Enjoy na enjoy ako sa pagkain ko nang marinig kong nagsalita ang katabi ko.
"Sir." Automatiko akong napalingon sa mga katabi namin sa lamesa.
Napako ang tingin ko sa lalaking nakasuot ng business suit at umaapaw ang kagwapuhan. Did you came from the Greek mythology?
Kahit ano pa ang suot niya, bagay. Kahit yata wala.
Nagkunwari akong nabigla para hindi mahalata na pinag-iisipan ko siya ng kung ano-ano. Na berde. Sa maiking segundong nakatitig ako sa kanya.
"Ikaw?!"
Yun ang tanging salita na namutawi sa bibig ko sabay tayo sa kinauupuan.
The bastard even shouted the same word at me. He looked shocked but I'm not convinced.
Lahat kaming nasa iisang mesa ay nagtinginan tapos bigla na lang humagalpak sa tawa si Zen.
Loko talaga ang pangit na ito!
Mas lalo tuloy kaming pinagtinginan ng ibang kumakain sa loob ng Cafe. Ang iba naman ay kumukuha pa ng litrato at video.
Baka mag-viral kami ngayon sa internet. And it's not a good idea.
"So, Amber... Isn't this destiny?" Tanong sa akin nung lalaking sarap itapon sa kabilang planeta.
"Destiny mo mukha mo! At anong Amber?!" Angil ko sa kanya.
"That's the color of your eyes. I don't know you're name so I settled with it."
Kampanteng sagot niya na tila bigla na lang naglaho ang pagkabigla sa mukha kanina. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at kumindat sa akin.
"Hey! Stop that. Don't wink at me. Don't call me names. Kung ayaw mong mabahiran ng pasa ang mukha mo. Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina?" Nanggigigil na sabi ko sa kanya.
"I don't think you can ever, ever forget that in your lifetime. I'm a goddamn kisser after all." Nang-aasar na sambit niya.
Gustuhin ko man siyang patikimin ng nakamamatay kong kamao, pinigilan ko ang sarili ko at basta na lang hinatak si Zen palabas.
"Tumigil ka nga sa pagtawa!" Sigaw ko kay Zen. Tumigil siya pero halatang nagpipigil.
Nang kumalma na siya, bigla siyang nagsalita. "Kaya pala...that man never even blink his eyes the moment you got on your seat. Kung hindi pa siya tinawag ng kasama niya, mukha siyang ewan na tulala sayo." Bahagya si Zen na napangiti sa kawalan nang hindi ko alam ang dahilan.
I felt my blood rise up my cheeks. Mas malala pa siguro sa kamatis ang itsura ko ngayon. Totoo ba talagang tinititigan niya ako mula pa kanina? Pero bakit nabigla pa siya nang magtagpo ang aming tingin. Modus talaga ng lalaking iyon.
Nag-iwas ako ng tingin para itago ang konting kilig na naramdaman ko sa maliit na bagay na iyon. I really now admit that he's so damn attractive. It's now beyond his looks.
Umiling ako sa isip at binura ang ideyang iyon. Hindi ko pwedeng maramdaman ang ganito. Sinadya ni Zen ang Forbidden City para lamang alamin ang kalagayan ko. Heto naman ako, nagkakaroon ng interes sa iba.
Lalong hindi pwede dahil isa siyang estranghero. Ang tulad niya ang dahilan kung bakit ganito kami ni Zen ngayon.
A stranger suddenly entered our life years ago and ruined it.
Pinipilit kong isipin na hindi ko siya kilala at delikado ang lalaking iyon.
"Hayaan mo na nga ang lecheng lalaking 'yon! Hindi niya ako makukuha sa halik-halik na 'yan. Malay ko kung kriminal pala siya, eh bukas niyan linalamayan na ako." Yun ang kaagad kong depensa kay Zen para alisin sa isip niya ang kung ano-anong bagay. Ipinagpasalamat ko na lamang ang masyadong advance na isip ko na dala na rin ng pagiging manunulat ko. Kahit na sa kabilang parte ng isip ko, hinihiling na sana makita ko siya muli. Huh?!
I'm so confused, brain.
Umuwi na kami ni Zen matapos mamasyal sa Forgotten City. Linibot namin ang buong lugar. From the great tourist destinations of the city to the simple town villages where the citizens live. Wala kaming pinaglagpas na daan.
