VION
Nagising ako mula sa pagkakatulog na pawisan. Lintek na buhay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan ng nakaraan ko. More like nakaraan namin ni Hiruu. Ilang araw na yung nakakalipas matapos yung bangungot ko pero heto ako ngayon at binabangungot na naman. Hindi ko alam kung bakit sa aming dalawa ni Hiruu, ako lang yung binabangungot.
"Lalim ng iniisip mo ah. Care to share?" Nagulat naman ako dahil sa nagsalita't tiningnan ito. Si Hiruu na nakasandal sa pinto ng kwarto ko.
"Ano naman ang sasabihin ko?" Napatawa naman siya dahil sa tanong ko.
"Kung ano yung iniisip mo malamang." Aniya sabay higop sa tasa niyang may laman na kape dahil sa aroma nito.
"Wala yon." Ani ko at saka tumayo. Kinuha ko naman yung twalya ko na nakasampay sa upuan ng study table. Naglakad naman ako patungo sa pinto at nilampasan si Hiruu.
"May pupuntahan pala tayo Vion, kaya maligo ka na." Sabi niya. Tumango naman ako bilang tugon at saka bumaba ng hagdan upang maligo. Kahit na tinatamad akong lumabas ay ginawa ko na lang. Ako yung tipo ng tao na mas gugustuhing sa loob na lang ng bahay maghapon at magdamag. Hindi talaga ako fan ng gala kaya kapag lumalabas kaming magkapatid mabilis akong mabored.
Pagkababa ko ay napansin kong may mga malalaking kahon ang nasa sala. Lumapit naman ako sa mga ito upang silipin kung may laman.
"Ano naman kaya ang gagawin ni Hiruu dito?" Tanong ko sa sarili habang iniisa-isang tingnan yung mga kahon.
"Akala ko maliligo ka na?" Gulat naman akong napatingin sa likuran ko kung nasaan si Hiruu. Lintek na kapatid ko to, parang kabute. Kung saan-saan naglululusot. Tiningnan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Suot na niya ang salamin niyang hindi niya maiwan-iwan na kung itrato niya ay parang jowa. nakapagpalit na rin ito ng damit. Suot niya ang PE shirt ng school nila at isang cargo shorts na pinaresan ng rubbershoes. Magkaiba kami ng paaralang pinapasukan. Kung bakit? Yun ang di ko alam.
"Maliligo na nga. Aanhin mo ba tong sangkatutak na kahon na to?" Tanong ko habang papasok sa loob ng cr. Nginitian niya lang ako bago ako tuluyang pumasok.
Binuksan ko naman yung shower at doon nagbabad. Hinayaan kong umagos ang tubig mula sa ulo ko hanggang sa mga paa ko.
"Bilisan mong maligo Vion! May pupuntahan pa tayo!" Sigaw ni Hiruu. Gusto ko pa sanang magbabad sa tubig kaso ayoko namang magalit yung isang yun. Talo pa dragon kung nagalit.
Matapos kong maligo ay agad na akong umakyat sa taas upang magbihis. Naglabas lang ako ng isang navy blue na v-neck shirt at itim na cargo shorts saka ito sinuot. Nang maibaba ko ang damit ko sakto naman ang pagpasok ni Hiruu. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
"Bakit?" Tanong ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"Alam mo ba kung saan ko nilagay yung wallet ko?" Tanong niya pabalik.
"Aba malay ko sayo. Ano ba laman nun?"
"Andoon yung card natin. Magwiwithdraw ako ngayon." Aniya saka umalis. Hindi ko na lang siya pinansin. Nagsuot naman ako ng sapatos ko.
"Saan naman kaya kami pupunta ng mokong na yun?" Tanong ko sa sarili. Lumapit naman ako sa salamin at tiningnan ang sarili. Mukha naman akong presentable sa suot ko kaya okay na to.
Bumaba naman ako para tulungang maghanap ng nawawala si Hiruu. Tatawagin ko sana siya ngunit nakita kong may kausap siya sa cellphone niya at mukhang seryoso ito.
"I know, Sir. Of course! You don't have to worry." Aniya bago pinatay ang tawag. Napalingon naman ito sa kanyang likuran kung nasan ako at kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"Kanina ka pa ba?" Tanong niya.
"Kabababa ko lang, bakit?"
"Wala naman." Aniya habang nilalagay sa dala niyang bag yung cellphone niya.
"Tara na." Dagdag niya pa saka lumabas. Ni-lock ko naman yung pinto ng bahay at takang sumunod sa kanya. Napalingon naman ako sa bahay at katulad ng nakaraan ay may kakaiba akong nararamdaman.
"Hoy Vion! Halika na!" Napatingin naman ako kay Hiruu at ang mokong nakasandal sa isang taxi na akala mo model.
Lumapit naman ako sa kanya. Nauna siyang pumasok at sumunod naman ako. Kinuha ko yung cellphone at earphone ko saka ito nilagay sa tenga't nagpatugtog. Ayoko talaga ng lumalabas. Hindi rin kasi ako magaling makipagsocialize sa ibang tao. The last time na lumabas ako ay kamuntikan pa akong makulong dahil sa maling assult. It's not my intention na maging rude sa matanda pero kasi ewan! Ang hirap ipaliwanag.
