Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Phantom Slayers: The Destined Teens

🇵🇭missingnotion
--
chs / week
--
NOT RATINGS
41.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - 00: The Past that Haunts

VION

May mag-aamang tumatakbo sa gitna ng daan sa kalagitnaan ng gabi. Hinaluan ng pula at lilac ang kalangitan na tila ba paumaga pa lamang ngunit hindi. Mula roon ay may mga lobong humahabol sa mag-aama. Isang kakaibang lobo dahil tila pinapalibutan ito ng kulay lilac na usok.

"Tumakbo ka na Vin! Hiruu ang kapatid mo!" Sigaw ng lalaking nasa mid 30's kahit na naghihingalo na ito. May hawak itong isang malaki at mahabang palaso.

"Papa! Hindi ako aalis hangga't kayo namin ni kuya kasama!" Sigaw ng batang lalaki na nasa pitong taong gulang pa lamang at may asul na mata habang umiiyak.

Bago pa man makapagsalita ang lalaki ay may mga lobong itim na may mga sungay ang kumagat sa mga binti nito na naging dahilan ng pagkakabagsak sa simentadong daan. Lalapitan sana ito ng bata ng pigilan siya ng kanyang nakakatandang kapatid na umiiyak na rin ng tahimik.

"PAPA!! LAYUAN NIYO ANG PAPA KO!!" Sigaw ng bata.

"Hiruu, tu...tumak...bo...na...ka...kayo..." Ani ng lalaki na pinipilit magsalita. Pinagpipyestahan na ito ng mga lobo.

Hinawakan ng batang Hiruu ang kanyang kapatid at saka sila tumakbo papalayo sa kanilang ama. Habang tumatakbo ay hindi nila alam na may lobo ang nakasunod sa kanila. Napalingon naman sa kanilang likuran ang batang nangangalang Vin.

"Kuya, hinahabol nila tayo. Natatakot na ako." Ani ng bata. Mas binilisan pa nila ang pagtakbo hanggang sa madaanan nila ang isang eskinita. Lumiko sila rito at nagtago sa loob ng isang malaking basurahan.

"Huwag kang maingay, Vin." Ani Hiruu sa kapatid. Tinakpan naman ng bata ang kanyang bibig upang hindi gumawa ng ingay mula sa pag-iyak nito. Naramdaman ng magkapatid ang paglapit ng lobo sa kinaroroonan nila kaya naman ay pinipilit ng magkapatid na hindi gumawa ng ingay.

Nang mawala ang lobo na humahabol sa kanila ay agad na lumabas si Hiruu upang kumpirmahin ang paligid. Matapos makumpirma ay inalalayan niya ang kapatid na makalabas sa basurahang pinagtaguan nila.

"Babalikan ba natin si papa, kuya?" Ani ng bata habang umiiyak.

"Babalik tayo sa bahay, Vin. Delikado dito sa labas." Matapang nitong sabi. Napabitaw naman mula sa pagkakahawak niya ang kapatid kaya tiningnan niya ito.

"Hindi! Ayokong iwan si papa! Babalikan ko siya!" Pagmamatigas ni Vin sa kanyang kuya.

"Uuwi muna tayo tapos babalikan natin si papa. Okay ba yun?" Ani niya. Tumango naman ito. Lingid sa kanilang kaalaman na ang amang kanilang babalikan ay patay na. Pinatay na ito ng mga lobo.

Nagpatuloy naman silang magkapatid sa paglalakad. Mapapansin sa paligid ang mga kabahayan na tahimik. Tila walang kaalam-alam ang mga nasa loob nito. Sa loob ng labin limang minutong paglalakad ay narating ng magkapatid ang kanilang bahay ngunit bago pa man sila makapasok ay may nakita na silang bulto ng tao. May kasama itong mga lobo na katulad ng umatake sa kanilang mag-aama.

"NASAN ANG MGA BATA?!" Rinig nilang sigaw ng lalaki. Tinakpan naman ni Hiruu ang bibig ng kapatid upang hindi ito mag-ingay saka sumilip sa loob.

Hawak ng lalaki ang buhok ng kanilang ina na pilit kumakawala.

"Hindi ko sasabihin sayo! Hayop ka! Hindi ko hahayaang patayin mo ang mga anak namin!" Sigaw ng ginang bago ito itapon na para bang isang bagay sa kumpol ng mga lobo.

Nasaksihan ng dalawa bata ang karumaldumal na nangyari sa kanilang ina. Nang maramdamang aalis na ang lalaki ay nagtago ang magkapatid sa gilid ng mga halaman. Matapos nun ay naramdaman nilang nawala na ang mga ito.

"Mama?" Ani ni Vin ng makapasok sa kanilang bahay. Duguan ang ginang at may mga kagat sa katawan.

"MAMA!!!!!!" Sigaw ng bata na dumagungdong sa buong bahay.

"AHHHH!!!!!" Sigaw ko habang napabangon at hinahabol ang paghinga. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

"Vion? Anong nangyari sayo?" Tanong ng kapatid ko ng mabuksan niya ang pinto ng kwarto ko. Hindi naman ako nakaimik agad. Kita sa mukha niya ang pag-aalala. Nakasuot ito ng puting t-shirt at boxer short. Magulo ang kulay itim na buhok, kinukusot-kusot pa ang mga mata at halatang kagigising lang.

"Napanaginipan mo na naman ba?" Tanong niya ulit na siyang tinanguan ko. Lumapit naman siya sa kama ko at tinabihan ako.

"Makakalimutan mo rin yan." Ani niya at saka ginulo ang buhok ko. Tumayo naman siya. "Kukuha muna ako ng tubig na maiinom mo. Babalik ako." At saka siya lumabas.

