Chereads / EKBASIS (Tagalog) / Chapter 9 - Chapter 8: The Unexpected

Chapter 9 - Chapter 8: The Unexpected

Dumaan ang ilang araw at nakasanayan ko ng pumunta sa Ekbasis pagkatapos ng klase at habang pagtagal ng patagal ang pananatili ko roon ay lalo kong nakikilala si Felix at patuloy na mamangha sa ganda ng lugar.

Nalaman kong may pagka isip bata minsan si Felix dahil naikwento niya sakin na sa mundo nila ay hindi siya pinapayagan gawin ang gusto niya katulad ng ibang bata. Sinabi din niya na kontrolado ang buhay niya doon kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mabuhay ng normal

Naaawa ako sa kanya. Bukod sa naging ganon ang buhay niya sa mundo nila ay ikinulong pa siya dito sa Ekbasis ng mag isa. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sakin kung gaano ba kabigat ang ginawang kasalanan ni Felix at humantong siya dito

Gusto ni Felix maglaro pero hindi naman ganon kadalas dahil siguro ay iniisip din niya na hindi na kami bata para sa mga ganoong bagay pero pumapayag padin ako para kahit papano ay maranasan niya yon kahit nakakulong na siya dito sa Ekbasis

"Taga lupa!" Nabalik lang ako sa reyalidad ng may tumawag sakin. Boses pa lang alam ko na. Napairap ako. Kumakaway siya palapit sakin

"Ilang beses ko bang kaylangang sabihin sayo na hindi taga lupa ang pangalan ko. Aphrodite yun okay hindi taga lupa" stress na sabi ko

"Bakit ba kasi ganon yung pangalan mo? Ang hirap tuloy tandaan"

"Anong mahirap tandaan sa Aphrodite?"

"Basta!"

Noong una ay nagtataka din ako kung bakit ganon ang pangalan ko pero nung kinukwento sakin ni Tita kung anong nangyari sa pagitan ng magulang ko ay unti unti ko ding nalaman.

Ayon sa kwento ni Tita, dati daw ay maagang nabuntis yung Nanay ko tapos ayaw daw akong tanggapin ni Tatay dahil hindi mahal ng Tatay ko si Nanay at malaking pagkakamali lamang daw ang nangyari sa kanila. Kumbaga one sided love.

Pinagbuntis parin ako ni Nanay kahit ayaw akong tanggapin ni Tatay. Siyam na buwan akong nasa tiyan ng Nanay ko pero kahit minsan ay hindi siya inalagaan ni Tatay. Ilang gabing umiyak yung Nanay ko dahil sabi niya ay ayaw daw niyang maranasan ko na lumaking walang ama. Hanggang sa lumabas na ako. Hindi ko alam pero parang biglang nag iba ang ihip ng hangin dahil simula nung ipanganak ako ni Nanay ay biglang nagparamdam sa kanya si Tatay

Simula nung makita ako si Tatay ay hindi nadaw ito umalis sa tabi ni Nanay hanggang sa natutunan na nilang mahalin ng totoo ang isa't isa kaya napagdesisyunan nilang pangalanan akong Aphrodite because Aphrodite is the goddess of love

Natatawa pa nga ako minsan dahil tuwing naaalala ko kung gaano sila maglambingan noon. Akala mo namang hindi sila dumaan sa ganon. Grabe love story ng magulang ko nakaka stress sila

Hinanap ng mata ko si Felix. Nakita ko siya sa di kalayuan

"Hoy!" sigaw ko sa kanya. Lumingo siya

"Uwi na ako" paalam ko. Lumapit siya sa sakin

"Hatid na kita" sabi niya

Nakarating kami sa pinto. Humarap ako sa kanya saka kumaway.

Kumaway din siya pabalik saka ngumiti sakin. Binuksan ko ang pinto pero hindi pa man ako nakaka isang hakbang palapit doon ay may naramdaman akong mga kamay na pumulupot sa bewang ko.

