Miss Anonymous
Hindi ko dinala di Maddox sa Haunted House. Syempre, dapat wise ako. I scanned her body if ever there's a hidden camera. Mahirap na, baka ma-trace kung saang lugar ko siya madala.
Paano kaya kung i-annouce ko sa kanila na may bago silang housemate?
Nagsisimula pa lang ako. Hindi pa ako tapos sa paghihiganti. Isa lang naman ang hiling ko, ang mahalin ako uli ni Gerald. Para mabuo na uli ang pamilya namin. Wala akong pakialam kung may maapakan ako. In the first place, nagsinungaling siya sa akin. Sabi niya ako lang ang mahal niya. 'Yon pala, kabit lang ako. Pampalipas oras lang ako.
Tapos ako pa ngayon ang lumalabas na kontrabida? Ipagpapatuloy ko maghiganti. Para to sa kinabukasan ni Mixxia. Gusto ko lang na mabuo uli ang pamilya namin.
"Anong kailangan mo sakin?" Galit na galit na tanong ni Maddox.
"Huwag kang mag-alala. Gusto mong makita ang kapatid mo di ba? Dadalhin kita mamaya sa kaniya." Walang emosyon kong tugon sa kaniya.
"Hindi ka magwawagi Miss A! Hindi ka na babalikan ni daddy! Ex ka na! Wala ka na sa buhay niya!" Sigaw niya na nakapag-init lalo ng ulo ko.
Pinilit kong humalakhak. Napantig ang kaniyang tenga kaya tinakpan niya ang mga ito.
"Makikita mo Maddox! Kung sino ang pipiliin niya sa amin ng mommy mo! Una pa lang sawang-sawa na ang daddy mo sa kaniya! Pinangakuan niya ako noon! Ako ang papakasalan niya! Alam mo yung masakit? Pare-parehas nila akong niloko! Best friend ko dati ang ahas mong ina Maddox!"
Nanlaki ang mata niya sa gulat. Pinilit kong huminahin. Lumingon ako sa kaniya at kaagad siyang napayuko.
"Kung ano man ang nagawa ng mga magulang ko sa nakaraan, tapos na yon. Sana mapatawad mo na sila..."
"Mapatawad Maddox? Ako? Magpapatawad?" Mapait akong tumawa at isinalaysay sa kaniya ang nangyari.
"Buntis ako noon kay Mixxia. Nagkataon na nalaman ko na buntis rin ang mommy mo. Tuwang-tuwa kami non. Nag-celebrate kami. Hanggang sa napag-usapan namin ang tungkol sa ama ng mga dinadala namin." I sighed.
"Hindi ka ba nagtataka? Dahil ilang buwan lang ang agwat niyo ni Mixxia?"
Tumingin siya sa akin nang may pagtataka.
Pineke nila lahat ng sa anak ko. Pinalabas nila na magkakambal sila ni Maddox. Dahil parehas sila ng ama ay hindi halata na hindi talaga sila kambal. May pagkakahawig sila sa mata na kuhang-kuha nila sa mata ng daddy nila.
"You've been fooled too Maddox..." Tumawa ako uli nang mapakla.
Hindi siya makasagot. Nagsimula nang pumatak ang kaniyang mga luha.
"Baby palang kayo kaya hindi niyo maalala..." dagdag ko.
"Dalhin mo na ako sa kapatid ko, gusto ko na siyang makita..."
"Sige..." Tipid na sagot ko.
Bakit ganoon? Naaawa ako kay Maddox. Hindi ito maaari. A villain should always be a villain.
Nararamdaman kong sumasakit ang ulo ko. Sa tuwing nakakaramdam ako ng awa ay sumasakit ito at parang pinupukpok.
Naka-posas pa rin ang mga kamay at paa ni Maddox. Pinabuhat ko siya sa dalawang tauhan ko. Tinurukan ko siya ng sleeping agent at inilagay ko siya sa isang container.
Mukha siyang mannequin. Inihanda ko ang kwarto niya sa loob ng Mansion.
Tinawagan ko si Jake. Ang ex ni Venice. Sabihin ko kaya na hawak ko sila? Siguradong sobra-sobra na ang pagaalala nila.
I'm loving this game.
