Andito na kami ngayon sa may chowking mga gutom na daw kasi sila, hindi pa ata nagtanghalian pero ako din naman gutom na kahit kumain naman ako bago kami umalis hehehehe...
Ang dami naming inorder😂tapos baka mamaya pag labas namin dito at may makita si star na shawarma naku bibili pa yon🤣
"ok, lets go, kain na tayo" ani star
So yon nga nagumpisa na kaming kumain habang nagkwekwentuhan ng kung ano anong kabaliwan...
Nung natapos na kami kumain ay dumating naman na ung inorder namin na para sa dessert
So yon na nga pagkatapos namin kumain tumambay muna kami saglit dito sa chowking tapos maya maya lumabas na din kami
"guyss may bagong bukas pala na restaurant sa may second floor dun nalang tayo mag dinner libre kona, try natin kung masarap yong mga pagkain hehehe" ani star
"kakain lang natin ghurl pagkain nanaman sinasabi mo dyan" ani charity
"sinasabi ko lang naman" ani star
"oo na, basta libre mo, san na pala tayo pupunta?" tanong ko sakanila
"Doon na lng muna tayo sa timezone."ani star
"cge cge, damihan natin ung mga ticket ah."ani tina
"cge game tara na"ani charity
Pumunta na kame sa timezone...buti na lang medyo kunti lang mga tao dito mas mae-enjoy namin maglaro hindi naman sa 'di nakakaenjoy pagmadaming tao mas ok pa rin kase ung kaunti lang mga tao wla lang opinion ko lang
Pumunta na kameng counter at syempre may kanya-kanyang card kame para madami talaga kameng malaro
"guys san tayo mauna?"tanong ni emille
"kahit saan gusto niyo 'wag niyo lang kalimutan ung sa may mga tickets ah basta magenjoy lang tayo"aniko...ok sooo sa basketball muna ako ;)
"guysi sa basketball ako mauuna ah paghahanapin niyo ko don lang ako pagwala ako don eh di wala"aniko. umagree na lang sila at nagpuntahan na din sila kung san man sila pupunta
"ok lets get started goal natin athena ay high score"bulong ko sa sarili ko. I swipe my card then the game started..."ok kaya mo 'to athena sa game lang naman 'to I can do this, my goshhh athena para ka ng baliw kakausap sa sarili mo"habang sinasaway ko sarili ko biglang may nagsalita
"Ummm...excuse me miss maglalaro ka ba o kakausapin mo nalang sarili mo kase ung timer mo sa game mawawala na"aniya
napamura na lang ako ughhhh..."gaga mo talaga athena"bulong ko ulit sa sarili ko, nagswipe ulit ako ng card at naglaro na
"so wala bang thank you dyan?"ani ng lalake...nandyan pa pala 'to akala ko naman umalis na, 'feeling ko nakatingin sa sakin kaya tumingin ako sa kanya'di ko namalayan na nasa gilid ko lang pala siya in other words ang lapit niya kaya napafocus na ako sa ginagawa ko.
"....thank you??"aniko ng hindi nakatingin sa kanya syempre kailangan ko magfocus dito sa ginagawa ko.
"nagtatanong ka ba?fine you're welcome na lang"aniya....hindi ko na lang ulit siya pinansin kase ang akala ko naka-alis na siya at nakikita ko rin naman siya sa peripheral vision ko kaya nagtanong ako.
"hanggang mamaya ka pa ba dyan tatayo kase busy ako dito eh nagpasalamat na rin naman ako sayo"aniko habang naglalaro pa rin
"ang feeling mo naman buti nga sinabihan kita kundi baka hanggang mamaya mo pa kinakausap sarili mo and maglalaro din kase ako hinihintay ko lang umalis ung naglalaro sa kabila"aniya...abaa may pagkaloko din pala 'tong mokong eh...kaya 'di ko na lang siya pinansin nagpatuloy na lang maglaro...kaso tama nga naman siya ang feelingera ko sa part na 'yon hays bahala na malapit na ko sa high scoreeee.
