Chereads / The Phantom Slayers: The Destined Teens / Chapter 4 - 03: Crazy Annoying Principal

Chapter 4 - 03: Crazy Annoying Principal

VION

"Ang tagal niyo naman Cael! Kanina pa ako naghihintay sa inyo!" Nagulat naman ako dahil sa biglaang sigaw ng lalaking nakaupo sa swivel chair niyang kulay maroon. Hindi naman siya mahilig sa maroon at gold noh?

"Sorry, Sir. Medyo natagalan po kasi kami sa pag-aayos ng gamit." Pagpapaliwanag ni Hiruu. Tumayo naman ito at saka pumalakpak. Bigla namang umilaw ang paligid at doon ko lang tuluyang nakita ang paligid. Kasing laki nito ang unang palapag ng bahay namin.

"By the way Sir, this is Vion, my younger brother." Pagpapakilala ni Hiruu sakin sa principal na nakatalikod samin. Bigla naman itong humarap.

"WELCOME! WELCOME TO ACADEMIA TCYCHEIRO! IT'S MY PLEASURE TO FINALLY MEET YOU!" Masiglang sigaw nito na naging dahilan ng pagtakip ko sa tenga. Ang hyper niya masyado. Kailangan na niyang patumbahin. Parang kanina lang kalmado yung sigaw niya.

"Oohhh! You two have different eyes! Di hamak na mas gwapo sa iyo ang kapatid mo, Hiruu!" Ani principal habang naglalakad papalapit sa gawi namin.

"Lamang lang po ng ilang ligo yan sakin Sir. Haha." Natatawang sabi ni Hiruu na siyang tinawanan din ng principal.

"Tama ka naman dyan Hiruu! By the way, I'm Spencer Takano! The hot principal of this academy!" Pagpapakilala nito. Sumasayaw pa siya ng waltz habang nagpapakilala. Hindi ko alam pero ang weird niya.

"I'm Vion Monteverde, Sir. Pleased to meet you." Pagpapakilala ko rin dito. Nilapitan niya naman ako at saka inakbayan.

"I really like you! Pareho lang kayo ni Hiruu nung una siyang pumasok dito sa academy!" Aniya at inakbayan niya rin si Hiruu. Nagtataka ko namang tiningnan ang kapatid ko pero ngiti lang ang iginawad niya.

Hinila niya naman kaming magkapatid palabas ng opisina niya. Pagkalabas namin ay nagulat yung dalawa naming kasama na nag-aabang.

"Good morning, Sir!" Sabay nilang bati.

"Oh! Good morning!" Masiglang bati sa kanila ng principal.

Niyaya niya naman yung dalawa na sumunod samin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggal ng principal ang pagkakaakbay niya sakin samantalang kay Hiruu ay inalis na niya. Wag mong sabihin na...na...na...bakla siya?

"Dahil bago ka lang ngayon dito sa academy, Vion! I-to-tour kita!" Sigaw niya ng makalabas kami sa hall at halos lahat ng estudyanteng naroon ay napatingin sa gawi namin. Ilang naman akong napatingin sa mga ito.

"Students! Wala ba kayong ginagawa?!" Sigaw nito ulit. Tinakpan ko naman yung dalawang tenga ko dahil kanina pa ako rinding-rindi sa boses niya.

"Halina kayo mga bata! Magtotour pa tayo!" Yaya niya sa tatlong nakatunganga lang.

"Uhm…mawalang galang lang po pero hindi kasi ako sanay na may nakaakbay sakin." Wika ko rito. Agad niya rin namang tinanggal ang braso niyang nakaakbay sakin.

"Bakit di mo agad sinabi sakin?!" Sigaw niya. Hindi ko na lang ito inimik.

Naglibot-libot kami sa buong academy at sobrang laki pala talaga nito. May sarili itong basketball court, swimming pool at park.

"Ayan naman ang building ninyong mga first years! Sa katabi niyan ay ang cafeteria!" Ani ng principal habang tinuturo ang mga building na nadadaanan namin.

Nakasunod lang kaming apat sa kanya. Mukhang sanay na yung tatlo sa ganito dahil parang kaswal lang sa kanila yung ganitong lakaran.

"Ayan naman ang library! Pwede kang matulog dyan! Malamig dyan sa loob! Kung pwede nga lang na matulog ako sa loob nyan ay ginawa ko na!" Aniya na pakamot-kamot pa sa ulo. Seryoso ba talagang principal siya? Ilang taon na ba to? Ang hyper niya masyado.

"Sa bandang iyon naman," Turo niya sa di kalayuan building na sa tingin ko ay apat na palapag ang taas. "–ay ang dormitories! Nasa kanan ang girls dormitories! Bawal bumisita doon kapag gabi! Sa kaliwa naman ang boys dormitories! Sa may bandang gitna ay ang para sa mga teachers niyo!" Pagpapatuloy niya pa. Naglakad ulit kami ng ilang metro bago tumigil sa tapat ng isang parang dome na building.

"Ito naman ang training grounds! Masaya riyan sa loob! I know magugustuhan mo kapag pumasok ka!" Halata sa boses niya ang saya habang binibitawan ang mga salitang iyon. Nagtaka naman ako dahil sa unang sinabi niya. Training grounds? Para saan?

"Siya balik na tayo sa main building! Panigurado gutom na kayo! Let's grab some snacks!" Aniya at tila natuwa naman yung tatlo.

"Ayos ka talaga sir!" Ani Harley sabay suntok sa hangin.

