaya labis nalang ang gigil niya habang binabasa to.

"Ang sulat ay galing kay FairyGodPangett. Ang pilipinas ay mababaon sa napakalaking pagkaka utang pagdating ng panahong 2024."

"Ito ay galing kay SanaAllBuntis. May mabubuntis mula sa batch ng first year ngayon 4 years from now."

"Ang sender ng sulat ay si Ghost2keta. Maraming hindi naniniwala na nakakakita ako ng multo. Ang nakakatawa lang sa mga sinasabihan ko, ayaw pa nilang paniwalaan kahit na katabi na mismo nila yung nakikita ko."

Masayang natapos ang unang araw ng booth namin. Ang mga hindi nabasa ay nakatokang page namin sa booth namin. Balak di naman namin itong burahin dahil isang linggo lang din naman ang itatagal ng booth namin. Day 2 na ngayon at ng booth namin. Hindi na kami nagulat sa dami ng mga gusto bumili at magsend ng kani kanilang anonymous letter. Hindi naman masasabi na totoo lahat ng nassend saming letter dahil pati kami ay hindi rin kilala kung sino ba ang nag sulat nito.

Naging maganda ang program namin ngayon. Puro nakaka intrigang confession ang aming binasa. Maraming nagtatanong kung may balak daw ba kaming ituloy tuloy to. Marami ring ibang booth na naiinggit samin pero mas marami ang supportado samin.

Naisipan ko munang magpahinga dahil simula 9 ng umaga ay nagaannounce na kami. 12 narin ng hapon at hindi parin ako nanananghalian. Habang naghahanap ay may may lumapit sakin sabay abot ng isang paper bag.

"Oy oy!"

Akmang hahabulin ko na ang bata ng mapansin kong mabilis itong nawala. Langya daig pa ng batang to ang ex ni Pearl sa bilis niyang mawala. Sa tingin ko ay kabatch ko lng din siya. So inaamin mo na bata ka na din? Pang gugulo ng utak ko. Napa iling nalang ako sa mga naiisip ko. Hindi dapat ako nageenjoy ngayon eh. Ang ginagawa ko dapat ay naghahanap ng paraan para makabalik sa kasalukuyan.

Paano ka naman babalik aber kung wala ka ngang idea kung paano ka napunta dito.

Naisipan kong tignan ang laman ng hawak ko ngayong paper bag. Hindi ko pa nakikita ay batid ko agad na Jollibee ang laman nito. Hindi nga ako nagkamali dahil pag labas ko ay bumungad sakin ang Chicken joy ng Jollibee na may kasamang shanghai at spag. Meron din itong kasamang kasamang strawberry sundae at bottled water. Alam mong kakabili palang neto dahil hindi pa tunaw ang ice cream.

Kapag wala pang kumuha neto hindi ko na pipigilan ang sarili kong kainin to. Langya kasing bata to eh. Wag na wag niynang hahanapin sakin to.

Biglang humangin ng malakas dailan para maamoy ko pa ang nanunuksong amoy ng chicken joy.

Diyos ko alam ko pong mali to pero hindi parin ako nakain. Patawarin niyo ko Lord.

Walang pagaalinlangan akong pumunta sa hindi masyadong nagagamit na hagdan dito sa buong campus na hindi naman nalalayo sa building namin. Sinimulan ko ng kainin ang pagkain na hulog ng langit sakin ngayon. Ni hindi pumasok sa isip ko habang kumakain na out of knowhere lang itong sumulpot sa harapan ko.

"Sarap ng kain natin diyan ah. Baboy kung baboy."

Muntik ko ng mabuga akong kinakain ko ng tabihan ako ni Rion. Sa boses palang kahit di ko siya tignan ay alam ko na agad na siya yon.

"Alam mo trip na trip mo talaga ako eh noh. Hindi ka naman ganyan dati ah."

*HUK*

Huli na para mabawi ko ang sinabi ko. Pagka sabi ko ay narealize ko agad na hindi magandang move ang sinabi ko. Dahil sa kaba ay nalunok ko bigla ang isang buong piraso ng shanghai dahilan para mabulunan ako. Dala ng gulat ay wala sa sarili niyang binigay ang water bottle niya na may lagpas kalahati pang katawan.

Langya Cosette Meisy anong k*t*ng*h*n nanaman tong pinasok mo Meisy.

Ubos na ang tubig ko kaya no choice. PIkit mata kong nilaklak ang tubigan na iniabot sakin ni Rion. Langyang kahihiyan to sa susunod ko na to pproblemahin. Ang problema ko ngayon ay kung mabubuhay pa ba ako.

Habang hirap kong nilalaklak ang tubig ay hinahagod din ni Rion ang likod ko upang tulungan akong mapababa ang nakabarang paring piraso ko shanghai sa aking lalamunan.

PINAPANGAKO KO SA SARILI KONG HINDI NA AKO ULI KAKAIN NG SHANGHAI!! LANGYA!

🕐🕐🕐

@SEIRUS