Chereads / EKBASIS (Tagalog) / Chapter 27 - Chapter 25: Goodbye

Chapter 27 - Chapter 25: Goodbye

4 days after...…

Nagising na lang ako dahil sa inggay ng aking telepono. Pikit matang inabot ko ito sa maliit na lamesa na katabi lamang ng aking hinihigaan. Muntik pa akong mahulog sa kama dahil hindi ko ito makapa sa lamesa. Matapos ang ilang segundong paghahanap ay nakapa ko din ang aking hinahanap. Inaantok na sinagot ko ang tawag

"Hello Love, nagising ba kita?" sabi sa kabilang linya

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa aking narinig. Boses pa lang alam ko ng si Tita ang tumatawag

"H-hindi naman po" sabi ko habang nagkukuskos ng mata

"Mabuti naman kung ganon. Nga pala, susunduin ka namin dyan mamayang tanghali"

"Sige po. Inggat po kayo sa byahe"

"Oh siya, magkita na lang tayo mamaya" sabi nito bago patayin ang tawag

Unti unting nanlaki ang mata nang mapagtanto ang sinabi ni Tita. Mablis pa sa alas kwatro na naghanp ako ng kalendaryo at tinignan ang kung anong petsa na. Ngayon nga pala ako susunduin ni Tita. Nakalimutan kong lilipat na nga pala ako sa Manila. Wala sa sariling naglakad ako patungo sa banyo para mag ayos

Naghilamos ako saka tinignan ang sarili sa salamin. Huminga ako nang malamin saka nagpakawala ng buntong hininga. Mugto na naman ang mata ko. Ang bilis ng araw at halos hindi ko man lang namalayan na ngayong araw na pala ako aalis papuntangg Manila.

Nangako ako sa aking sarli na gagawa ako ng paraan para mahanap ka at makabalik tayong dalawa sa Ekbasis pero ilang araw na ang lumipas ay wala parang nagyayari. Ayokong tumigil pero unti unti na akong nawawalan ng pag asa. Sa ilang araw na nagdaan ay lagi ako umiiyak dahil hindi ko maiwasan na sisihin ang aking sarili sa mga nangyari. Lagi kong binabalikas ang mga masasayang alaala nating dalawa sa Ekbasis. Yung mga panahong masaya pa tayo dahil nahanap natin ang isa't isa. Yung mga panahon na kung mag asaran at harutan tayo ay parang wala nang bukas. Yung mga panahong nagsasabihan tayo nang ating mga problema pero ngayon ay wala ka na

Hanggang ngayon ay pala isipan parin kung bakit biglaan kang kinuha sakin. Ang sabi mo ang noon ay kapag lumabag ka naman sa patakaran na pinatutupad sa inyo ay tuluyan kanang mawawala kasama ay Ekbasis. Kung ganon ay lumabag ka na naman sa ikalawang pagkakataon. Pero ano ang ginawa mong kasalanan? Bakit hindi mo sakin sinabi na nagkasala ka na naman. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha

Sumasakit ang aking ulo dahil sa kaiisip ng kung ano ano. Ang hirap nito dahil wala ka namang sinabi sakin Ang hirap nito dahil wala ka namang sinabi sakin na kahit ano kaya kaylanagan kong alamin ng mag isa

Pagkatapos kong maghilamos at magsepilyo ay kumuha na ako ng twalya at naligo.Hindi naman ako nagtagal ay natapos din agad. Maaga na akong gumayak para pagdating nila mamaya ay hindi ako magahol sa oras. Nagsuot lang ako ng simpleng t-shirt at maong jeans. Uminom lang din akong ng kape tulad ng aking nakasanayan

Umupo ako sa kama saka kinuha ang picture frame na naglalaman ng litrato naming dalawa. Pinigilan ko agad ang aking sarili na lumuha. Baka kung ano pang isipin ni Tita kapag naabutan niya akong umiiyak. Mugto ka ang aking mata dahil sa kaiiyak nitong mga nakaraang gabi kaya magtakaka siya at hindi maiiwasan magtanong

Ilang beses akong huminga nang malalim at sinubukang kalmahin ang aking sarili. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko matanggap ang lahat. Siguro ang kaylangan ko ngayon ay ang mapag isa at mag isip. Isa si Felix sa pinaka importanteng tao na nakilala ko. Malaki ang naging parte niya sa aking buhay kaya siguro ay nahihirapan akong tanggapin ang mga nangyari

