Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 13 - Chapter 13: Ghost Hunting!

Chapter 13 - Chapter 13: Ghost Hunting!

MIXXIA

2:30 am na nang madaling araw at andito kami sa kusina upang maghanda para sa pangatlong mission.

Isinuot na namin ang mga costume na ibinigay ni Miss Anonymous at sinuri ang mga 'Ghost Vacuum Machine' na gagamitin namin. Mukhang baril it at may laser light. Meron rin itong negative energy and heat detector. Kumpleto kami sa gears from head to toe.

Meron kaming headphones na connected sa eye shades for clues. Ang lahat nang maririnig namin ay automatic na magpapop-up sa mini-screen na naka-connect rin sa shades.

Sa arms naman namin ay may naka-kabit na smart watch. Para makita namin ang message at para na rin makapag-send ng mensahe.

Nakasuot kami ng combat boots at meron rin kaming knee caps for support.

Itinali ko ang buhok ko upang walang sagabal mamaya sa mission namin.

Bumuo si Kent ng mga pares na magkakasama sa pag-hunt ng mga multo.

Ace at Vince.

Migs at Arthur.

Mark at Josh.

Daniel at Sam.

Si Venice at si Von.

Tapos ako at siya.

"Ako ang dapat kasama ni Mixxia, at hindi ikaw!" Naiinis na sabi ni Von.

"W---" hindi naituloy ni Kent ang gusto niyang sabihin dahil dumating na si Miss A.

"Ehem"

Napalingon kami kay Miss A. Mabuti na lamang at dumating siya kundi mag-aaway tong dalawa.

"Ready na ba kayo?" Nakangising sabi niya.

Napatingin ako sa oras at five minutes nalang bago magsimula ang task namin.

Kinakabahan ako. Ewan ko pero, sana si Sam nalang o si Von ng kasama ko at hindi si Kent.

Inulit ni Miss A ang instructions niya at pina-alalahanan kami sa mga pwedeng mangyari. Pasimple kong sinulyapan si Sam at mahalata niya iyon kaya kaagad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya.

"Hanapin niyo ang dalawampu't isang multo na naninirahan sa bahay na ito. Gamit ang 'Ghost Vacuum Machine' na hawak niyo ay itututok niyo ito sa kanila. Huwag na huwag niyong kakalimutang pindutin ang red button para hindi sila makatakas. Hindi kayo masasaktan ng mga multo, unless gumamit sila ng mga bagay rito sa mansion kaya papaalalahanan ko ulit kayo, mag-ingat kayo. Yun lang. Good luck! Your mission starts in 3, 2, 1."

Narinig muna namin ang nakakabingi at nakaka-iritang halakhak ni Miss A bago maglaho.

Kaagad na hinawakan ni Kent ang kamay ko at tumakbo kami papunta sa kwarto ko upang tignan kung may multo roon. Biglang nagpatay sindi ang ilaw kaya naman ay nakakapit sa akin si Kent.

Akala ko ba po-protrektahan ako nito?

Para siyang batang todo kapit sa damit ko dahil natatakot.

"Huy Kent! Umayos ka nga!" Pabulong na sigaw ko.

Mas lalo niya akong niyakap nang mahigpit dahil natatakot talaga siya.

Naglakas loob akong tumayo at hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay namin at ngumisi.

"Sabi ko na eh, may gusto ka sakin Mixxia no?" Mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"For your information Mr. Kent----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil may nakatayong dalawang multo sa likuran ni Kent.

Kamal ito at may hawak na teddy bear yung isa.

Lumingon si Kent at sa halip na matakot ay nilapit pa niya ito. Hindi mo aakalaing multo ang dalawa dahil cute talaga silang tignan.

Unti-unting napaaatras si Kent habang unti-unti ring nagbabago ang anyo ng dalawang bata.

Ang batang nasa kaliwa ay dinukot ang mata ng kapatid niya saka ito kinain. Tumawa nang malakas ang nabulag niyang kapatid at nagsuka ng dugo.

Labis ang pandidiri ko kaya tinutok ko ang 'Ghost Vacuum Machine' sa kanila at hinihop sila noon.

Ginamit ko ang smart watch upang i-contact ang ibang mga kasama.

Napatingin ako kay Kent na sobrang putla ngayon. Hinila ko siya paalis ng kwarto at hinintay na matauhan siya.

I hugged him.

Ngumiti siya at kaagad na humiwalay sa pagkakayakap upang hilain ako para hanapin ang iba pang mga multo.

Makahila naman to, parang hindi takot.

Nakita namin sila Von at Venice kaya sumama kami sa kanila, dalawa na rin ang nahuli nilang multo.

Nasa salas sila at bigla raw bumukas ang telebisyon. Parang yung Japanese horror Film na 'Sadako' yung style. Lumabas ang isang babaeng may mahabang buhok sa TV, at nanggulat. Mabilis na nahuli ito ni Von. Ang isang multo ay nakasiksik sa ilalim ng sofa. Kahit takot na takot raw si Venice ay nahuli niya ito.

Natatakot rin ako pero takot si Kent kaya nagpapanggap akong matapang.

Pumunta kaming apat sa  kusina upang maghanap ng nagtatagong multo roon.

Kanina pa kami naghihintay ng lalabas na multo pero wala pa rin.

Nagutom kami kaya kumuha kami nang makakain sa ref.

"Wala nang multo jaan, nahuli na namin." Hingal na hingal na sabi ni Vince.

"Ah ganon ba... eh saan naman kaya meron?"

"Uy may foods pahingi!" Natutuwang sabi ni Ace.

Nakita namin sila Migs, Mark, Arthur, Daniel, Sam at Josh na papunta sa direksyon namin.

Tinignan namin ang checklist nang mga multong nahuli namin.

Ako-2

Kent-0

Von-1

Venice-1

Migs-2

Arthur-2

Mark-2

Ace-2

Vince-2

Sam-2

Daniel-2

Josh-2

Bale may nahuli na kaming 20 na multo. May isa pa.

Napuntahan na namin lahat except sa basement.

Basement na naman?

Palagi nalang doon nage-end ang mission namin. Pinaka-ayokong part ng bahay na to yung basement kasi nandoon yung nakakatakot na manika.

"Oh wag niyong sabihin na ako na naman at si Mixxia ang pupunta doon!" Pabalang na sigaw ni Kent.

'Sus! Ayaw mo lang aminin na takot ka.'

"Oh bakit kayo nakatingin sa amin?" Mataray na sagot ni Venice.

Kahit natatakot ako ay gusto ko nang matapos agad ang mission na to.

"Lahat nalang tayo pumunta doon..." Kalmadong sabi ko.

Tumingin sa akin si Sam at tumango bilang pag-sang-ayon.

Walang nagawa si Kent kundi ang sumunod sa amin sa basement.

Gamit ang Ghost-o-meter ay nakukuha namin ang mga enerhiya na nakapalibot sa bahay at malalaman kung kakaiba ito.

Nakita namin si Annabelle na payapang naka-upo sa lagayan niya.

Nakakakilabot!

Normal naman lahat ng nandoon except sa manikang iyon.

Kamukhang-kamukha talaga ito nung nakakatakot na manikang napapanood natin.

Halos maipikit ko ang mata ko huwag ko lang makita iyon. Kasabay noon ay ang pagtakip namin ng tenga dahil sa nakakakilabot na paghalakhak nung manika.

Napaiyak na ako sa takot ngunit may biglang yumakap sa akin...

"Sam"