"Mommy, please… stay! Don't leave me! Mommy! Don't go! I don't to be alone here...please...Mommy! Mommy…"
Hinihingal. Butil-butil ang pawis. Sumisigaw.
"Sino ka ba?!"
A tear of sadness suddenly fell from my cheeks as I awakened from a bad dream while panting and catching for breath.
The dream that always hunts me and keeps me awake at midnight.
Hindi ko alam kung bakit laging ito ang panaginip ko pero lagi nitong binubulabog ang mahimbing kong tulog.
Sinubukan ko nang mag-undergo ng therapy pero wala sa anim na doktor mula pa sa ibat-ibang bansa ang makapagsabi ng dapat na gawin para mawala ang bangungot na ito. Kung hindi lang dahil sa mama ko ay matagal na akong nasiraan ng bait. The only thing that keeps me sane is the fact that my dear mother is patiently waiting for me.
Itinutuon ko na lang ang atensiyon sa papel at panulat na nasa study table ko. Ito ang ginagamit ko sa paggawa ng mga masterpiece ko sa buhay--- mga nobela. The only problem of my novels are the loss of excitement and ending. Yung tipong ginawa ko na ang lahat pero may kulang pa rin.
"I can't take this anymore! Arghhh! Why can't this dream leave me alone? I'm longing for my mother. I know that. But those jade green eyes and hazel hair… there's something that I can't… tell."
Uminom muna ako ng tubig na na laging nakahanda sa bedside table ko.
Naghanap din ako sa drawer ng gamot para sa anxiety attacks ko. Pagkahanap ko nito ay uminom kaagad ako at naglakad papunta sa vanity table ko.
Walang ilaw sa kwarto ko at tanging ang liwanag lang ng buwan sa may bintana ang dahilan kaya naaaninag ko ang dinadaanan.
I brushes my long brown hair as I speak loudly to myself. "When will this ever stop? I want a peaceful sleep. Gusto kong maranasan na magising nang tanghali na gaya ng normal na tao."
Baka ang allowance na tinatago ko ay maubos lang sa pagbili ng mga gamot sa anxiety attacks at insomnia ko. Hays!
Naitapon ko sa dingding ang hawak kong suklay nang biglang tumunog ang cellphone ko.
At saglit na napatili.
"Cross Sancti Patri Benedicti!"
Walang hiyang cellphone 'to aatakihin pa ako sa puso.
"H-hello?" Nanginginig na sinagot ko ang tawag nang hindi tumitingin sa caller ID.
"SIIIISSSS!! Okay ka lang? You made me worried. Nanaginip ka na naman ba? Hey! Sumagot ka nga.."
"Yume?"
Sabi na nga ba. Ang babae na naman na ito. Wala namang iba na tumatawag sa akin tuwing hatinggabi na nagigising ako.
"Aray! Sa sampung taon na friends na tayo, na lagi kitang kausap, nakakalimutan mo pa rin ako? I'm hurt." Naimagine ko pa itong naka pout habang nagsasalita.
Tama. Halos sampung taon na kaming magkaibigan ni Yume. Simula pa noong nag-aaral kami ng high school sa Martin de Tours Academy. Nagkahiwalay lang kami noong college pero madalas pa rin kaming magkita tuwing summer at semestral break.
"Sorry. Nabigla lang ako. You're just creepy Lady Yukina Demelyn Himeragi of the Northern Isles."
Narinig ko pang nagpapadyak ng paa ang kausap. Hindi ko mapigilan ang pagtawa pero napawi ang tawa ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Sinabi ko nang huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan. Mas creepy kaya yon Maria Ange-"
"Isa, tumigil ka nga!"
"-lica Erin Steinfeld, Lost Princess of the Kingdom of Silverio the Great ! Hahaha bawi na ako."
"Hindi ka talaga papatalong babae ka. Sosyal kaya pangalan mo. Kung di kita kilala, pagkakamalan kitang stalker ko. Pero seryoso nga Yume, is it really necessary for you to put a goddamn CCTV inside my room and a binoculars in your window facing my apartment? Yun ang creepy!"
"Hahaha! Of course, baka bigla ka na lang diyan magpatiwakal o kaya maglayas. You need security, your highness."
Tumingin ako sa malaking wallclock na nakasabit sa dingding ko sabay buntong-hininga.
Ala una pa lang ng umaga, may bwesit na na nanggugulo sa akin.
"Oh! Thank you Milady. I highly appreciate your concern and kindness." Sarkastikong sagot ko kay Yume.
Tumawa lang ang kausap."Musta na ang project x mo?"
