Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 20 - Chapter 20: Her Identity was Revealed

Chapter 20 - Chapter 20: Her Identity was Revealed

MADDOX

Nagising nalang ako na nakahiga sa isang queen sized bed. Inikot ko ang aking paningin at tinignan ang paligid. Mukhang wala na ako sa Sci-tech Hub ni Miss A. Wala rin naman ako sa bahay ko dahil hindi ganto ang itsura ng kwarto ko. Masyadong plain ang kulay pati na rin ang itsura ng kabuuan ng kwarto.

Tumayo ako upang libutin at tignan ang mga gamit na nandirito sa loob. Napansin kong may sulat sa ibabaw ng study table.

'My dear Maddox, enjoy your stay here sa mansion. Bumaba ka at makikita mo doon ang kapatid mo.'

-Miss A

Ibinaba ko ang papel at kaagad na sinunod ang utos niya. Tinignan ko ang orasan ko.

'7:30 am?!'

I sighed.

Pumunta ako sa salas ngunit walang tao roon. Panigurado'y nasa kusina sila o sa dining area.

Papunta na sana ako ngunit may narinig akong kaluskos na nanggagaling sa likod ng sofa. Umikot ako upang makita kung ano ang meron sa likod non.

"AAAAAAHHH MULTO!" Kumaripas ako ng takbo papunta sa kusina matapos makita ang isang babaeng nakaputi na mahaba ang buhok.

"ATE?!!!"

"MIXXIA?!!!"

Labis akong nagalak kung kaya naman ay tumakbo ako at niyakap siya nang sobrang higpit pagkatapos ay binatukan ko siya.

"Aray naman ate! Kala ko naman na-miss mo ako tapos kung saktan mo ko parang gusto mo na ako tanggalan ng ulo ah..." Nakasimangot na sabi ni Mixxia habang nakahawak sa kaniyang batok.

"Eh kasi naman bruha ka! Pinag-alala mo kami!" Niyakap ko si  Mixxia at hinimas-himas ang batok nito.

"Ate Maddox?! Anong ginagawa mo dito?" Takang-taka na tanong ng boys.

Isinalaysay ko sa kanila nangyari. Kung paano ko nalaman na nakuha sila ni Miss A pati na rin kung paano niya ako i-blackmail upang sundin ang utos niya.

"Napakawalang-hiya talaga niya..." Gigil na sabi ni Kent.

May biglang humalakhak kung kaya naman ay napatingin kami sa isang hologram screen na biglaang nagpop-up sa lamesa.

"Well, well, well... Meet your new housemate!" Nakangising sabi ni Miss A.

Nakita kong napakuyom ng kamao si Kent. Hinawakan ko siya upang bigyan siya ng senyales na huminahon. Kilala ko si Miss A. Base sa observation ko, gustong-gusto niya mang-inis ng mga tao.

Inikot niya ang kaniyang camera at ipinakita ang mga...

Teka, bakit kamukha namin ang mga ito?

"Surprise!" Malakas na sabi ni Miss A na sinabayan pa niya ng isang malawak na ngiti.

"Nagustuhan niyo ba ang regalo ko sa inyo students? Or should I say... Gift ko ito for your lovely parents. Kawawa naman kasi eh, lumalaki ang eyebags sa kakahanap sa inyo!" Humalakhak siya nang pagkalakas-lakas.

"Hindi ito maaari! Huwag mong sabihin n---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil kaagad na nagsalita si Miss A.

"Tama ka dear Maddox, ipapadala ko ang mga Artificial Intelligent clones na kamukhang-kamukha niyo sa mismong bahay niyo, nang sa gayon ay hindi na nila kayo hanapin pang muli at para habambuhay na kayong maninirahan dito bilang slaves ko! Kayo ang gagamitin ko para sa experiments na gagawin ko at kapag natuloy iyon ay siguradong magkakagulo sa buong mundo! HAHAHAHAHA!" Pagpapatuloy ni Miss A habang tumatawa-tawa na parang nababaliw.

Wala kaming masabi sa kaniya, at tila lahat kami ay nanlumo dahil sa balitang iyon. Nawalan na kami ng pag-asa.

Sunod na ipinakita ni Miss A si Jake at...

Josiah?

Siya yung lalaking pinangakuan ko na magtatagpo kami kinabukasan ngunit nasira lahat dahil sa bruhildang babaeng ito.

