Hinihintay kong dumating si boo dahil may usapan kami na sabay kaming papasok ngayon sa trabaho dahil nagka sabay ang aming iskedyul sa trabaho.
Binilisan ko talaga ang kilos ko para mauna ako sakanya at hindi na niya ako hintayin sa aking pag pripera dahil alam kong maiinip iyon at mang hihingi saaakin ng pera sa bawat minutong nag hintay siya--kaya pinilit ko talagang bilisan ang kilos ko kahit hindi ko naman talaga gawain iyon.
Agad kong inayos ang aking sarili nang mamataan ko siyang papalabas na ng kanilang bahay na ilang lakad lang mula saamin ang pagitan. Balak ko sanang kumaway nang magawi rito ang tingin niya pero kaagad iyong nakuha ng babaeng patakbong lumapit sakanya.
Hindi ko kilala ang babae, hindi siya pamilyar. Sino siya? Hindi mapigilang tanong ng isip ko. Kaagad na sinalubong ng yakap ni boo ang babae at wari ko'y malapit sila sa isa't-isa.
Naglakad ako papalapit patungo sakanila at tinatawag ang pangalan ni boo ngunit kahit na gaano kalakas ang aking pag tawag ay kahit ni minsan ay hindi niya man lamang ako nilingon. Tanging sa babae lamang na kanyang masayang kausap naka baling ang atensyon niya.
"B-boo, s-sino siya?" hindi ko namalayang sabi ng bibig ko. Hindi lamang sa tono ng pananalita ko nababakas ang sakit na nararamdaman ko kundi pati narin saaking mga mata.
Bakit hindi niya man lamang ako magawang tingnan?
Balak ko na sanang tumalikod at umalis nang sandali siyang tumingin saakin bago tumalikod at nag lakad papalayo na magka hawak ang kanilang mga kamay habang masayang nag uusap.
Masaya na siya sa iba Monique, masaya na siya kahit wala ka. Hindi ba dapat masaya ka rin para sakanya? Pero bakit nasasaktan ka?
Mahal mo siya, pero huli na ang lahat. May mahal na siyang iba.
"MONIQUE MITCHEL aba bumangon ka na riyan at tangahali na, narito si Antonyo sa ibaba at hinihintay ka!" napapitlag ako sa malakas na sigaw ni mama mula sa ilabas ng aking silid.
Nasapo ko ang aking mukha dahil sa isa nanamang masamang panaginip at nakaka ilang beses na ang ganitong klase ng panaginip na dumadalaw saakin parati. Nag buntong hininga na amang ako bago bumangon at tinignan ang orasan.
"Ma, ala sais pa lamang ho!" saad ko habang nag lalakad para pag bukasan ng pinto si mama na tumambad saakin na naka pameywang at may hawak na walis tambo.
"Ano ngayon?" aish, akala ko naman tanghali na talaga si mama talaga masyadong maaga ang sariling orasan. "Mag ayos ka na at hinihintay ka ni Antonyo sa ibaba, garaan mo ang suot mo at mukhang may lakad ata kayo."
May lakad? Wala namang nababanggit saakin si boo na ay lakad kami na naka takda ngayong araw ah. Padadalhan ko na lamang siya ng mensahe mamaya para maitanong kung ano ba ang mayroon.
"Sige po, tsaka ma. Sabi ko ho sainyo na iyong vacuum na lamang ang gamitin ninyo para hindi na kayo mahirapan sa pag wawalis--"
"Ayaw ko baga noong vacuum vacuum na iyon, parang hindi parin naman nakaka linis ng sahig mas mainam pa itong walis sa ganere eh." litanya nito bago nag paalam na ipagpapa tuloy na ang pag wawalis.
Si mama talaga. Isinarado ko na ang pintuan ng aking silid bago nag tungong muli saaking kama upang kunin ang cellphone na nasa lamesa sa gilid ng aking kama. Hinanap ko ang pangalan ni boo bago ito tinawagan hindi pa natatapos ang isang tunog ay kaagad nitong sinagot.
"Good morning babe!" magiliw na bati nito.
"Morning. Saan lakad natin ha? Bakit hindi mo ako sinabihan kaagad?" deretsahan kong sagot habang kinukuha ang aking tuwalya na pang ligo at nag lakad patungong silid saaking damitan.
"Sorry na babe, nagpa re-sched talaga ako ng off para ikaw ang maka sama ko." hindi ko mapigilang mapa ngiti dahil sa tinuran nito.
"Asus! May kasalanan ka ano? Oh kaya naman may hihingiin kang pabor kaya binobola mo ako?" sa matagal ko nang pagkaka kilala kay boo, alam ko na.
"You got me babe," sabay tawa nito na para bang bata na nahuling gumagawa ng kalokohan.
Para bang may daliring kumurot saaking puso sa narinig ko. Kailangan nanaman niya ako, naalala niya lamang ako kapag kailangan niya ako.
"Psh, you should've told me sooner. Nag hintay ka tuloy riyan." pinili ko namang itago ang totoo kong nararamdaman dahil ayaw kong masira ang araw naming pareho.
Abala ako sa pamimili ng aking susuotin habang kausap parin siya sa kabilang linya na nasa ibaba lang naman ng bahay namin.
"Okay lang 'yon babe, besides i want to surprise and spend the whole day with you." and that made my heart skipped a beat. Damn.
