Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 78 - Chapter 78: Goes on

Chapter 78 - Chapter 78: Goes on

Matapos ang payo na iyon ni Jaden. I choose to believe na tama nga sya't dapat hindi ako dumepende sa tao, like they control how my world would turn. Ako dapat ang driver at wala nang iba. Miyerkules, ay sinamahan ko si Bamby sa library kung saan lagi silang nagtatagpo ni Jaden. Nagtatago kasi ang mga ito sa mata ng nakararami lalo na kay Lance. Di ko nga alam sa kanila. Tipong obvious nang gustong gusto nila ang isa't isa ngunit di nila ito kayang ipaglaban. Ano bang dapat ikatakot?. Ang may masaktan?. Hindi ba normal na yata ang bagay na yun?. Ang may umiyak?. Kaakibat na yata ng buhay ang lumuha. Diba dun naman tayo nag-umpisa?. Pagkapanganak sa atin, kailangan nating umiyak para masabing nasa totoong mundo na tayo. Ang mapalayo lalo sa isa't isa?. Sa tingin ko, kaya naman iyan bigyan ng solusyon. Walang problema na walang solusyon. Lahat ng tanong ay may sagot. Walang, wala. Thursday. Itinuon ko ang sarili sa pagrereview sa darating na Regional Quiz Bee. Lunes na ito gaganapin at kailangan ko na talagang magsunog ng kilay.

"Girl, balita ko kay boy Jaden. Invited daw ang tropa bukas.." isiniko ito ni Bamby sa akin. We're both sitting on the table. Nangangalap ng mga kasalukuyan na balita.

Dapat pa ba akong magtaka sa sinabi nya?. Hindi na.

Di nga?.

Hmm.. Sige na nga. May kaunting parte sa akin ang nagtaka rin. Kasi nga. Kung ibig sabihin nya lang rin ang Tropa, iisa lang ang kahulugan nun. Kabilang ako sa imbitado. Tama ba ako?. Kasi iisa kami sa tropa. Hindi imposbleng hindi ako kasali.

"Pupunta ka?." Bamby asked this without waiting for my answers. "Kasi ako hinde." napatingin tuloy ako dito. Binitawan ko ang hawak na ballpen at isinarado ang notebook na nakabukas. Her eyebrows lit up. Para bang may gustong abangan sa akin. "Because you know what?." she continues.

"What?." kunwaring walang gana kong saad. I even bit my lower lip for me to stay still and not letting her read me. Malapusa pa naman mata nito. Maliit na bagay nagagawa nyang sagot sa nakakalito nyang tanong. Ganun sya katindi.

"Kasi ayoko lang. Hello girl?. Bakit ako pupunta hindi ba?. Sabihin nya muna sakin dahilan nya para pumunta ako. Ganun kasimple."

Napapikit ako. Maloloko pa kaya ng iba ang taong ito?. Ang lupit nya besh. "Besh naman. Kasal nga ang dahilan kaya kayo imbitado diba?. Bakit naghahanap ka pa ng dahilan?." I'm just curious kung anong isasagot nya rito. Gusto kong marinig. I want to savor whatever she'll say.

Gaya ng nakaugalian nya. Umusli bahagya ang pino at mapula nyang nguso. "Ano ka ba?. Hindi mo pa ba alam ang sagot?." Tinampal nito ang braso kong walang ibang ginawa kung hindi ang magpahinga sa itaas ng mesa. Ninanamnam ang malamig na klima sa loob. Nagkibit balikat lang din ako. Ano ba kasi?. Hindi mo nga ba talaga alam Karen?. Hindi nga!. Kulit!. "Kasi, ayoko sa mga taong manloloko, maggagamit at gago. Iyon lang."

Iyon lang?. Seryoso ba sya?.

"Oh?. Ano yan ha?." takang tanong nito sa binigay kong itsura. Buntong hininga. "Wag mong sabihin na may hinihintay ka pang mas malalim na dahilan?." maingat naman akong tumango. Di sya makapaniwalang umiling saka tumawa ng mahina.

"Naisip ko lang din kasi. Kung tropa ang inimbitaban nya, ibig lang sabihin nun, kabilang ako sa inaasahan nya?." himig ko. Sa bintana ako tumingin. Ngayon ko lang natanto na hapon na at makulimlim ang paligid. Anumang oras. Bubuhos na ang malakas na ulan.

