Chereads / [Angoscia Serye # 1] Akin ka na Lang / Chapter 3 - Ika-Unang Kabanata

Chapter 3 - Ika-Unang Kabanata

PUNO NG KYURYUSIDAD akong naka tingin sa aking mga kaibigan na nasa aking harapan dahil kanina ko pa napag hahalataan na para bang may kakaiba sa kinikilos ng mga ito. Naka tanggap ako ng mensahe kanina kay Yammy na may masinsinan raw kaming pag uusapan mabuti na lamang ay saktong tapos na ang aking trabaho noong magyaya ito ang mga ito rito saaming paboritong tambayan malapit sa paaralan namin noong kolehiyo.

Ngunit nang maka rating ako rito ay tila ba ay wala ako rito dahil kanina pa sila wala sakanilang mga wisyo na tila ba'y may iniisip na napaka lalim. Nakapag atas narin ako ng aking kakainin sa serbidora ngunit hindi parin talaga ila ako pinapansin.

Muli akong tumikhim upang makuha ang atensyon nila, nagawi saakin ang mata ni Yammy ngunit bakas rito ang inis na mas lalong ipinag taka ko.

"Bakit ganyan ka kung maka tingin? May nagawa ba akong kasalanan?" tanong ko habang nakaumang saaking sarili.

Imbis na maka tanggap ng sagot mula kay Yammy na siyang nagpahayag kanina ng mensahe saakin na mag tungo rito saaming paboritong tambayan ay hindi akosinagot saaking tanong at umingos lamang at muling umiwas saakin ng tingin.

Hindi ko ito gusto, hindi ko mawari kung ano ba ang nagawa kong hindi maganda para tratuhin nila ako ng ganito.

Marapat na lang siguro na ako'y umalis, hindi rin naman nila ako pinapansin.

"Kung wala kayong sasabihin at hindi niyo ko papansinin, mabuti na lamang na ako ay umalis--"

Natigil ako sa pag sasalita nang padabog na tumayo si Lency--isa sa mga kaibigan ko.

"Why didn't you tell us?! Bakit kailangan sa iba pa namin malaman yung tungkol dito?! Monique naman! Alam naming mas close kayo ni Maki, pero sana naman i-inform mo rin kami, 'diba?"

"Oo nga, if i didn't eavesdrop kanina sa convo ni Elissa at Gutch eh hindi ko pa malalaman." dugtong ni Yammy na mas lalong ikinalalim ng gatna sa aking noo.

Ano ba ang sinasabi nila? Si Maki? Anong patungkol kay Maki ang ikinaiinis nila saakin?

Tumingin lamang ako sakanila nang nagtataka at hinihintay sila na mag salita dahil roon sa sinasabi nila tungkol kay Maki dahil hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi nila.

Kunot noong binalingan ako ng tingin ni Kara na halos pasukin ng ang loob ng isip ko dahil sa estilo ng pag tingin niya saakin.

"Don't tell us na hindi mo rin alam? Maki didn't tell you about that?" sabi nito at mas lalo akong kinain ng kyuryusidad.

"Didn't tell me what?"

"So, Maki didn't tell you?! His one and only bestfriend? What the fuck?!" napapa baling saamin ng tingin ang mga tao rito sa kaninan dahil sa malakas na pananalita ni Lency, bakla si Lency at sanay na kami sa bulgaran niyang pananalita.

"Ang alin ba?" muling tanong ko. "Wala naman akong nalalaman sa mga pinag sasasabi niyo, at isa pa ay hindi pa kami nakakapag usap ni boo ngayong araw--"

"Tangina?!" sigaw ni Yammy na kaagad namang tinakluban ni Kara ang bibig at nilakhan ng mata.

"Ang bibig Maaya Ssen, nakakahiya sa mga tao pinag titinginan na tayo oh." saad ni Kara rito, iwinaglit lamang ni Yammy ang kamay ni Kara na naka takip sa bibig nito at nag patuloy sa pag sasalita.

"Gago kasi, hindi talaga sayo sinabi ni Maki na may girlfriend na siya?" sa sinabing iyon ni Yammy ay pakiramdam ko na biglang tumigil sa pag tibok ang puso ko dahil sa gulat.

Ang sakit ng dibdib ko, bakit ganito? Hindi ba dapat maging masaya na ako sa balitang iyon? Hindi ba dapat maging masaya ako para kay boo dahil naka hanap narin siya sawakas ng kasintahan niya?

Bakit ganito, parang tinatarak ng kutsilyo ang dibdib ko.

"Huy 'te, buhay ka pa?" bumalik ako sa kasalukuyan nang lumagitik ang daliri ni Lency sa harapan ko.

"K-Kailan niyo n-nalaman?" sabay tikhim ko at lagok sa baso na puno ng tubig sa lamesa. Wala na akong pakealam kung kanino man iyon basta gusto ko lamang maibsan ang ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit ka nagkaka ganito Monique? You shouldn't be like this... You should be happy, for your boo for your bestfriend.

Bumuga ng malalim na hininga si Yammy bago ito nag salita, "Well, as i said earlier. Narinig kong nag uusap si Elissa at Gutch--si Elissa na pinsan ni Maki, tanda niyo pa?"

