Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 91 - Chapter 91: After graduation?

Chapter 91 - Chapter 91: After graduation?

"Pa, pinatawag mo raw ako?." kumatok ako sa silid kung saan may maliit na library duon at bilyaran. Na ginawa na ring opisina nya. Tabi lang din mismo ng silid ko at nina Ate.

Tumango sya saka iminuwestrang pumasok na ako. Maingat din akong naglakad para di makagawa ng anumang ingay. Kasalukuyan kasi itong nakaharap sa gamit nyang laptop. At hawak pa ang kanyang baba. Para bang may problema syang kailangan ayusin. Base sa pagtitig nya sa screen nito.

"Bakit po?." umupo ako sa silyang nasa harapan ng maliit nyang mesa saka inilibot ang mata sa kabuuan ng kwarto. Ang ganda palang tumambay rito. Yung bilyaran sa tabi ng malaking bintana ay natatanaw rito ang bughaw na kalangitan. Habang ang nakahilerang mga libro ay nasa gilid kung saan hindi nasisinagan ng araw. At sa baba nuon. Maraming stuff toys na pwedeng higaan kapag gusto mong magbasa rito.

Di sya muna nagsalita. Tumayo ako sa pananahimik nya hanggang sa naupo sa malalambot na teddy bears. Mukhang ito yung mga stuff toys na bigay lahat ng ex nina Ate. May huli syang tinipa bago pinagsalikop ang mga palad para pagpatungan ng kanyang baba. "Kumain ka na?." he ask after a minute.

"Kakatapos po. Ikaw nga po ang hindi pa." it's his day off at eksaktong wala rin kaming pasok dahil may exam pa. Nauna kasi kami dahil ilang linggo nalang. Graduation na namin. College.

"What's your next plan after graduation?."

Naghanap muna ako ng librong maaaring basahin bago sya sinagot. "Find a stable job. Of course.." binuklat ko itong hawak na libro. Ito yung binili ko noon sa Pandayan kasama si Kian. It's called. Finding Your Purpose In Life. It may sound like sarcastic but I didn't mean that. Talagang iyon naman ang gagawin ko after our graduation. Teka. Bakit nya ba tinatanong?. So I ask. "Bakit po?. May gusto po ba kayong ipagawa?."

"No.. that's good.. but what about you and Kian?. Nagkausap na ba kayo about the engagement?."

Napaisip ako. Oo nga. Paano na yun?. Di ko pa nakakausap si Kian tungkol dito.

"Honestly. Hinde pa po."

"Well.. me and his Dad already talked about it.."

"Po?. Ano pong sabi?." napatayo ako para lapitan na sya. Gusto kong marinig ng klaro ang kung ano mang napag-usapan nila. I wonder what is it.

"We want as soon as possible to pursue your wedding.." sa totoo lang. Napanganga ako. Di ko alam kung natawa sya sakin dahil sa reaksyon ko o dahil sa sinabi nya. But I guess. Dahil iyon sa naging kilos ko. Sinong di magugulat sa balita nya?. Isang Ama gusto nang madaliin ang matali ang isang anak nya?. Sa television lang iyon nangyayari diba?. Bakit ngayon, sa akin?.

"Paano ang Mommy nya Papa?. She's still not into it po." paliwanag ko pa dahil baka nakalimutan na nila. At kahit sabihin pa natin na taon na ang lumipas. Alam ko sa sarili ko na di nya pa rin ako boto para sa anak nya.

"Kaya nga mamadaliin na natin ito para wala na syang magawa pa laban sa inyo at sa atin na rin nak.."

"At gusto rin ito ng Daddy ni Kian?." may ngiti sa labi nya, nang sya ay tumango. Walang mababakas na pag-aalala sa mukha nya. Sobrang liwanag nito at kahit takot ay wala.

"Yeah.. sya ang nagsabi sakin na pagkatapos mismo ng graduation nyo.. gaganapin ang kasal nyo.."

