Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 17 - Chapter 17: Lies versus Truth

Chapter 17 - Chapter 17: Lies versus Truth

MADDOX

Ilang araw nang nawawala si Mixxia pati na rin ang grupo nila Kent. Labis ang aming pag-aalala at hindi kami makatulog nang maayos.

Hanggang ngayon ay walang idea ang mga pulis kung nasaan ang kapatid ko at ang mga kaibigan niya. Tinaasan na rin ang pabuya na nagkakahalahang labing-dalawang milyong piso, mahanap lang sila.

Ang pinagtatakhan ko ay si daddy na laging may kinakausap sa telepono. Pagkatapos niyang makipag-usap ay galit na galit sya at halos ibato ang cellphone nya.

Dahil curious ako kung sino ang tumatawag sa kaniya tuwing gabi ay napagpasiyahan ko na sundan si daddy nang hindi niya napapansin.

Makikita ang malalaki at nangingitim niyang eyebags. Kumalat na ang pagkawala lalo na sa school. Hindi ako makapasok dahil ako ang sinisisi nila sa pagkawala ng kapatid ko.

Oo, alam ko na ampon si Mixxia. Pero ni minsan ay hindi ko siya pinagselosan dahil parehas kaming mahal ng mga magulang namin.

Itinuring kong tunay na kapatid si Mixxia. Ni hindi kami masyadong nag-aaway. Nag-aasaran kami minsan at nagkakatampuhan pero bilang ate, ako na ang nagpapasensya.

Walang alam si Mixxia sa kaniyang nakaraan. Miski ako ay kakaunting detalye lang ang alam ko dahil nilimitahan nila daddy ang pag-kwento dahil baka aksidente ko raw na masabi iyon kay Mixxia.

For me, nasa tamang edad na si Mixxia at dapat na malaman na niya ang totoo.

Malapit sa pool si daddy kaya nagtago ako sa may cottage. Ang distansya n'on at sapat na upang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Walang hiya ka talaga Bernadette! Ibalik mo na sa akin ang anak ko!" Galit na galit na singhal ni daddy sa kausap niya sa telepono.

Kahit hindi ito naka-loud speaker ay dinig na dinig ang halakhak ng isang babae sa kabilang linya. Matinis ito at nakakabingi. Inilayo no daddy ang cellphone nya sa kaniyang tenga.

"Ano? Hindi ako maniniwala sa iyo! Sinasabi mo lang iyan para bumalik ako sayo! Hinding-hindi kita babalikan. Mahal ko pamilya ko. At ikaw rin ang may kasalanan kung bakit kita iniwan!"

Iniwan?

Sino ang kausap ni daddy? Nagkaroon ba siya ng kabit? May iba pa ba syang kinakasama bukod kay mommy?

Matapos ang pag-uusap nila ay marahas na ibinato ni daddy ang cellphone nya sa pool.

Alam kong hindi iyon masisira dahil waterproof iyon.

Maikli lang ang pasensya ni daddy kaya hindi pwede sa kaniya ang hindi matibay na cellphone.

Hindi siya nag-abala pa na kunin iyon. At kaagad syang pumasok sa bahay.

Kinuha ko ang cellphone ni daddy kahit napakalamig ang tubig pati ng klima.

Dumaan ako sa likod ng bahay upang hindi nila ako mapansin. Nakita ako kanina ni aling Betty na basang basa kaya naman ay dinalhan niya ako ng tuwalya at malinis na damit upang agad na makapagbihis. Mag-aalala sya dahil sa sobrang lamig ng klima at ng tubig sa pool ay baka magkasipon ako.

Nakiusap rin ako sa kaniya na ilapag ang cellphone ni daddy sa coffee table sa living room.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay kaagad kong chineck ang cellphone ko. 35 missed calls at 2 messages.

Ang isang mensahe ay galing sa pinsan kong si Jake at ang isa pa ay galing sa isang anonymous number.

