Chereads / Ikigai / Chapter 8 - Chapter Seven

Chapter 8 - Chapter Seven

The Homeroom Officers

June 3, 2019 P.M.

Jasper's POV

"Raise your hand if you will nominate someone. " pag-umpisa ni Sir sa gagawin naming Selection.

Isahang bagsak na daw ang gagawin namin na Selection... Kumbaga, 15 ang ino-nominee mo, ang pinaka mataas na vote, siya ang Presidente and sunod-sunod na.

"I am now receiving nominees. Drop their names... NOW! " pagkasabi ni Sir no'n ay may nagtaas ng mga kamay nila.

"I nominated Rydien. "

"I wanna have Dylan for one of them. "

"I nominated Guian. "

"I want Aubrey. "

"I am going to give my choice to Nice! "

Pag Boboto nila.

Nakaabot na kami ng sampu na nominees ng magtawag si Sir.

"Anyone? "

Nagtaas ng kamay si JP.

"Sir, si Jasper po! " hala tol anong nakain mo?

Binigyan ko siya ng nakakasulasok at pamatay na tingin, umaasang babawiin niya iyong pagprisinta niya. Ngunit ako ay nabigo, ngumisi lamang siya at naupo ng ayos.

Wala na akong ka wala, alam ko na kahit anong takas ko ay mapapabilang parin ako.

"Sir! I wanna vote for myself! " suhestyon ni Samantha na agad namang tinugunan ng guro.

How can she do that?!

"Sir I'll vote for Fely! " sigaw ni Nice.

"Two more? " sabi ni Sir na itinaas pa ang dalawang daliri.

"Sir. " baguhang boses ang namuo sa buong room.

"Yes? " tanong ni Sir.

"I am going to vote JEA. " sino iyon?

Nilingon ko ang nagsalita at isang transferee lang pala.

Nilingon ko rin si Gail at pamatay na aura ng makikita mo sa kanya.

Mabilis ngunit maingat na pagtaas ng kamay ang ikinios niya.

"Going to nominate that stupid boy. " sabi niya sabay turo sa lalaki na ngayon ay naka smirk na.

Rydien's POV

Kung makikita niyo lang ay halatang naiinis na si JEA sa mga nangyayari ngayon.

Yung lalaki kasi kanina na inaya ko maglunch sa bahay ay binoto siya... Pero pano sila nag kakilala?

Kanina nung inaanyayahan ko siya ay halata na may hindi sinasabi sa akin ang babaeng katapat ko.

"All of the nominees please stand up, introduce yourself and tell them what are the changes that may be done if they are going to vote for you. "

"I am willing to do all of the things that may bring good changes here. " mahinhin na sabi ni Guian.

Sumunod si Aubrey, Ashley, Nice, JP, Jasper, Fionah, Jose,Fely, Celeztin, Caitlyn...

Sunod na si Dylan.

"Hello classmates, ako po si Dylan Makilig, isang eleven years old student na binoto ninyo. Hindi ko po sinasabi na iboto niyo ako pero parang ganon narin. " loko ka talaga Lan!

Sunod na ako!

"Ako nga pala ang gwapo niyong Super Pasaway kaya Guidance President, Rydien Altejos tumatakbo bilang isang lokoloko. " patawang sabi ko.

Sunod yung transferee na inanyayahan ko kanina.

"Hi, Jan here saying that I will do my very best to hear your complaints and be ready to make a plan to bring a change. " galing ng English mo tol! Paturo ako!

"I am JEA. I will hate everyone who's going to vote for me. " she sounds bored said while giving us a cold death glare making my spine chill a bit.

Nag-umpisa na ang pagbibilang ng votes. Bale ang isang student ay may three chances to vote for different person, lahat naman ng nominado ay walang pwedeng pag botohan kundi ang sarili nila.

Nauwi ang selection sa.

Aubrey... Auditor

Ashley... Business Manager

Nice... Secretary

JP... PRO

Jasper... Sargent

Fionah...Chairman-Participation

Jose... Chairman-Protection

Fely... Arms

Celeztin... Muse

Caitlyn... Chairman-Survival

Guian... Treasurer

Dylan... Escort

Rydien Pogi... Vice President

Jan... Peace Officer

At...

JEA... President

Ang daming hindi papansinin ni JEA ah.

"JEA please send your greetings for those who vote for your name. "

Bago magsalita ay matalim na tumingin si JEA kay Jan. Paktay!

Tumingin na siya sa unahan at...

"Thank you. "

'Yun lang ang sinabi niya at nauna ng umupo.

Galit 'to!

Si JEA kasi yug type ng tao na tahimik kung magalit... Kaya siya nagbago.

"Rydien... "

Masyado siyang naging tahimik, cold, masungit at perfectionist.

"Rydien bring your senses back! " sigaw ng kung sino na nagbabalik sa diwa ko.

"S-sorry, Sir. " nakayukong sabi ko.

Nakakahiya. Hindi bagay sa mukha ko.

"Go back to your seats. President JEA. " inaya ni Sir si JEA sa table at nag-usap sila.

Habang sila, nagbabasa at nakikipag daldalan.

Nang lumingon ako kay JEA ay seryoso syang tumangohabang hawak-hawak ang Pen na gamit niya sa pagno-notes.

Natango-tango siya at ng matapos sila ay minaobra niya ang iPad niya at tila may ginagawang kababalaghan.

"You can use your gadgets for a while and I will tell you the name of your new advisers. " sabi niya.

Nilabas namin ang mga gadgets namin ngunit walang nag-ingay ng...

*TING!*

Sabay-sabay na tunog ng gadgets namin, as in SABAY-SABAY.

Ini-swipe ko muna yung phone ko para makita ko iyong subject ng notification na na-receive ko.

"Death Threat"

"Ha?! " we said in chorus.

Dahil sa gulat sabay sabay rin kaming napalingon sa lahat.

Grabe.

In-open ko iyon at...

I hate you.

Tumingin ako kay JEA na kasalukuyang naka-smirk. Sabi ko na nga ba.

Trick niya ito... Alam ko na ito dati, isang linggo kasi nung maging Secretary siya ng SPG ay hindi kadalasan pinapansin ng mga students ang mga mails dahil nakakaboring daw ang titulo kaya ayun ginawa niyang interesting. Sobrang interesting.

Tinignan ko na ang mismong mail.

Clarize Deapera Surprise

Good day Pilot class... I would like to announce that we will have a surprise party for tomorrow.

Event Details:

What: Clarize Deapera's birthsay surprise

When: tomorrow

Where: Milagrosa Elementary School ( room 18 )

Why:

At idiniscuss pa sa Email yung gagawin namin.

Ang galing niya magplan.

Kanina lang for sure sinabi ni Sir yun habang nag-uusap sila, so dapat napressure siya but she isn't.

Bilib ako kay JEA dahil napakagaling niya, kahit pa nahihirapan at nasaktan na siya emotionally, she still used to make someone happy.

I know how hard her place is, kahit tignan ko lang ang mata niya, makikita mo na iyong sakit...

Kung husgahan mo siya, siguraduhin mo muna na tama ang sasabihin mo sa kanya dahil hindi mo pa siya kilala. Masyado iyong mabigat at baka ikaw ay hindi mo kaya.

To be continued…