Pakiramam ko, magkakaroon na ako ng stiff neck sa dalawang minuto kong hindi ginalaw ang ulo. I don't want to look. I can't look.
I know the owner of that voice. I understand the greetings that he said in German language. And I felt butterflies in my stomach the moment he said those.
...mien bernstein.
Binati niya lang ako ng happy birthday at sinambit ang dalawang salitang iyon ay hindi ko maitatangging kinilig ako. Hindi ko alam kung saan lilingon para maitago ang namumula kong pisngi.
Maliban sa nagkaroon kami ng pangit na pagtatagpo ng landas at nakakalokang sagutan sa isang cafe, kilala siya ng mga kaibigan ko base sa nakikita kong reaksyon nila sa bagong dating.
Ba't ako lang hindi nakakakilala sa kanya?
Nauna nang sumalubong si Scire sa bisita. "Hey, bro. Ba't ngayon ka lang? Come on. Let's drink!" Yaya niya sa perverted alien na dumating.
"Yeah, sure. It's a party, right?"
I can't still believe that he is right here. Parang nanaginip ako. What a really small world, huh?
"Sorry Ria. Hindi namin nasabi sayo na inimbitahan namin si Seb sa birthday party mo." Sinserong sabi ni Yume.
Seb. Hmmm...nice name.
"He is Scire's second cousin. Coincidentally, he's here to close a business deal when we called him. Kaya yon."
Patuloy na paliwanag niya sa akin habang inaayos ang pagkakaipit ng buhok ko pati na ang lukot sa damit ko.
"I-It's okay. T-The more, the merrier. Ri-Right?" Naiilang na sagot ko sa kanya habang pilit na ngumingiti. Napapalunok pa ako sa kaba na hindi alam kung saan galing. Nagsisimula nang manginig ang mga kamay ko.
Hindi nila alam na nagkita na kami kahapon at hindi na dapat malaman pa.
I just need to freakin' calm myself down and talk normally with them. With him.
That's right.
Akala ko matatapos ang party na ligtas ako. Sa kalokohan nila. Akala ko lang pala.
Lahat kami ay pabilog na umupo sa maputing buhangin ng Zharra Beach. They decided for us to play Truth or Dare but with a twist. It will be played by pair.
Obviously, it's Risse and Jacob; Yume and Scire; the Montreal Twins; and Jackie and Terra.
What?! When did they became close?
Kaya wala akong ibang choice. Partner kami ng lalaking katabi ko ngayon. As in magkadikit pati mga balikat namin.
Hays! Erin ba't nasa ganito tayong sitwasyon?
Gusto ko man gumalaw para umusog ay nahihiya ako sa kanila. Baka kung ano pang isipin ng katabi kong perverted alien.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanuksong tingin at ngiti ng mga kaibigan ko. Alam ko na ang tingin na yan.
Ako kaya nagpa-uso ng ganyan sa grupo. "Bagay kayo." Yan ang nais nilang ipahiwatig.
Tumikhim ang katabi ko na si 'Seb'. Yun ang tawag nila sa kanya. Siguro napansin din niya ang nangyayari pati na ang pagka-ilang ko sa presensiya niya kaya bahagya siyang umusog sa gawing kanan.
Nagsimula na kaming maglaro at ang unang ikot ng bote ay huminto sa tapat nina Scire at Yume. Dahil sina Risse at Jacob ang unang nag-asawa sa grupo, sila ang unang magtatanong.
"Truth or Dare?" Sabay nilang saad.
"Dare."
"Truth."
Magkaibang sagot nila Yume at Scire. Sumimangot siya nang marinig ang pinili ni Scire. Dali namang binawi ng huli ang sinabi at pinalitan ng 'Dare'. Nagtawanan kami.
"Okay. Ang dare namin sa inyo ay sasayaw ng budots si Scire habang nakayakap si Yume."
"Sabi ko na eh!"
Mas doble ang tawanan nang halos hindi na maipinta ang mukha ni Scire pero tumayo pa rin para gawin ito. Sa grupo, siya lang ang may parehong kaliwang paa kaya sinusumpa niya ang salitang 'sayaw'.
Ang sunod na natapatan ay sina Jackie at Terra. Pareho nilang pinili ang 'Truth'.
Dahil pasunod-sunod ito, ang nagtanong naman ay sina Yume at Scire.
"Sino ang first love niyo?"
Biglang namula ang pisngi ni Terra at na-iilang na ngumiti habang si Jackie naman ay nabilaukan ng tubig na kasalukuyan niyang iniinom.
Napailing kaming lahat sa dalawa. Everything is obvious. Alam na namin ang sagot. Kaya hindi ko alam kung ano ang trip ng magkasintahan na yon.
Tumikhim muna si Terra bago nagsalita. "I have never had my first love. Single since birth and never fell for anyone." Tumango-tango pa siya habang sumasagot. Siya ang pinakawalang experience sa love sa aming lahat.