Nagselfie pa kami sa bawat lugar na may magandang view para may remembrance sa panibagong simula ng walang kamatayang pagkakaibigan namin. I enjoyed every moment with him. Pero simula kanina hanggang ngayon, isa lang ang nasa isip ko habang nakatitig sa kanya.
Sinayang ko ang isang tulad niya.
Si Zen ang pinapangarap ng maraming babae. Gwapo, mayaman, mabait, maalaga, mabuti, mapagbigay at masarap kasama. Lahat nasa kanya na. Pero wala sa mga iyon ang nasasayang ako.
Kundi sa pagmamahal niya. Na dati ako lang ang tinitingnan niya nang may kislap ang mga mata. Na dati ako ang priority niya, sa akin ang buong atensyon. Na dati buo pa ang tiwala niya sa akin. At dati ako ang mahal niya.
I messed up so real fucking good!
Kanina pa nakaalis si Zen pauwi sa tinutuluyan niyang hotel. Kaya mag-isa na ulit ako sa apartment ko na naging sandigan ko na sa loob ng tatlong taon. Ito ang saksi at karamay ko sa aking kasiyahan, kalungkutan, kadramahan at hirap sa pagsulat ng mga kwento.
Muling tumulo ang luha ko nang maalala si Zen. Magkaibigan pa rin kami pero hindi ko maiwasang maisip na tuwing magkikita kami ay naaalala niya ang sakit na minsan kong idinulot sa kanya.
Inayos ko muna ang sarili bago humiga sa kama. Masyadong mabilis ang mga pangyayari ngayon. From my encounter with that perverted alien, that's my nickname for him, then to the sudden visit of Zen.
Sa dami ng nangyari ngayong araw, 'di ko namalayang nakatulog ako na nakabukas ang bintana sa gilid ng kama ko at hindi rin naka-lock ang pinto.
Kaya paggising ko, mukha agad ni Yume ang bumungad sa akin. Iiling-iling siya sa akin. "Hindi mo na naman sinigurong sarado ang buong kwarto mo." Mataray ngunit may bahid ng pag-aalala niyang saad.
I smiled sheepishly. "Sorry?" At nagpeace sign pa ako sa kanya bago hinablot ang tuwalya sa loob ng cabinet saka dire-diretsong pumasok sa banyo para maligo.
Kung wala siguro si Yume, wala na rin ako. Matagal nang may nagmamanman at nagtatangka sa buhay ko. It was verified by Yume's team almost two years ago. They might not know that I'm a freaking princess or heir to the freaking crown, but I'm still one of the elites that lives here in Forgotten City.
Kahit lumayas ako sa amin, may sarili pa rin akong pera na inipon ko mula pa noong high school ako. Sa ngayon ginagamit ko ang kalahati para sa akin at ang kalahati ay para sa charity o sa mga orphanage.
Pinagpatuloy ko na ang pagligo at agad na nagbihis bago lumabas. Nakaupo na si Yume sa gilid ng aking kama at nakayuko ang ulo. Marahil hindi niya napansin na nakalabas na ako sa banyo dahil hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. Nakita ko na lamang na patuloy na umaagos ang luha sa kanyang pisngi.
"Was zum teufel?!" What the f?!
Napamura ako sa sariling wika at agad na tumakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit. I may not know anything about it yet but I need to comfort her. That's the least I can do.
Matapang siya. Hangga't kaya niya, sinasarili niya lang ang problema o kaya iniiyak niya lang tulad ngayon. Hindi man halata sa nakakatakot niyang aura pero para siyang babasaging pinggan na kailangang ingatan.
She is really fragile.
"Sssshhh. I'm just here. Just like the old times." Nginitian ko siya kahit nag-uumpisa nang mahulog ang mga luha ko dahil nadadala na ako sa pag-iyak niya.
I caressed her back until she stopped crying silently. Walang ingay ang iyak niya kaya alam kong ganon kabigat ang pasan niyang problema.
"Tell me about it when you're ready. Makikinig ako sayo."
Akmang tatayo na ako at pupunta sa kusina para maghanda na ng almusal nang hawakan niya ang laylayan ng aking damit.
"He wants a break." Mahinang sambit niya ngunit malinaw na malinaw sa pandinig ko ang mga binitawan niyang salita.
