Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 84 - Chapter 84: Slap

Chapter 84 - Chapter 84: Slap

Di na ako nag-atubili pa. Pinilit ko si Aron na samahan ako patungong presinto. Sa unang binabaan ko ay wala duon si Papa. Kung saan, dito ang assigned station nya. Everyone looks at me like my father did a very disgusting thing. As if, di nila kasamahan si Papa sa trabaho. Ang iilan pa nga sa kanila ay naturingang malapit sa kanya. But what is this feeling?. I sense their dismay and discreet. Sinong di iiwas naman Karen kung malaking tao ang kalaban hindi ba?. Kung ikaw man sila, ganun din siguro ang gagawin mo. Wag lang madamay o masangkot sa makapangyarihang mga tao. I get to know that. Pero hindi ko din maiwasan tanungin ang sarili ko. Ganun ba talaga ang mga tao?. Iiwas sila sa'yo kapag alam nilang may dapat iwasan sa'yo pero kapag wala?. They keeps on tagging on you as if they are one your best colleagues. Maging ako ay dismayado sa pinapakita nila. "Salamat po Sir." yumuko nalang ako at nagpaalam sa isa sa Senior Officer dito at mismong ninong ko pa. Kumpare ni Papa. Lumabas ako ng station. Bagsak ang mga balikat.

"Sa next station tayo." anunsyo ko na lamang sa pinsan kong di rin nagrereklmao sa ginagawang pagtulong samin.

"Karen.." kusang gumalaw ang katawan ko ng makarinig ng pagtawag. Bahagyang nanlaki ang mata ko ngunit sandali lang din. Agad akong umayos at nilapitan sya.

"Po?." umaasa akong makikipagtulungan ito para kay Papa.

Tumingin sya ng diretso saking mata. Awa ang nababasa ko sa mukha nya. And I hate that. "Umuwi ka na." ang matayog na pag-asang itinayo ko para sa sarili ko ay bigla nalang gumuho. Sandali akong nanlumo at nanghina. Napaatras ako. Sa kung saan. Hagdan na pababa ang tatapakan. Mabuti nalang din at bumaba si Aron para samahan ako. He pushed my back para makaayos ako ng tayo. At para rin, hindi ako dapat panghinaan ng loob.

"Hindi po. Paano si Papa?. Gusto ko po syang makausap." nanginig ang labi ko sa katotohanang nasasaktan ako. Sinabi kong papanindigan ko tong pagtatanggol kay Papa pero bakit unang hakbang palang ang napupuntahan ko, nanghihina na ako?. Ano ka ba Karen!. Matalino ka hindi ba?. Ito na ang oras para ipakita iyon sa iba!

Sana nga. Magamit ko rin ang talinong meron ako. Dahil kahit gaano yata ako katalino kung mas marunong ang kalaban ko. Matatalo rin ako.

Bat mo kasi iniisip ang ganyan?.

Di ko din alam e.

Umalis nalang kami ng station na iyon kahit gusto kong magwala, magmakaawa at maglupasay sa harapan nilang lahat. Ang sabi lang nila. Di na raw dapat ako makialam sa ganito. Bakit naman hindi diba?. Tatay ko yung pinipilit nilang hilahin pababa! Alam nila at kilala nila si Papa. Wala itong kahit anong bisyo o kahit ang marinig na sya'y nanmbabae. Tapos ngayon. Ganun kabilis nila syang huhusgahan at bibigyan ng pangalan na Bagman! Kingwa!.

Ang hirap naman!.

"Kay Kian kaya tayo dumiretso?." suhestyon bigla ng katabi ko. Patungo kami ngayon sa istasyon kung saan sya nakulong. Sa main station ng lungsod ng Antipolo.

Lumunok ako. Ramdam ko ang pagdaan ng labi ng matalim na kutsilyo sa lalamunan ko. Ang sakit lunukin ng mga nangyayari. Tapos idagdag mo pa ang kumpirmasyon na sya ay involved dito. Di man direkta na sya ang may kasalanan sa pagkakakulong kay Papa. Sangkot na rin sya dahil ang Mommy nya ang dahilan ng lahat. "Sa tingin mo. Sya ang sagot dito?." pabalang kong sagot kay Aron.

He cleared his throat knowing that I'm not interested at his remarks. "Kung ang Mommy nya ang may kasalanan dito. Baka nga. Ang anak din ang sagot dito Karen.." he pointed out.

"Diba sabi mong, bago ako magpasya. Kailangan ko munang makita ang nangyayari sa paligid ko."

"Pero hindi ito ang panahon Karen.."