Si Jackie naman ay nagpunas muna ng bibig at dibdib na bahagyang natapunan ng iniinom na tubig. "Uhmm... Si Maico. Maico Sandoval. He was my first love but broke me a lot of times." Nakangiti ngunit mapait niyang sagot sa maikling tanong na iyon.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan naming lahat bago tumapat ang bote sa amin ni Seb. I am freakin' nervous about what's gonna be the question in truth or what to do in the dare. Nanginginig pati ang mga kamay ko.
Sumagot agad si Seb ng Dare samantalang ako ay naiwang nakatulala sa kanya.
Hindi ko alam pero may kakaiba sa mga bughaw niyang mata. I can see a glint of green despite the darkness of the night. "Bakit pakiramdam ko nagkita na tayo dati?" Wala sa sariling naiusal ko habang nakatingin sa kanya.
Natampal ko ang noo. Mabuti na lang malalakas ang tawanan at asaran nila pati na ang tugtog sa speaker kaya walang nakarinig sa akin.
Pero tumingin si Seb sa akin. Biglang tumaas ang sulok ng labi niya. It was a 'freakin' hot and handsome as hell' look.
Pwede na ba akong mamatay?
Tumahimik ang paligid. Paglingon ko, lahat ay nakatingin sa akin. Sinulyapan ko ang katabi ko na halos isang usog na lang pala ay mahahalikan na namin ang isa't isa.
Natataranta akong sumagot ng 'Dare' kaya nagtawanan silang lahat.
"Ria, boyfriend mo ba siya?" Inosenteng tanong ni Terra na nagpatigil sa tawanan nila. Itinuro pa niya si Seb. Those words didn't sinked in my mind that fast. Parang humiwalay ang katawang-lupa ko sa kaluluwa ko.
"Ria, boyfriend mo ba siya?"
"Ria, boyfriend mo ba siya?"
"Ria, boyfriend mo ba siya?"
Nag-e-echo ang tanong na iyon sa aking isipan. Paano ba niya naisip ang tanong na 'yon? Pero mas literal na nahulog ang panga ko nang matapang na sumagot ang katabi ko.
"Yes." Ano daw?!
"I'm her boyfriend." Huh? Paano nangyari yun?
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Parang gusto kong sumigaw sa kanila ng 'Hey! It's a prank!' pero masyadong seryoso ang kapaligiran.
Gusto kong manggigil sa kanya. Gusto kong iparating sa kanila na hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya. Marami akong masamang naisip na gusto kong gawin sa perverted alien na katabi ko pero wala akong nagawa maski isa.
Naiwan lang ako nakangangang nagpapalit-palit ng tingin sa harap nila at sa katabi. Nangangapa ng dapat isagot.
Nang makabawi ako sa gulat, akmang magsasalita na ako nang hawakan ni Seb ang kamay ko at hinila ako patayo.
"Ano ang dare niyo sa amin?" Conyo pero masarap pakinggan ang kanyang boses. I feel like I'm on a freakin' Cloud 9.
Nakagat ko muli ang labi sa hindi na mabilang na beses dahil sa kung ano-anong naiisip at nararamdaman sa Seb na ito.
"Ria, are you okay?" Tanong ni Yume sa akin. Tumango ako pero hindi niya inaalis ang paningin sa akin. "You look pale."
Nag-aalalang tumingin ang lahat sa akin. "I'm okay. Stress lang ako lately sa mga project x." I smiled to ease them down. "So, what's the dare?"
Bahagyang nag-isip pa ang dalawa at nagbulungan.
"We dare you to French kiss your boyfriend for one minute!" Sabay nilang sigaw.
Freakin' what?!
French kiss?
One minute?
Boy---friend?
Bakit ko naman yun gagaw--
Hindi ko natapos ang pakikipag-usap sa sarili nang basta na lang niya akong hinila paharap sa kanya at hinalikan.
As in French kiss. At wala akong masabi.
Nag-kiss na rin kami ni Zen pero yung simple lang. Not like this breath-taking French kiss. More like a surreal kiss.
So...strange and unusual.
Napahawak na lang ako sa balikat niya nang maramdaman ko ang nanginginig kong mga tuhod. Nanghihina ako sa halik niya.
Sinisisid ba niya ang buong bibig ko?
Tumigil lang kami nang kinapos ako sa paghinga. Para akong nalunod. Sigurado akong namamaga at mas mapula pa sa pula ang labi ko. He just freakin' devoured my now swollen lips.
Mahal na mahal talaga ako ng mga kaibigan ko. Note the sarcasm, please.
Hindi man lang kami inawat sa French kiss na iyon. Sa halip ay nag-alisan sila sa pwesto para magpatuloy ng inuman at pagliligpit ng mga kalat.