"Magmumukha kang tanga kung iisipin mo pang pumunta Karen." di na ako nagulat sa pagiging seryoso nito bigla. Ito ang gusto ko pa kanina eh. Ang malalim nyang salita na bihira ko nang mahanap sa iba. Tanga talaga?. Grabe sya! Prangka talaga kung prangka eh! Di man lang nya naisipang magpreno!. Hays.. Ang sabi mo. Yan ang gusto mo e. E di namnamin mo na. Heck! "Grabe! Hindi pala tanga ang akmang bansag sa'yo kung ganun man. Isa kang napakalaking martir sa buong lambak ng Antipolo. Isipin mo. Niloko ka na't lahat. Ginamit. Ginulo. Ano pa nga ba ang kulang para matauhan ka?. Ang sabihin sa'yo na kabit ka?. Lastima Karen! Tama na!."

"Paano naman Bamby kung may malalim syang dahilan para gawin ang bagay na hindi nya kaya?." Diba?. Hindi ba marami iyon sa drama sa tv?. Bakit kaya hindi pa rin mawala sa akin ang magtiwala sa kanya?. Anong ginawa nya para paniwalaan ko sya ng ganito?.

Posion?. Psh! Nonsense!. As if may ganyan pa dito sa modernong panahon.

Sige lang Karen. Gumawa ka lang ng bagay na makakasakit sa'yo. Kahit paulit-ulit pa ito. Wala kang ibang bagsak kundi ang masaktan sa huli. Tanggap mo ba ang bagay na yun?.

"At ano naman iyon aber?."

"Di ko alam.." totoo. Hindi ko naman alam. Wala akong alam, sa totoo lang. But I have this gut feeling na may ginawa nga sya. Ang tanong. Ano iyon?. At bakit?.

"Basta. Walang pupunta bukas. Tapos." pinal nyang desisyon.

"E ang boy Jaden mo? Best friend sya diba?. Sya din ba best man?."

"Nah!. Dati ko syang sinabihan tungkol dito. If ever man na gawin syang best man ng lintik na lalaking iyon. Di ko na sya kakausapin hanggang pag-alis namin."

Paalis na kasi sila ng pamilya this coming week. Sa Australia na sila titira kasama ng Papa nya. Nalulungkot ako sapagkat malalayo na sa susunod na mga araw ang taong nagbibigay sakin ng opinyon na di ko kadalasan inaasahan. Kasi kung si Winly ang joker ko. Sya naman ang teacher ko. She has this wisdom na akala mong marami na syang napagdaanan na sakit sa mga payo nya.

"Hindi kami pupunta." Jaden suddenly appear to our table. Kasama nito sina Aron, Ryan, Lance at Bryle. Naupo ang iba sa kabilang mesa at tahimik na nag-uusap. "Sino sya siniswerte?." si Lance ang nagsalita nito.

"Bat naman di kayo pupunta?. You know. I know. Boys will forever be boys. Duh?." siring ni Bamby sa kapatid. Tumaas ang isanv kilay ni Lance.

"Hmm.. of course you know boys will be boys but you didn't know. Boys are boys. Once na nag-usap kami about certain things. Lalo na sa decision making. We are one." dahilan naman ni Lance.

"Oo na. Oo na. Lalo na kapag ang usapan nyong nasa gitna ng table ay seksing babae diba?."

"Psh! Cut it off lil sis. Kahit anong sabihin mo, di namin susuportahan ang lalaking kayang sumira sa reputasyon ng mga katulad naming lalaki."

"Talaga?. Ang tanong. Kaya nyo rin bang iwan basta sa ere ang isang Kian Lim?. Hmmp?." natahimik si Lance. "Kasi kung kami man. Syempre. Hindi ang sagot namin. Kaso alam nyo naman na ang sagot. Magiging kawawa lang ang isa dyan. But you guys are exemtional. Kaya nyong umatend kahit wala kaming alalay nyo na mga babae."

They still insist na they need us girls. Na di rin daw sila aatend kung wala kami. Tsk. Bahala sila. It is, what it is. Pumunta man sila o hinde. Di ako magagalit. Pipilitin kong intindihin ang bagay na kumplikado para sakin. Life goes on kahit gano pa ito kabigat o kahirap. Laban lang.