Chereads / EKBASIS (Tagalog) / Chapter 10 - Chapter 9: One wish

Chapter 10 - Chapter 9: One wish

"Felix?!" what the fuck?

Paanong nakapunta yan dito?

Dali dali akong lumabas ng apartment. Wala akong pake kung anong oras na. Bakit ba kasi nandito yan. Kahit madalim na sa labas at umuulan ay tumuloy padin ako.

Pagkababa ko sa ay dumiretso agad ako spapunta sa likod ng building.

Nandatnan ko si Felix na hindi malaman kung saan pupunta. Parehas na kaming basa ng ulan.

"Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ko. Nahihiyang ngumiti siya sakin sabay hawak sa batok. Huwag niya akong ngitian dahil hindi ako natutuwa.

Paano na lang kung hindi ko siya nakita. Edi basang basa na siya kung bukas ko pa malalaman na pumunta siya dito. Kahit galit ay hinili ko siya papasok sa building na tinutuluyan ko.

Panay ang lingon niya sa paligid. Siguro ay namamangha dahil ngayon lang siya nakakita at nakapunta sa mundo ko. Pinapasok ko siya sa loob ng apartment ko. Kumuha ako ng towel saka ibinigay iyon sa kanya.

Parehas kaming basa dahil sa ulan. Walang imik na pumasok ako sa kwarto saka nagpalit ng damit dahil nilalamig na ako pagkatapos ay lumabas din agad.

Nadatnan kong nakaupo na si Felix sa sofa saka iginagala ang paningin sa paligid. Huminto ako sa harap niya.

"Anong ginawa mo at paano ka nakapunta dito?" yun agad ang tanong ko sa kanya

"Saka na lang ako magpapaliwanag kapag nakabalik na tayo sa Ekbasis" sagot niya

Napaamang ako. Ang lakas naman yata ng loob niya. Napatingin ako sa kabuuan niya. Basang basa siya.

Napaface palm na lang ako. Ano ba kasing pumasok sa isip nito at bigla bigla na lang pupunta dito ng walang pasabi

Kinuha ko ang towel mula sa kanya at ako na ang nagpunas ng basang buhok niya

"Siguraduhin mo lang na maganda ang paliwanag mo dahil kung hindi lagot ka sakin" banta ko sa kanya habang pinupunasan ang buhok niya

Nagulat ako ng hawakan niya ang magkabilang kamay ko kaya nahinto ako sa aking ginawa. Tumingin siya sakin at ngumiti. Damn. I hate that smile. It makes my heart beat fast.

"Nilalamig ako" sabi niya. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. Binatukan ko siya

"Kasalanan mo yan" sabi ko pero nginusuan lang niya ako. "Dito ka lang may pupuntahan lang ako saglit" paalam ko sa kanya at tinanguan naman niya ako

Lumabas ako ng kwarto saka umakyat sa ikatlong palapag ng building. Dumiretso ako sa kakilala kong lalaki na dito din umuupa. Umatok ako sa pinto. Pipiki pikit na binuksan niya ang pinto. Nakiusap ako kung pwedeng makihiram ng damit. Hindi naman nalalayo ang laki ng katawan niya kay Felix kaya sa kanya ko na lang naisipang manghiram ng damit.

Buti na lang at mabait yung hiniraman ko. Iniabot niya sakin ang dalawang maong jeans at dalawang shirt. Nagpasalamat ako pagkatapos non at sinabing ibabalik ko na lang kapag nalabhan ko na ulit dahil ipapahiram ko ito sa aking unexpected na bisita. Bumalik na ako pagkatapos non.

Naabutan kong nakahiga na sa sofa si Felix at nakabaluktok.

"Felix" tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya sakin ngimiti. Bakit ba ang hilig niyang ngumiti. Kahit basang basa at nilalamig ay nakangiti padin. Abnormal ba 'to

Iniabot ko sa kanya yung damit na nahiram ko. Pinapasok ko siya sa aking kwarto at sinabihang magbihis. Kuuha naman ako ng tubig at nagsalin sa baso saka uminom. Maya maya pa ay lumabas na siya. Hindi ako nakapagsalita dahil nasamid ako nung makita ko siya.

Napatitig ako kay Felix. He looks so different in those clothes. Lalo siyang naging gwapo sa suot siya kahit maong jeans lang ito at simpleng shirt . Tumikhim ako saka tumayo ng maayos

"Pwede na" sabi ko saka umupo sa sofa. Sumunod naman siya sakin. Tinignan ko kung anong oras na

It's already 4:00 am in the morning.