I hear my battle symphony,
All the world's infront of me.
And my armor breaks,
I'll fuse it back together.
Napapikit naman ako habang nagpeplay ang Battle Symphony. Habang tahimik na nakikinig at nakapikit ay nakaramdam ako ng pagtapik kaya naman napamulat ako.
"Andito na tayo, Vion." Ani Hiruu. Taka naman akong napatingin sa bintana ng kotse at kita kong nasa tapat kami ng mall. Teka? Mall? Anong gagawin namin dito?
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Baka magsuswimming." Pilosopo niyang sabi. "Lumabas ka na nga." Dagdag niya pa habang tinutulak ako palabas.
"Sandali lang! Kitang nakasara pa yung pinto eh." Inis kong sigaw sa kanya. Binuksan ko naman ito at agad na lumabas. Nagbayad naman si Hiruu ng metro namin bago lumabas.
"Tara na. Marami pa tayong bibilhin." Yaya niya at nagpatiunang maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya habang hihikab-hikab. Nilagay ko naman sa bulsa yung cellphone at earphone ko.
"Ano bang gagawin natin dito? Pwede namang ikaw na lang ang bumili ah."
"Kailangan ka. Wag ka ng mag-inarte dyan Vion. Talo mo pa babae eh." Pang-aasar niya. "Besides, kailangan mo ring mainitan kahit papano. Talo mo pa si Dracula sa sobrang putla."
"Eh sa hindi ako katulad niyo na mahilig gumala. Nakakantok kaya." Anas ko. Tinawanan niya lang ako. Hindi naman na ako umimik dahil andami ng nakatingin samin.
Tinagal kami ng halos 25 minutes sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang shop na hindi ko maintindihan ang pangalan dahil kanji ang nakasulat. Pumasok naman doon si Hiruu kaya pumasok na rin ako.
Pagkapasok, isang mabangong amoy agad ang bumungad sa ilong ko. Amoy cherry blossoms. Inilibot ko naman yung mga mata ko at namangha ako sa loob. May mga hile-hilerang libro at nakaayos ito ng naaayon sa kulay. May mga school supplies rin akong nakita. May mga school uniforms din na naroon at ang mas ikinamangha ko pa ay ang isang katana na nakadisplay sa may counter.
"Bago ka mamangha, kumuha ka na ng cart mo at hanapin mo ang mga nakalagay dito." Ani Hiruu at saka may inilagay na papel sa palad ko. Listahan ata to ng mga kailangan kong bilhin. Magtatanong pa sana ako kaso pagtingin ko sa paligid ay wala na siya.
"Tingnan mo yun mang-uutos hindi naman sinasabi kung saan ko bibilhin ang mga to." Kausap ko sa sarili.
"Lahat ng nakasulat dyan ay makikita mo rito hijo." Napalingon naman ako sa likuran ko at nakatayo rito ang isang middle aged man. Nakasuot ito ng maroon na shirt at kupas na maong na pantalon na pinaresan ng itim na sapatos. May suot din itong salamin na katulad kay Hiruu.
"Mukhang hindi pa nasasabi sayo ng kapatid mo. Akin na iyang listahan. Ako na ang maghahanap." Aniya. Binigay ko naman sa kanya yung papel. I'm still clueless on what's going on here. Tahihimik akong nakasunod sa lalaki habang kumukuha siya ng mga gamit at nilalagay ito sa cart ko. Napunta naman kasi sa section ng mga school uniform at may kinuha siyang tatlong pares ng polo at dark blue na slacks.
"Kakasya ba yan sakin?" Alalang tanong ko. Tinanguan at nginitian niya lang ako. Hindi na lang ako umimik hanggang sa narinig ko ang boses ni Hiruu. Napatingin naman ako sa pinto ng shop at naroon siya. May kausap na naman sa cellphone niya. Tiningnan niya naman ako at saka kumaway.
"Pakaway-kaway ka pa. Di mo na nga sinabi sakin kung ano yung mga bibilhin ko na yun." Pagkausap ko ulit sa sarili.
"Tapos na ba yung mga pinapabili ko sayo?" Tanong niya ng makalapit sakin.
"Oo. Yung lalaking yun ang kumuha." Patuturo ko sa lalaking nasa counter habang inaayos yung mga gamit.
"Para saan ba yun?" Tanong ko. Hindi niya naman ako sinagot bagkus ay nilampasan niya ako.
"Sir Arthur, lahat na po ba iyan?" Kausap niya.
"Oo, Cael. Ikaw na bata ka, bat mo naman ibinigay sa kapatid mo itong listahan eh wala pa naman siyang alam." Aniya na tatawa-tawa. Nakitawa na rin si Hiruu. Teka? Tinawag niyang Cael si Hiruu. Bihira lang magpatawag ng second name yung mokong.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa matapos ang pagbabalot sa mga gamit.
"Lika na. Uuwi na tayo." Yaya ni Hiruu. Nagpaalam naman siya sa lalaki at maging ito rin.
Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang hindi isipin yung pinagsasabi ng lalaki. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa bahay ngunit bago pa man kami makapasok ay may sinabi na siya. "Lilipat na pala tayo."
"WHAT THE HELL?!" Gulat kong sabi habang nakatingin sa kapatid kong papasok.