Inuna kong basahin ang galing sa hindi kilalang numero.

From: Unknown Number

"Miss mo na ang kapatid mo? Or let's just say na anak ko at kapatid mo sa labas. Kung gusto mong makita pa siya ay i-meet mo ko sa BlackSweet Coffee shop, mamayang 10 pm. Huwag na huwag mong sasabihin ito kahit kanino kung ayaw mong masaktan ang kapatid mo at mga kaibigan nya. See you there Maddox! 

-Miss A"

Nanginginig na inilapag ko ang cellphone ko sa nightstand.

Nasaan ang kapatid ko? Sino sya? Anong kailangan niya sa akin?

Binasa ko ang mensahe ni Jake.

From: Jake

"Nakarating sakin ang balita. Pauwi na ako jan sa Pinas. Tutulong ako sa paghahanap sa pinsan ko at sa mga kababata ko."

Sasabihin ko kaya kay Jake?

I checked the time and it's 9 pm. May one hour pa ko para pumunta sa coffee shop na sinasabi ni Miss A.

Inagahan ko ang pagpunta doon at naabutan ko na nagsasara na ito.

"Ma'am closed na po kami, pasensya na po." Magalang na sabi ng isang trabahador doon na sa tingin ko'y isang working student dahil bata pa ang hitsura nito.

Gwapo rin.

Nakita ko ang pangalan niya sa kaniyang ID.

Josiah...

"Ahy okay lang po kuya, may imi-meet lang po ako."

"Huwag mo na kong tawaging kuya, tawagin mo nalang akong babe. Joke lang! Josiah... Josiah itawag mo sakin." Nakangiting sabi niya sabay abot ng kaniyang kanang kamay.

Inabot ko rin ang kamay ko. We shaked hands.

Ehehe enebe...

"Maddox..." Nakangiting tugon ko.

"Matagal pa ba hinihintay mo? Gusto mo samahan muna kita?"

Gusto ko! Kaso hindi pwede.

Nalungkot ako nang maisip iyon.

Ayoko mapahamak o madamay pa si Josiah.

"Okay lang kahit hindi na, alam kong pagod ka sa trabaho. Magkita nalang tayo bukas, bibisita ako dito sa shop." Nakangiting sabi ko.

"Okay sige... Mag-iingat ka ha? Hihintayin kita dito. See you tomorrow Maddox! It's nice to meet you..." He smiled then he waved goodbye.

I waved and smiled back.

Napabuntong-hininga ako dahil gusto ko siyang makilala.

Hindi ko rin alam kung aabutin pa ako bukas dahil makikopagkita ako sa taong dumukot sa kapatid ko at sa friends nya. Kung matalino si Miss A, dapat hindi ako magpatalo.

Bago ako umalis ng bahay kanina ay nag-iwan ako ng sulat kung sakaling hindi na ako makauwi.

"Ehem"

Nagulat ako at napalingon sa aking likuran.

Isang babaeng nakasuot ng maskara ang aking nakita. May kasama rin siyang dalawang maskuladong body guards.

"Maddox?"

"Ako nga" Kinakabahan ako pero pinilit kong hindi mapiyok. Napapalunok ako ng laway sa takot dahil sobrang lakas ng dating ng babaeng nasa harap ko.

"So you're my ex boyfriend's first daughter..."

"What do you mean?"

"Well, past is past. Matagal ko nang tinatawagan ang daddy mo para ibalik sa akin ang anak ko. Pero nagmatigas siya! Inilayo niya lalo sa akin ang anak ko at hindi napagbigyang makita siya. Kaya naman, gusto ko na maranasan niya mawalay sa anak. Isa pa lang ang nawawala pero halos hindi na kayo makatulog. Ngayon, dalawa na!"

Humalakhak siya ng sobrang tinis. Walang tao sa lugar na ito nang mga gantong oras kaya kahit anong mangyari sa akin dito ay walang tutulong.

Then suddenly, everything went black.