Kim's POV.
Alam kong nainis siya sa sinabi pag katapos niya akong sabunutan. "Bea please akin na ang kwentas ng mama ko." pagmamakaawa ko lahat ng tao dito nakatingin lang samin.
Sinampal niya ako uli. "anong kwentas ng nanay mo? Akin to!" napaluha nako sa sakit ng sampal niya ready nako sa sampal niya uli pero may pumigil.
Nakita kong pinigil siya ng isang naka spiderman costume. "hey, that's too much." tumingin siya sakin, binitawan niya ang kamay ni Bea at hinawakan ang kamay ko at paalis na ng party.
Pero bigla siyang tumigil at binalikan si Bea nagulat ako sa ginawa niya hinila niya ng sapilitan ang kwentas at naglakad hinawakan niya uli ako at tuluyan ng umalis sa lugar.
--
Naglalakad kami hawak niya ang braso ko hindi ko alam kung san kami pupunta pero hinahayaan kolang siyang dalhin ako kung saan. Nakaramdam ako ng komportable sa kanya na hindi ko rin maintindihan. Ewan koba bakit nararamdaman ko ngayon na parang ang babait ng tao tapos napaka komportable ko sa kanila katulad ni Nick kanina.
Dinala niya ako sa isang park binitawan niya ang kamay ko at umupo siya sa duyan. Umupo ako sa kabila ng walang imik. "salamat." sabi ko tumingin siya sakin.
Nilapit niya ang kamay niya at binuka ang palad niya, ang kwentas ni mama merong luhang pumatak sa mata ko. Kukunin ko na sana pero iniwas niya ang kamay niya. Pumunta siya sa likod ko at ikinabit ang kwentas sa leeg ko.
Hinawakan ko ito at napaiyak nalang hindi ko alam pero nabanggit ko ang mama ko. "ma." pumunta yung naka costume sa harap ko lumuhod at pinunasan ang luha ko. He wiped my tears away na parang si Nick.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakaharang sa mukha niya. "Nick!" nagulat ako at niyakap ko siya agad, hindi ko inakala na siya to niyakap niya rin ako.
Ewan ko pero bakit umiiyak parin ako. Tiningnan niya ako. "hey, it's ok I'm here."
Nick's POV.
Pinunasan ko uli sa pangalawang pagkakataon ang mga luha niya. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon pero sobrang tuwa ng puso ko.
I kissed her in the lips. Noong una she didn't response pero nang lumaon ay natutunan niya akong bigyan ng saya na hindi kopa nararanasan. She responsed.
--
I can't believe this is happening, I see her eating nasa soccer field kami ngayon after kong marinig ang tiyan niyang kumulo. Umalis kami sa park at bumili ng makakain at pumunta dito.
"Dahan-dahan." I said. She just look at me at patuloy parin sa pagkain. Tumingin ako sa paligid buti nalang wala masiyadong tao gabi narin kaya siguro.
Nasa gitna kami ng field at makaupo sa damuhan ang ganda ng atmosphere namin dito. Patuloy parin siya sa pagkain siguro kanina pato walang kain.
--
Halos isang oras na ang nakalipas nakahiga lang kaming pareho at nakatingin sa langit I'm holding her hand. Wala kaming kibuang dalawa, not even a glance to each other.
Kanina ko pang gustong magtanong pero pinipigilan ko baka masaktan ko siya at mawala na naman siya sa mood. Pero sa hindi inaasahan siya na mismo ang nagkusa.
"Alam mo ba kung gaano kahalaga sakin ang kwentas nato?" umiiling ako. "sobrang halaga, ito lang kasi ang meron ako. Ito nalang naiwan sakin hindi lang ng nanay ko kundi pati rin ng pamilya ko." ramdam kong merong sakit sa bawat salita na binibitawan niya.
"Saan naba ang pamilya mo?" hindi ko napigilang magtanong. "wala na silang lahat, silang lahay." Merong diin ang pananalita niya, doon ko naramdaman at naintindihan kung bakit siguro siya ganun kung umiyak.
"Ang nanay ko nagpakamatay tinali ang sarili niya sa lubid dahil hindi na niya kinaya ang buhay, ang kapatid ko naman ayun sumunod sa nanay ko tumalon sa mataas na building sa mismong hospital kung saan namatay si mama. Hindi niya sigurong kayang mabuhay kung wala ang nanay namin. si papa naman pinatay ng adik sa harap ko."
Nagulat ako sa bawat pagkwento ng buhay niya sakin. Grabe ang trahedya sa nangyari sa buhay niya. Nanginginig ang boses niya habang nagsasalita. Hindi ko inaasahan na ganto pala ang nangyari sa kanya.
"Tumira ako sa auntie ko at yung babae kanina pinsan ko yun. Pero mas lalong naging mailap sakin ang buhay dun ako pinarusahan sa mga bagay na hindi ko ginagawa. Sa araw-araw na ginawa ng diyos hindi ako kasama sa mga binibiyayan niya ng magandang buhay. Hindi ko naman siya sinisisi pero nagtatanong na bakit? Bakit ako pa?"
I just hug her, ito lang ang kaya kong gawin sa kanya nagsimula na siyang humikbi at umiyak ng umiyak. pinipilit niyang magsalita. "hirap kaming magkasundo ng buhay, hindi ako para dito." Tiningnan ko siya, ano ang ibig niyang sabihin?
--
Mga ilang oras pa kami nagkwentuhan pero ngayon hindi na masamang mga alaala kundi yung masasaya na. Hindi man sapat para mapatawa ko siya sa mga biro ko o napagdaanan ko pero sana mabawasan manlang.
May nakita akong wishing star ngumiti ako at tumingin sa kanya kahit ulo niya lang ang nakikita ko. "anong wish mo?" tanong ko. "hindi nako hihiling pa."
Hindi ko na siya napilit pa, ako nalang ang nagsalita hindi ko na tinago pa. "Kim hindi ko alam kung kailan nagsimula pero alam kong gusto kita o baka nga mahal na kita sa maikling oras na magkasama tayo." ngumiti siya.
Mga ilang segundo pa siyang hindi sumagot. "sorry gustuhin ko man hindi rin pwede." nagulat ako sa sinabi niya.
"Kaya pala mag mahal ng tao kahit sa maikling oras no? gustuhin ko mang sabihin na mahal din kita pero wala narin yung patutunguhan." hindi na nawala ang pagkataka ko sa mukha ko. "bakit naman?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot tumayo siya at inabot ang kamay niya sakin. "tara."