Chereads / EKBASIS (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2: The Bridge

Chapter 3 - Chapter 2: The Bridge

"May mga bagay sa mundong hindi pa nadidiskubre ng kahit na sino. Mga bagay na hindi pa nakikita ng tao. Mga bagay na akala niyo hindi totoo pero meron sa mundong ginagalawan mo." 

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*+*+*-*-

Sobrang sobrang ganda nang paligid. Para akong nasa isang paraiso. Hindi ko mawari ang mararamdaman ko. Kung nananaginip man ako, hindi ko na gugustuhing gumising pa.

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na gusto kong pumunta sa lugar na ako lang ang may alam. Lugar kung saan walng huhusga sayo, lugar na walang limitasyon, lugar na walang disriminasyon at lugar kung saan malaya ka pero sa mga nakikita ko ngayon parang nangyayari na ang hiling ko.

Pagkalabas mo sa kakahuyan ay may sasalubong sayong isang malawak na lupain kung saan nagkalat ang iba't ibang uri ng mga bulaklak, nagliliparang mga paru paro at ang napakagandang asul na langit. Kung hindi ko alam kung totoo ba ang mga ito dahil sa tana ng buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganito kagandang lugar. Hindi ko kaylan man naisip na sa likod ng malaking pader na iyon ay may nag aabang sayo na ganito kagandang lugar.

Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Naglakad ako para makapunta sa gitnan nang malaking lupain na iyon. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil ang daming magandang tanawin sa paligid. Napahinti lang ako nang may makita na ipinagtaka ko.

Bakit at paano naman magkakaroon ng pinto sa gitna nang ganitong lugar.

Anong oras na kaya? Dapat siguro bumalik na ako. Baka hinahanap nadin ako ni Tita. Babalik na lang ako bukas para makita pa ulit ang lugar na ito.

Tumakbo ako pabalik. Nadaanan ko ulit yung mga naglalakihang puno at nagliliparang mga damo. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa matanaw ko na ulit malaking pader na naghahati sa dalawang lugar.

Lumusot ulit ako sa butas medyo nahirapan pa akong makaalis doon dahil maliit lang ito. Inayos at pinagpag ko ang aking damit pagkaalis don.

Napatingin ako sa paligid, madilim na. Tinignan ko yung phone ko para malaman kung anong oras na

"10;30 na?!" hindi makapaniwalang sabi ko

Maaga pa nung lumabas ako para magtapon ng basura tapos ngayon gabi na. Ganon ba ako katagal sa nanatili doon.

Halos isang araw na samantalang nung nasa loob pa ako kanina ay maliwanag pa at asul na asul ang kalangitan tapos ngayon gabi na agad. Nakapagtataka naman

Hindi ko na muna masyadong inisip yon at nagmamadaling bumalik sa apartment. Baka bigla nalang akong hanapin ng Tita ko. Hinihingal na nakapasok ako sa kwarto ko. Grabe ang takbong ginawa ko para hindi lang mahuli. May curfew kasing pinatutpad dito na kapag 8:30 na nang gabi ay hindi kana pwedeng lumabas at delikado na lalo na sa aming kabataan.

Buti na lang at hindi ako nahuli kung hindi lagot na naman ako kay Tita. Hindi naman masungit ang Tita ko sadyang ayaw niya lang na lumalabas kami ng gabi at baka daw mapano kami lalo na at sa apartment niya kami tumutuloy.

Naglinis ako ng katawan pagkatapos ay kumain. Nagsimula na namang bumuhos ang malakas na ulan at sinabayan pa ito ng pagkulog at pagkidlat. Lumapit ako sa bintana at sumilip doon.

Tinignan ko ang malaking pader sa likod ng building na kinaroroonan ko.

Hindi ko aakalain na sa likod ng pader na ito ay may nakatangong isang paraiso. Napakagandang lugar. Ang sarap balik balikan.  Natulog na ako pagkatapos

Katulad nang nakasanayan, naligo, gumayak at kumain na ako bago pumasok. Hindi na ganon kalakas ang ulan kaya hindi na kinansela ang pasok. Ambom na lang ang meron samin kaya siguro ay pinapasok na kami.

Naglakad ako papaok sa iskwelahan. Pagdating ay umupo na agad ako sabay pasak ng earphones sa tenga ko para magsound trip. Hindi na naman nagtagal ay dumating na ang magtuturo samin

Hindi ako masyadong nakapag focus sa klase dahil iniisip ko paring ang mga nangyari kahapon. Ang hirap paniwalaan. Bukod sakin, sino sino na kaya ang nanakapunta sa lugar na iyon.

Lutang ako buong klase kaya hindi ko masyadong naintindihan yung lesson. Hayaan mo na babawi na lang ako sa susunod.

Lunch break namin at nasa canteen ako at kumakaing mag isa. Walang gustong kumausap sakin dahil naniniwala talaga sila sa sabi sabing nakakakita daw ako ng multo. Saang lupalop naman nila nakuha ang ideyang iyon. Kung ayaw nila sakin, edi wag mas gusto ko pa nga ang mag isa kaysa magkaroon ng kaibigang plastik.

Bumalik na ako sa classroom pagkatapos kong kumain ng lunch. Nagpatuloy ang klase at saby parin ang utak ko. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil kanina ko pang gustong umuwi. Gusto gusto ko ng bumalik sa lugar na iyon.