"Panoorin niyong mabuti kung paano sila mag-alala sa inyo! Hindi sila magkandau-ugaga! Kung kaya naman ay nais ko lang silang tulungan. Oh di ba? Mabait pa ako sa lagay na to!" Diri na diri siya nang sabihin iyon.

Narinig namin ang pinag-uusapan ni Jake at Josiah. Nakarinig kami ng isa malakas na kalabog.

"Venice!" Sigaw ni Mixxia.

Mas lalo pang tumawa nang malakas si Miss A at lahat kami ay naririndi na dito.

"UMALIS KA NA!" Sumigaw si Kent nang sobrang lakas at halos pumiyok ito. Ako naman ang nagpapaypay sa walang malay na si Venice. Wala na sa screen si Miss A at unti-unting naglaho ang hologram. Kahit ganoon ay nagpa-panic pa rin kami.

"Anong gagawin? Naku! Painumin niyo ng tubig..." Nagaalalang sabi ni Mixxia.

"Hindi pa pwede dahil unconscious pa siya." Singit ni Sam. Tandang-tanda ko pa ang pangalan nito dahil pinakilala siya sa akin ni Kent.

Laking ginhawa ang naidulot sa amin nang makita namin siyang nagmulat ng mata.

"Thank God!" Natutuwang sabi ni Mixxia. Kaagad naming pinainom ng tubig si Venice.

Tinanong namin si Venice kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya ngunit mas pinili niyang tumahimik kaya naman ay hindi na namin siya kinulit pa.

Sabay-sabay na tumunog ang cellphone namin. Nakita namin kung paano isa-isang umuwi sa bahay ang mga clone. Kamukhang-kamukha talaga namin sila.

Tumitig ang clone kay Josiah at nagpalitan sila ng mga matatamis na ngiti.

Nakaramdam ako ng kirot nang makita ang eksenang iyon.

'Josiah, hindi ako iyan.'

Lahat kami ay nainis, napaiyak at nawalan ng pag-asa.

Nasa salas kami ngayon dahil nagtext si Miss A na may ia-announce siya sa TV.

Kaagad na binuksan namin ang telebisyon at nakita namin si Miss A. This time, buong mukha niya ang nakita ko.

"Ikaw?!!!" Sabay-sabay at gulat naming tanong.

Siya lang naman ang adviser nila Mixxia. Bakit hindi nalaman ni daddy?

"Surprise! Gulat kayo no? Well, dahil pinadala ko ang mga Artificial Intelligent Person sa mga bahay niyo. Hindi sila magtataka dahil sa sobrang talino ng mga iyon ay pare-parehas ang maiisip nilang alibi. At isa pa, gusto ko lang talaga kayong maging alipin dahil ipinaghihiganti ko ang angkan ko. Pero except kay Mixxia. Dahil si Mixxia ay anak ko..." Nakangisi niyang sabi.

"Traydor ka!" Kaagad na sinampal ni Venice si Mixxia. Akmang sasampalin niya ito uli ngunit humarang si Von.

Napahawak si Mixxia sa kaniyang posngi dahil napakalakas ng ginawamg pagsampal ni Venice sa kaniya. Matapang na hinarap ni Mixxia si Miss A.

"SINUNGALING KA!"

"Ako? Sinunglaing? Sige, itanong mo jan sa nakalakihan mong kapatid..." Kalmadong mungkahi ni Miss A.

Tinignan ako nang masama ni Miss A kaya hindi ko magawang magsinungaling.

"Oo, ampon ka Mixxia."

Nakita ko kung paano sunod-sunod na pumatak ang luha niya kasabay nang pagtitig niya sa akin at kila Kent na wari'y ipinaparating niya na gusto niyang sabihin namin na panaginip lang lahat.

"Anak, malapit na kitang ipakasal kay Von. Kasama ang daddy mo. Magiging buo tayo ulit na pamilya."

Tumingin sa si Kent kay Mixxia na may pandidiri at umalis siya na tila ba, hindi nakayaanan ang eksenang iyon.

Lumapit naman si Sam kay Von at nagpakawala ng isang napakalakas na suntok. Hindi mo makikita kung galit pa si Sam dahil kalmado ito ngunit may pwersa.

Lumingon ako sa TV kung nandoon pa si Miss A, ngunit wala na ito. Umakyat sa kani-kanilang kwarto ang lahat except sa amin ni Mixxia.

Kailangan niya ako at itinuturing ko siyang tunay na kapatid kaya naman ay niyakap ko siya.

"Ate..."

"It's not your fault Mixxia..." Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang aking mga daliri.

"I'm your sis and I will always be your sis, no matter what happen."