Chereads / Above your time / Chapter 8 - SEVEN

Chapter 8 - SEVEN

🕐🕐🕐

__________

"What's up mga bob*?" magandang bungad ni Miel samin.

Naghahanda na kami sa pagbukas ng booth mamayang alas ocho. Mas maaga ang bukas ng mga booth ngayon dahil last day ng program. Kanya kanya kaming ayos at linis. Naisipan nilang doblehin ang milk tea na gagawin ngayong araw dahil paniguradong bubuhos ang mga customer ngayon pang last day narin ng pagiging chismosa nila.

Noong thursday kasi wala pang alas kwatro ay ubos na ang paninda namin. Ang ending tuloy ay nag kanya kanya nalang kaming gala non sa loob ng campus at try sa ibang booth dahil wala narin kaming gagawin. Masaya naman kami dahil natry din namin ang booth ng iba. Kaya naisipan naming doblehin ang mga paninda namin sa huling araw ng program.

"Ilang minuto nalang ay mag sisimula na tayo!" paalala ni Mika sa lahat.

"Yes maam." biro namin sa kanya habang naka saludo.

Di nagtagal ay nagbukas na at booth namin. Dobleng customer ang pumunta na siya namang inexpect na namin. Hindi talaga namin inaasahan na sobrang dami ang tatangkilik sa booth namin nung una palang. Maraming nag confess na kung pwede daw bang ituloy tuloy na lang daw namin tong pakulo. Meron pang nagsasabi na hindi daw nila to makakalimutan sa buong buhay nila.

Eto ang confession noong thursday na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Parang normal na araw lang saming apat ang araw na yon. Kakatapos ko lang basahin ang sana'y last anonymous letter para sa araw na yon. Nagulat nalang kami ng biglang lumitaw sa tabi namin si Rion kasama si Sir Eli na may hawak na papel. Si Sir Elijah ang science teacher namin na ubod ng gwapo. Sinabihan niya kami na basahin ng normal kung sino ang nagpadala ng sulat at siya na ang bahalang magsabi kung anong mensahe nito. Si Rion ang magsasabi sa amin kung babasahin na ba namin ang sender ng sulat.

Habang nagaantay ay pinatugtog ko ang paborito kong version ng Can't help falling inlove ni Haley Reinhart na sinabayan ng maraming kapwa ko estudyante.

Wise men say

only fools rush in.

But I can't help

falling inlove with you.

Oh shall I stay

would it be a sin.

Oh if I can't help

falling inlove with you.

Malapit ng mag chorus ng tapikin kami ni Rion. Hininaan namin ng onti ang tugtog dahilan para maging back ground music ito.

Like a river flows

surley to the sea.

Darling so it goes

somethings are meant to be.

"Ang last but definitely not the least na anonymous letter para sa araw na ito ay galing kay Truly, Madly, Deeply In Lab."

Habang sinasabi namin yon ay nakita namin si Sir Eli kasama si Maam Claire sa stage. Bakas sa mukha ni Maam Claire ang pagtataka nang biglang lumuhod sa harap niya si Sir Eli. Hawak neto sa isang kamay ang mic na hindi namin alam kung saan galing habang hawak ng isa niyang kamay ang kamay ni Maam Claire.

Take my hand

take my whole life too.

For I can't help

falling inlove with you.

"Kristen Claire Vega can you be a Montefalco forever baby? Will you marry me?"

Napasinghap kaming lahat ng magsalita si Sir Eli. Ito na yata ang pinaka nakaka kilig na scenario na nasaksihan ko sa buong buhay ko. Pagkatapos niyang sabihin yon ay binigay niya kay Maam Claire ang hawak niyang mic at naglabas ng singsing na nasa bulsa niya. Nagpplay parin ang back ground music dahilan para mas maging romantic ang mga oras na yon. Idagdag mo pa ang mga estudyanteng nagmistulang choir dahil sa pagsunod nila sa kanta.

"Yes Elijah, I will marry you." Umiiyak na sagot ni Maam Claire. Hindi ko namalayan na napaluha narin ako sa nasaksihan ko.

10 years from now ako ang gumawa ng bahay nila. Hindi ko din inaakala na sakin nila pinagka tiwala ang pangarap nilang bahay.

"Oy wag muna daw kayong umuwi agad. Manlilibre daw si Sir Andy sa mang inasal dahil maayos ang naging resulta ng booth natin.

Todo kayod ang lahat kanina ng makarinig ng libre. Walang gustong magpahinga dahil naka salalay dito ang pa mang inasal ni Sir Andy. 38 lang naman kami sa klase kaya hindi narin masama. Ang kalahati ay sagot niya habang ang kalahati ay manggagaling sa naipon ng booth namin kaya walang gustong magpaawat.

Inaayos na namin ang classrom dahil sa wakas ay tapos narin ang program. Nag closing of booths narin dahilan para madaming malungkot. Ginawaran din kami ng award bilang pinaka sikat na booth. Hindi namin inaasahan na may kasama din itong cash prize na 5k kaya tuwang tuwa ang lahat dahil hindi na namin kailangan kumuha ng pera mula sa naipon ng section namin. Balak kasi naming sumama sa out reach program na gaganapin next week. Ang naipon ng section namin ang gagamitin namin sa pang donate dahil sagot naman ng school ang transpo ng mga gustong sumama.

"Oy lakarin nalang natin papuntang Sm hindi rin naman kasya lahat sa jeep eh." suggestion ng isa naming kaklase na sinangayunan naman ng lahat.

🕐🕐🕐

@SEIRUS