Chereads / [Angoscia Serye # 1] Akin ka na Lang / Chapter 5 - Ika-Tatlong Kabanata

Chapter 5 - Ika-Tatlong Kabanata

"TSK, kaya lang pala ako sinama kasi may kailangan saakin. May pasabi sabi pa ng 'i want to spend the whole day with you' ang gago, huh! Ang gaing mambola ng lintik na 'to." me, talking to myself imitating his voice and words.

Bwisit na 'to, kaya pala hindi sinasabi saakin ang dahilan ng pagyaya niya saaking umalis kasi alam niyang hindi ako sasama at hindi ako papayag sa gusto niya.

Okay, given na iyong hindi ko siya natitiis kapag may pabor siyang hinihingi saaakin at may kailangan siya saakin. But with this thing? Alam na niyang hindi ako papayag kapag patungkol sa kalandian niya ang hihingiin niyang pabor.

Kaya naman pala hindi masabi sabi ng tangang 'to. Argh! Nakakainis!

Nahinto ako sa pag sunod sakanya nang binalingan niya ako ng tingin at halatang nag tatanong ang mga mata nito.

"Babe, kinakausap mo ba ako?" tanong niya. Inungusan ko lamang siya at nilagpasan siya at nauna ng mag lakad.

"Bilisan mo, nagugutom na ako." sigaw ko sakanya nang hindi parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya. Muli ko siyang sinamaan ng tingin, "Tatadyakan na kita Maki." sabi ko na may pag babanta.

Nang marinig niya iyon ay kaagad siyang tumakbo sa kinaroroonan ko na hindi naman gaano kalayo sakanya sabay akay nito saakin at saklob ng kamay niya sa mukha ko na pilit kong inalis.

"Ano ba, Maki!" reklamo ko nang hindi niya parin inaalis ang kamay niya na nasa mukha ko. Sa laki ba naman ng kamay nya ay sakop buong mukha ko at hindi ako maka kita dahil sa ginagawa niya.

"Babe, you can just tell me sooner. Gutom ka lang pala, kaya pala kanina ko pa napapansin na wala ka sa mood." aniya. Wala naman talaga akong sa mood, psh. Kinurot ko siya sa tagiliran at sawakas ay inalis narin niya ang kamay niya sa mukha ko.

"Grabe ka naman mag lambing babe, halika na nga't pakakainin na kita ng maibsan naman 'yang init ng ulo mo." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya kaya kaagad ko siyang nahampas sa braso. "Aray! Bakit ba?!"

"Ayusin mo nga 'yang sinsabi mo, baka may maka rinig nakakahiya." i whispered while glaring at him. Siya naman ay hinihimas nag braso na hinampas ko, bago ito may makahulugang tumingin saakin.

Hindi ko gusto ang klase tingin na iyon.

"Babe! Ang green minded mo ha," pang titikis niya at sinamahan pa talaga ng nakakaloko niyang tawa. Iniwanan ko na lamang siya duong mabaliw baliw na sa kakatawa.

Pinag titinginan siya ng mga tao dahil sa pag tawa niya, kala mo ba'y siya lang ang mag-isa rito at wagas kung makatawa.

Nag madali ako sa pag lalakad at ramdam ko ang pag sunod niya saakin, at dahil mas mahaba ang biyas niya sa biyas ko ay kaagad niya akong hinbol na hindi parin mabura ang nakakalokong ngiti sa mga labi kahit na ilang beses ko siyang binato ng masasamang tingin.

He's a pain in the ass, always.

"Pwede mo namang sabihin saakin babe, basta kakain muna tayo ng totoong pagkain---aray!" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang muli ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Isa pa talaga Michael Anthony na ganyan mo iiwan kita rito." seryoso kong sabi.

Nang marinig niya ang mga katagang iyon ay kaagad na naging maamo ang mukha nito bago ito yumoko at isinandal ang baba sa balikat ko. Paborito niyang gawin kapag alam niyang galit na ako sakanya.

Sino ba namang hindi mahuhulog sa klase ng ginagawa niya? Miski langgam kikiligin. I thought you can find a man who you can be friends forever, but then here i am; falling deeply in love with my bestfriend without him knowing about it.

How pathetic am i, right?

Boo and i can't decide on where should we eat, dahil sa daming lugar na isinama niya ako ay hindi ko na talaga kaya pang tiisin ang gutom ko lalo na't labag naman sa kalooban ko na nandito ako para tulungan siyang mg hanap ng ireregalo para sa nililigawan niya.

He brought me to church earlier na dahilan pala kaya maaga kaming umalis at nag drive thru na lang para makaabot pa sa morning mass sa bayan. Then straight drive to manila at sobrang tagal naming nasa kalsada dahil sa traffic.

Idagdag pa iyong pahinto hinto ni Boo sa daan para mag abot ng mga pagkain sa mga bata. Hindi naman ako kontra sa ginagawa niya, besides he's always like this naman kapag lalabas kaming dalawa o kahit na kailangan basta may makita siyang palaboy na bata o matanda sa daan, hindi siya pumapalyang mag bigay kahit na kakainin niya na e ibibigay niya pa sa mga palaboy.

I'm not against with that, but i'm always reminding him that those people are not trustworthy enough na huwag niyang sanayin ang mga ito na nakaasa lamang sa iba para mabuhay, at hindi natin masasabi na ang iba sakanila ay totoo ba ang mga sinasabi at ipinapakita. But his always respond to me, 'Hindi naman ako o tayong nag mamagandang loob ang niloloko nila kundi ang mga sarili nila, ang maganda ay naka tulong tayo sa paraang alam natin.'

