NAG SIMULA ang araw ko nang wala akong kabuhay buhay. Maaga naman akong nagising pero ang bigat-bigat ng katawan ko para kumilos, simula pag bangon sa kama at pag. aayos ng sarili ko.
Inakyat na nga ako ni mama rito saaking kwarto at sinabing bilisan ko ang kilos ko dahil babyahe pa ako at baka mahuli ako sa trabaho.
Kaya naman kahit labag sa loob ko ay pinilit kong kumilos ng maayos ang sarili ko. Habang bumababa ng hagdanan ay naka tanggap ako ng mesahe mula sa group chat namin ng mga ka office mates ko kaya naman nag backread ako at baka may mahalaga silang pinag uusapan.
Eli: Huy guys! It-turn over na pala ni Sir Rowel sa anak niya itong kompanya
Fronda: Talaga? So, totoo pala balita na mag se-settle down na si sir Rowel sa bago niyang pamilya.
Eli: At ito pa ang good news! Gwapo raw yung anak na panganay ni sir Rowel! Feeling ko it's time na for me na magpa taliππ
Jacky: Kadiri kaπ
Gilbert: Ate gurl @Monique kailan mo ba balak mangupahan rito sa quezon city para ka naman nalelate at natatambakan ng trabaho?
Eli: Oo nga teh! Nakaw! Balita ko rin istrikto yung anak ni sir Rowel, ayaw non ng makupad sa trabaho.
Fronda: Para namang pinalalabas mo na makupad ni Monique. Hoy teh! Mas masipag pa yan sayo! π
Nag tipa ako ng tugon sa usapan nila.
Me:Ang hirap iwan ni mama mag-isa rito sa bahay, weekends lang ang uwi ni papa.π
Nakakatuwa sila dahil inaalala talaga nila ako, kay Eli naman ay sanay na ako dahil sadyang taklesa lang talaga ang babaeng iyon at wala talagang nakakalampas na salita.
Ka team ko sila sa Sales and Marketing Management ng kumpanyang pinag tatrabahuhan ko at sa halos apat na taong nag tatrabaho ako sa kumpanyang iyon ay halos kilala na namin ang isa't-isa, at hindi nakaka lampas sa usapan namin ang pag lipat ko ng quezon city kung saan malapit sa trabaho.
Nang makapag tipa ako ng tugon na paalis na ako ay itinabi ko na bag ang cellphone ko at hinanap si mama upang mag paalam bago ako umalis. Nag lakad ako patungong kusina at nadatnan ko si mama na nag lalagay ng pagkain sa lunch box.
Naramdaman siguro ni mama ang presensya ko dahil napa angat ito ng tingin saakin na kaagad ko namang binati ng magandang umaga at magpapaalam na sana pero agad akong inunahan ng sermon.
"Mag agahan ka anak habang nasa byahe, huwag kang mag papalipas ng gutom, bata ka. Mahal ang magka sakit kaya alagaan mo ang sarili mo." sermon ni mama habang inilalagay ang mga lunch box sa bag.
"Opo ma, huwag na ho kayo masyadong mag-alala--"
"Panong hindi ako mag-aalala? Eh naikwento saakin ni Kara isang beses na nalilipasan ka ng gutom dahil hindi ka nakain sa umaga pag nadating ng trabaho mo." pag putol ni mama sa sasabihin ko habang naka pameywang ito at masama ang tingin saakin.
Bakit ko nga ba naikwento kay Kara ang tungkol sa bagay na iyon? Alam niyang mali ang ginawa ko kaya alam kong isusumbong niya ako kay mama and here it is. She already did.
"Bakit hindi ka na kasi mangupahan o lumipat ng bahay malapit sa trabaho mo ha? Pinapayagan ka nanaman namin ng papa mo ah, hayaan mo't maghahanap kami ng magandang matutuluyan malapit sa trabaho mo, mag papatulong ako sa papa mo mag hanap. Nang hindi ka na mahirapan sa pag byahe ng maaga, kaya ka nalilipaasan ng gutom e." paglilitanya ni mama.
Maagang sermon nanaman ang nangyari. I looked at my wrist watch for the time,
"Ma, tsaka na lang natin pag usapan 'to. Mahuhuli na ho ako sa trabaho, tiyak na traffic pa ho." saad ko.