"Po!?." di ko napigilan pa ang pagtaas ng boses ko.

Gumewang ang swivel chair nya bago sya sumandal duon na parang walang dalang problema. "Sa Mayor na muna kayo ikakasal.. after that.. next na ang church.."

"Pero.." I paused because prankly. I don't know what to say. Marami akong tanong kanina bago ako pumasok rito pero ngayon. Bigla nalang naglaho. Tinangay yata ng hangin na halos di ko rin maramdaman.

"What?. You're not yet ready?." mabilis akong umiling sa kanya. "Then what?."

"I am.. of course.. si Kian po yun eh. what I mean is.. after graduation and civil wedding po.. what's next?." ako naman ngayon ang nagtanong nito sa kanya.

"Hahaha.. kayo.. kung anong gusto nyo nang gawin.."

"Hindi po kayo magagalit kung magkaroon kami agad ng anak?." this is logical lang naman. Kasi naman. Diba after wedding. There's something called honeymoon?. Baka nakalimutan din nila kung anong kasunod ng gusto nila.

Natawa lalo sya. It's like they already knows what's gonna happen next. Nag-init tuloy pisngi ko. Nakahihiya!.

"Bakit naman kami magagalit?. That's normal and di namin kayo mapipigilan pa kapag tungkol duon na ang usapan. It's like. Your choice or by Kian. It's your decision now."

Natigilan ako. So ibig sabihin nun. After graduation. Wedding agad. Ganun?. Tapos kami na bahala sa amin?. What about how we live?. Pasimula?.

"How about our house Papa?. Mahirap tumira sa mansion nila. Tsaka.. paano kami mabubuhay kung pareho pa kaming walang trabaho?. Walang pera?."

"Dito mo masusukat ang diskarte ng isang lalaki if he's really ready to take you from her family nak. Wala ka bang tiwala sa kanya?."

Nagdalawang-isip pa ako. Napailing tuloy sya sa pananahimik ko. "Alam mo bang, isa sa pundasyon sa isang matatag na relasyon ang pagkakaroon ng matibay na tiwala sa kabiyak mo?." hindi ako nakaimik dahil kahit alam kong iyon nga ang pundasyon ng lahat. Alam kong may karugtong pa rin ang sasabihin nya. "You're intelligent Kaka.. alam kong aware ka sa sinasabi ko.. iyon lang ang tanging paraan para magtagal kayo at maging malalim pa ang samahan na bubuuin ninyo.. at kapag nagtiwala ka na sa kanya ng todo.. know that you have to do your best para maramdaman nya yun.."

"Bakit iniisip ko palang po, mahirap na?."

"No.. wag mong isipin na mahirap sya. Ano bang rason bakit ka pumayag sa alok nya?."

"Because I love him.." isa ito sa pinakatotoo sa lahat.

"Duon ka kumapit ng sobrang higpit.. and everything will automatically follow nang di mo nararamdaman." he said like he already gone through this thing.

"Ganun po ba dapat?."

"Yes hija.. magtiwala ka sa kanya at maniwala sa pagmamahal na meron kayong dalawa.. that will defeat anyone who are against you. Magiging magaan din ang lahat sa inyo." dagdag nya pa. Kahit wala daw ang Mommy ni Kian sa kasal namin. Basta meron ang Daddy nya. Okay na raw iyon na witness namin. Atleast present ang Dad nya at sila ni Mama. He also mentioned that. I should tell it to my friends para daw di sila magulat sa anumang marinig na balita mula sa iba. Lalo na sa mga Eugenio na milya-milyang dagat ang layo.

I hugged him after we talk. Nagpasalamat din ako dahil kahit hirap ang dinanas nya sa pagitan namin ni Kian at ng pamilya nito. He still manage to smile to me while giving me his will to let me marry the man I love. I feel like he knew already. That Kian is my dream boy.