Maya maya lamang ay may kumatok sa pinto. Tumayo ako saka naglakad palapit doon para buksan 'yon. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sakin ang nakangiting mukha ni Tita. Ngumiti naman ako ng pilit bilang ganti. Binuksan ko ng malawak ang pinto upang makapasok siya sa loob

Bumalik naman ako sa loob ng kwarto para kuhanin ang dalawang malaking bag na naglalaman nang aking mga gamit

"Pasensya na at hindi na nakasama sa pagsundo ang mga pinsan mo. May inaasikaso pa kasi sila sa bahay" sabi ni Tita habang niilibot ang tingin sa buong apartment

"Ayos lang po" lang ang sabi ko saka

Hinarap ako ni Tita. "Yan lang ba ang dadalhin mo?" tanong nit habang nakatingin sa dalawang bag na bitbit ko

"Opo" magalang na sagot ko

Hindi naman akin ang mga gamit dahil nandito na ito simula lang ng tumira ako dito. Sa maikling salita ay mga damit lang ang pag mamay ari ko at lahat ang pinahiram lang sakin ni Tita

"Kung yan lang ang dadalhin mo ay pwede na siguro tayong umalis"

Tumango lang ako bilang sagot. Bigla naman akong nahiya ng kuhanin ni Tita ang isa kong bag at siya na ang nagdala palabas ng apartment. Wala na akong nagawa dahil mas nauna na siiyang lumabs kaysa sakin. Sa huling pagkakataon ay inilibot ko ang aking tingin sa lugar kung saan ako nagsimula. Dito ako lumaki kaya maraming ala ala ang maiiwan sa aking pag alis. Inalala ko kung may naiwan ba ako o wala. Nang masiguro na ayos na ang lahat ay saka ko lang napagpasyahang lumabas ng aparmtent

Huminga muna ako nang malamin bago dahan dahang isira ang pinto nito. Nanginginig pa ang aking kamay na tuluyang bitiwan ang doorknob nito. Ang hirap talaga kapag may aalis. Ang hirap iwan ng mga bagay na naging parte ng buhay mo.

Hinawakan ko ang pinto ng aking kwarto. "Room 15" banggit ko sa numero na nakalagay doon. Ngumiti muna ako ng pilit ako tluyang lisanin ang lugar na 'yon.

Pakiramdam ko sobrang dami nang nagyari nitong mga nakaraang araw. Sunod sunod sila at nakakapagod. Hindi lang physically kundi emotionally pa

Pagkalabas ko sa building ay nandatnan ko si Tita na nakasandal sa kotseng dala niya at halatang hinihintay ako. Inabot ko sa kanya ang susi ng apartment pagkalapit ko sa kanya. Inabaot naman niya 'yon. Tinapik niya ako sa balikat bago ayaing sumakay sa sasakyan. Umupo ako sa backseat ng kotse ng may maalala ako

"Tita saglit lang po" pigil ko kay Tita ng akmang paandarin na niya ang kotse

"Bakit? May nakalimutan ka ba" takang tanong naman nito

"Saglit lang po" paalam ko bago nagmamadaling lumabas ng sasakyan

Tinahak ko ang daan papunta sa likod ng building. Wala akong pake kung madamo man o hindi. Pumasok agad ako sa maliit na butas sa pader. Pagkalusot ko doon ay tumakboa agad ako sa kakahuyan hanggang sa marating ko ang dulong bahagi nito at muli ay bmungad sakin ang isang mawalak na lupain na puno ng iba't ibang klaseng bulaklak. Nandoon parin ang pinto pero ayaw parin nitong bumukas. Naghabol muna ako ng hininga dahil hiningal ako dahil sa katatakbo

"Felix!" sigaw ko. Binanggit ko lang ang pangalan niya pero hindi ko na napigilan ang naking sarili at snod sunod na nagsiatakan ang aking mga luha

"Hindi ko alam kung naririnig mo man ako o kung nasaan ka ngayon pero gusto ko lang sabihin na sana masaya ka na. Susubukan kong mabuhay ng mag isa pero magbabaka sakali parin ako na balang araw babalik ka at handa akong maghintay kasi…..mahal kita!" sigaw ko sa gitna ng kawalan

Mabilis na pinahid ko ang aking mga luha. Alam kong walang makaririnig sakin dito. Hindi ko alam pero pagkatapos kong sabihin 'yon ay gumaan ng konti ang aking nararamdaman.

Ngumiti ako pero sa panahong iyon ay hindi na pilit.

"Maghihintay ako" 'yon ang huling sinabi ko bago ako magmadaling umalis sa lugar na 'yon ng may ngiti sa labi