And that's one of the reason why i fucking fall for him, this hard.

SA HULI ay nauwi rin sa samgyupsal ng dinner namin. Para sulit at mas marami kaming makain.

"We should invite everyone boo, the more the merrier--"

"No," kaagad niyang putol sa mga sasabihin ko.

"Bakit naman? Hindi naman natin kayang ubusin itong mga ito na tayo lang." pamimilit ko.

"Still no, kaya natin 'tong ubusin. Tsaka ikaw pa? Walang limang minuto mantika na akng natira dito." aniya. Sinamaan ko siya ng tingin at aakmang babatuhi ng tong na hawak ko nang tumunog ang cellphone ko sa lamesa.

Sabay kaming napatingin doon ni Boo kaya naman nang makita kong si Yammy ang tumatawag ay kaagad ko iyong dinampot at naunahan ko si boo na gawin iyon.

I hurriedly stood up anad he's just looking at me with his disagreeing eyes. "Powder room lang ako, and you can't say no to me Kijano." i smiled at him before turning my back and walked towards the powder room.

Sinagot ko ang tawag ni Yammy at kaagad na nailayo ang cellphone sa tenga ko dahil sa alingaw-ngaw ng sigaw nito. At ng sa tingin ko ay huminahon na siya ay muli kong inilapit ang phone sa tenga ko.

"Did your Dad pissed you again?" i asked, looking at my reflection on the mirror.

"He freezed my cards again, Moni! Goooosssshhh i hate him to death!" nailayo kong muli ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw niya.

Hindi na ako nag taka pa na magyayari nanaman ito. Ilang beses na ba siyang tumawag saamin na ito ang palagi niyang bungad? Saaming apat, ako ang una niyang tinatawagan kapag may ganitong problema siya at kapag marami akong ginagawa sa trabaho ay susunod niyang tatawagan si Lency at palaging huli si Kara sa listahan dahil alam niyang hindi siya tutulungan nito dahil mali ang ginagawa niya.

Kara can't tolerate our wrong doings, she's such a perfect person i've ever met.

"And what did you do this time to make your Dad freeze your cards again?" i asked, but she refused to answer and just said that it always happened kapag hindi niya sinusunod ang gusto ng Dad niya.

So, i didn't asked for more information dahil sasabihin niya naman iyon kung gusto niyang sabihin saakin and i don't want to push her to tell me. Niyaya ko nalamang siya pati narin ang iba na sumunod rito sa paborito naming samgyupsal-an at um-oo naman silang lahat.

And in just a few minutes of waiting ay dumating na sila. Si Kara at Lency ay galing sa trabaho nila rito sa manila dahil parehong dito naka base ang work nila, samantalang si Yammy naman ay ginamit ang helicopter ng pamilya nila para lang makapunta.

She's a freaking rich woman kaya hindi na kami nagulat.

While everyone is happily enjoying the food, i feel like something sharp is looking at me and when i look at the man in front of me who's throwing a daggers of stares at me. Ipinag sawalang bahala ko na lamang iyon dahil alam niyang ayaw nito sa ginawa kong pagyaya sa mga kaibigan namin sa hindi ko alam na dahilan.

"Mukhang naka istorbo ata kami sa 'BooBabe' time niyo ah, mukhang inis itong isa." rinig kong saad ni Lency, ngumisi lamang ako at inabala ang sarili sa pagkain.

"Grabe maka tingin si boo mo oh, mukhang mapapatay na si Lency." bulong saaking ni Yammy. Hindi ako nag angat ng tingin kanina kaya hindi ko nakita ang reaksyon ni boo kaya ng nag angat ako ng tingin sakanya ay hindi na iyong ang nakita ko pero halatang halata parin rito ang inis.

I just shrugged to Yammy. Kumuha ako ng kimchi gamit ang chopstick at inilagay iyon sa mangkok ni boo.

"Come on, don't be like that boo. Just enjoy the food." i said. He stared at me for a couple of seconds before he start eating again.

Itinuon ko lamang ang atensyon sa pagkain ko samantalang si Yammy at Lency ang bumuhay ng hapunan namin dahil sila ang panay ang kwento at tanging pag sangayon lamanag ang sinasagot namin o kahit simpleng sagot lamang galing saamin nina Kara at boo.

Pinag uusapan nila iyong tungkol sa office mate ni Lency na ikakasal na sa isa nilang boss at kung gaano raw ito ka-swerte dahil sa napangasawa nito.

"Speaking of kasal, why don't you two get married already? Tutal kilalang kilala niyo narin naman ang isa't-isa, fetus pa lang kayo magkasama na kayo e." Lency said out of nowhere, kaya nasamid ako sa kinakain ko at agad naman akong inabutan ni boo ng baso ng tubig.

"Oo nga, hindi na uso ngayong iyang bestfriend bestfriend na label, uso na ngayon friends with benefits." saad ni Yammy na ikinahagalpak nila ng tawa ni Lency.

While me and Maki just stared at each other, this is freaking awkward.

I didn't expect that Maki will answer that silly joke of Lency and Yammy like he always do, but now he answered.

"I already have a girl that i like." he said those words while looking straight in my eyes and that hurts even more.