Chereads / A ONE DAY LOVE STORY / Chapter 5 - CHAPTER 4

Chapter 5 - CHAPTER 4

Kim's POV.

Mga ilang minuto ang nakalipas itong insomnia ko hindi na naman ako pinapatulog. Naiinis nako kung kailan gusto kong matulog tyaka naman siya umaatake pero kung ayaw kong matulog doon naman ako inaantok.

Ang sarap pa naman ng higaan at ang lamig pa may makapal pa na kumot. Ngayon ko lang na experience to noong una ayaw kong mahiga dito. Doon nga ako unang nahiga sa sofa eh pero sabi niya doon nalang ako sa kama.

Hindi daw siya makakatulog kapag nasa sofa ako kaya wala nakong nagawa kundi matulog dito. Mga ilang minuto pa uli ang nakalipas hindi parin ako maka tulog nagsisimula na naman sumakit ang dibdib ko naalala ko na naman ang mga masasakit na bagay sa buhay ko.

Alam kong gusto ng mata kung lumuha pero pinipigilan ko. Nagisip ako kung pano siya mawala ng tuluyan sa ulo ko, kaya naisipan ko nalang na tumayo. Tiningnan ko siyang natutulog sa sofa, natutulog siya ng mahimbing. Siguro napagod siya kakasunod sakin kanina.

Lumabas ako ng kwarto niya at umupo ako sa sofa, humiga ako sinubukan kong matulog baka lang dito makatulog ako pero ayaw parin. Tumingin ako sa paligid medyo magulo.

Automatic na tumayo ang mga paa ko at nagsimulang ayusin ang mga bagay-bagay dito. Kahit sa gantong paraan manlang masuklian ko ang kabaitan niya sakin. Sanay nadin naman akong maglinis, kaya wala lang to sa lagi kong ginagawa.

Hindi ko na napigilan pang mag linis ng condo niya ng tuluyan. Hinugasan ko narin ang mga iilang plato na nasa kusina ilang araw na ata tong hindi hinugasan Tumigas na yung mga kanin na dumikit sa plato.

Nilinis ko lahat ng pwede kung linisin pati ang cr niya nilinis ko na narin para lang mabaling sa iba ang pagiisip ko ng kung ano-ano. Sa lahat ng sulok sinigurado kong malinis lahat, pati ang mga damit niyang nasa sampayan sa balcony ng condo niya kinuha kona at tinupi.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas natapos ko lahat ng gawain dito sa condo niya. I decided na umalis na pumasok ako sa kwarto niya I see him sleeping nilapitan ko siya.

Ang himbing ng tulog niya, at medyo humihilik pa ng mahina. "thank you ha." sabi ko sa kanya kahit alam kong tulog siya. Hindi ko nalang namalayan na inaakit ako ng mukha niya unti-unti kong nilalapit ang mukha ko sa kanya.

I felt his lips to mine. Nagulat ako sa ginawa ko dali-dali akong lumabas ano bang ginagawa ko?paalis nako sa condo niya. Pero nagpahinga ako saglit sa sofa, humiga ako and I check my phone saktong 4:00 am na. Hanggang sa wala nakong maramdaman.

Nick's POV.

Nagising ako sa sakit ng leeg ko naramdaman kong nakahiga nga pala ako sa sofa. Nangalay ng husto ang leeg ko pagkaupo ko wala nakong nakitang tao sa kama.

Mabilis akong lumabas para hanapin siya. Pagkabukas ko ng pinto I smiled, I see her sleeping in the couch. Lumapit ako sa kanya, lumuhod sa harap niya. Hinawi ko ang buhok niya papunta sa likod ng tenga niya.

Ngayon lang ako napahanga sa gantong ganda. I touched my lips tinitigan ko ang labi niya. Tumayo ako bigla, ano bato? Napatingin ako sa paligid dun ko lang namalayan na ang linis ng condo ko.

"H-huh?" tiningnan ko lahat ng sulok ng lugar sobrang linis pati ang kusina. I look at her, maybe she did it. Kaya mas lalo akong napangiti sa ginawa niya, never pang naging ganto kalinis ang condo nato simula ng lumipat ako dito.

Binuhat ko siya at nilipat sa kwarto ko hiniga ko siya sa kama. I check the clock na nasa table tabi ng kama ko. 7:20 in the morning lumabas ako para mag luto.

Pano niya kaya nalinis to? Anong oras ba siya natulog? So lumabas siya kanina. Pumasok ako sa cr para mag toothbrush at mag hilamos. I was mesmerized ang linis din dito how she did this?Kwarto ko nalang ata ang hindi niya nalinis eh.

Lumabas ako ng cr and start cooking, nagluto ako ng pang almosal namin. Hindi ako sanay magluto usually lagi akong nasa labas kumakain, at puro fried lang naman ang alam kong lutuin. Lalong lalo na ang magluto para sa iba, pero ngayon hindi ko alam bakit parang nagugustuhan ko ngayon ito.

Yung pakiramdam na pinagsisilbihan ang iba at yung pakiramdam na may nag sisilbi rin sayo. After kong magluto I prepared the table, pumunta ako ng kwarto para gisingin siya pero sobrang himbing ng tulog niya.

Kaya hindi ko siya ginising tinakpan ko nalang yung mga niluto ko. Siguro napagod siya kakalinis ng condo ko, umupo ako sa kama niya. I was looking at her bigla ako nakaramdam ng antok na naman.

I feel exhausted kahit bagong gising ko palang, sa sobrang paglalakad siguro to kagabi. Nahiga ako sa tabi niya tinititigan kolang siya pinipilit kong hindi pumikit. Ang aga ko kasing nagising hindi rin ako sanay sa ganto. Normal na gising ko tanghali eh, I try to close my eyes pero nangako akong hindi matutulog pero bigla nalang wala akong maramdaman.

Kim's POV.

"Ma! ma!" nakita ko ang nanay ko na nakasabit, naka pulupot ang lubid sa kanyang leeg. Lumapit ako ng bahagya sa kanya.

"M-ma." Nanginginig ang boses ko, tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "ma!!!" niyakap ko siya sa paa at sinubukang iangat siya baka maligtas ko pa siya.

"Ma!!" ibinaba siya ng mga kapitbahay namin. Hinawakan ko ang mukha niya at kinakagat ng sobra ang mga daliri niya. para maramdaman niya ang sakit at baka magising siya. "ma!!" kinarga siya ng mga kapitbahay at sinugod sa ambulansiya.

--

Kanina pako hindi mapakali naghihintay ng doctor na lumabas. "sorry miss I did my best." naramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko at bumigat ang katawan ko pumasok ako sa pintong kinalalagyan ng mama ko.

Tinatanggal ng mga nurse ang mga naka inject sa mama ko.

"M-ma!" kita ko ang kulay violet na nasa leeg niya. Hinawakan ko ito at sinusubukang pahirin at hipan.

"Ma! ok na ma hindi na yan masakit ma!!!" Kita ko ang putla ng mukha ng mama ko yung kulay ng walang buhay. "ma!! Ano kaba ma! Hindi ko kaya to. ma!!!"

Nakaramdam akong may umaalog sakin. "hey! Kim are you ok?" napamulat ako ng mata ko I see him. Hindi ko alam pero niyakap ko siya at pumapatak na ang mga luha sa mga mata ko.