Choice
Hindi nga ako nagkamali hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Paano tuwing pipikit ako naiimagine ko yung ginagawa nung dalawang tukmol na yun. Ayan tuloy...
"Girl laki ng eyebags natin ah balak mo ibenta" pang-aasar ni Cara
"Manahimik ka nga" iiling iling siya saakin habang natatawa.
"Cara bilisan mo mauubusan na tayo ng lamesa." hila hila ko si Cara dito sa canteen lumipat kami ng ibang table kasi gusto kong iwasan sina Graye at Colton. Tuwing nakikita ko sila puro lumot ang utak ko.
"Bakit naman kasi tayo lilipat ng table? Doon na tayo sa dati.... Ash naman eh mga pang lonely dito tingnan mo ang tahimik doon sa dati nating table masaya." hindi ko mapigilang mapairap sa sinabi niya, for sure masaya kasi doon makakasilay siya.
"Ayan dito na lang tayo," sabi ko kay Cara habang pilit siyang pinapa upo.
"Hala Miss saaking upuan yan" napatingin ako sa nagsalita, isang lalaking nakaplain blue shirt, faded jeans, converse shoes and glasses. OKAY.... Mukha siyang belong sa mga lonely pero cute naman.
"May pangalan mo ba to? Ikaw ba may-ari nitong lugar?" tanong ko sakanya, hindi siya sumagot at nalilitong tumingin lang saakin
"Hindi diba? So technically hindi SAYO to so pwede kaming umupo dito MR." may diin kong sabi sakanya. Hindi na siya sumagot at umalis na lang pero maya mayang tumitingin sa table namin.
"Ano ba yan ang HARSH" sabi ni Cara na inirapan ko na lang.
Ganoon ang naging set-up ko hanggang matapos kami sa 3rd year, magtatago kapag nakikita ang isa man sa dalawa sa tukmol, iiwas kapag nakasalubong sila, sinisigurado kong hinding hindi magtatagpo ang landas naming tatlo.
"Congrats ASHANTI! Ikaw pa din ang number one sa buong batch niyo." pagbati saakin ni Cara
"Congrats Ash"
"Galing mo Ash"
"Nice one Ash"
"Thank you."
Ngayon ang tapos ng school year namin. Naka survive ako sa buong 3rd year ko ng hindi nakikita sina Graye at Colton.
"Shanti" napalingon ako sa tumawag saakin. Nakita ko ang lalaking may dalang dalawang bouquet ng bulaklak, napangiti ako at yinakap siya.
"Thank you Arvin" sabi ko sakanya
Remember yung guy sa canteen before si lonely guy? Yep si his name is Arvin pagkatapos kasi ng encounter namin sa canteen nasundan pa yun ng ilang beses kaya habang tumatagal naging kaibigan namin siya ni Cara.
"Ano saan tayo?" tanong ko kay Cara at Vin habang inaakbayan ko silang dalawa.
"Sa bahay niyo," sabay nilang sabi dalawa. Right sa bahay ipagluluto nga pala kami ni mama.
Cara is a BS Psychology, Arvin he's taking BS Information Technology while me on the other hand is a BS Accountancy, same year lang din kami so next year graduating na kami.
Papalabas na kami ng school ng akala ko sa buong taon ko sa 3rd year hindi ko na sila makikita pa but I guess fate really surprise us sometimes dahil sa harap ng gate nakatayo at magka hawak kamay sina Hannah at Graye habang sa may bandang gilid naman ay si Colton nakasandal sa mamahalin niyang sasakyan habang may akbay na babae.
Kung dati naba-bother ako this time.. I am making a choice, to forget everything that I saw that day narealize ko kasi na there are memories that only you knew and things that only to you matters, wala naman silang pakialam, kung may naka kita sakanila or nakarinig sa ginagawa nila, so why would I care too right?
"Tara na" sabi ko sa dalawa habang hinihila sila papunta sa sasakyan ni Arvin.. Yes may sasakyan si Arvin itong si Mr. Lonely Guy eh high profile din pala pero gusto niya secret lang..
"Okay guys off we go" sabi ni Arvin at nagtawanan na lang kami.
"Ija, hindi ka pa ba papasok?" tawag saakin ni mama, right natulala nanaman ako, ang tagal ko na palang nandito sa labas.
"Papasok na po" sagot ko kay mama habang sinasarado ang gate
Pagkapasok ko sa loob naabutan ko si mama na hinahanda ang lamesa.
Habang kumakain kami ng agahan pasulyap sulyap si mama saakin, itinigil ko muna ang pagkain.
"Ma ano yun? sabihin niyo na." sabi ko kay mama habang tinititigan siya.
"Ija kasi... Sila Graye at Colton.... Ano kasi.. Kelan ka ba mamimili sakanila? Ang ibig kong sabihin anak, may balak ka bang sagutin ang isa sakanila? " sabi ko na nga ba ito ang itatanong ni mama saakin
Hindi ko sinagot si mama at pinagpatuloy na lang ang pagkain pero ramdam ko pa rin ang sulyap ni mama hanggang matapos akong kumain.
Dumiretso ako sa kwarto pagkatapos at nahiga sa kama habang tumititig sa kisame. Iniisip ko din ang tanong ni mama kanina, alam ko na naman kung sino pipiliin ko pero nalilito pa din ako dahil alam kong hindi pa ako sigurado.
"Nalilito ka pa din.." napatigil ako
"Shanti ang tagal mo namang mamili" sabi ni Arvin
"Oo nga akala mo bibilhin niya lahat isa lang naman" panggagatong naman ni Cara nandito kaming tatlo ngayon sa mall bakasyon kasi at since walang pasok naisipan naming mag gala gala muna.
"Pwede ba wag kayong epal may hinahanap kasi ako"
Nakita ko na. Pero hindi ko pa man nahahawakan may nauna na. Napatingin ako sa taong nagmamay ari ng kamay na humawak sa librong gusto ko. Natigilan ako, pagkakataon nga naman.
"Hannah?" sabi ni Cara
Napatingin sakaniya si hannah tila nagulat kung paano siya nakilala.
"Hannah Serrano ikaw nga.. Yung ComArts Major" pag uulit pa ni Cara habang sinisiko na siya ni Arvin.
Nginitian lang siya ni Hannah at umalis na bitbit ang librong hinahanap ko simula pa kanina. Tinititigan ko pa din ang paalis niyang likod nang bigla siyang huminto at may nginitian nang lumingon ang kasama niya it was Graye.
I almost forgot sila nga pala. At kamuntik muntikan ko nang malimutan. Na ang kalimutan lang ang nakita ko nung araw na yun ang naging choice ko hindi ang gustuhim siya kahit sa malayo.
"Tara na Ash hanap na lang tayo ng iba malay mo may ibang pwedeng choice diyan" sabi saakin ni Cara while giving me a smile that reminds of how cruel reality is.
May mga taong sila ang tanging pipiliin mo wala nang ibang choices pero sila ni hindi ka man lang nila makita o masulyapan man lang.