Chapter 3 - Chapter 2

"H-How did you find me? Did father sent you to find me?" Malumanay na tanong ko kay Zen para basagin ang nakabibinging katahimikan sa loob ng kwarto.

Mula kasi nang papasukin ko siya sa apartment ko ay namutawi na ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Nabigla rin siya kanina nang makita ako sa ganoong kalagayan pero hindi ko na sinabi ang dahilan ng pag-atake ng hika ko.

Kinuha na lang niya ang inhaler ko para maayos ang kalagayan ko.

Natataranta pa akong naghanda ng almusal para sa aming dalawa. Kaya nagtimpla na lang ako ng kape at gumawa ng egg sandwich.

Halos hindi ko na siya makilala dahil sa malaking pagbabago sa kanya. From the boy-next-door look to a hot CEO bachelor style.Ang tanging nakilala ko ay ang mala-bughaw na kulay ng kanyang mata na siyang asset ng pamilya nila.

Sa halip na sagutin ang katanungan ko, lumapit lamang siya at niyakap ako ng mahigpit. Sa matagal na panahon, ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap niya.

Sa sobrang saya parang bibigay na ang nanghihinang mga tuhod ko.

"How are you? Are you eating regularly? Do you still have allowance? Why are you renting in this small apartment room? Why did you left? Why did-" Ako ang unang kumalas sa pagkakayakap.

"Wait a minute, Cerulean Morizen Lavezares! I'm asking you yet you answered me with questions too. Stop changing the topic!"

Bigla kong sigaw kay Zen na tumahimik rin at umupo sa sofa.

Oh boy! I got it bad.

"Sorry." Mahinang sambit ko sa kausap.

"It's okay. I know it's hard for you." He motioned her to sit beside him and enveloped her body with a heart-melting hug.

"Thank you, Zen. But how did you really find me?"

Kung hindi pa pinunasan ni Zen ang pisngi ko, hindi ko pa mapapansin na umiiyak na ako.

"The truth is, from the very beginning, I know where you went and I always watch you from afar. I know this is not the right time for us to see each other again but... I can't help myself from going near you."

His lips were trying to fake a smile and from the way he speak... there's a strange kind of feeling.

Fear.

I kissed his forehead and went to the kitchen to get a glass of water. Kaagad niyang ininom ng tubig na binigay ko.

"I know. I know it's hard for you, too. Thank you for guarding me Zen. This is so much coming from you."

Our eyes were full of worry and strange feelings that words cannot express.

"And I know this is a little bit three years late but I'm sorry. I'm really... really sorry."

Nanginginig ang aking mga labi.

Confusion was seen in his blue hazy eyes as she apologized.

"Three years late? For what?"

Ilang beses ko pang sinubukang ibuka ang bibig pero nawawalan ako ng lakas ng loob para magsalita.

"For not telling you the reason why I broke up with you that Saturday morning." Bumuntong-hininga muna ako bago nagpatuloy magsalita. "Because that night, I gave myself to a man that's not you. I really can't forgive myself for doing that thing.

May alaalang biglang dumaan sa aking isipan.

Different colored-lights covered the whole place. Nakakasilaw ang mga ilaw lalo na sa mga first time magpunta dito gaya ko. Imbitado lahat ng college students sa acquaintance party ng Lavezares University na pagmamay-ari ng lolo ni Zen, ang nobyo ko. Sa tatlong taon ko na sa unibersidad ay ngayon lang ako sumama dahil ako ang naatasan na magsulat ng article tungkol dito. Nakakahilo ang halo-halong amoy ng usok, alak at sigarilyo pero kailangan kong tiisin para tumaas ang posisyon ko sa university publication.

"Hey! Try this one!" Halos magsigawan na ang mga tao sa loob. Mapipilitan ka rin na uminom ng alak kahit ayaw mo.

"No, thanks." Magalang na sagot ko.

"Just one glass." Pagpupumilit ng isang senior.

"Okay, just one glass."

Pero ang isang baso ay nadagdagan pa hanggang sa mismong bote na ng alak ako umiinom dala na rin ng kakaibang tamis ng alak na hindi ko na napag-tuunan ng pansin ang pangalan.

