Chapter 6 - 05: First Day

VION

Matapos kong mag-ikot sa bayan ay nakauwi na rin ako. Ibinaba ako ni Gotter sa tapat ng boy's dormitory. Nagpasalamat ako rito at binigyan siya ng isang jar ng cookies na binili ko sa bayan.

"Maraming salamat, Sir Vion." Aniya. Habang hawak-hawak yung jar.

"Vion. Call me Vion." Sabi ko. Nagpaalam naman na ako sa kanya.

Pagkapasok ko sa dorm ay agad akong nilapitan ng receptionist.

"Ikaw yung kapatid ni Hiruu, di ba?" Tanong niya ng makalapit sakin.

"Yeah. Why?" Tanong ko. Ngayon ko lang naramdaman yung bigat ng katawan ko dahil sa pagod kakaikot. Marami-rami rin akong napuntahan kanina.

"Pinapabigay ni Hiruu. Umalis kasi siya eh. Sabi niya kapag may nakita akong lalaki na may blue na mga mata tapos may nunal sa kanang parte ng mukha ay kapatid niya yun. Sabi niya pa 'Mas gwapo sakin yun.' it justifies naman." Mahaba niyang litanya na tila kinikilig habang binibigay sakin yung susi ng kwarto namin.

Kinuha ko na lang yung susi at saka nagpasalamat dito. I'm tired so I don't have the urge to have a little chitchat with that receptionist.

Nang makaakyat ay agad akong dumiretso sa kwarto namin. Saan naman kaya pumunta si Hiruu? Pagkabukas ko ng kwarto ay inilapag ko saglit yung mga binili ko sa bayan. Napatingin naman ako sa itaas ng pinto at nakita ko ang isang bilog na orasan. Alas dos y medya pa lang ng hapon. Isinara ko naman yung pinto. Kahit na kasing laki ng isang apartment ang loob nitong kwarto namin ay wala itong kusina. I'm expecting one since mukhang yayamanin ang may-ari but I just got disappointed. Nasa ibaba ang parang cafeteria-more like para na siyang restaurant dahil sa laki.

Napagdesisyunan ko namang magpalit ng damit dahil nakaramdam ako ng panglalagkit ng katawan. Buti na lang may cr sa loob nitong kwarto. Ayokong pumila sa labas kapag nangyaring nasa labas ang cr.

Habang naliligo ay nakarinig ako ng hagikhik. Katulad ito sa narinig ko sa bahay. Gustuhin ko man sanang magbabad pa ng ilang oras ay hindi ko magawa. Hindi sa natatakot ako or what kundi dahil gusto kong malaman kung ano yung naririnig ko. It's not a ghost. I don't believe in ghosts unless I see one.

Pagkalabas ko ng cr ay narinig ko ulit yung hagikhik.

"Who are you?!" Tanong ko. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwarto ngunit wala akong makita.

Matapos kong magtanong ay wala na akong narinig. Napailing na lang ako. Baka guni-guni ko lang. Napahiga naman ako sa kama at saka pumikit.

The next day...

Napabalikwas ako sa higaan ng makaramdam ako ng parang tumutulo sa mukha ko. It was Hiruu. Dripping some cold water on my face using his fingers.

"HIRUU! STOP IT!" Bulyaw ko rito. Tawa naman siya ng tawa.

"It's not funny." Inis kong saad dito saka kinuha yung dalawang tuwalya't pumasok sa cr.

Pagkapasok ay binuksan ko agad yung shower. Hinayaan kong umagos ito mula ulo hanggang sa buong katawan ko pababa sa mga paa ko. Pipikit na sana ako ng makarinig ako ng katok sa pinto ng cr.

"Bilisan mo dyan Vion! Kakain pa tayo!" Sigaw ni Hiruu. Oh, right. Ngayon pala ang unang araw ko bilang estudyante ng AT at unang araw rin ng pasukan sa kalagitnaan ng September.

Naligo naman ako ng mabilis. Pagkatapos ay itinapis ko ang isa sa dala kong tuwalya at tinuyo ko naman ang sarili gamit ang isa pang tuwalya't saka lumabas. Naabutan ko si Hiruu na abala sa pag-aayos ng gamit niya. Ngayon ko lang napansin na iba yung uniform niya kaysa sakin. May suot siyang gold coat na may white linings hindi katulad ng uniform ko na puting polo at necktie lang. Sa bulsa naman nito ay ang logo ng AT. Same pants lang kami.

"Mauuna na ako sayo sa baba para naman may maupuan tayo at para na rin hindi tayo maubusan ng almusal. Bilisan mo sa pag-aayos." Aniya habang inaayos yung jowa niyang salamin bago tuluyang lumabas.

Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko na lahat ng gamit ko. Inilagay ko na yung mga gamit na pinamili ko noong nakaraan sa itim kong back pack at saka bumaba.

Dumiretso ako sa cafeteria upang mag-almusal. Pagkarating ay agad kong hinanap si Hiruu. Marami-rami na ang mga estudyanteng naroon. May mga humihikab pa. May mga nakukwentuhan. May mga nagcecellphone. Wala man lang akong nakikitang may hawak ng libro. Habang naghahanap kay Hiruu ay nakarinig ako ng bulungan. Kung bulungan nga bang matatawag yon.

"Look girl, ang gwapo niya." Bulong ng babaeng talo pa ang clown sa sobrang kapal ng make-up.