"so"aniya...kakausapin niya pa talaga ako ah
"so what?"aniko...HIGH SCOREE OH YEAH, napataas ko ang dalawa kong kamay sa tuwa at nakangiti ng wagas ng biglang may tumawa
"oh ba't ka tumatawa?ang fc mo ano"aniko at kinuha na ang mga tickets sa game
"wala wala"aniya at naglaro n siya, hinayaan ko na lang siya at hinanap sila emille
•
•
•
"oh athena nandyan ka lang pala pupuntahan sana kita eh"ani tina na ksama si emille
"bakit?asan sila star at charity?"tanong ko
"doon tayo sa just dance bilis walang tao pinabantay namin sila star don para walang sumayaw bilis"ani emille sabay hila sa kamay ko at ni tina
pagdating namin don parang baliw sila charity at star kase kunwari sumasayaw sila...I have some crazy friends
"oh nandito na pala kayo...kayo naman nakakapagod sumayaw"ani charity
"oo nga tignan mo pawis namin tumutulo na"ani star sabay turo sa invisible sweat niya
"go na kunwari mga fans niyo kame bilis, dito lang kame sa gilid"ani emille
'cge ako na pipili ng kanta ah"aniko umagree naman sila at pumunta na si tina sa pwesto niya habang pumipili ako ng kanta
"hip 'yan ah"aniko
"go mamamoo"ani ng 3
"nababaliw na nama sila"ani tina, sumangayon ako at natawa
nagsimula na ang kanta tapos ung 3 naman todo support grabee hahaha mga baliw talaga 'tong mga naging kaibigan ko, ang lakas pa nangsigaw ni star kala mo talaga mamamoo yong pinapanuod nya hahaahahha..
•
•
•
At natapos na din ang unang kanta at syempre susubok pa kame hahaha
"Tignan niyo nga kung may rain on me"ani star
"cge hahaah"aniko habang naghahanap ako nagtanong naman si tina kung sasali si star
"hindi haha nagrequest lang po idol"aniya
"ito na may nahanap ako"aniko sabay pindot agad sa rain on me
"game na"aniko
"wala bang support dyan?"tanong ni tina bigla naman nagsihiyawan ung 3
"grabee bahay niyo?hahaha 'wag naman sobrang lakas"aniko na natatawa
"go mga idol"ani star at emille
"mga lodii ko 'yan" ani charity...natawa na lang kame ni tina at nagsimula na
•
•
•
"last na 'to promise haha kasali naman kayong tatlo"aniko, naka-ilang kanta na kaya kame pero todo support pa rin sila.
"luh hahahaha ung madali lang ah"ani charity
"kayo na lang nandadamay pa kayo eh"ani emille
"goo hahaha kaya 'yan"ani star
"maghahanap ako ng madali "aniko. "ito say so madali lang" they agreed
"go guysiii lets do this"aniko
***
"natapos din sa next naman tayo haha"ani charity
"kaya nga eh hahahaha nag-enjoy rin naman kayo"ani tina
"enjoy na enjoy ang iingay nga natin eh hahahaha"ani emille
"don tayo sa may mga barilin hehehe"aniko
"cge cge"ani star
"may ticket ba 'to?"tanong ni tina
"meron naman ata"aniko
"mga zombies 'yan"ani charity
"ok lang 'yan, tara na"ani emille
•
•
•
Andito parin kami sa may mga babarilin na mga zombie ata to anatagal pala ng oras nito kaya hanggang ngayon di parin kami tapos
"Aahhhh!!! Ano ba ba't ayaw mong matamaan" sigaw ni tina
"wahhhhh!!yesss! Natamaan ko lahat" sabay naming sigaw ni emille para pa nga kaming baliw na tumingin sa isa't isa tsaka tumawa, ahhahaha, para kaming baliw
"ahhhhh!!! , wala ng oras bilis, ahhhh!! " sigaw nina charity at star
Habang si emille naman tinatawan lang kami para kasi kaming nasa gera habang naglalaro si emille lang yong hindi masyadong sumisigaw...mga abnormal kase squad namin eh sanay na din naman ako
"naks experts ung kambal oh"ani tina habang busy sa pagbabaril
"ung kambal pa ba diba nga mga gamers mukha lng hindi"ani star na busy rin sa kalaban niya
"bilis na guysi mga mission natin 'to' dapat mission accomplish tayo"aniko
"bwisit naman 'tong mga 'to mga paepal sila"ani tina
"gigil much 'te"aniko habang natatawa
"sino ba kase hindi maiines sa mga 'to mga patay gutom eh ang daming namamatay "ani tina...my gosh tina nakakaloka din 'tong alien na 'to
"tina laro lang 'yan 'wag mo panggigilan "ani star
"ay damnn muntik na 'ko mamatay"aniko
"kitakits na lang tayo malapit na ko"ani charity
"apakayabang naman"ani emille
"kung sino matalo manglilibre sa horror house ah"ani star
"cge ba sorry na lang kung makakahampas tayo don hahaha"ani tina..."ay fucking shit ay paking tape pala my goshhhh nakain na ko"
"ayan kase inaaway mo kanina eh ayan tuloy nkain ka"aniko habng natatawa buti nga 'di ako natatalo
"ayan tina nakarma ka"ani star natawa na lng kameng 3 si tina nakasimangot haha
"yieee libre na ni tina mamaya sa horror house"ani charity
"oo na..mga buang na eh"bulong niya hahahah
•
•
•
"oh yessssss victoryyy"aniko
"oh yeah oh yeah mission accomplish"ani charity
"libre ni tina, libre ni tina"ani nila star at emille
"oo nga eh bayun sumbong ko kayo kay kuya eh"aniya....ehh??kuya?