Maya-maya pa ay umiikot na ang paningin ko kasabay ng pagsama ng pakiramdam ko. Pilit kong hinahanap ang banyo habang mahinang naglalakad sa gitna ng maraming tao. Bigla na lang may umakbay sa balikat ko hanggang sa makalabas kami ng venue at iginiya ako sa isang sasakyan.

As I sat on the passenger seat of the car, I felt hotness over my body. Siguro dala na rin ng alak kaya sinimulan kong hinubad ang suot kong white satin blouse at pencil skirt na above the knee. Pagharap ko sa may driver seat, doon ko lang napansin ang taong nagdala sa akin dito sa sasakyan. The man's face was hazy but those hallucinating green eyes makes him more appealing to me.

May nararamdaman akong kakaibang atraksyon tuwing nalulunod ako sa mga berde niyang mata. The next thing I knew, I was already straddling his lap and kissing his lips ferociously. I felt him stilled but after sometime he kissed me back with the same pace as me.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang lahat ng ginawa ko. Sa buong buhay ko, doon ko lang naramdaman ang kakaibang sensasyong dulot ng kanyang mga halik.

At that night, I became the bad girl I never thought I would be. Because that night, I gave my most precious treasure to a stranger with beautiful green eyes.

Ito ang alaalang ayaw kong kalimutan. Gusto kong alalahanin palagi ang pangyayaring ito. Ang dahilan kung bakit nasaktan ko ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako.

"I'm sorry, I love you but I don't want to hurt you more that's why I go away." Sabi ko habang tumutulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Wait... is that the reason you escape from the hospital?"

Bakit hindi siya nabigla sa sinabi ko?! Bakit hindi siya galit?

I simply nodded while keeping my gaze on the floor.

"Bakit hindi ka galit?" Tanong ko kay Zen. Nagtataka ako sa reaksyon niya.

"Cause I know everything." He said while keeping a small smile on his lips.

May kung anong pinapahiwatig ang ngiti niya pero binalewala ko na lang.

Tumango lang ako. "Another reason was the suffocating feeling in the family. I want to be myself, as Ria Steinfeld not the fucking Princess of my father's kingdom. I just want liberty."

"Shhh... It's okay. I'm here."

Pagkatapos naming mag-usap ng tungkol sa nakaraan, inubos muna namin ang almusal na hinanda ko. Napagkasunduan namin na kalimutan na ang masasamang nangyari at magpatuloy na lang sa buhay. Sabi nga "Live your life to the fullest".

"Wanna go out and have fun with me? You look like a zombie. Are you always inside this apartment?" He asked me seriously as he tries to suppress the smile on his lips.

"Yeah! Where will we go?" Excitement was on her dazzling amber eyes. "Wait- do I really look like a zombie? Huh?" Ako naman ay nagmamadaling lumapit sa salamin na nakasabit sa dingding ko.

"Yup! A beautiful zombie." Zen whispered at the back of my ear as we looked at each other on the mirror. Hindi ko napansin na nasa likuran ko na pala siya. Nag-iwas ako ng tingin nang sandaling tumama ang paningin namin sa isa't isa. Naramdaman ko ang seryosong titig niya na ngayon ko lang muling nakita. Yung mga titig na nagsasabi sa akin na "maniwala ka sa akin, mahal na mahal kita". Pero syempre, matagal nang panahon iyon. Marami nang nagbago. Even feelings.

Nakakainis itong Zen na 'to. Pagtitripan ako pagkatapos, pakikiligin sa mga banat niya.

Nauna na ako sa pintuan na tila umiiwas sa binata. "Umm... O-okay. Let's go?"

Umiling na lang siya at lumabas na sa apartment ko. Pagbaba namin ay iginiya niya ako sa sasakyan niyang itim na Ferrari na naka-park malapit sa gate ng building.

Amusement can be seen on my eyes as we got inside the car. I looked like a child who saw something for the first time in her life.

"Wow! The prince owns a black Ferrari. And he's the one who's gonna drive! Whoa, when did you learn to drive a car, your highness?"

"Kanina umiiyak ka, now you're teasing me? Huh?" He said with a grin on his face.

"Wait, you can talk in tagalog? Kailan ka pa natuto?" I pouted.

