Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 96 - Chapter 96: Unexpected

Chapter 96 - Chapter 96: Unexpected

Graduation is fast approaching. Same as my civil wedding.

"Ate Ken, kailan ka balik dito?. Hindi pwedeng hindi ka babalik bago ako ikasal.." I don't know why I sounded like pleading here. Been weeks na din kasi simula nung umalis sya. And that week was one defeaning silent. Nakakabingi. Tipong kahit normal kaming mag-usap. Yung normal na parang walang nangyari. Andun pa rin yung gap. Ramdam ko pa rin ang bagay na hindi masabi ng aming mga labi.

She replied once sa mga pangungulit ko. "Soon Kaka.. hayaan mo na muna ako. Kilala mo naman si Mama. Kapag bumalik ako agad. Isusumbat nya lang sakin ang pag-alis ko." she got a point. At hindi lang basta sumbat ang ibabanat nya kay Ate. Marami pa na kung tutuusin. Matagal nang natapos. Nakaraan na. Inuungkat pa. Para lang may masabi sya. Yan ang ugali ni Mama na di ko gusto. Don't hate me. Aminin din natin. May ugali ang magulang natin na sa tingin natin ay hindi akma. O ako lang tong ganun mag-isip dahil sa napansin ko din naman sa Mama ko. I'm not judging her because who am I to give her a judgement. Anak lang ako. I'm just stating a fact here.

Lahat naman siguro ng Nanay hindi masama ang pagdidisiplina sa kanilang mga anak. Pero minsan kasi. Sumosobra ang kagustuhan nilang proteksyon sa kanilang mga anak. Tipong dumadating sa puntong di na nila kilala mismo ang kanilang mga anak because of them. They want their sons and daughters to be someone not knowing that they don't want that, worst is, they are hiding their true self, their true feelings. Nasasakal ang mga ito na kung pwede lang. Umalis na at di na babalik pa. Ito ang kinatatakutan ko ngayon kay Ate Ken. Na sa pag-alis nyang to. Baka mapaisip syang, wag ng bumalik rito because she already gain her freedom. Not saying we don't have that. We have, but as what I'm saying was. Minsan din kasi nakakapagod din ang pagiging maingay ni Mama. Lalo na kay Ate. Kung samin ni Ate Keonna. Medyo maluwag pa ang lahat. Sya, sobrang higpit. Kaya din lagi silang nag-aaway ni Mama dahil dito.

I let her do what she wants. But that didn't stop me from sending her my hi's and hello's. Minsan pa nga. Kinukulit ko tong si Kian to ask Poro how's she's doing there. Nahihiya kasi ako dito na mismong magtanong. Not in a bad way naman. Sadyang di ko lang kayang kausapin si Kuya Poro after that intriguing scene of Mama.

"She's okay there, baby.." ani Kian sakin nung nasa isang shop kami for dress fitting. Sinabi ko naman nang di na kailangan pa ang magarbong damit. Subalit itong si Kian ang mapilit. Gusto nya pa rin itong gamitin ko.

Sa totoo lang. Ayokong maniwala na she's okay. Knowing her?. Sasabihin nya lang na okay sya kahit ang totoo ay hinde.

Iisipin ko pa sana sya ng biglang dumating ang mga taong di ko inaasahan.

His Mom.

With her bet, Andrea.

"Hello po Ma'am.." magalang ko pang bati kahit na nangangapa pa rin ako ng sasabihin.

But she snobbed me. Obviously, didn't like me. Natanaw ko ngayon ang ngiting demonyo sa labi ni Andrea. Sinundan naman agad nito ang mga hakbang ng Mommy ni Kian. "Bitch, still a loser.." dinig kong sambit nya bago ako lagpasan.

Umigting ang panga ko. Sa pagkakaalam ko. Kami lang ni Kian ang pupunta ngayon dito. Kasi nga. Civil palang ang gagawing kasal. Saka na ang sa church wedding na bonggang gown and other stuffs.

But this scene. Inaasahan ko na ito sa kasal. Not this time.

Tumayo ang dalawa sa mismong harapan ng fitting room na pinasukan ni Kian. They are talking like I don't ever exist here.

Umupo nalang ako't inayos ang mga gamit na dala. Nagreply na rin sa chat ni Winly na malapit na raw sya. Inaya ko kasi syang lumabas after namin dito.

"Mom!?." gulat at nagtataka ang himig ni Kian sa nakita sa harapan. "What are you, doing here?." anya na dinig ko ang tunog ng kanyang sapatos. Parang naglakad ito at papalapit sa gawi ko. Hinanap nya siguro ako. Na-emphasize pala yung 'you' sa naging tanong nya. It's like. His not talking to his Mom. But to someone. And of course, that's not me. There's Andrea. Standing beside her Mom.