"Sabi namin one minute lang, ba't niyo in-extend hanggang five minutes." Nakangusong sambit ni Jackie na nakasalampak na upo habang hinahampas ang buhangin gamit ang kamay niya.
Lasing na talaga!
"Hanep! Kayo na hindi single! Wala man lang mga konsiderasyon." Padabog na nilapag ni Terra ang mga bote ng inumin at matalim na tumitig sa amin.
Isa pa ito.
Napalingon ang iba kong kaibigan sa gawi nila at napatawa na lang kami sa aksyon ng dalawa. Hindi ko alam kung bitter ba sila o talagang na-i-inggit lang sa nakikita.
Napasulyap muli ako sa katabi ko. Gusto kong itanong kung bakit niya sinabing boyfriend ko siya. Ngunit, nalilito man ako ngayon ay sinakyan ko na lang muna ang mga nangyayari. Saka na ako mag-uusisa sa kanya. Like they say, "Go with the flow."
Ngayon ko lang napagtanto na hindi man lang ako kinabahan nang maisip ko si Zen kanina. Kinumpara ko pa ang halik nilang dalawa. I didn't even pulled away from the kiss.
Hindi man lang ako nag-alala sa kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman ang tungkol sa dare na ginawa namin. Sa oras na iyon. Sa limang minuto na iyon.
I don't have freakin' care about everything else than this man beside me.
Hindi ko alam kung anong mahika ang meron siya pero kusa akong nahihila ng kanyang bughaw at kalmadong mga mata.
Natigil na ang laro dahil pare-pareho nang may tama sila Jackie, Terra, Scire at Jacob. Si Risse naman ay pumasok muna sa sasakyan nila at umidlip para mai-pahinga ang tiyan.
Yung Montreal twins, ayun, nakatambay sa may sidewalk malapit sa gilid ng beach. Parang mga ewan na ngumingiti sa bawat babaeng dumaan. Napailing na lang ako. Freakin' Flirts!
Si Yume kaunti lang ang ininom dahil kailangan niyang tumulong sa pagligpit ng mga kalat dito sa tabing-dagat. Hindi talaga siya uminom ng lagpas tatlong baso lalo na't bantay-sarado siya kay Scire.
Ito naman na katabi ko ay halos hindi man lang tamaan sa dami ng nainom. Halos sampung bote na ng Denros ang linagok niya. As I remembered, it is one of the strongest rums in the whole world.
Bakit hindi siya nalalasing?
Tao pa ba 'to? O alien talaga ang katabi ko?
Ano naman kaya ang nginingiti nito? Parang tanga lang...Parang ako...minsan.
He would intentionally avert his gaze towards me from the side while sipping from the glass. Hindi niya ba alam na nanunuyo ang lalamunan ko sa ginagawa niyang pagbasa ng labi niya?
"Ria, happy birthday! Always remember I love you. Kapag kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Alam mo 'yon." Ang malambing na boses ni Yume ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
Ni hindi ko namalayang umaga na kung hindi pa tumama ang init ng araw sa balat ko.
"Thank you sa lahat ng effort niyo, guys. I really appreciate this. Kahit nasa malayo kayo ay pumunta pa rin kayo dito." Tiningnan ko sila Risse, Jacob, Scire, Terra at Jackie.
"Alam mo naman na basta may party, doon ako." Sabi ni Jackie.
Napa-iling na lang kami ni Yume sa sagot niya. Basta may kainan, may Jackie kang makikita.
"Puro ka kain Jack! Kaya ka tumataba." Kahit kailan napaka-prangka ni Scire. Nahampas siya ni Risse sa braso dahil sa walang filter na bibig niya.
"Kaibigan ko 'yan! Nakakainis ka talaga kuya! Yume ba't mo ba nagustuhan ang mukhang gorilla na 'yan?!" Hindi na matigil si Risse sa hinaing niya. Palibhasa buntis kaya malala ang mood swings.
Tumawa lang si Yume habang nagpipigil naman si Scire sa kapatid niya. "Pasalamat ka Elijah, buntis ka. Kung hindi, papatulan ko talaga ikaw! Ang sama mo sakin. Paano kung magbago ang isip ng babaeng 'yan?" Tinuro pa niya ang fiancée na katabi ko.
"Tumigil na nga kayo! Hang-over lang 'yan, guys." Awat ko sa kanila. Ang aga-aga, nagsasagutan sa gilid ng dagat.
"Eh, ano naman ang nangyari sa isang 'yan?" Nagtatakang saad ni Rio, ang isa sa Montreal Twins. Napatingin kami sa tinutukoy niya.
Gusto kong matawa sa nakikita. Yung perverted alien na magdamag kong katabi ayun, K.O. sa may buhangin.
Nakadapa si Seb habang hawak pa rin ang bote ng Denros sa kaliwa niyang kamay.
Tsk. Tsk. Tsk.
What am I going to do with you, Perverted Alien?