Napahiga naman ako sa kama ko at saka tumitig sa kisame ng kwarto ko. Labing isang taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lang ang mga pangyayaring yun. Isang pangyayaring akala ko ay panaginip lang pero nangyari talaga. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin sako ng mga alaalang iyon. Alaalang gustong gusto kong kalimutan. Talo ko pa yung taong may photographic memory dahil doon.

"O, inumin mo muna to." Sa lalim ng pag-iisip ay hindi ko namalayang nakapasok na si Hiruu. Nakaabot sakin ang tubig na may gamot.

"Nilagyan ko ng pangpakalma yang tubig mo." Ani niya. Kinuha ko naman ito at walang ano-anong ininom. Matapos kong itong inumin ay inilagay ko sa study table ko yung baso at saka humiga ulit.

"Magluluto muna ako ng almusal natin. Kung gusto mo, matulog ka ulit. Wag na pala. Baka sumigaw ka na naman." Anas ni Hiruu sabay tawa ng mahina na rinig ko naman. Lumabas naman siya ng hindi sinasara yung pinto. Tumayo naman ako upang isara ito ngunit sa pagtayo ko ay may napansin ako sa bintana ng kwarto ko.

Lumapit ako rito at dumungaw ngunit wala naman akong nakita.

Ano naman kaya yun?

Isinawalang bahala ko na lang iyon at saka humiga ulit. Napatulala lang ako sa kisame hanggang sa lamunin na ako ng antok.

"Hanapin niyo sila at huwag niyong hahayaang makatakas! Mga paslit lamang sila! Bilisan niyo!"

Dahil sa sigaw ni Vion ay naalarma ang lalaking pumatay sa kanilang ina na hindi pa man nakakalayo sa kanilang bahay. Inutusan nito ang mga lobo na hanapin ang magkapatid.

Sa kabilang banda naman ay tahimik na umiiyak si Vion habang ang kanyang kapatid  na si Hiruu ay pinapatahan siya. Maya-maya pa'y nakarinig sila ng mga kaluskos at ungol na nagmumula sa labas ng kanilang bahay.

Agad tinakpan ni Hiruu ang bibig ng kapatid at sinenyasan itong tumahimik. Tumango naman ang bata. Dahan-dahan silang tumayo at walang ingay na tinungo ang isang aparador na may malaking kabinet. Pumasok silang magkapatid dito at sinara ang pinto ng kabinet ngunit binigyan ni Hiruu ng maliit na siwang upang makita nila yung pumasok.

"Wag kang maingay, Vion. Baka mahuli nila tayo." Pagpapaalala ni Hiruu sa kapatid.

Tahimik lamang sila hanggang sa nakarinig sila ng mga yabag.

"Nasan na sila?!" Dumagungdong ang tanong ng isang baritonong boses na nagmumula sa isang lalaki.

Sumilip sa maliit na siwang si Hiruu upang makita ang mukha ng lalaking tila galit dahil sa boses nitong pasigaw ngunit ng makasilip ito ay hindi niya maaninag dahil nakatalikod ito sa pinagtataguan nila. Napahilig na lang si Hiruu sa gilid niya at saka pumikit. Pagkapikit ni Hiruu ay siyang pagsilip ni Vion at kamuntikan na itong napasigaw dahil biglang humarap ang lalaki sa gawi nila.

Agad tinakpan ni Vion ang kanyang bibig upang hindi makagawa ng ingay. Abot langit ang kabang nararamdaman ng bata dahil sa paglapit nito sa aparador. Sinusundan niya ng tingin ang lalaki hanggang sa mapalapit na ito. May kung anong kinuha ito sa itaas na bahagi ng aparador at may nakita siyang tattoo sa kaliwang kamay nito. Tattoo na katulad ng mata ngunit kakaiba ito.

"Kung sumama ka lang sana sakin Amelia, hindi sana ito mangyayari sayo." Aniya na may panghihinayang habang nakatingin sa picture frame kung nasaan ang nakalagay ang larawan ng pamilya nila.

Isang makaking palaisipan kay Vion kung ano ang relasyon ng lalaki sa nanay nila. Kahit na pitong taon pa lamang siya ay alam na niya ang mga bagay-bagay dahil matalino ito. Ngunit nagtataka pa rin siya dahil sa sinabi nito.

Kaano-ano siya ng lalaki ang kanilang ina? Anong ibig sabihin ng mga katagang binitawan nito? Bakit may panghihinayang sa boses nito?

Sumilip siya ulit ngunit wala na ang lalaki pati na rin ang mga lobo. Agad niya namang ginising si Hiruu.

"Kuya, wala na yung lalaki tyaka yung lobo." Paggigising niya sa kapatid. Nagmulat naman ito ng mga mata at sumilip.

"Tara na, Vion. Kailangan na nating umalis dito." Aniya sa kapatid. Tumango naman si Vion at saka binuksan ng tuluyan yung kabinet. Pagkalabas nila ay agad na bumungad ang tahimik na paligid. Hinanap ng mga mata nila ang katawan ng nanay nila ngunit hindi nila makita kaya lumabas sila ng bahay at doon nila nakita na hawak-hawak ng lalaki ang kanilang nanay.

Sisigaw sana si Vion ng biglang tumingin sa gawi nila yung mga lobo't tumakbo sa kanila. Tumakbo naman silang magkapatid papalayo sa kanilang bahay ngunit sadyang mabilis ang mga lobo't naabutan sila. Pinalibutan sila ng mga ito kasama ang lalaki. May inilabas itong baril at tinutok sa kanila. Handa na silang barilin nito ngunit bago pa man iyon mangyari dumanak na ang dugo nito at natalsikan silang dalawa. Isang bulto ng tao ang nakita nilang papalayo't may hawak na katana.