Tinignan ko ang orasan na nakasabit sa ibabaw ng blackboard namin

3

.

.

.

2

.

.

.

1

Uwian na!

Kinuha ako agad ang bag ko at sinukbit iyon sana patakbong lumabas ng classroom. Napapatingin pa sakin ang ibang estudyante pero dedma lang ako.

Tumakbo ako para makauwi agad. Hindi na nag abalang pumunta sa apartment ko basta dire diretso na lang ako. Hinawi ko ang mga damong nakaharang sa maliit na butas. Tinanggal ko ang bag ko sa hinagis iyon sa loob ng butas. Kung hindi ko iyon tatanggalin ay baka hindi ako magkasya.

Pinagpag ko ang uniform ko nang makapasok doon. Hinanap ko ang bag ko saka tinukbit ulit yon sa balikat ko. Nadaanan ko naman ang mga puno.  Tumakbo ako papalabas ng kakahuyan.

Bumungad ulit sakin isang malawak na lupain na puno nang mga iba't ibang bulaklak.

Nilapitan ko agad ang dahilan kung bakit ako nandito. Bakit ba kasi may pinto dito. Sinilip ko ang likod nito, wala namang akong nakitang kakaiba talagang pinto lang siya na nakatayo sa gitna ng isang malawak na lupain.

Hinarap ko ang pinto at hinawakan ang doorknob saka dahan dahang pinihit yon. Binuksan ko ang pinto at walang nakitang kakaiba. Lalapit pa sana ako para makita nang malapitan ito kaso sa kamalas malasan nga naman ay napatid pa ako

Naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa. Unang tumama ang balakang ko.

"Ang bobo naman" sabi ko sa sarili ko tumayo ako habang iniinda ang sakit sa balakang ko.

Napahawak ako don. Laking gulat ko ng maging iba ang nasa paligid ko. Puro na puno naman ang nakikita ko pero may mgayon ay may pathway nasa gitna nito. Lumingon ako sa likod at doon ko nakita ayung pinto na unti unting sumara. Nanlalaki ang  matang tumakbo ako papunta doon. Sinubukan kong buksan ito pero walang nangyari.

Aksidente ba akong nakapasok sa pinto? Pero tinignan ko naman ito kanina at wala akong nakitang mga puno sa likod nito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.

Katulad nung kakahuyan na nakita ko ng unang beses akong makapasok sa butas ng pader pero ang pinagkaiba lang nito ngayon ay may pathway sa gitna nito.

Totoo pa ba ito? Nasaang lugar ako. Talaga bang nangyayari ito?

Nagsisimula na akong matakot dahil hindi ko alam kung nasaang lugar ako o kung totoo pa ba ito at kabahan dahil hindi ko alam kung paano ako makakabalik samin dahil ayaw namang bumukas nung pinto

Dun sa malalaking puno at malawak na lupain ay maniniwala pa ko pero dito sa lugar na ito ay hindi na. Jusko! Sino ba naman ang maniniwala na nakapunta ako sa lugar na ito dahil sa isang pinto na nakatayo sa gitna ng malawak na lupa.

Kahit natatakot ay sinundad ko yung pathway. Nagbabakasakaling makahanap ulit ako ng pinto out of nowhere tapos yun na pala ang daan pauwi. Sinalubong ako ng liwanag ng marating ko ang dulo nito. Napapikit ako.

Ilang saglit pa ay nakapag adjust na ang mata ko saliwanag kaya iminulat ko na ito

"Wow" napasinghap ako sa aking nakita.

Akala ko wala nang mas gaganda pa sa mga nakita ko sa labas ng pinto pero nagkakamali ako. Hindi ko alam kung nasaan ako pero aaminin ko nag eenjoy ako sa mga nakikita ko

Dahan dahan akong naglakad habang inililibot ang paningin sa paligid

Tuloy tuloy lang ang lakad ko hannggang sa marating ko ang maliit na tulay na may daluyan ng tubig sa ilalim nito. Nagkalat din ang mga bulaklak kaya nagmukha ito hardin.

Umihip ang hangin at tinangay nito ang buhok ko. Inipit ko ito sa likod ng aking tenga saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam na may ganitong klaseng lugar akong makikita.

Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitp. Nasanay ako na laging nasa loob ng apartment. Hindi din naman ako masyadong lumabas at wala akong apupuntahan. Sa eskwelahan at apartment lang umiikot ang mundo ko. Lagi akong nangangarap na sana makapunta ako sa ganitong klaseng lugar bago ako mamatay pero dahil hirap nga kami sa buhay ay isinantabi ko na lamang ang isiping iyon

Malamig ang simoy at malinis ang hangin dito. Katamtaman lang din ang init nang araw at asul na asul naman ang kulay ng langit. Napangiti ako. Sana ay may ganito din sa samin

Napahakbang ako paatras ng may gumalaw sa likod ng mga halaman sa hindi kalayuan. Iglang tumalon palabas ang isang kuneho. Kulay abo ito. Huminto ito sa harap ko. Yumuko ako para mag abot kami. Hinimas himas ko ito.

"Napakaganda ng lugar na ito. Wala akong masabi" puri ko

Biglang tumakbo ang kuneha palayo, sinundan ko naman ito. Hindi na matigil ang aking pagkamangha sa lugar na ito. Hindi na ito basta lugar kundi isa na itong paraiso. Tunay ngang nakamamangha ito