"Siya kaya yung sinasabi nina Ayumi na bagong estudyante?" Ani ng kasama nito. Nasan na ba si Hiruu? Sabi niya hihintayin niya ako.

"Vion!" Rinig kong sigaw ng kung sino kaya napatingin halos lahat ng nasa loob kasama na ako. Sa hindi kalayuang table ay nakita ko si Ayumi kasama si Harley at Hiruu. Kumaway-kaway naman ito.

"Ang tangkad pre." Salita ng lalaking nadaanan ko sa kasama niya. Hindi ko na lang ito pinansin hanggang sa makarating ako sa pwesto nina Hiruu.

"Maupo ka na para makakain na tayo. Maaga pa ang simula ng klase mo." Ani Hiruu. Naupo naman ako sa tabi niya na nasa bintana. Pagkaupo ay inabot ni Ayumi na nasa harapan ko yung pagkain ko. Tipid ko itong pinasalamatan saka nagsimula na kaming kumain.

"Nga pala Vion, ano ang first subject mo?" Pagbubukas ni Harley sa topic.

"History." Sagot ko. Buti nga dala ko yung schedule ng mga klase ko. Hindi pa ako gaanong pamilyar sa academy na to dahil ang laki at ang daming building.

"History! Fave subject ko yan!" Masiglang sabi naman ni Ayumi.

"Walang nagtatanong Ayumi." Wika naman ni Harley dito. Nagbangayan pa yung dalawa. Tiningnan ko naman ang paligid at may mga estudyanteng nakatingin sa gawi namin.

Ngayon ko lang napansin ang uniform ng mga kababaihan. Katulad ng suot ni Hiruu ay ganoon rin ang suot ni Ayumi. Isang puting polo at necktie na maroon na pinatungan ng gold coat. Maging si Harley ay ganoon din. Nailibot ko ulit yung mga mata ko. Kulay maroon ang skirt nila. Napatigil naman ako sa ginagawa ng magsalita yung kapatid ko.

"Sasamahan ba kita sa klase mo? I know you're still not familiar on this school." Tanong niya. Napa-awe naman si Ayumi kaya binatukan siya ni Harley.

"I can handle. Alam ko naman kung nasan ang building ng mga first years." Sagot ko. Tumango-tango naman siya. Tumayo na ako upang pumunta sa unang klase ko.

"Woah! Ang haba ng sinabi ni Vion! I guess si Hiruu lang ang makakapagpasalita kay Vion ng super haba!" Sigaw niya na pumapalakpak pa. Nainis naman ako kaya nagpaalam na ako kay Hiruu. Bago ako tuluyang makaalis ay tiningnan ko muna ng masama si Ayumi. She's really getting into my nerves.

I really hate those people na sobrang ingay at childish.

Napatingin naman ako sa cellphone ko. 7:03 am palang. Ang klase ko ay 8 o'clock. Kinuha ko naman yung schedule ko at tiningnan ito. Hindi ko alam pero ang weird ng mga nakalagay dito.

Hindi ko namalayan na may tao pala sa unahan ko dahil nakayuko ako kaya naman nagkabanggaan kami. Nahulog naman yung mga gamit nito. Napatingin ako sa kung sino ang nabangga ko at yung babae kahapon.

"Here." Abot ko rito sa ibang libro na dala. Kinuha niya naman ito at saka ako tiningnan. Nagulat naman siya pagkakita sakin saka tumakbo papalayo.

After 15 minutes na paglalakad ay nakarating na ako sa room namin. Kumatok naman ako sa nakabukas ng pinto upang ipaalam na may tao. Kita kong napatingin sa gawi ko yung mga eatudyanteng nasa loob. May bigla namang tumayo na lalaki at saka lumapit sakin.

"Bago ka ba?" Tanong niya. Naamoy ko naman yung pabango niya sobrang tapang kaya napangiwi ako.

"Yeah. Would you mind?" Anas ko rito habang papasok.

Nilibot ko ang paningin. Marami-rami na kaming naroon. Napili kong maupo sa unahang upuan ng gitnang parte ng room. Tahimik lang akong nakaupo habang naghihintay sa teacher hanggang sa may tumili sa may pinto kaya napatingin ako rito. Doon ko nakita ang isang babae na sa tingin ko ay nasa 5'2-5'4 ang taas. Pinagkakaisahan siya ng mga lalaking kaklase ko. Naroon rin yung lalaking nagtanong sakin. Tsk. Bullies.

"Papasukin niyo na kasi ako." Sigaw ng babae. Kita ko naman hinawakan ng lalaki ang dibdib nito kaya napatili ito ulit.

"Bastos! I'll report you to the principal's office!" Aniya habang nagpupumiglas. Tumayo naman ako at saka lumapit sa mga ito.

"Why don't you pick someone with your own size?" Tanong ko rito. Napatingin naman sila sakin.

"Aba ang tapang mo ah. Boys!" Ani ng lalaki.

Lumapit naman yung dalawa nitong kasama at nagpakawala ng suntok. Umilag naman ako saka ko ito sinutok pabalik. Nasuntok ako nito na hindi ko nailagan. Nagpatuloy lang kami hanggang sa hindi ko namalayan na nalaglag na pala yung schedule ko mula sa bulsa. Kinuha ito ng lalaki at nanlalaki ang matang nakatingin doon. Pinatigil niya naman yung dalawa na pinagtaka ko.