Tumikhim muna ako bago muling nag salita. "Kadiri ka, ang tamis mo mag salita baka ma-fall ako saiyo niya..." tang..i..na, did i just said that?
Bad words Monique! Nag sasalita ka nanaman ng engles mayayari ka niyan sa mama mo.
Dahil isa sa patakaran sa loob ng aming pamamahay na hindi maaaring mag salita ng english maliban na lamang kung kami ay nasa paaralan o trabaho. Nakaka limutan na raw kasi ng mga pilipino ang sariling wika dahil sa mga impluwensya ng ibang bansa.
Masyagong sentimental si mama kaya lahat pinahahalagahan. Kaya pati sa labas ay nadadala ko, lalo na san trabaho.
"As if babe," saglit kong nalimutan na may kausap pa pala ako saaking cellphone.
Ako na ang nag baba ng tawag at nag padala na lamng ng mensahe sakanya na mag aayos na ako nang hindi na siya mag hintay ng matagal.
Hindi naman siguro mali na nararamdaman ko ito hindi ba? Pero mas pipiliin kong manatili na lamang na ganito dahil ayaw kong mawala ang pagkakaibigan naming dalawa, ayaw ko siyang mawala at ayokong magkasira kami dahil lang rito.
"MA ALIS na ho kami," sigaw ko nang maka baba ako ng hagdanan dahil hindi ko alam kung nasaang lupalop si mama ng bahay.
Tumayo si boo nang makita ako at nginitian ako na kaagad ko namang ibinalik, sandali niya rin akong niyakap--at kahit na sandali lamang iyon ay kumapit na saakin ang pabango niya, mabuti na lamang at hindi ako nag pabango kundi maghahalo ang amoy ko.
Well, men's perfume last forever at ang unfair kasi hindi naman tumatagal ng ganuon ang pabango ng mga babae.
He patted my head then messed my hair--one of his habit when we are together at palagi rin siyang nakaka tanggap ng hampas saakin sakanyang braso just like now.
Ilang oras akong nag ayos ng buhok ko tapos ang walangya guguluhin lang?! No!
"Sabi ko saiyo huwag ang buhok ko! Hindi ka nga nagpapa galaw ng buhok mo riyan tapos ang akin guguluhin mo?!" muli ko siyang hinampas sakanyang braso ngunit tila'y hindi man lamang ito nasaktan dahil sa hampas ko.
"Ang cute mo talaga, babe ko kaya sayo ako e." sabay ngiti nito ng malapad na umaabot pa sakanyang mga mata.
Parang tanga, nahulog na nga pa-fall pa lalo.
"Oh, na tapos ka rin sawakas Monique. Akala ko ay natabunan ka na ng kwarto mo." saad ni mama na lumabas ng kusina.
"Oo nga ho Tita e, akala mo naman may mag babago sa hitsura sa bagal ng kilos." sabay tawa nilang dalawa.
Parang wala ako ditong pinag uusapan nila. Okay sige hangin ka lang Monique, hangin ka lang.
"Kumain muna kayo bago umalis--"
"Hindi na ho Tita, may hinahabol ho kasi kaming oras. Mag drive thru na lamang ho kami." saad ni boo. Hinahabol? I. Am. Not. Informed.
Wala man lang briefing na naganap? Wala akong alam sa lakad na ito at hindi ko rin alam kung saan ba akong lupalop ng mundo dadalhin nitong si Antonyo.
Hindi na nakipag argumento pa si mama kay boo dahil alam niyang ligtas naman ako kapag si boo ang kasama ko. In short, malaki ang tiwala ni mama kay boo keysa saaking sarili niyang anak. Sa totoo nga niyan ay si boo ang inusap ni mama para gwardiyahan ako, kaya walang ni isang nangahas na saktan ako dahil sa 'bodyguard' kuno ko na tingin pa lang baldado ka na.
But sometimes, Michael Anthony Kijano is such a pain in the ass. He's like a total combination of Mama and Papa, with a 'lil of our friends; he's a total package protector and chismosa sa buhay ko.
Though, i became used to it. Sa tinagal ba naman ng panahon ng pagkakaibigan namin hindi pa ba ako masasanay? At tiyak na maninibago ako kung nag tagal na wala ang presensya niya.
But he is a total jerk right now, not even answering my question kung saan niya ba ako isasama. Nasa kotse niya kami at siya ang nag mamaneho, kanina niya pa nililihis ang sa ibang usapin kapag nag tatanong ako kung saan ba kami patungo.
"I swear Maki, kapag hindi mo ako sinagot tatadyakan kita riyan." inis na saad ko. Sandali niya akong binalingan ng tingin na magka salubong ang kilay at muling ibinalik iyon sa daan.
"Yes babe, sinasagot na kita" he answered. What?
Then i realized what i said, mali ako ng phrase na ginamit. But his answer made me happy ad gave me a lot of hope, but sadly it's not serious.
Kinurot ko ang palad ko na naka patong sa hita ko, Monique brace your self okay?
Sinamaan ko siya ng tingin, pag tago sa totoo kong nararamdaman. "Maki,"
He deeply sigh, "Okay, you're already pissed calling me by my nickname already," inihinto nito ang sasakyan dahil red light na tsaka ito bumaling ng tingin saakin. "I asked you today to accompany me, and also i need your help."
"For what?" i asked. Mataman niya akong tinignan bago ito muling nag salita.
"To help me choose on what present should i give to the girl i'm courting."
That. Fucking. Hurt.