Napatingin agad ako sa kanya at nagtaas ng kilay. "What?!"
Hindi ko napigilan ang inis nang marinig ko ang dahilan ng iyak niya. "Ria..." Mas lalo pa siyang humagulhol nang sambitin niya ang pangalan ko.
Pakiramdam ko ako na lang ang natatanging pag-asa niya para magpatuloy na lumaban sa mga hamon ng buhay.
I just let her cry herself while clutching my shirt 'til there's no more tears left. If it can diminish the pain she is feeling right now, why not?
Hindi dapat pigilan ang mga bagay na kusa. Kusang umaalis, kusang lumalayo, kusang sumusuko, o kaya tulad ng mga luha kusang tumutulo. Sapagkat habang pinipigilan, mas lalo lamang tayong masasaktan.
"Die Hölle!" The hell! Napalakas muli ang sambit ko sa wikang Alemanya dahil sa sobrang inis.
Kung kailan malapit na silang ikasal ay saka naman gusto ng gagong lalaking iyon ng break. Ano bang akala niya kay Yume, laruan na pwedeng iwan at balikan sa oras na gusto niya?
Huwag lang siyang magpakita sa akin, kundi kakalbuhin ko siya!
Naging kaibigan ko ang fiancé ni Yume noong nasa high school pa lang kami. Pareho kaming miyembro ng student council.
Naiinis lang ako sa kanya pero bukas ang aking tainga para pakinggan kung ano man ang paliwanag niya. Kung may paliwanag pa ba.
Muli kong hinaplos ang buhok ni Yume nang biglang yumakap sa bewang ko.
Yume...
"Tahan na. Break lang yon, hindi break up. Matalino si Scire, may dahilan yon." Maikli lamang ang sinabi ko pero kaagad niyon napatigil ang nakakahawang iyak niya. Na para bang ngayon lang niya naisip na may pag-asa pa.
Umiiyak pa rin siya ngunit mahina na ang tunog at kalmado na ang buong katawan niya.
Nakagalaw lang ako para magluto nang mahimbing na ang tulog ni Yume sa kama ko. Marahil masyado siyang stress sa misyon nila pati na sa pagbantay sa akin kaya hindi na niya natagalan ang antok at pagod.
Hinalikan ko ang noo niya bago tumayo. "Yume... Sorry, I don't know what to do. What to really tell you. How am I going to comfort you or make you feel better, if I can't even do it for myself?"
Naalala ko na naman si Zen. Ganyan ba siya nung umalis ako? Paano siya nakamove-on? Move on... Hindi ko kayang marinig ang salitang 'yan. May kirot sa puso ko tuwing maiisip na wala na talaga. Wala nang pag-asa para balikan ang isa't isa.
Tapos na akong magluto at maglinis ng apartment pero tulog pa rin si Yume. Halos limang oras na siyang tulog.
Kakain na sana ako ng pananghalian, nang biglang bumukas ang pinto ng apartment ko at niluwa ang dalawang nilalang na may iisang mukha.
The Montreal twins...
Alam ko na ang pakay nila kaya agad kong tinuro ang kwarto ko. "Tulog siya. Kung pwede, ako na lang ang maghahatid sa kanya kapag nagising na siya."
I was freaking serious while saying those words and they just laughed at me. Real hard.
Napasimangot ako sa kambal. Tama talaga si Yume, masarap pag-umpugin ang ulo nilang dalawa. Ano kayang nakakatawa sa sinabi ko?
Kumunot ang noo ko at nagtatanong ang mukhang tumingin sa kanila. "Sorry...Ria." Agad kong narinig ang boses ni Yume sa pinto ng kwarto ko.
"Matulog ka lang kung gusto mo."
I motioned the twins to sit and eat lunch with me. Sa halip na umupo, may kinuha silang banner at sabay nilang isinigaw ang nakasulat dito.
"It's a prank!"
Huh? Alin ba ang prank dun?
Lumabas na si Yume pero maayos na ang itsura niya. Hindi na siya umiiyak. Malapad ang ngiti sa kanyang labi habang papalapit sa akin. Hindi halatang pang-Oscars ang iyak niya kanina.
"Sorry Ria, all of these were just a prank." Nalito man nung una, hindi ako nagalit o nainis sa ginawa nila.
Ang nasa isip ko, kung okay na siya at kung anong oras ba ako makakakain ng lunch. It's already freakin' one in the afternoon!