"Ay basta, kami na ang bahala ng papa mo. Oh, dalhin mo ito at mag almusal ka." iniabot saakin ni mama ang bag na may lamang pagkain bago ito nag paalam saakin at sinamahan ako sa palabas ng bahay.
Balak ko na sanang buksan ang kotse ko nang may bumusinang sasakyan sa tapat ng gate namin at kilalang kilala ko ang ford ranger na iyon.
Hindi ko alam na aalis siya ng ganito rin kaaga, at lalong hindi ko alam na narito pa pala siya. Hindi niya man lamang ako sinabihan, at nakakapag taka na ilang beses niya na akong hindi sinasabihan sa mga balak niyang gawin.
Kailan pa naging masikreto ang bestfriend kong ito?
Mabilis itong lumabas ng kanayng sasakyan at kaagad na nag mano kay mama at sandaling nag usap bago ito nag paalam at agad agarang hinila ako at binuhat pasakay ng shotgun seat.
Mabilis ang pag ikot nito pasakay sa driver seat at kaagad na pinaandar ang sasakyan ng wala man lamang pasabi kaya kaagad akong nag suot ng seatbelt dahil sa ginawa niya.
"Anong meron at maaga kang nagising during work days? Gabi lang tayo parati nakakapag kita ah," i asked curiously. "At isa pa, nabago ba sched mo?"
Hindi niya ako sinagot kaagad dahil naka tuon ang atensyon niya sa daan, akala ko ay sasagutin niya na ang mga tanong ko nang saglit siyang lumingon saakin ngunit tinuro niya lamang ang bag ng may laman na pagkain na pinadala saakin ni mama.
"Eat your breakfast, mahaba haba ang byahe kaya mas mabuting mag agahan ka na muna." he said before returning his gaze on the road.
Paano niya nalaman na pagkain ang dala ko? At isa pa, nakakapag taka na concerned siya sa pagkain ko e samantalang dati ay hindi niya naman inaabala ang tungkol sa pagkain ko kapag hindi kami magkasama.
Ako lang ba, o sadyang may kakaiba sa mga kinikilos ni boo?
Hindi na lang ako nag tanong pa at sinunod na lamang ang sinabi niya. Binuksan ko isa-isa ang lalagyan ng pagkain.
"Nag breakfast ka na ba?" i asked without looking at him because i'm preparing the food on my lap.
Nang hindi siya sumagot ay nilingon ko siya. "Hoy,"
He smiled, "Don't mind me, just eat your food."
"Tsk, don't mind me ka diyan. Dapat may laman rin ang tiyan mo, susubuan na lang kita kasi you're driving--"
"N-no need, ako na lang--"
"I insist boo, you should eat too. Tsaka hindi ko naman kayang ubusin itong pinabaon ni mama." sabi ko. Hindi na siya muling umangal pa dahil alam niyang hindi siya mananalo saakin sa argumento naming dalawa.
Habang nasa byahe ay kumakain kami, kapag naka subo na ako ay siya naman ang susubuan ko. And that happened until we already finished the food until we already reached Manila at konting kembot na lang nasa QC na kami.
Muli kong naalala na iyong mga tanong ko sakanya na hindi niya nanamn sinagot kaya muling tinanong ko sakanya pero muli nanaman niyang hindi sinagot at nilihis ang usapan namin sa paborito kong kanya na tumugtog sa stereo ng sasakyan niya which is 'Akin ka na Lang' by Morissette Amon--one of the best singer in the Phlippines i've ever known.
"I didn't ask before because the song is too clingy, but why this song is your favorite of all the songs?" boo asked while glancing at me.
"Uhm...maybe because it has deep meaning?" sagot ko at sandali siyang nilingon na saktong lumingon rin saakin.
"Lame answer, and you're lying. Look at what you're doing on your hands?" sabi nito na bakas ang disgusto sa boses dahil sa naging sagot ko.
Alam na alam na niya talaga kapag nag sisinungaling ako, because when i'm lying i always scratch my knuckles from my both hands.
I chuckled before i answered. "Honestly, i can feel every words in the song. I feel like it is really made for me and narrating how i feel. It's really hard to fall for someone that you know that you can't ever have, so you just have to pray and wish for that someone to be yours." i answered while reminiscing all our memories together, from the very start and from the moment i'd realized that i've already fallen for him.
Umayos ako ng upo paharap sakanya. "In short, i love someone that i can never have. It sucks but i'll live."