"She's pregnant.." his Mom still pulls this tactics to his son.

Kahit ganun. Tinubuan pa rin ng kaba ang dibdib ko.

"Mom, can you please —.." di nadugtungan ni Kian ang sasabihin ng magsalita si Andrea.

"It's already been two weeks since I don't have my monthly period.." Paliwanag pa nito.

Na naging dahilan ng pagkabog ng malakas ang puso ko. Natigilan ako't nanlabo ang paningin. Paano kung totoo nga?. Paano kung buntis nga talaga sya? At sya ang Ama?. Paano?.

Itutuloy pa ba namin ito o hinde na?.

"Stop ruining my life Andrea. You belong to a clan of class. Don't ruin things that no longer serve you. Kung buntis ka. Alam kong hindi akin yan dahil minsan lang nangyari ang sa atin. Lasing pa ako ng gabing iyon. Hindi na iyon naulit pa."

I was like. Damn it!. Mura ang unang isinigaw ng puso kong nakikinig sa kanila. Nakakahiya sa may-ari ng shop. Baka pagkalabas namin dito. Kami na ang bukambibig nila dahil eskandalo na ang ginagawa ng Mommy nya. Yan ba ang tinutukoy nyang class na meron yang Andrea na yan?. Bakit di nila patunayan?. Imbes na pinipilit pa rin nila sa isang tao ang bagay na ayaw talaga nya?.

"Pero wala kang gamit na proteksyon noon Kian.. ano sa tingin mo ang mangyayari kasunod nun?." natahimik si Kian dito. Hinde. Bakit pakiramdam ko. Pinlano lahat nila to?. Nilasing si Kian tas tinawagan ng Nanay ang Andrea tapos yun na. Gross!. Class ba ang tawag sa ganun?. Hinde!. Hypocrite na.

Sa pagkakataong ito. Hindi ko na kaya. Malapit na akong mawalan ng hangin at baka mawalan nalang bigla ng malay dito.

So, I texted Winly. At mabuti nalang. Nasa labas na raw sya. And I said. Antayin na ako sa baba. Nasa second floor kasi itong shop. Boutique naman yung nasa baba.

They keep on arguing about it. Pero ako. Gusto ko ng katahimikan. Ayaw nang pakinggan ang usapan nilang walang kabuluhan.

Magpapaalam pa sana ako kaso Kian is so busy rewinding that day on his head. Trying to clear what really happened.

Hiningal akong bumaba. Pagod na pagod na parang nakipagkarera. "Anyare sa'yo bakla?." kung di pa nya ako binigyan ng tubig. Baka di ko na nakayanan pa't bigla nalang humagulgol dito.

"Wala.. Tara na!.." hinila ko na ang braso nya saka abala na sa pagpara ng sasakyan ng may humablot din sa palapulsuhan ko.

"Shit baby.. saan ka pupunta?." takot at pag-aalala ang nababasa ko sa mukha nya. Then I saw the two visitors running away from here. Winning smile is on Andrea's face.

I act like I don't notice anyone. "Sa KTV bar lang kami pogi. Sama ka." ani Winly.

"Sure.. I'll drive you.." mabilis nyang pinatunog ang sasakyan nya ngunit gaya ng ginawa nya kanina. Hinila ko ang kamay nya. Stopping him.

"Umuwi ka nalang muna Kian.." natigilan sya matapos kong sabihin to.

"Kung di kita kasama.. ayoko.." matigas nyang sambit.

"Pogi naman. Pagbigyan mo na muna kami. Tutal after your wedding. sa'yo na sya lagi.. ngayon lang naman to.." nakipagtalunan pa ang bakla ng titigan sa kanya. For him to process what he wants. "Sige na.. kahit ngayon lang.."

Matagal nya din akong tinitigan. "Pero kasi Win.. may nangyari kanina and I want to talk to her. Clear things out." matagal bago nya pa ito nasabi.

Sakin naman tumingin si Winly. Umiling ako. "See?. it's her decision na sumama muna sakin. After six pm. Tawagan nalang kita para sunduin kami.." tinapik nito sa balikat si Kian. "Let us be.. if you want to clear things out. Palamigin mo muna ang kumukulong tubig para di ka mapaso or worst masugatan ha.."

Hindi na inantay ni Winly ang sasabihin nito. Basta nalang nya akong hinila ng may humintong taxi sa harapan namin.

This is so unexpected. Wala sa hinuha ko ang araw na to. Imbes good vibes ang dala dahil malapit na ang kasal. Iba. Opposite pa. Gaya nga ng kasabihan. Expect the unexpected.