Susubo na sana ako nang lumapit sa akin si Yume at linagyan ng piring ang mata ko.
"Yume, what's this all about?" Naguguluhan na talaga ako sa ginagawa nila. Inakay ako ng kambal marahil palabas ng apartment dahil sa dampi ng sariwang hangin sa balat ko.
Maya-maya ay nakarinig ako ng bulungan at mga hagikhik. Nang alisin ni Yume ang piring sa mata ko, tumulo kaagad ang luha na bigla na lang lumabas.
"Guys..." Kung kanina si Yume ay pang-Oscars, ako naman ngayon ay pang-Golden Globes. I don't know what to say or do in front all of them. Lalo na nang sabay-sabay silang kumanta ng Happy Birthday habang hawak ni Yume ang cake.
Natawa ako habang umiiyak sa saya nang mapagtanto ang cake na dala nila. It's tempered with chocolate cake fillings and filled with blueberry icings around it. And on the center, lies a miniature of a girl in a royal dress that I thought it's supposed to be me.
Malaking effort para sa akin ang ganitong sorpresa. Madalas kasi ay nalilimutan ko ang araw kung kailan ako pinanganak. Mahirap matuwa sa kaarawan ko tuwing maalala ko na ito rin ang araw na kinamuhian ako ng sarili kong ama. My birth mother got a freakin' sickness because of me. Postpartum Psychosis.
Sabi ng mga doktor, ilang linggo lang ang itatagal ng sakit pero bakit ganon pa rin si Mutti (German for mom). Dalawa't kalahating dekada na siyang hindi nakakapaglakad ng diretso, hindi makausap ng maayos, hindi kumakain ng tama at marami pang epekto ng sakit.
Nabalik ako sa kasiyahang nagaganap nang inalok nila akong sumayaw sa gitna nila. Dito kami sa tabing-dagat ng Zharra beach nagpaparty sa ilalim ng dilaw na buwan.
Isa-isa kong tiningnan silang lahat at abot-tengang ngumiti. "Vielen Dank. Danke Sehr. I really appreciate all of your efforts." Thank you. Thank you very much.
Buong barkada namin ay kompleto ngayon. Sina Yume at Scire. Si Risse na malapit nang manganak at ang asawa niyang si Jacob. Si Jackie na single ngayon. Pati ang bestfriend ni Risse na si Terra ay nandito rin. Wala lang dito si Zen na kanina pa palang umaga bumalik sa Germany. Sabi ng kambal ay may pagpupulong sa konseho kaya ipinatawag siya.
"Bakit kailangan mo pang umiyak at magdrama nang ganon Yume?"
"Para mabaling sa akin ang atensyon mo at makalimutan ang birthday mo. Tapos, surprise!"
Tinampal ko ang noo niya at natawa nang bahagya.
"You and I know that I don't really celebrate birthdays."
Nagpalitan na lang kami ng ngiti dahil alam niyang maiiyak na naman ako.
Hating-gabi na, hindi pa rin tapos ang kainan, kwentuhan at inuman. Si Risse lang ang hindi pwedeng uminom ng alak kaya siya na lang ang kumanta kasabay ng tugtog sa speaker.
Nagsisimula na ring mag-aminan silang lahat lalo na ng mga sikreto. Almost every drunk person are honest beings.
"Alam niyo ba dati nung mga bata pa ay sabay kami ni Belle na maligo?" Lasing na saad ni Jacob na tinutukoy ang asawa niyang si Risse. "Madalas lagi kaming nakahubad kaya kita ko yung ano niya..." Hindi niya maituloy ang sinasabi dahil sa nakakamatay na titig ni Risse.
"Ano ko?"
"Kita ko yung...katawan mo. Sabi ko sa sarili ko, pangako ako lang dapat makakakita at makakahawak sayo. Wala nang iba." Sabay halik niya sa noo ni Risse na mukhang nakuntento sa sinagot nito.
Naghiyawan naman kami at inasar ang mag-asawa. "Ayiiieee-!"
Naputol ang kasiyahan namin nang may tumikhim sa likuran ko at nagsalita dahilan upang lingunin nila maliban sa akin.
"Alles Gute Zum Geburtstag...mein bernstein." Happy Birthday...my amber. That baritone voice of him sent thousand shivers down my spine.