Kim's POV.
Nagising ako sa sagotan nila ni aling melisa at ng anak niya. "wala na nga tayong makain nagpatira kapa inay!" hindi ako tumayo pinakinggan ko lang ang kanilang usapan. "anak nakaka awa yung bata ano kaba."
"Nay naman eh halos hindi nga natin alam kung san tayo kukuha ng pera para makakain sa isang araw tapos ito pa." dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng bahay nila.
Nang makalabas ako tumakbo ako sa pinakamabilis kong magawa. Huminto ako at hingal na hingal. "ano ba yan nakakadiri." rinig ko sa babaeng dumaan. Tiningnan ko ang damit ko.
Puros putik ang dumi kong tingnan tumingin ako sa paligid ang daming taong nakatingin sakin. Alam kong sa loob ko na hinuhusgahan nila ako diyan naman sila magaling eh.
Magaling manghusga pero nahihirapang umintindi.
Tumakbo uli ako para makalayo sa mga taong yun umupo ako sa ilalim ng tulay dun ako nagtago.
Umupo ako sa gilid at yumuko nagsisimula na naman itong pakiramdam na ito. Palagi nalang akong pinahihirapan hindi ko na napigilan pa umiiyak na naman ako.
Pinupunasan ko ang mga luha ko pero hindi sila nauubos. "ate oh." tumingin ako sa nagsalita. Isang batang lansangan maliit pa siya ang dumi niya ring tingnan.
May inabot siyang malinis na panyo. "wag ka magalala ate malinis yan." ngumiti ako sa sinabi ng bata kinuha ko ito at pinunasan ang mga luha ko.
"Alam mo ate lagi ko ring nakikita ang nanay kong ganyan." tumingin ako sa kanya ngumiti siya sakin. "pero lagi kong sinasabi na nanay laban lang kaya natin to."
Ngumiti siya at tumawa. "kaya mo rin yan ate." may kumirot sa dibdib ko umalis yung bata pero sinundan ko siya. Nagulat ako sa nakita ko nakatira sila sa ilalim ng tulay naka ngiti siyang sinalubong ang kanyang ina.
Ang bahay nilang pinag tagpi tagpi lang. Pero nagagawa niya paring ngumiti at maging masaya. Kahit ganyan ang sitwasyon nila sa buhay, meron paring mas mahirap na kalagayan kesa sakin.
--
Umalis ako sa lugar nayun ayaw kong makita ang sitwasyon nila naaawa lang ako at wala rin naman akong magagawa katulad ko rin sila pareha lang kami ng sitwasyon.
Naglalakad lang ako sa paligid hindi inalintana ang gutom, medyo dumidilim na naghanap ako ng orasan para malaman kung anong oras na eksaktong alas singko na ng hapon. "konti nalang." bulong ko sa aking sarili.
Kumukulo ang tiyan ko hinawakan ko ito at nagisip kung pano ako kakain. May nakita akong mga iilang taong naka costume at papunta sa gawing lugar kung saan may mga pailaw.
Naglakad ako patungo kung saang maraming taong naka costume at medyo maingay. Hindi nila ako tinitingnan, hindi katulad ng pagtingin sakin kanina. Akala siguro nila costume ko ito.
Sa bagay mukha akong taong grasa. Maraming mga waiter na paikot-ikot at may mga dalang kung ano-anong pagkain. Ang mga tao kumukuha lang kung ano ang gusto nila.
Kumulo uli ang tiyan ko pagkakataon kuna ito. Kumuha ako ng pagkain dinamihan ko na para hindi nako babalik. Nakatingin sakin ang waiter at nagtataka.
Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng pagkain hanggang sa kaya kong madala. Paalis nako sa lugar na yun para kainin ang dala kong pagkain pero hindi ko inaasahan ang makikita ko, nilapag ko lahat ng pagkain.
Si Bea ang anak ni auntie suot-suot niya ang kwentas ng nanay ko. Nilapitan ko siya para kunin ang kwentas. "Bea!" sigaw ko. "Bea!!" nilaksan ko pa hindi niya ako marinig medyo maingay ang paligid.
Lumapit pako ng bahagya sa kanya at hinawakan siya. "Bea." tiningnan niya ako noong una hindi niya ako nakilala. "oh Kim! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Hindi ko siya sinagot. "pwede bang makuha ang kwentas ng nanay ko Bea please." pagmamakaawa ko tiningnan niya lang ako.
"Bagay sayo ang costume mo ah parang totoo." sabi niya bago umalis pero sinundan ko parin siya. "Bea." hindi niya ako nililingon lumapit siya sa mga kaibigan niya.
Hinila ko siya at hindi ko sinasadyang maapakan ang suot niyang gown napunit ng bahagya ang suot niya napamulat siya ng mata sakin.
Tumigil ang malakas na tutog at saktong sinampal niya ako. Ang lakas ng pagkakasampal niya sakin sapat para maagaw nito ang atensyon ng lahat.
Ilang segundo tahimik ang paligid, "tingnan mo ang ginawa mo!" sigaw niya sa harap ko sinabunutan niya ako hindi nako pumalag pa nasanay nako.
Manhid nako sa sampal at sabunot niya at ng nanay niya. Hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya sa buhok ko kahit ang daming nakatingin samin ngayon.
Wala nakong paki sa mga nanonood huminto siya, sobrang gulo na nang buhok ko tiningnan ko siya. "Bea please akin na." pagmamakaawa ko uli.