Hindi ako nakagalaw dahil don. Nabigla ako. Hindi ko inasahang yayakapin ako ni Felix mula sa likod. Heto na naman ang puso ko na hindi mapigilan sa pag tibok ng mabilis. Hindi ako makapag isip ng maayos. Ang bilis ng pangyayari

"Felix….." bangit ko sa pangalan niya

"Alam kong babalik ka at maghihintay ako dahil yun ang pangako mo" sabi niya. Parang may bumara na kung ano sa lalamunan ko. Hindi ako nakapagsalita.

Natahimik ako sa sinabi niya. Parang may naglalaro na isang damakmak na paru paro sa tiyan ko dahilan kung bakit nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam

Hindi nagtagal ay bumitiw na siya sakin. Hindi ko alam pero may parte sakin na gusto ang yakap niya. Hindi na ako humarap sa kanya dahil baka hindi na ako maka alis kapag ginawa ko iyon. Nagmamadaling umalis ako sa lugar na iyon.

Pagdating ko sa apartment ay kung saan ko na lang inilagay yung bag ko saka nagpabalik balik ng lakad sa sala. Napahawak ako sa ulo ko. Mabilis parin ang takbo ng puso ko

"What just happen.....?" hindi makapiwalang sabi ko habang pabalik balik ang lakad sa sala

Sira na ba ang ulo ko? Bakit hinayaang kon gawin niya sakin yon? Bakit ako pu,ayag na yakapin niyo ako?

At bakit...…..

At bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!

Jusko ko. Hindi pwede 'to. Pero hindi naman imposibleng mangyari yun

"What?!" nagulat ako sa sarili kong naisip

M-may gusto na ba ako sa kanya?

No. Hindi pwede at hindi mangyayari yon. Sobrang impsible ng iniisip ko dahil kahit saang angulo mo tignan ay hindi kami pwede dahil unang una ay magka iba ang mundong aming ginagalawan.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa saka tumitig sa kisame. Malakas na napabuntong hininga ako.  Siguro kulang lang ako sa tulog kaya ko naiisip yon saka isa pa yakap lang naman yon tapos kung makapag react ako ay wagas. Tama. Yakap lang yun at yun na lang ang iisipin ko

Kahit sabaw yung utak ko sa kaiiisip ay naglinis na ako ng katawan para makahiga na din ng maaga. Ipinikit ko ang mata ko para makatulog

11:00....

11:30....

12:00....

12:30.....

Napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko yung orasan ko sa side table. Jusko ko mag aalauna na nang umaga gising padin ako. Kung ano anong baling na sa kama ang ginawa ko pero hindi pa rin ako makatulog. Ilang beses ko na ding nilibang ang sarili ko pero wala paring epekto sakin at gising parin ako.

Sa huli ang napag desisyunan kong lumabas ng kwarto para makapag timpla ng kape. Balita ko ay nakapag papatulog daw ito kaya yun na lang ang gagawin ko. Napatingin ako sa bintana.

Umuulan na naman. Madalas na yatang umulan siguro dahil nadin tag ulan talaga sa buwang ito

Lumapit ako sa bintana para isara iyon dahil nababasa ang loob ng apartment ko

Biglang lumakas ang hangin kasaby ng pagkulog at pag kidlat. Napatingin ako sa pader nanasa likod lang ng building na kinaroroonan ko ng may kung anong gumalaw doon. Isinara ko muna ang bintana bago tumingin doon.

Kumunot ang aking noo. Sigurado akong may nakita ako hindi ko lang malaman kung ano. Maya maya pa ay nagulat ako ng maaninag ko sa dilim ang nakita ko.

Wait.....

Paanong nakapunta an dito samantalang ang pagkakaalam ko ay hindi siya basta basta makakaalis don. Kumunot ang noo ko. What the hell is happening?!

"FELIX?!"