"oyy babaita only child ka lang kaya don't you remember"aniko
"hindi ko naman sinabi na kapatid ko eh"ani tina
"eh sino pala sinasabi mo?"tanong ni emille
"ayon po kanina pa kase nakatingin dito eh"aniya sabay nguso don sa pwesto ng sinasabi niyang kuya napatingin naman kame don
"siya?!eh 'yan ung lalake na nakausap ko kanina don sa basketball games eh"aniko
"weh?ayieeee kaya pala siya nakatignin dito eh"ani tina na nakangisi
"ayieeeee ikaw athena ah"asar ni charity
"ship na this"ani ni star at emille
"halaka grabe ah ang feeling niyo"aniko, nakita kong napatingin ulit sila sa direksyon ni kuya kaya napatingin din ako...gagi ba't papunta siya dito wait my goshhhh
"hii girls"aniya ...wow siya naman ung feeling maka-hi girls feeling close kyah, napapamake face na lang ako sa kanya biglang...
"oyy nandito ka rin pala"aniya
"hindi ba halata kanina pa kaya ako dito"aniko
"alam ko na pangalan mo"aniya
"fc ka boy"aniko tinaasan ko rin ng kilay
"si ms. sungit"aniya habang nakangisi
"ang fc mo talaga sino ka ba?stalker kana?sinusundan mo ko 'no"aniko naka-amused face na lang siya....napatingin na lang ako kela emile kung 'di lang sa lalakeng 'to natawa na ako sa itsura nila mga confused habang nakatingin samin
"wait nga lang magkakilala kayo?"tanong ni emille
"oo""hindi"sabay naming sabi ng lalake
"luhh ang gulo niyo"ani star
"wait kase hindi kame magkakilala nyan masyadong fc lang talaga 'yan nakausap ko lang siya kanina sa may basketball game"aniko
"sure?"tanong ni charity
"oo""oo nga"sabay na naman kame....ughhhh my goshh
"ok so tanong ko lang ba't tingin ka ng tingin dito?"tanong ni tina
"wala lang siguro kase ang ingay niyo"aniya sabay ngisi ulit at umalis na
"aba aba ang yabang naman"aniko susundan ko sana siya kaso pinigilan ako ng 4
"hayaan mo na yon ang fc niya nga"ani charity
"oo nga he's not worht it"ani tina
"and you mean he's not worth it but pogi rin"ani star
"ayan ka na naman sa mga pogi star"ani emille
"hay nako tara na nga sa horror house"ani tina
"ay oo nga pala tara sa counter"aniko
*****
"ahhhhhh!! T*ng*na ka!!! " ani star at nagsigawan na din kami dahil sa gulat ng may sumulpot na multo sa may harap namin
Andito na kami ngayon sa loob ng horror house and mygosshhh kala ko di sya ganon nakakatakot pero pag pasok palang namin kanina may nanggugulat na agad
" ahhhh!!"
"wahhhh!!"