"Anong project x?" Nagtaas pa ako ng kilay na tila ba nakikita ako ng kausap.
"Ano ka ba? Yung sinusulat mong mga kwento. Dapat may character at scene ako diyan."
"Syempre may parte ka dito. Supporting character nga lang. O kaya extra ka lang."
"Ha-ha. Btw, you going outside? Jogging na naman?"
"Mmmm."
"Sige, sabay na ako sayo. Tulog mantika pa kasi itong dalawa. Ang sarap pag untugin ng ulo. Pasalamat talaga sila, wafu sila kaya iingatan ko face nila. Haha. Sige bye, kita tayo sa baba."
"Haha. Sige bye."
Kung wala lang talagang fiance si Yume, iisipin ko na type niya yung isa sa kambal. Hindi na ako mabibigla kung ang magiging anak niya ay kambal rin. Malay niyo paglihian.Hay naku! Magbibihis na nga ako.
Ever since I ran away from my hometown, the same dream always bugs me every night that either urges me to refrain from sleep or take enough sleeping pills for a long night sleep till morning.
Syempre ayaw ko na maging dependent sa gamot at basta na lang magpatalo sa masamang panaginip ko. Kahit takot, pinipilit ko na matulog.
Buti na lang, may mga kaibigan ako na napagke-kwentuhan ko ng nangyayari sa akin. At least, gumaan ang pakiramdam ko. Unlike before, I now felt that I'm not alone. May karamay na ako sa mga pagsubok ko sa buhay. OA lang nga masyado sila pero wala na akong magawa sa 'safety measures' na sinasabi nila. Kulang na lang pati CR ko lagyan ng camera.
But as usual, after waking up at midnight, I find it hard to sleep again so I proceed to my morning routine: half-bathing, drinking a cup of coffee, jogging around the park, then going back to my room for bath and breakfast.
Currently, I rents an apartment room in the so-called Forgotten City away from my hometown. The building is surrounded by everything; the park, marketplace, worship place, schools, houses and last but not the least, the great Zharra beach.
This place is the best place I've ever been since that day. Marami na rin akong nakilala dito kasama na ang co-workers ng longtime friend ko na si Yume.Ang mga kasamahan niyang kambal na sina Ryuji at Kaoru. Ang tatlong ito ay mga researchers galing sa isang prestigious academy sa ibang bansa.
Pati rin ang mga vendors sa market lalo na sina Nay Sally at Tay Erik na madalas kong bilhan at ang mga bata na laging pumupunta sa tambayan ko sa gilid ng Zharra beach para magpaturo sa akin na magbasa ay mga kaibigan na ko na rin. Halos yata lahat ng tao sa Forbidden City ay kilala na ako.
For the past three years, this is what I do to begin my day. A day of loving myself and cherishing liberty.
Sinisiguro ko na bawat araw na malaya ako ay may mahalaga akong ginagawa para hindi masayang ang mga araw ko.
Syempre, gusto ko na nakapagbibigay ng saya sa mga tao na nasa paligid niya kahit hindi ko ito kanyang ibigay sa sarili ko.
"Mauna na ako sayo, babe. Uwi ka kaagad." Paalam sa akin ni Yume sabay halik sa pisngi ko. Kakatapos pa lang namin mag-jogging sa loob ng Zharra Park.
Hays! Yume and her endearment.
"Sige, may dadaanan lang ako. 'Wag kang OA, baby." Natawa ako sa mukha ni Yume na mas malala pa sa kamatis.
Akala mo ha, marunong din akong magpakilig.
Tinakbuhan na lang ako ni Yume para itago ang pamumula ng pisngi.
After a sixty-minute jogging around the park today with Yume, I just found myself in front of the great Zharra beach while staring at a faraway place I don't even know.
Mag-isa akong nakatayo sa may dalampasigan habang dinadama ang tampisaw ng tubig sa gilid ng dagat.
Parang may kung ano na humihila sa akin na tumingin sa gawing ito at lapitan ang lugar. Isa iyong isla na sa pagkakaalam ko ay private property ng isang multi-billionaire bachelor.
"Hey! 2:17am in the morning, what are you even doing here?" Someone tapped my shoulder from behind making me jumped away. Muntik pa akong mapaupo sa buhangin, mabuti na lang nakahawak ako sa puno na nasa kaliwa ko.
"What the-" Nakalimutan ko na ang mga salita nang makita ang taong nasa harapan ko.
My face was still in awe as I look intently to the person talking.