Tinawagan ko ang number ni Jake na nakuha ko sa contacts ni Mixxia. Matalino ako at kaya kong makuha ang mga impormasyon ng isang tao sa pamamagitan lamang ng gadget at internet.
"Hawak ko ngayon ang mga pinsan mo at mga kababata mo. Mahahanap mo kaya sila? Walang magagawa ang mga pulis kaya huwag na kayong mag-aksaya ng oras. Makinig ka sa akin Jake kung gusto mo pa makita nang buhay ang mga pinsa't kaibigan mo."
Narinig kong napamura siya ng mahina. Tumawa ako. Yung napakalakas. Palagi akong sinasabihan na nakaka-irita daw tawa ko. Well, wala naman akong pakialam.
Nagpadala ako ng litrato ng isang bahay. Syempre ginamit ko utak ko no!
Hindi nila alam na peke ang mansion na iyon. Kahit sila Mixxia, hindi nila alam kung pinapaikot ko lang sila.
Haaayss...
Maddox, kasama ka na sa mga collection ko. Kumbaga sa dollhouse, sila ang dolls.
Bumalik ako sa aking office para ituloy ang ginagawa kong mga AI or mga robot na may Artificial Intelligence. Inaayos ko pa ang features nito. Dapat kamukhang-kamukha nila upang hindi mahalata na robot ang mga ito. Pinag-aralan ko isa-isa ang mga hobbies at ugali ng mga bata upang magmukha talagang sila ang mga ito.
Sunod kong gagawin ay ang dalhin ang mga robot na to sa bahay nila.
One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve, and thirteen.
Plus, ang "Artificial Intelligent" version ni Maddox.
Kumuha ako ng blood samples at nagrecord ako ng way kung paano siya magsalita at boses niya, nang sa ganoon ay maisagawa ko na ang plano sa lalong madaling panahon.
Ang gaganda at ang gagwapo ng collection ko. I'm sure na magtatagumpay ako. Thankful ako kasi napabilang ako sa family ng mga scientists.
Ini-set up ko na ang mansion at inilagay si Maddox doon sa kwarto katabi ng kwarto ni Mixxia.
Iniisip ko kung ano ang pwede kong ipagawang mission sa kanila. Ayoko na silang pakawalan pa at paalisin sa Mansion.
Hmmm.
Ano kaya? Pagpahingahin ko nalang sila hanggang sa mahanap sila ng mga magulang nila?
Hindi pwede!
Mamaya ko na nga pag-iisipan!
Tinawagan ko na ang pinakamamahal kong ex.
"Hello, did you miss me?" Humalakhak ako ng malakas.
"Please, lahat gagawin ko maibalik lang ang mga anak ko. Please..." Nagmamakaawang sambit ni Gerald sa telepono.
"Talaga?"
"Oo, bilis na ang dami mong arte!"
Pagkakataon ko na ito. Pagkakataon na mabuo uli ang pamilya ko. Makakaganti na rin ako sa pamilya nila. Maisasagawa ko lahat ng plano ko. At magiging matagumpay ito!
"Huwag kang magsisisi Gerald. Balikan mo ako o papatayin ko ang anak mo? Iwan mo ang pamilya mo para sa akin! Ituloy natin ang mga pangarap natin noon! Gerald hindi pa huli ang lahat. Magpakasal tayo! Mahal na mahal pa rin kita..."
Namayani ang katahimikan pati sa kabilang linya.
"Mahal ko ang pamilya ko Ann... Masaya na kami pero dumating ka at ginulo mo uli."
"Gerald! Ikaw ang naggulo ng buhay ko! Pinatay mo ang dating ako! Dahil sumama ka sa best friend ko! Napaka-unfair mo!"
"Ikaw ang unfair Ann! Matagal na yon! 19 years na ang nakakalipas! Hindi ka pa rin naka-move on?"
"Basta, kapag hindi mo iniwan pamilya mo para sa akin, mamamatay si Maddox!"
Akala ng mga lalaki, kaming mga babae ang nagbago. Hindi nila alam, sila ang dahilan kung bakit kami naging ganto.
Mahirap nang buhayin ang namatay nang damdamin. Lalo na kung paulit-ulit nila itong ginawa.