"bwisit kang nilalang ka"
"malapit na ba tayo sa dulo?"tanong ko
"'di ko alam basta walang hihiwalay dito tayo-tayo lang din nandito"ani emille
"baka makasakit tayo dito wawa sila sorry na in advance na lang"ani tina
Nakakapit ako sa braso ng kambal nasa gitna nila ako ung dalawa naman nasa harap namin
"apakatapang niyong dalawa ah"asar ko
"hindi 'to totoo kunwari lang baka may hidden camera dito eh kunwari matapang"ani star
"mga sira talaga kayo"aniko, kung wala lang kame dito sa loob baka natawa na ako sa kanilang dalawa eh
Maya-maya biglang may sumulpot sa likod at sa harap napahiyaw kameng lahat sa gulat at nasiko ko ata ung nasa likod namin....huhu sorry ginulat kase ako eh biglang nagsalita ung dalawa
"Hala sorry po epal kase eh"sabay nilang sabi
Takbo na lang ulit kame para makaalis na din nakakahiya
"sabi sa inyo eh makakasakit tayo eh"ani tina
"kayong tatlo lang nakasakit ah 'di kame kasama ni kambal"ani charity
"gagstu nasiko ko ata siya sa muhka eh huhu baka ipakulong tayo nito"aniko
"kayong tatlo lang din hindi ulit kame kasama ni kambal dyan"ani emille na natatawa pa
"ok lang naman ata 'yon kase may bayad din eh SANA"ani star
"tara na nga hanapin na natin ung exit nakakahiya tayo shit"ani tina
"mabuti pa nga"sabay namin sabi ni star natawa na lang ung kambal samin....bakit pa kase bigla-bigla kumukilos katawan ko eh my goshh nakakahiya
***
Nakalabas na rin kame sa horror house pero bago 'yon....
"sorry in advance po"ani naming tatlo nila tina and then natawa na naman ung kambal palibhasa kase 'di nakasakit eh Sana all haha
So walking we plan to grab food again sino bang hindi magutom kakasigaw sa loob kailangan namin ng energy
So, we thought that its better if we eat at the food court so we can choose any foods. Umorder muna kame ng kanya-kanyang mga foods & drinks, pero medyo maaga pa kaya meryenda muna namin toh tapos mamaya doon kami kakain sa sinabi ni star na bagong bukas na kainan, then naghanap ng table, the twins spotted an empty table kaya pumunta kame don.
"grabe guysii nakakahiya ung ginawa natin sa kanina"aniko sabay
"baka nga magkablack eye ung nasiko mo sa muhka eh kawawa naman nagtatrabaho lang eh"ani charity at din narin mapigilan tumawa, tumawa na rin ung iba
"oyy baka kayong dalawa din kaya"aniko sa dalawa biglan silang napatigil sa pagtawa...akala niyo ako lang ah damay-damay na etesh
"shit oo nga 'di ko lang alam kung saan ko natapaan"ani tina
"natuhuron ko ata siya eh"ani star
"yieeee squad goals"ani ng kambal
"babawi kame sa susunod kayo naman"aniko sabay dila sa kanilang dalawa
Pagkatapos namin magmeryenda nag gala gala muna kami at tumingin-ngin ng mga pwede naming bilhin na kung ano ano, nang medyo marami na rin kaming nabali nagyaya na si star na nag dinner na daw kami kasi baka gabihin pa daw kami, kaya pumunta na kami dun sa sinasabi nya na bagong bukas na resto at umorder na agad kami
"bilisan na natin anong oras na may pupuntahan pa kami bukas"ani star
"luh oo nga linggo na pala bukas tas lunes na, buti pala tapos na tayo sa project natin sa lunes na din pasahan nun eh"ani tina
"syempre tayo pa ba masipag kase tayo"ani charity
" 'wag niyo kalimutan dalhin sa lunes ah baka maiwan niyo"ani emille
"copy"ani namin at nagpatuloy ng kumain
***
Pagkapasok ko sa bahay nakita kong nasa sala silang lahat...aba ang aga ng uwi ni papa ah
"Im home"aniko
"oh bakit ngayon ka lang"
"kumain ka na ba?"