Ang mala-diyos na mukha niya na parang galing sa Greek Mythology. Blue seductive eyes, chiseled nose, white rosy cheeks and perfect jawlines.Para siyang inukit na nilalang.
Napansin ko din ang well-toned muscles niya sa biceps, triceps pati ang kabuuan ng katawan na halata mula sa labas ng suot niyang fit na t-shirt.
Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang well-toned thighs and legs ng lalaking kaharap ko lalo na ang bagay na nasa gitna ng mga hita niya. Mukhang alagang gym ha...
Namula ako ng mapagtanto ang iniisip kanina. Mabilis akong tumikhim at sinubukang mag-iwas ng tingin. Pero binigo ako ng sariling katawan. Nanatili akong nakatingin sa katawan niya at wala sa sariling kinagat ko ang pang-ibabang labi.
The stranger moved towards me. "Hey, Done eye-raping me miss?"
Nagmukha akong tanga sa harap niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
"What are you even thinking Ria?! Stop blushing like a teenager in front him! You definitely looks like an idiot! Think, think, think! What if he's a criminal or something?" My mind scolds me but her body does the opposite thing around.
Pinasadahan ko ulit siya ng tingin. In fairness, hindi nakakaumay ang view. Parang masarap balik-balikan. Sabi ng kabilang parte ng aking isip.
Gusto kong batukan ang sarili dahil sa kung ano-anong iniisip.
Humakbang ulit siya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Fortunately, I managed to look somewhere else again to hide the embarrassment.
"Don't touch me!", I flinched at him even though at the back of my mind tells me the opposite of what I said.
"I was told to not talk to strangers. Yet here I am, talking to you senselessly. Okay, bye!"
I reasoned out and tried hard not to show the stranger my flushing cheeks and loud breaths.
Baka ako atakehin dito ng hika. Hays! End of the world na...
I was about to walk past him like some kind of royalty when suddenly, he grabbed my arm and pulled me towards him, making his lips meet mine.
Parang naubos ang mga salita sa pinakamakapal na diksyunaryo ko para i-describe ang nararamdam ko sa sandaling iyon. Tila naging bida kami sa isang romantic novel na matagal na panahong nagkahiwalay ngunit nagkita muli after so many years. Nabalot iyon ng saya, takot, lungkot at pangungulila na hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman.
Pero mas namayani ang galit na nararamdaman ko dahil sa paghalik ng estranghero sa akin. Oh, my virgin lips! Of course, joke lang. At bigla na lang, may lumipad na hangin sa mukha ng lalaki.
"Fuck!" He said while touching his face where I slapped awhile ago.
"Stay. Away. From. Me." I hissed at him. "And one more thing, I know all kinds of martial arts and I'm not some kind of a damsel in distress! So don't dare me!"
Before anger consumed me, I hurriedly walked away from the scene.
Narinig ko pang nagsalita si kuya pogi - este yung walang modong stranger. "Wait! Anong pangalan mo?"
Mas lalo pa akong nainis nang makitang nakangiti pa ito. "At nakuha pa talagang itanong ang name ko! Grrr!"
Halos lumipad na ako este ang mga dinaanan ko sa sobrang bilis ng lakad ko kasabay ang mabilis na pintig ng puso ko.
I can't wait for another minute as my irritation doubles. "Damn! What is wrong with that man?! Bigla na lang manghihila at manghahalik sa labi. Didn't his parents taught him how to behave? To be a gentleman? Especially in front of a girl? What the hell?" My mind was clouded with too many questions that I didn't noticed the loud knocks on my door.
Patuloy pa rin ang kumakatok sa pinto samantalang ako ay naroon sa isang sulok hinihingal na nakaupo at may hawak na baso ng tubig.
Pilit kong pinapakalma ang sarili hangga't kaya ko dahil wala na akong stack ng gamot para sa asthma. Hindi ko rin matawagan si Yume dahil malayo ang cellphone niya at nandoon sa kwarto niya.
Sana magcheck si Yume ng monitor para makita naman niya ko. Sinadya ko pang tingnan ang camera na nakakabit sa loob ng apartment ko.
"Inhale, exhale. Breath in, breath out. Inhale, exhale..." Patuloy kong salita at pagkausap sa sarili habang humihinga ng malalim.
"MARIA ANGELICA ERIN STEINFELD! Open this goddamn door now!" Out of nowhere I heard my name so loud, making me snap out from my reverie.
Mabilis kong tinungo ang pinto at binuksan ito. Tila naubusan ako ng hangin at dugo sa katawan pero nanatili akong nakatayo doon.
My mouth just formed an 'O' shape when I saw who was outside the door.
"Zen."