Chereads / A ONE DAY LOVE STORY / Chapter 7 - CHAPTER 6

Chapter 7 - CHAPTER 6

Nick's POV.

"Ah sir. hindi pa po kayo nagbabayad." Pinipilit kong lumabas but he don't want to let me. "kuya saglit lang!" I look to his face, pleasing and begging to let go of me. "sir. lumang mudos napo yan."

Nainis nako nilabas ko ang wallet ko at inilabas lahat ng pera meron dun at hinagis sa harap niya kasama ng wallet ko. Tiyaka niya lang ako pinalabas, tumakbo ako kung san siya pumunta I see a lot of people but not the one I was looking for.

I can feel the frustration in my face. Kanina ko pa iniikot ang paningin ko, but I can't find her. Medyo malayo narin to sa resto. kakatakbo at kakalakad just to find her pero wala hindi ko parin siya makita. "Shit.." mura ko sa sobrang inis.

Hindi ko namalayang nahawakan ko ang dibdib ko and my heart is beating so fast what's the matter? nabangga ako ng babae. "sorry she said." I just nod and didn't mind her.

Mas inisip ko kung bakit ganto kalakas ang tibok ng puso ko. Ilang minuto ang nakalipas. I ended up going back to the restaurant and try to eat again.

Lumapit sakin ang guard at inabot ang wallet ko. "ah sir. sorry po kanina." I look at him gusto ko siyang sapakin at saktan ng dahil sa kanya hindi ko siya nahabol. Gusto kong manakit ng tao pero hindi ko magawa I get my wallet from him. "thank you."

Kim's POV.

Mga ilang oras na akong naglalakad, pabalik sa apartment ko. Ewan ko, sabi ko ayaw ko ng bumalik dun pero sinasabayan ko lang ang mga paa ko papunta sa lugar namin.

Siguro nakaramdam ng pagod tong mga paang to. Nang maka rating ako pumasok ako sa kwarto ko, at nahiga sa kama. Nakaramdam ako ng hapdi sa paa ko, tiningnan ko nagka kalyo nako kakalakad.

Mga ilang minuto lang akong nakahiga at nakatingin sa taas. Kumulo ang tiyan ko, hindi pa pala ako nakakain simula kanina. Tumayo ako at naghanap ng makakain sa palagid. Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto.

May nakita akong dalawang piraso ng biscuit sa lamesa kinuha ko at kinain, may kumatok ng kwarto ko. Bumilis ang tibok ng puso ko alam ko naman kung sino to. Mga ilang segundo ko pang hindi binuksan ang pinto.

Baka sakaling maka isip ako ng dahilan kung bakit hindi pako nakakabayad sa kwartong to. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nakita ko si auntie na naka pamewang at alam kong galit na galit na siya.

"Hoy! Kim ano? hindi ka pa rin mag babayad?" pumasok si auntie sa kwarto ko. "A-ah auntie wala pa po kasi akong pera." lumapit siya sakin at sinampal ako. "hoy! Kim ikaw ha! pang ilang buwan na to ikaw babae ka puro ka kasi landi!" paulit ulit niyang dinutdot ang noo ko gamit ang hintuturong daliri niya.

Nagsisimula na naman ang mga luha sa mata ko. Hinawakan niya ang baba ko gamit ang kamay niya at hinarap sa kanya. "ano? Umiiyak ka na naman? Hoy! Hindi na epektib yan! Kahit ano pang gawin mo!" pumapatak na talaga ang mga luha ko.

Hindi ko na napigilan dahil sa sobrang sakit ng paghawak niya sa baba ko. "kahit kamag anak kita hindi kita kukunsintihin tandaan mo yan! Wala kang pangbayad?"

"W-wala po." umiling ako pinilit kong magsalita. "pwes! Umalis kana dito!" itinulak niya ako na ikinatumba ko sa harap ng drawer.

"Umalis kana! may nahanap nakong kukuha ng kwartong to, alis!" dahan-dahan akong tumayo. "ang bagal!" kinaladkad ako ni auntie palabas ng apartment at itinulak sa labas.

Natumba ako mismo sa may putikan. "wag kanang babalik pa dito!! Oh ayan ang mga damit mo!" hinagis niya sakin lahat ng gamit ko. "oh ito pa!" walang pumipigil sa mga luha kong patuloy na umaagos.

"Asan na nga pala ang kwentas na bigay ng nanay mo?" tiningnan ko si auntie na nag sisindi ng sigarilyo. hinawakan ko ang kwentas na suot ko. Lumapit siya sakin at kinuha mula sa leeg ko ang kwentas.

"Ah! auntie wag! wag yan auntie para munang awa wag yan!" wala nakong pakialam sa mga nanonood samin. Hindi nako nagdalawang isip pa na lumuhod sa harap niya at nagmama kaawang ibalik ang kwentas ng nanay ko.

Iyak lang ako ng iyak habang nakaluhod sa harap niya. "auntie! Please naman oh yan nalang ang meron ako eh." tinitingala ko siya mula sa baba. "anong yan nalang ang meron ako eh pano mga utang mo? Ano sino magbabayad nun?"

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang lalaking yun pero please tulungan moko. Tumingin ako sa paligid mga tao lang na nanunuod samin ang nakikita ko.

"Ano ba nadudumihan ang paa ko!" sinipa niya ako. Kinikiskis ko ang dalawang palad ko sa harap niya at nagmamakawa. "auntie please kahit yan lang." isinara niya ng malakas ang pinto.

Wala nakong nagawa kundi umiyak nalang ng umiyak sa harap ng maraming tao habang hawak ko ang mukha ko at nakayuko. "ineng okay kalang?" tiningnan ko si aling melisa. Na nagtitinda ng mga isda sa kabilang bahay.

Niyakap niya ako mas lalo akong umiiyak ng umiyak sa kanya niyakap ko siya ng sobrang higpit. "ineng gusto mo sa tindahan ko nalang ikaw tumuloy?"