Ang gulo nya. Kailan kung ganun?.

"Nakapagpasya na ako Aron. Maghahanap ako ng ibang paraan. Wag lang sya." iling ko.

Sa pagdaan namin sa mahabang kalsada. Katahimikan ang bumalot na samin. Binuksan ko ang bintana para makahinga kahit sandali lang. Hating gabi na at ilang minuto na lamang ay, ala una na ng madaling araw.

Bago kami dumiretso sa aming destinasyon. Dumaan muna kami sa store para bumili ng kape. Kahit ang mainit na kape ay pait ang iniwan sa dulo ng dila ko dahilan para mainit akong sumugod sa loob ng station. "Karen?." tawag pa sakin ni Aron pero di ko sya pinakinggan. Imbes hinanap ko agad si Papa.

Mas lalong kumulo ang dugo ko ng makita ang taong bukambibig lang ng pinsan ko kanina. My teeth clenched. His deep brown set of eyes look straight at me. Sinalubong ko iyon with my fierry will to say what's on my mind. At isang mabilis at malakas na sampal ang binati ko sa pisngi nya. Pagkatapos nun. Tiningala ko sya. Nilulunok ang bawat kataga na naipon na sa lalamunan ko. I saw how his lips twisted. Wanting to say something but just like me. He refused. Sa galit ko ay mabilis akong humarap kay Papa, naluluha. "Papa?." mabilis kong kinapa ang kamay nyang handa ring yakapin ako. Subalit ang bakal na rehas na syang hadlang sa amin ay ang syang sumisigaw sa katotohanan na pilit naming iniiwasan. Ang nakulong sya at malaya ako. "Ano bang nangyari ha?. Bakit di mo to sinabi samin?. Kahit sakin lang sana.." humagulgol ako sa harapan nya. Kulang nalang halikan ko ang bakal na rehas. Humihiling na sana panaginip lang ito at matunaw sa bawat luha na bumabagsak sa kanya.

"Anak.. wag ka ng umiyak.. Ayos lang si Papa rito.."

"Hinde.. hinde eh.. hinde ka maayos. Animal ang taong gumawa sa'yo nito.." ang puso ko. Naglalagablab ang galit!. Kung pwede lang pumatay ng tao!. Kung pwede lang!!

"Huwag kang magsalita ng ganyan anak.." umiling ako sa kanyang sinabi. He held my hand and lift my head para masalubong ko ang paningin nya. Ang manggas ng damit ko ay parang dagat ng luha na umaalon ng malakas. Tinatangay ako. At si Papa ang pilit na hinihila ako sa tamang katinuan. "Papa is okay.." he even nodded. Wanting me to do it too. "Tahan na.." kahit ano pa atang sabihin nya. Hindi ako maniniwala na ayos lang sya. "Kian is here. Ang sabi nya. He'll help us.."

"No Papa. We'll never ever seek help to that family.."

"Pero anak.."

"Papa naman... diba sila din ang nagdala sa'yo rito?. Why seek help to them too?. Naglolokohon lang tayo rito kung ganun.." gusto kong matawa kahit may luha saking pisngi. Bakit sila pa?. Sila lang ba tao sa mundo?.

"Not all family members are same." sa likod ko ay nagsalita si Kian. Kinagat ko ng mariin ang dila para pigilan ang magsalita. Gusto kong dinggin ang mga irarason nya.

"Hindi nga ba?. Ha?." humarap ako sa kanya. Umaapoy ang mga mata kong tumingin dito.

"Karen, tama na yan.." pigil ni Aron sakin. He even hold both my shoulders para pakalmahin.

Buong lakas kong inalis ang kamay ni Aron sakin at lumayo sa kanya ng bahagya.

"Bakit ba lahat nalang kayo naniniwala sa kanya ha?. Aron, bakit?. Gusto kong maintindihan ang lahat. Huwag nyo naman akong gawing tanga.."

"Aron, iuwi mo na sya. Gabi na at magpahinga na kayo.." dinig ko si Papa dito. Aron move closer to me pero umatras ako.

May tinatago sila sakin. Alam ko. Meron. Ano iyon?. Bakit nila kailangang itago sakin?.

"Hindi ako matatahimik hanggat di naririnig ang dahilan nyo. Ako ba?. Ako ba ang dahilan kung bakit isinangkot si Papa dito ha, Kian!?." Ako ba?." kulang nalang masamid ako sa sariling laway sa gustong sabihin. Kingwa! Ganito pala ang pakiramdam kapag niloko ka ng mundo!. Magmumukha kang tanga!