English ako ng english, marunong na palang magtagalog ang pangit na 'to.

"The moment you left, I tried my best to learn. Kasi naisip ko, ang lengguwahe na ito ang tanging daan para mas maintindihan kita. I can feel that this languange can connect me to you in a special way." Sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.

Natapakan niya bigla ang preno ng sasakyan ng yumakap ako sa kanya.

Gusto pa yata nitong magpakamatay. Idadamay pa ako.

"Ikaw ha, baka liniligawan mo na ako. Inform me first, okay?"

Natawa ako sa isipan. Daldal mo, kung ano-ano sinasabi mo!

"What? Umalis ka lang, masyado ka nang assuming. Hindi mangyayari 'yon kasi hindi na pwede."

Then, he burst out laughing. Sumimangot kasi ako sa kanya.

"Bakit? May girlfriend ka na? May asawa ka na? Oh my god! May na-anakan ka na? When did you learn to be a bad boy?" He was so surprised by her words.

"Wala. Lahat ng sinabi mo, wala po. Alam mo nang good boy 'to." Sabay turo niya sa bagay na nasa gitna ng mga hita niya.

Trying to tease me more, he gently pat his crotch much to my dismay.

"Eeeiiiwww! Ano ba yan! Bad ka- pero saan ba talaga tayo pupunta?"

"Secret." At nagpatuloy lang siyang mag drive hanggang sa naabot niya ang Zharra Park.

He parked the car beneath an old oak tree near the park. Iginiya niya ako palabas ng sasakyan at umupo kami sa may swing. We talked about random things, anything under the sun.

Kinumusta ko rin ang palasyo.Namimiss ko na kasi ang mga taong malalapit sa akin lalo na ang kapatid ni Zen na si Zette. Numero unong fan siya ng love story namin ni Blue, palayaw ko kay Zen na mula sa first name niya na Cerulean.

Around 10 in the morning,napag-isipan naming kumain ng brunch. Ako naman ang nagdrive ng baby ni Zen na ang tinutukoy ay ang black Ferrari.

"Sosyal ka rin 'no? Akalain mo, may name talaga ang sasakyan mo. At talagang first name ko pa!" Panunukso ko sa kanya.

Patuloy pa rin ako sa pagsasalita at ang sasakyan na ang tila kinakausap. "Maria, Maria... Pareho tayo beautiful di ba?"

Lihim na lang si Zen na napangiti nang makitang natutuwa ako. Nagkunwari na lang akong walang nakita.

"Hangga't hindi ko pa naaayos ang magulong buhay mo, gagawin ko ang lahat para mapanatili ang magandang ngiti mo sa iyong mukha."

Narinig ko na may sinabi si Zen pero hindi ko naitindihan.

Nagising siya sa kanyang sariling mundo nang tinawag ko ang pangalan niya.

"Zen, doon tayo kumain sa paborito kong cafe. BitterSweet Cafe is my place for refreshment when I'm too clouded with many ideas for my novels."

"Yeah. Have you finished or published one?"

"Nope. My novels have no endings yet."

"Mmmm." Tipid siyang sumang-ayon sa akin.

Pagpasok namin sa cafe, bumungad kaagad sa amin ang mabangong amoy ng kape. It feels so cozy inside.

Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga nakakatunaw na titig ng mga tao sa loob. Napukaw namin ang atensyon ng karamihan hindi dahil sa akin kundi sa kasama kong anak ni Greek god Apollo. Mabuti na lang sanay na ako sa pangit na katabi ko.

"Habulin ng chix, dude." Pang-aasar ko sa kanya.

Sumimangot naman siya na kulag na lang sabitan ng kaldero ang bibig niya.

Nag-order na ako at siya naman ay naghanap na ng bakanteng upuan.

Seb POV

"What's your decision, Sir?" Tanong sa akin ni Marco, ang executive assistant ko.

"Tell them to ready the files needed. I'm going to buy this island."

Nasa loob kami ng BitterSweet Cafe at katatapos pa lamang mag-agahan matapos naming malibot ang buong Forbidden City.

Every single penny I earn in each published book that I wrote were spent for buying bare lands or islands. Yes, I'm a professional writer who had written more than 30 novels.