"hi ate"
Ani nila
"hi bunsoo and hindi namin nabantayan ung oras and yes po kumain na kame napadami nga ata eh, magpapahinga na po ako nighty night"aniko bumati na rin sila pabalik
Pagkapasok ko sa kwarto nagbihis na 'ko ng pantulog at inayos ko muna yong mga pinamili ko kanina , nagtoothbrush at humiga na sa kama
"goodnight universe" aniko bago matulog
*****
"hi guysss its a very wonderful day today isn't it?"ani tina
"ano na naman nakain mo"aniko
"si crush"aniya
"oyyyy si kuya ba 'yan"ani star and then magsisismula na naman ang mga asaran nila hahahaha
" luhh, hindi ah" ani tina
"weyt lang, anong oras kaba daw susunduin non??" tanong ni charity
"mamaya pa yon 12:30 kain muna tayo lunch sa may cafeteria para di na tayo lalabas ng school" aniko
"cge cge, gutom narin ako eh" ani tina
Inayos muna namin yong mga gamit namin tapos nagpunta na kami sa cafeteria para mag-lunch
"san ba kasi punta nyo?" tanong ni emille
"hindi ko alam sa kanya, surprise daw, basta sabi nya lang susuduin nya ko dito eh" aniko
"sana all kasi may jowa" ani star
"wag kang mag alala bituin hahanap ka namin ng pwede mong maging jowa" ani emille
"ayy bet ko yan, hintayin ko yan ah" ani star
"cge cge, sa birthday mo, yon nalang gift namin sayo, hahahaha" ani tina
"tigil nyo na nga yang mga kalokohan nyo" saway ko sa kanila
"oo nga, kumain na tayo at baka sunduin na si athena" ani charity
Nagsimula na nga kaming kumain tapos nang matapos kaming kumain nagkwentuhan muna kami nga kung ano ano
****
"uyy, athena cp mo ata yong tumunog, baka si ken yan nagtext" ani emille
"ayy akin bayunn, weyt lang" pagkasabi ko non kinuha ko na yong cp sa bag ko para tignan ko sino yong nagtext
"guyysssi, nasa may parking lot na daw sya ng school" aniko
"edi tara na hatid ka na namin" ani charity
Pagkasabi nya non ay inayos na namin yong mga gamit namin kasi baka may maiwan pa kami,, tapos non ay pumunta na kami sa may parking lot ng school, pagdating namin sa may parking lot ay nakita agad namin si ken na nakasandal sa may kotse nya habang nagccp
"hi ken" bati sakanya ni tina at tumingin naman si ken sa direksyon namin at nag hello din
"san ba kasi punta nyong dalawa?" tanong ni emille
"kung saan lang namin trip, hehehe" ani ken
"ewan ko sayo chicken, cge na nga lumayas na kayo para di kayo gabihin" ani charity
"grabe makalayas ka namin, pero cge lalayas na kami, weyt lang eh kayo dipa ba kayo uuwi?" aniko
"oo nga, gusto nyo hatid ko muna kayo" ani ke
"no thanks, di pa naman kami uuwi eh" ani tina
"oo, gagala pa kami, alangan naman kasi kayi lang gagala syempre kami din" ani charity
"cge na alis na kayo nagpasundo naman na kami kay kuya" ani star
"cge aalis na kami, babushh" pagsabi ko non ay sumakay na kami ni ken sa kotse
"ingat kayo ah" ani emille
"kayo rin, ingat kayo" sabi namin ni ken at nagbabye na kami
"san ba tayo pupunta ken?" tanong ko
"secret😉" aniya
"san nga, may pa secret secret ka pang nalalaman eh" aniko
"hayysss, secret muna ok, malapit lang naman dito yon kaya antayin mo nalang na makarating tayo ok?" aniya
Tumango nalang ako bilang sagot tsaka na kinuha yong kamay ko at hinawakan habang nagmamaneho
Maya maya rin ay dumating na kami sa isang park,, wait lang parang pamilyar​ tong park ahh
"naalala mo ba tong park?"tanong ni ken
"parang pamilyar nga eh...."aniko
"nakalimu—"aniya
"teka 'dito tayo unang nagkita ahh tsaka dito rin kita sinagot non eh"aniko na tuwang-tuwa
"akala ko nakalimutan mo na eh"aniya
"AKALA mo lang naalala ko pa nga mga moments natin dito nong nililigawan mo pa lang ako hayyy nako ken naalala ko rin 'yong kalokohan mo dito eh"aniko habang tumatawa
"uyyyy babe naman eh wag mo na aalalanin yon"pagmamaktol niya
"binibiro ka lang eh pero 'di ko talaga makakalimutan yon ang cute mo nga don eh"asar ko sa kanya
"babe naman eh kalimutan mo na yon isipin mo muna ung ngayon babe"aniya habang umuupo sa dumahan malapit sa lake
"awww babe its ok I still love you lalo na kapag nagiging cute ka"aniko at tumabi sa kanya
"..."aba walang imik ah
"babe"
"....."