Muling umirap si Lency sa hangin, "Sino bang hindi makakalimot sa maarteng pinsan na 'yon ni Maki? Psh, panira ng araw noong college days. Anyways, ituloy mo na ang kwento ateng."

"So ayon na nga, hindi naman dapat ako makikinig sa usapan nila kasi mapayapa akong nag to-toothbrush. But then, i heard Maki's name from their conversation kaya naki tsismis ako mga ateng," umayos ng pagkakaupo si Yammy at muli na sanang mag sasalita nang dumating ang mga pagkain namin.

Hinintay muna naming matapos ang serbidora sakanyang ginagawa bago itinuloy ni Yammy ang kanyang pag kekwento, at sa matagal na naming kilala ang isa't-isa tipong lahat ng nangyari at boses ng ikekwento niya ay nagagawa niyang gayahin. Yammy is a detailed kind of chismosa, that's what lency's title for her.

Ayon sa kwento ni Yammy ay narinig lamang raw nito na naguusap si boo at si tita patungkol roon sa babae.

"So in short, Elissa just assumed na 'yung girl is girlfriend ni Maki?" saad ni Kara.

Yammy just nodded because her mouth is full of foods. Napalatak naman ng sarkastikong tawa si lency.

"Ang gaga talaga, hindi lang maarte ma-issue rin. Edi siya na reyna ng mga MA." inis na sabi nito at madiin ang pagkakasabi sa huli.

Samantalang ako ay walang buhay at walang ganang kainin ang pagkaing nasa plato. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan iyon--at kung totoo man, shit! Monique, bakit ba masyado kang apektado?

Natapos ang pagkain namin na lumilipad ang isip ko at hindi ko alam kung nasaan. Madaming bagay at tanong ang pumapasok sa isip ko pero ayaw ko munang pag tuunan ng pansin. Ayoko munang isipin.

Balak pa sanang mag aya ni Lency sa D' Mamshie Bar dahil gusto raw nitong mag walwal dahil sa stress raw nito sa trabaho at sa nalaman tungkol kay boo, pero hindi rin naman natuloy dahil naunang nag paalam si Kara dahil susunduin pa raw nito si Tita sa supermarket dahil nag grocery at wala itong dalang sasakyan.

Ako rin ay nag paalam na dahil hindi ako pwedeng mag lasing ngayong gabi, may tatapusin pa akong report at kailangan ko pang ipasa iyon bukas ng tanghali. Kaya si Yammy na lamang at Lency ang natuloy. Hindi naman namin mapipigilan ang dalawang iyon pag dating sa pag wawalwal, lalo pa't sabay ang day-off nila bukas kaya tiyak na mag papaka lasing ang dalawang iyon.

Hindi naman na dapat kaming mabahala dahil alam naming makaka uwing ligtas ang dalawang iyon dahil may nag babantay kay Yammy at may naka sunod rito palaging bodyguard, ikaw ba namang anak ng sikat na congressman.

Mabilis akong pumara ng jeep nang makakita na ako ng dapat kong sakyan, at nang maka sakay ako ay nag tipa ako ng mensahe kay mama na pauwi na ako dahil baka mag alala nanama iyon kung hindi ako mag iwan ng mensahe.

Balak ko na sanang ipasok sa bag ang cellphone ko nang tumunog iyon at nakita ang 'Boo' sa nagpadala ng mensahe.

"Babe, naka uwi ka na?" sabi sa mensahe nito. Mag titipa na sana ako ng tugon nang muling mag pumasok na mensahe galing sakanya.

"Pasensya na hindi ak naka sama kanina, pina sunod ako ni papa sa talyer e :(" hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil sa mensaheng iyon. Always a papa's boy.

Nag tipa ako ng tugon.

"Naka sakay na ako ng jeep pa satin, at lagot ka sa tropa may hindi ka daw sinasabi sa kanila."

Mabilis rin akong naka tanggap ng tugon mula sakanya.

"Okay babe :) nakakain ka naman na siguro kanina kaya pahinga ka pagkauwi tsaka hindi na kita mahihintay sa may guard house dahil sa talyer pa ako at tinutulungang mag ligpit si papa."

Hindi nanaman na ako umasa na mahihintay niya ako sa guard house dahil nitong mga nakaraang linggo ay na huhuli itong umuwi saakin hidi katulad noon, dahil nagiging abala sa trabaho. Dati kapag ako ang nahuhuli ay hinihintay niya ako sa guard house at sabay kaming maglalakd papask ng village.

"Sasabihin ko rin naman sainyo, pero hindi pa ngayon. Hindi pa naman sigurado."

Pahabol na mensahe mula kay boo. Batid ko ngang totoo ang narinig ni Yammy kanina kay Elissa at may tiwala naman ako kay boo na sasabihin niya rin naman saamin ang tungkol sa bagay na iyon, pero hindi ko talaga alam kung bakit ganito itong nararamdaman ko.

Pakiramdam ko hindi na pantay ang barko, lumulubog ako sa tubig ng hindi ko alam kung ano ang dahil. Nasasaktan ako at hindi dapata ganito ang aking nararamdaman.