Halos sampu na ang nabili kong lupain sa ibang bansa at itong Forbidden City ang sunod na deal ko.

Napukaw ang atensyon ko nang tumunog ang chime ng pinto at wala sa sariling ngumiti nang makita ang taong pumasok.

We met again, Amber...

Hindi ko alam ang pangalan niya kaya Amber na lang ang tawag ko sa kanya. There's something in her amber eyes that pulls me towards her. I can't even control myself from kissing her earlier in the beach.

Nanumbalik sa akin ang nangyari kanina.

Ala-una pa lang ay gising na ako para malibot ang buong siyudad ng Forgotten City.

Nagpalit lang ako ng simpleng t-shirt at sweatpants para magjogging. Lahat ng sulok ng isla ay binisita ko, wala akong pinalagpas. Mula sa mga kabahayan, palengke hanggang sa Maria Iezabel Aademy, Zharra Park, at ang tanyag na Zharra Beach.

Nang makalapit ako sa dalampasigan, nakita ko ang isang bulto ng babae na nakatalikod at gandang-ganda sa tinititigan.

"Hey! 2:17am in the morning, what are you even doing here?" I tapped her shoulder making her jumped away. Muntik pa siyang mapaupo sa buhangin, mabuti na lang nakahawak siya sa puno na nasa kaliwa niya.

"What the-" Akma pa siyang magsasalita ngunit natigilan nang tumingin sa akin.

My jaw really dropped off as I look intently to the person in front of me.

Ang malambot niyang mukha at mapushaw na pisngi na mas lalong pinakintab ng pawis na mula sa kanyang noo. Halatang katatapos pa lamang niyang magjogging.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. She's slim but her curves were all on the right spot. Parang sakto lang ang kamay ko sa kanyang bewang.

Pero hindi sa akin nakaligtas ang katamtaman ngunit sakto niyang hinaharap. For God's sake, I'm having bad thoughts with this girl in front of me! Oh! boy.

Namula siya ng mapagtanto ang gingawa niyang pagtitig sa akin kanina. Mabilis siyang tumikhim at sinubukang mag-iwas ng tingin. Pero napansin kong binigo siya ng sariling katawan. Nanatili siyang nakatingin sa katawan ko at wala sa sariling kinagat niya ang pang-ibabang labi.

And my lips tugged upwards the moment I saw her deed. I can say she's attracted to me like anybody else would.

I moved towards her. "Hey, Done eye-raping me miss?"

Nataranta siya na tila hindi alam ang gagawin. Pinasadahan niya muli ako ng tingin.

Doon ko mas napagmasdan ang pagitan ng aming mga tangkad. Matangkad siya pero dahil 6'5 ako, hanggang balikat ko lang siya.

Bagay na bagay tayo...

Humakbang ulit ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

I felt sparks flowed through my body as I held her hand. Para akong nakuryente pero yung nakakabuhay na enerhiya.

I wrote so many romantic novels before but this scene can never be compared to any fictional encounter.

Unfortunately, she managed to look somewhere else again that made us loose our eye contact.

Napagtanto ko rin ang ginagawa sa kanya. Marahil iniisip na nito na isa akong serial killer, kidnapper o rapist.

Gusto kong sapakin ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon.

"Don't touch me!", she flinched at me even though at the back of my mind tells me that she does the opposite of what she said.

"I was told to not talk to strangers. Yet here I am, talking to you senselessly. Okay, bye!"

Ha? Ano daw? Stranger, ako?

She reasoned out and tried hard not to show her flushing cheeks and loud breaths.

Pero halata namang namumula siya at malalalim ang hininga. Teka, may hika ba ang babaeng 'to?

She was about to walk past me like some kind of royalty when suddenly, I grabbed her arm and pulled her towards me, making her lips meet mine.

It was a sudden involuntary movement of my body.

Like some kind of adrenaline rush.

Hindi ko alam kung anong salitang gagamitin para mapaliwanag ang kakaibang nararamdaman nang maglapat ang aming mga labi.

Yung pakiramdam na sakto ang mga labi namin sa isa't isa. Na parang itinadhana kami.

My mind is in chaos right now but one thing is sure, I feel like I'm on a cloud nine.