Grabe ang bilis ng oras. Siguro hindi na ako babalik sa higaan dahil 7:00 am ang pasok ko idagdag mo pa na may alagain ako dito sa apartment.

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Sinigurado kong naka lock. Mahirap na baka kung anong gawin nung kupal nayon. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya sadyang hindi ko lang maalis sa isip ko na lalaki parin siya at magkaibigan lang kami

Pagkatapos ay nagbihis na ako saka lumabas sa kwarto. Nakita ko siyang paikot ikot sa buong apartment ko. Bakit hindi siya mapakali. Dumako ako sa maliit na kusina saka nagluto ng pritong itlog, bacon at hotdog at syempre hindi mawawala ang ang fried rice.

Nang matapos ay pinaupo ko sa upuan dito sa kusina. Sabay kaming kumain. Natawa pa ako ng makitang nag eenjoy siya sa kinakain niya. Sabagay wala namang ganyan sa Ekbasis

"Ilang araw ka dito?" tanong ko habang kumakain

"Dalawa" maikling sagot niya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Tumango naman ako bilang tugon

Pagkatapo kumain ay ilinagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko.

Mamaya na lang pag uwi ko uurungan 'yon at baka malate pa ako

Bago ako umalis ay binilinan ko si

Felix na huwag aalis sa apartment ko habang wala ako. Ilock niya din ang pito at huwag na huwag magpapapasok ng hindi niya kilala at kumain siya kapag nagutom dahil may pagkain pa naman sa ref pagkatapos non ay umalis na ako

Tumakbo ako papasok sa school. Papikit pikit ako sa gitna ng klase dahil sa antok. Wala pa akong tulog pero sinisikap kong makapagfocus sa klase. Hanggang sa dumating ang tanghalian. Hanggang sa canteen ay iniisip ko kung ano ng lagay ni Felix. Buti na lang at hindi ako napagtripan ngayon ng mga babaeng kinulang sa buwan at mukhang coloring book ang mukha

Wala naman masyadong nangyari sakin ngayng araw maliban sa wala akong tulog dahil kay Felix. Katulad ng dati ay pagkatapos kong kumain mag isa sa cannteen ay bumalik na ako sa room. Tinignan ko ang oras. Maaga pa naman para magsimula ang klase kaya iiglip muna sa saglit dahil baka mamaya ay bigla na alang akong mawalan ng malay sa dahil kakulangan sa tulog. Maya maya pa ay nagising ako dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Napatingin ako sa paligid. Mukhang ngayon pa lang magsisimula ang klase

Dumaan ang maghapon ng wala akong naintindihan kahit isa sa lesson. Sabaw yung utak at hindi magsink in sa utak ko lahat nung sinasabi ni Ma'am. Bglang nagsigawan ang mga estudyanteng nasa labas kaya naagaw non ang atensyon ng buong klase. Napatingin ako sa bintana.

May kung ano silang pinagkakaguluhan doon na hindi ko naman mawari. Ilang saglit pa ay natapos na ang klase ngayon araw. Nagulat naman ng nagmamadaling magsilabasan yung mga kaklase ko. Nagtaka ako. Grabe ngayon ko lang nalaman na ang dami palang chismoso at chimosa  na kaklase ko

Isinukbit ko ang bag ko saka naglakad palabas ng building. Kung ano man yung pinagkakaguluhan nila ay wala na akong pake don dahil iniisip ko yung alagain ko sa apartment

Ang daming kababaihang tumitili. Naptakip ako ng tenga.

Jusko ang ingay nila. Nagkumpulan sila sa school gate at ang daming estudyante ang hindi makadaan dahil sa kanila. Ano ba kasi yon? Nakakairita na sila. Lalagpas na sana ako sa school gate ng mahagip ng mata ko kung sino yung pinagkakaguluhan nila

"Grabe ang pogi ni kuya"

"May girlfriend na kaya siya? "

"Grabe yug ngiti niya nakakain love"

"Bakit walang ganyan kagwapo sa school natin"

Sabi ng ilang kababaihan na nakapalibot sa kanya. Nanlaki ang mata ko. What the fuck?!

Kung kami ay sabi ko na wala akong pakielam sa kung ano man ang pinagkakaguluhan nila pero ngayon binabawi ko na yon.

Paanong hindi ako mawawalan ng pake eh si Felix yon!

Potaena.

Nagtama ang paningin namin. Lalo akong nagulat ng tinawag niya ako

"Taga lupa!" tawag niya sakin at kumaway pa si loko. Napatingin sakin ang lahat. Napaface palm ako

Now I'm fuck up