Matapos non ay pumunta kami sa main building at dumiretso sa opisina ng principal. May kinausap ito na sa hula ko ay secretary niya. Maya-maya pa'y mag pumasok na mga chef attire. May mga dala itong cart na naglalaman ng mga pagkain. Inihain nila ito sa malaking mesa na nasa loob nitong office. Tila parang may kung anong okasyon dahil sa dami ng pagkain na naroon.

"Help yourselves! Pinahanda ko iyan para sa inyo! Joy! Where's their drinks?!" Sigaw nito sa sekretarya niya.

"Pasensya na po Mr. Takano. Ipapasunod ko na lang po." Aniya saka may tinawagan.

Umupo naman kaming apat sa upuang kulay ginto. Tumayo naman yung principal at tumabi sakin. Napabuga naman ako sa hangin.

"Kain ka ng marami, my dear Vion! Kayo rin mga bata! Naku! Ang papayat niyo! Pano kayo magiging mahusay na slayers nyan?!" Aniya na kasabay ng pangaral sa tatlong kasama namin.

Matapos ang mahaba niyang seremonyas ay nagsimula na kami sa pagkain. Naoatingin naman ako sa cellphone ko dahil bigla itong nag-vibrate. Takang binuksan ko ang message na naroon at galing ito sa isang unknown number. Dahil wala akong pake sa mga ganon ay hindi ko na ito binasa't nilagay ko ulit sa bulsa ko.

"Kumain ka ng marami, Vion! You're so thin! Hindi ka pa pinapakain ng maayos nitong kapatid mo?" Tanong niya habang naghahain ng kanin at ulam sa plato ko. Kanina pa ako naiirita sa kanya. Di ko alam kung bakla ba siya o sadyang ganyan na talaga siya kung umasta. I really hate the attention he's giving. Napatingin naman ako kay Hiruu upang sumenyas na patigilin yung principal at mukhang nakuha niya naman.

"Sir? Nasan na po pala yung inumin natin? Kanina pa po kasi kami nauuhaw eh." Ani Hiruu na siyang tinanguan din ng dalawa.

"Ahw! Oo nga pala! Joy?! Ang drinks?! Aba! Ang tagal naman ata nyan!" Sigaw ng principal at sakto namang bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok ang kanyang sekretarya kasunod ang isang lalaking nakasuot ng black and white suit dala ang mga inumin namin. Isa-isa itong inilagay sa tapat namin. Kahit papano'y nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa ni Hiruu. I just can't stand being with that annoying principal.

"Oh! Before I forgot, here's your class schedule, my dear Vion." Sabi ng principal at saka niya inabot ang isang card na kulay maroon na may naka-imprintang kulay gold na mga lettra. Nagpasalamat naman ako rito at saka nagpatuloy sa pagkain.

Nagpaalam naman samin yung principal na aalis. Sabay-sabay naman ang buntong hininga ng tatlo.

"Grabe pala talaga si Mr. Takano. Naloloka ako sa ka-hyperan niya. Di ko ma-reach!" Ani Ayumi na naglalagay ng foundation sa mukha niya.

"Ayumi! May pagkain sa harap mo!" Suway naman ni Harley dito. Inirapan naman siya ni Ayumi.

"So? How's our academy, Vion?" Tanong ni Hiruu sakin matapos kong kumain.

"Okay lang." Maikli kong tugon.

"Hindi kaya mapanis laway mo nyan Vion? Bihira ka lang magsalita. Speak up! " Napatingin naman ako sa gawi ni Ayumi at matalim siyang tiningnan. I don't wanna be rude to her because she's a friend of my brother pero ang pakealam ako? Ibang usapan yun. Si Hiruu lang ang hinahayaan kong pakealaman ako.

"Sabi ko nga, di na ako iimik." Rinig kong sabi ni Ayumi. Mukhang sinuway siya ni Hiruu. Kinuha ko na lang ulit yung cellphone ko at earphone sa bulsa't nagpatugtog. Napapikit na lang ako habang nakikinig. Nagulantang naman ang kaluluwa ko ng biglang may sumigaw. Naka-earphone ako pero rinig ko pa rin yung lakas ng sigaw na iyon. Nasa kalahati lang kasi ang volume ng phone ko.

"I'M BACK PEOPLE!!!" Napatingin naman kaming apat sa sumigaw habang nakatakip sa tenga yung tatlo. Ako naman ay tinanggal ko yung earphone sa tenga ko.

"Sir? Nakainom po ba kayo ng enervon? Ang hyper niyo masyado eh." Ani Harley. Tinawanan lang kami ng principal.

"Oh c'mon kiddos! Mas maingay pa nga kayo sakin eh! Tapos na ba kayo?" Tumango naman kami bilang tugon sa tanong niya.

"Well, tara na! Kayong dalawa!" Aniya sabay turo kay Harley at Ayumi. "Go to your respected rooms at tumulong kayo sa pag-aayos! Mga takas kayo ah! Hiruu and Vion, come with me! Ihahatid ko na kayo sa tutuluyan niyo!" Dagdag niya.

Lumabas naman na kami ng hall at nagsimula ng maglakad patungo sa sinasabi ng principal. Humiwalay naman samin yung dalawa.

"Nakalimutan ko yung gamit sa kotse ni Harley, balikan ko lang." Ani Hiruu at saka sumunod sa tatlo.

Nauna naman akong ihatid ng principal sa dorm ng mga lalaki at bago niya ako iwan ay may sinabi siya.

"I'm so glad to see you, Vion." Ani ng principal sa mababang tono at biglang tumawa. Nanindig naman ang mga balahibo ko dahil doon. Tila may pagbabanta sa boses niya. He's crazy!