Pero halatang nabigla siya sa ginawa kong paghalik kaya naman may lumipad na hangin sa mukha ko.

"Fuck!" I cussed while touching my face where she slapped awhile ago.

"Sinampal niya ako? Ang mala-diyos na mukhang ito ay sasampalin lang niya." Tanong ko sa isip ko habang hindi makapaniwalang nagawa niya iyon sa akin.

She was the very first lady to slap me. Usually they admire me a lot from morning up until sun down.

"Stay. Away. From. Me." She hissed at me. "And one more thing, I know all kinds of martial arts and I'm not some kind of a damsel in distress! So don't dare me!"

"Wow!" That's all I can say in my mind. She is really a feisty one.

She hurriedly walked away from me and I couldn't help but to chuckle while looking at her retreating back.

Before she could disappear from my eyes, I shouted loud and clear."Wait! Anong pangalan mo?"

Mukhang mas lalo pa siyang nainis nang makitang nakangiti pa ako. Sinamaan niya lang ako ng tingnan ngunit hindi sinagot ang tanong ko.

"We'll see again each other, Amber. We'll see again, I promise." Wala sa sariling usal ko habang pinapakalma ang nag-uunahang tibok sa dibdib ko.

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa nangyari kanina nang may tumapik sa balikat ko.

Paglingon ko ay agad kong nakita ang kasamang lalaki ni Amber na may tipid na ngiti sa labi.

"Can we sit here beside you?" Tanong nito sa amin ni Marco. Kasalukuyan kasi kaming nasa mesang may apat na upuan.

Marahil si Amber ang tinutukoy nitong kasama niya.

Sabi na nga ba magkikita pa tayo, baby. Sa akin ang huling halakhak.

"Yeah, sure." Kaswal kong sagot sa kanya. Ano kaya siya ni Amber-baby? Kaibigan?Boyfriend? No. Hindi pwede.

"Thanks." Tipid na sagot niya sa akin.

Nagpatuloy kami ni Marco na mag-usap tungkol sa deal sa pagbili ko sa Forgotten City. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa katabi ko na panay lingon sa cellphone at maya't maya magtext.

Napansin iyon ni Marco kaya tumigil siya saglit sa pinapaliwanag at sinulyapan ako nang may nagtatanong na mga mata. Sinenyasan ko naman siya na okay lang ako.

Hindi nagtagal ay may umupo sa katabing bakanteng upuan ni Marco.

"Oh, Baby Blue." Binigay niya sa katabi ko ang isang mango pie at cappucino.

Matapos ibigay ang pagkain sa kasama niya ay nilantakan niya agad ang pagkain niya. Halos pang-dalawang tao iyon.

"Hinay-hinay lang Baby Ria. Baka isipin ng mga tao, hindi kita pinapakain." Sabay tawa ng katabi kong lalaki.

"Eh, kasi naman...Nakakainis yung lalaki kanina. Hilahin ba

naman ako at halikan. Pag nakita ko siya, lilipad talaga sa kanya 'tong kamao ko." Kinuyom pa niya ang kamao at akmang susuntok.

Galing talaga ng Amber-baby ko!

Sumubo pa siya ng pie bago nagsalita muli. "Buti na lang dumating ka, kung hindi ay naghihingalo na ako sa asthma. Kainis talaga!"

Lihim akong napangiti sa mga sinabi niya.

"Oh! So aside from me, may ibang nabiktima ang pangit mong mukha?" Nang-aasar na sabi ng lalaki sa kanya.

"Anong nabiktima? Anong pangit? Ako?" Nalukot ang mukha niya habang nagtatanong.

"Oh! So aside from me, may ibang nabiktima ang pangit mong mukha?"

Anong ibig niyang sabihin nun? May relasyon sila? Oh! I think they're a couple. They look like one, they act like one.

Nalungkot ako sa naisip.

"Sir." Tawag sa akin ni Marco kaya napalingon ang mga katabi namin.

My eyes met her's. Halos mahulog ang panga niya nang mapagtanto na nasa iisang lamesa lamang kami.

Alam ko na ang sasabihin niya kaya makikisabay ako para hindi mahalatang kanina ko pa alam na nandyan siya.

"Ikaw?!"