Kim's POV.
Mag iisang oras narin ata ang nakalipas, sinusundan niya parin ako. I get my phone and check the time, almost 1 am narin pala. Nakaramdam ako ng gutom naalala ko ang offer niya kanina baka nagugutom narin siya. Sa pagsunod sakin kanina pa, may nakita akong isang karenderya na bukas.
Lumapit ako at sakto may barbeque silang benebenta. "ate pabili po." tiningnan niya ako. "sige pili kalang." pumili ako ng mga gusto kong inihaw.
"Masarap ba yan?" I look at him medyo nadidiri siya. Kumuha siya ng tatlong hotdog at yun lang ang pinaihaw niya. Minutes later after maluto ng pinaihaw namin pumasok na kami sa mismong karenderya. Buti 24 hours bukas to, bumili ako ng kanin at naghanap ng mauupuan. Nang makaupo nako, inayos ko ang makakain ko at sawsawan.
Hindi ako makakain ng maayos kasi tinitingnan niya ako. "masarap bang isabay yan sa rice?" Tanong niya tiningnan ko siya. Hindi ko na napigilan pang hindi siya pansinin.
"Hindi mo pa ba nasubukan to?" umiilang siya, sabagay wala kasi sa mukha niya ang kumakain ng ganto. Mukha siyang mayaman. "hatsying!!"
Pinunasan ko ang ilong ko, "hindi kaba magkakasakit niyan? Kanina pa basa ang damit mo eh." patuloy lang ako sa pagkain. Tumayo siya at pumunta sa likod ko hindi ko siya nililingon at pinakiramdaman kolang ang gagawin niya.
Naramdaman kong pinatong niya sakin ang jacket niya sa pangalawang pagkakataon. "yan, para hindi masiyadong malamig." ngayon ko nalang uli naramdaman ang ganto. Na may nag aalala sayo.
"Ano nga uli pangalan mo?" hindi ko siya sinagot. "edad?" I look at him. "san ka nakatira, nagaaral ka paba?, or nagtatrabaho?" Nagdadalawang isip ako kung sasagotin ko ba lahat ng mga tanong niya.
Naghihintay siya ng sagot ko. "Kim, Kim Corazon. 22 nako isa akong writer." Napatingin siya sakin at ganun din ako. "Oh talaga? Isa kang writer? Alam mobang nagagalingan ako sa mga taong magaling magsulat. Yung feeling na kaya ka nilang dalhin sa ibang imahinasyon at sa utak ng writer?"
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "ikaw?" I asked. "me? Isa akong hired model." kaya pala, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. "I'm Nick Villanueva 21 years old, I'm still studying in FOST UNIVERSITY. diyan oh." Hindi ko paman tinatanong siya na ang nagpresenta saakin na magpakilala. He pointed out somewhere. "diyan lang sa kabilang kanto, yang malaking university na yan."
Alam ko naman ang tinutukoy niyang school diyan din ako nag-aral at ngayon nagsusulat nalang ng mga script ng mga estudyante. I look at him model pala siya hindi nako nagulat pa sa amo ng mukha niya at sa labi niyang sobrang ganda.
After kong kumain pumunta nako sa kahera para bayaran ang kinain ko. "magkano po?" tanong ko, tiningnan niya ang listahan niya. "120 iha."
"Ah yung akin po?" Nick ask. "sa tatlong hotdog 45 pesos lang iho." nagbayad siya, kanina pako halungkat ng mga barya dito sa pouch ko pero wala na. 100 pesos nalang na buo ang natira.
"A-ah ate 100 nalang po kasi to pwede po bang 100 nalang?" tanong ko, Nick looks at me. "ay nako iha ilang beses ko ng narinig yan hindi pwede. Lugi nako," naghalungkat uli ako sa pouch ko baka sakaling may naipit pang 20 pesos.
Nakita ko si Nick na kinuha ang wallet niya uli at nagbigay ng pera. "ito ate oh 120." tumingin ako kay Nick he smiled at me. "salamat ito oh yung 100." I said, umiling siya. "no. sayo na yan, eh wala ka na atang pera eh." pinipilit kong ibalik sa kanya ang 100 pero ayaw niyang tanggapin.
Nilagay ko nalang sa leather jacket sa bulsa niya. Naglalakad na uli ako pero this time hindi na ako mag-isa kasama kona siya. "hindi mo sinagot ang tanong ko kanina." tiningnan ko siya sa gilid ko. "anong tanong?"
"Kung san ka nakatira, kanina kapa kasi palakad-lakad akala ko uuwi kana. Pero hindi, kanina pa tayo pa ikot-ikot lang." sabi ko na eh ito na naman. "hindi ko namang sinabing samahan moko eh, sige na umuwi kana."
He stop from walking. "ang ibig kung sabihin san kaba talaga nakatira?" wala na akong nagawa kundi sagutin siya para tumigil na siya sa kakatanong. "sa aguirre st. pero hindi nako pwedeng bumalik dun."
"Ah sa aguirre lang pala, pero bakit hindi kana pwedeng bumalik dun?, yung mga magulang mo dun din ba?" nakakita ako ng isang children's park pumunta ako dun at umupo sa damuhan.
"Wala nakong magulang." umupo siya sa tabi ko at tiningnan ako. At hindi makakaila na naawa ang expression ng mukha niya sakin. Ramdam na ramdam ko ang presence at ang atmosphere na bumabalot sa kanya. "mag-isa nalang akong lumalaban sa buhay."
"Bakit?" I look at him and smiled. "wala akong choice eh hindi kami magkasundo ni tadhana, mailang siya sakin." humiga siya sa damuhan, sabay gamit ng dalawang kamay niya para maging unan at tumingin sa langit.
"Siguro destiny ko nalang talaga ang mag-isa." hindi siya umimik ng ilang segundo. "alam mo hindi ako naniniwala sa destiny." tiningnan ko siya.
"Destiny is only for those lazy people. Kasi kung totoo ang destiny edi sana kahit hindi na sila kumilos sa buong araw kung destiny nila ang isang bagay mapapasa kanila yun na walang ginagawang effort."
Noong una hindi kona gets kung ano ang ibig niyang sabihin. "hindi mo destiny yan free will mo yan, yan ang kagustuhan mo." nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. "Kahit sinong tao hindi gugustuhin ang sitwasyon ko, lalo na ako hindi ko ginusto to." umupo siya. "pag may gusto may paraan pag may ayaw may dahilan diba? kung gusto mong sumaya kakayanin mo. pero kung wala kang gagawin para maging masaya ka patuloy kalang sa mga bagay na inakala mo."
Hindi ko na naman naintindihan ang sinabi niya. "tara dun tayo sa condo ko, tutal wala ka namang matutuluyan." tumayo siya and he offers his hand to me. Ilang beses na niyang ginawa to pero lagi ko siyang tinatanggihan.
Ngayon hinayaan ko nalang na dumaloy sa agos ng araw nato. I get his hand and stood up. "tara?" he said. Tumango lang ako, hindi ko alam kung bakit ang bilis kong magtiwala sa lalaking to alam ko ring ang bilis ng mga pangyayari pero ano pa bang mawawala sakin?
I'm an open book, ganun akong klase ng tao. At kayang-kaya nilang pigtasin ng bawat pahina ng buhay ko.
Alam kong madaming nangyayaring masama sa paligid pero bakit ang bilis kong magtiwala sa kaniya?