Chereads / A ONE DAY LOVE STORY / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Nick's POV.

Pauwi nako I check my watch 12:50 am kakatapos lang ng part-time ko, 30 minutes lang din naman kaya pinatulan ko na, I'm using an umbrella kasi umuulan.

Tiningnan ko ang paborito kong lugar ang soccer field malapit sa school. But I see someone laying on the grass, buhay paba siya?Medyo malakas ang ulan bat siya nakahiga dun?

Lumapit ako naka lock ang gate pano siya nakapasok? Umakyat ako sa bakod na lagi kong pinapasukan kapag naka lock to at every time na gusto kong maglaro tuwing gabi.

Pagkapasok ko lumapit ako sa kanya nakita ko siyang humahagulgol ng iyak, grabe yung iyak niya parang walang bukas.

Hindi muna ako lumapit siguro kailangan niyang ilabas ang nararamdaman niya. Nang medyo humina na ang ulan nakita ko siyang pinapalo ng bahagya ang dibdib niya. Siguro sobrang bigat ng nararamdaman niya.

After niyang humagulgol lumapit pa ako ng bahagya sa kanya, dun ko lang din na realize. siya yung babaeng nabangga ko at nalaglag ang gamit. Sa pagmamadali ko kanina dahil sa part time job ko hindi kona napansin na dumaan siya.

Nang nabangga ko naman siya hindi nako lumingon pa kasi nagmamadali na ako. Pero ng may batang nagsalita na naka green light na at pinupulot pa daw ng babae ang gamit niya napalingon ako.

Siya yung nabangga ko may hinahanap siya. Lumapit ako sa harap niya at inextend ang mga braso ko same level as my shoulder, nag mukha tuloy akong cross sa daan.

Hinarangan ko siya sa mga kotse na dumadaan hanggang sa makatawid sa kabila, I said sorry kasi nabangga siya pero umalis lang siya and she didn't even bother to response.

Hinarangan ko ng payong ang mga ulang patuloy na dumadapo sa mukha niya. Napatingin siya sakin at ganun din ako.

Namamaga ang mga mata niya ng sobra I offer my hand to her. hindi niya kinuha at umupo siya.

Tumabi ako sa kanya at pinayungan siya. I want to comfort her, maybe just rub her back. "it's ok basa narin naman nako." I look at her, ganun ba kabigat ang nararamdaman niya. Ngayon lang ako nakakita ng tao na ganun umiyak ng sobra.

Tumila na ang ulan, I close the umbrella at tumayo. Ilang segundo pa bago siya tumayo at naglakad palabas. Sinundan ko lang siya, dun siya dumaan sa lagi kong dinadaanan. Pano niya kinayang akyatin to?

Sinusubukan niyang umakyat sa bakod, pero hindi niya kaya. I offer my two hands and fixed it together para maka akyat siya.

Noong-una nagdadalawang isip siya sa offer ko pero wala na siyang nagawa kundi umapak sa mga kamay ko para makaakyat.

After niya sumunod nako pagkababa na pagkababa ko, I see her na umupo sa bench. She opens her pouch at kinuha ang phone niya, she just open it and close it again maybe she just checked the time.

Lumapit ako sa kanya tiningnan niya ako. She looks awful, hinubad ko ang leather jacket ko at ipinasuot sa kanya. Naiilang siya alam ko, kahit ako hindi ko rin maintindihan bakit ko ginagawa to.

Believe me or not this is the first time na trumato ako nang ganto sa babae. Ewan ko ba siya nga lang ata ang babaeng nilapitan ko eh.

Para bang naging automatic na sakin ang lahat ng makita ko siya. "thank you." she said. Nakatingin lang ako sa kanya, siya naman sa baba lang nakatingin. Tumayo siya at hinubad ang jacket ko at ibinalik sakin.

"Aalis nako." at naglakad palayo. Pinipigilan ko ang paa kong habulin siya pero hindi ko nagawa. "ah saan kaba papunta?" I ask. she didn't answer nor look at me. "hindi ko alam." Huh? Hindi niya alam wala ba siyang bahay?

"Pwede kitang ihatid." patuloy parin siyang naglalakad ako naman habol lang nang habol sa kanya. "pwede kitang samahan." after niyang marinig ang mga salitang yun huminto siya at tumingin sakin, hay... finally nakuha ko rin ang atensyon niya.

Pero ang hindi ko inaasahang sunod na mangyayari ay ang makita ang mata niyang naiiyak na naman. "pwede bang tumigil kana." she said. Habang nanginginig ang boses, naluluha na naman siya.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya bakit niya ako pinapatigil? "stop acting as you care, stop pretending na sasamahan moko kung san man ako pumunta. Kasi alam mong aalis kadin." I'm just looking to her eyes. "why do men always keep on promising na hindi naman nila tinutupad."

At nagsimula na naman siyang maglakad. "huh? no. I meant to say it, kaya kitang samahan." she stop from walking and look at me again.

"Ilang beses ko nang narinig yan." she kept on walking and this time hindi ko na siya kinulit. Ang plano ko susundan ko nalang siya kung san man siya pumunta.

Mga ilang minutes pa ang nakalipas naglakad lang siya ng naglakad ako naman kanina pa sa likod niya sunod ng sunod. Hindi ko alam kung saan man siya pupunta, bakit koba ginagawa to? Nagiisip ako ng dahilan bakit koba ito ginagawa.

Buti nalang at wala akong schedule bukas at wala akong trabaho. Kaya I decided na sundan nalang siya sa kung saan man siya pupunta.

Lumapit pa ako ng bahagya sa kanya para sabayan siya sa paglalakad. "San kaba talaga pupunta?" Pagtatanong ko, pero hindi niya rin sinagot. Hanggang ngayon medyo basa parin siya. "Hindi kaba nilalamig?" Pagtatanong ko uli. "Ok lang ako." Sumagot din siya, "ahh.. eh saan ka nga pupunta?"

Hindi na naman niya ako sinasagot, tumingin ako sa daan. Medyo malayo nato sa condo ko ah, it's fine I have money tiyaka hindi naman ako inaantok or nagugutom. Speaking of nagugutom, "gusto mong kumain?" I ask again, pero hindi na naman niya ako sinagot.

Para lang akong hangin dito sasagutin niya kung kailan niya gusto. Lalanghapin niya kung kailan niya kailangan, kaya bumalik nalang uli ako sa likod niya. At back to normal naglakad lang siya ng naglakad, minutes later walang pagbabago. Patuloy parin siya sa paghakbang ng paa niya sa kawalan, eh parang nadaanan na ata namin to kanina eh.

Hindi ba siya napapagod? Or immune na siya sa paglalakad?