"uyyy babe"
"ano?"ahhhh gusto lang ng lambing neto
"tingin ka muna sakin"aniko pero ayaw niya"bilis na titingin lang eh"
"isa.....dalawa...'di ka titingin uuwi na 'ko cge ka...tatl—"biglang tumingin siya sakin napatigil ako kase ang lapit ng muhka niya sakin na kunting galaw mahahalikan na 'ko
"ohh ano na nakatingin na eh"aniya
"ahh wala nakalimutan ko na"aniko pero magkaharap pa rin kame, then he smirk
"are you shy cause our face is so close?"asar niya
"luh h-hindi kaya"aniko bigla niyang hinawakan muhka ko and then there's this butterfly feelings on my stomach again
"bitawan mo nga ako nagugutom na 'ko bili na tayo"palusot ko
"ayaw ko nga"aniya
"magbibilang ulit ako ng tatlo bitawan mo 'ko"aniko pero ngumisi lang siya
"isa, bitaw na.....dal—"naputol na naman ung sasabihin ko ng biglang
Hinalikan niya ako sa labi napatulala ako at nilayo na niya muhka niya na may ngiting abot langit sa muhka niya
Sa tingin ko mga 5 seconds nya kong hinalikan(aba self binilang pa talaga sherep?)suddenly the butterflies im feeling has no ending and then i thought that my face is as red as a tomato right now sino ba hindi kikiligin sa ganon kahit boyfriend ko na siya kinikilig pa rin ako
"oyy tara na nagugutom ka na 'diba tara may alam akong masarap na kainan malapit dito"aniya tumayo siya at inilahad niya kamay niya sakin I accept it tumayo na rin....muhkang speechless ako ah feeling ko lumulutang ako alam kong normal yon sa magjowa pero sakin iba ung impact eh minsan lang kase kame ganon puro kame sa cheeks pero.....ughhh athena tigil mo na yan.
"ahhh tara na nagugutom na ako"aniko buti na lang 'di ako nautal
Magkahawak kamay kame maglakad papunta sa sinasabi nyang kakainan namin
" kringg...kringg...kringg"
alarm clock ba yong tumutunog,, pano magkakaroon ng alarm clock dito
"Ken narin----" nagulat ako nang paglingon ko sa tabi ko wala na si ken, hinanap ko sya sa paligid pero diko na sya makita... Wait lang bakit ganto parang unti unting nawawala ung mga tao sa paligid
"KEN!! KEN!!, NASAN KA NA? " sigaw ko
Ano bang nagyayari bakit parang ako nalang yong tao dito sa park at bakit parang dumidilim ang paligid
"Tokk...tokk...tokk" kanina alarm ung naririnig ko ngayon naman parang may kumakatok
"mygosshh, diko na alam nangyayari" aniko at napapikit nalang dahil sa nangyayari sa paligid ko
*Tokk...tokk...tokk*
Pagmulat ko ng mata ko nasa kwarto na ako, panaginip lang pala yon, pero bat ganon panaginip ko ang wei----
"gising kana pala anak,sumunod ka nalang sa baba at kakain na tayo at may pupuntahan pa tayo" sabi ni mama
"cge po, susunod na po ako" aniko
Pag alis ni mama ay tumayo na agad ako at tsaka inayos ung kama ko
ang weird talaga nung panaginip,tsaka sino ung kasama ko diko na matandaan ung mukha nya eh parang anlabo na ng mukha nya pag sinusubukan ko alalahanin,,, pati pangalan nya diko na matandaan
"kaloka naman, hayaan ko na nga yon panaginip lang naman" aniko at nagayos nako bago bumaba para mag agahan
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Hope you enjoy the story :) and sorry about the typo's 😂😂
++Don't forget to vote, share and Feel free to leave a comment 😊++
A/N
Hello everyone,
Sa may mga wattpad po pala dyan, mababasa nyo din po itong story na toh sa wattpad ganun dinpo ang pangalan at ang profile so feel free to visit and follow nalng po ang SWEETMOCHITEA sa wattpad,,parehas lang naman po ung mga ina update ni author both wattpad and webnovel pero mas inuuna po ni author mag update sa wattpad
Yon lang po😊
Thank u po sa lahat ng readers 😘😘
Mahal kayo ni author💗💕