Versus
"Ang aga aga andito na kayo... Day off ko dapat ngayon. Day off.. Meaning wala dapat stress." sabi ko sakanila habang naka-taas ang isang kilay ko at nasa bewang naman amg mga kamay ko.
Tinitingnan lang nila ako, yung tingin na parang sinasabi nilang kahit anong gawin ko hindi ko sila mapapa-alis.
"Pumasok na nga kayo, sige na bilisan niyo na bago pa magbago isip ko." pagkasabi ko nun nag-unahan na agad sila sa pag-pasok, nagbubungguan pa akala mo mga bata. Napapailing na lang ako sa mga pinagga-gawa nilang dalawa.
Nauna pa sila saakin sa loob haynako. Sinarado ko muna ang gate bago ako pumasok, pagka-pasok ko naabutan kong naka-upo si Colton at Graye sa mahabang sofa. Mga feel na feel at home. Talaga naman.
"Nailagay ko na sa table yung pancakes."
"I already put the pandesal sa table niyo." sabay pa nilang sabi.
"Flowers."
"Flowers for you" nagkatinginan na silang dalawa dahil sabay nanaman silang nagsalita. Ano choir ba sila? Synchronized eh.
"Thanks" sabi ko habang tinatanggap ang mga flowers na bigay nila. Graye gave me blue tulips while kay Colton naman is blue roses.
"Bakit nga pala ang aga aga niyo.. 5am pa lang po."
Walang nagsalita sakanilang dalawa. Nagkatinginan sila parang nag hahuman kung sino ang mauunang magsasalita.
Magsasalita na sana ako ng may narinig na akong yapak ng taong pababa sa hagdanan. Eto na nga bang sinasabi ko.
"Mga ijo!" at yan na nga ba si mama gising na. Dagdag sakit sa ulo nanaman ito.
"Ma! Ang aga aga ah!" pasigaw kong tawag kay mama dahil paniguradong hindi nanaman niya titigilan itong dalawa.
"Come on ija, binabati ko lang ang mga manliligaw mo ang gandang bungad sa umaga. Nakapag breakfast na ba kayo? Anong gusto niyo?" si mama talaga, paano ko mapapa alis ang dalawang ito kumg balak pa atamg dito paka inin ng umagahan.
"Ma hindi sila dito kakain. Aalis na din sila. Diba?." may diin kong sabi habang pinanlalakihan sila ng mata
"Opo tita aalis na din ako, I still have work to do." sabi ni Colton
"No, salamat na lang po may pupuntahan pa po ako." sabi ni Graye
"See Ma, aalis na sila" sabi ko kay mama habang tinutulak na palabas ang dalawa.
Nung nasa labas na kami ng gate hindi ko na napigilang kurutin sa tagiliran ang dalawang tukmol na ito.
"Ouch," Colton
"Aray," Graye
"Sa susunod wag kayong pupunta dito ng ganito kaaga at please lang pagpahingahin niyo naman ako." seryoso kong sabi sakanila. A little rest from the two of them would be a really great help.
Hindi na naman sila nakipagtalo at umalis na din naman kaagad. Habang tinitingnan ko ang papalayo nilang mga sasakyan napapaisip ako na sana pala tinanaw ko na lang sila mula sa malayo noon para hindi na ako nahihirapan ng ganito.
"Girl tulaley ka nanaman diyan... Alam mo kahit tumulo pa laway mo hindi ka mapapansin niyang si Graye kita mo nga mahal na mahal niyan si Hannah." sabi ni Cara habang pinagduduldulan pa talaga saakin kung gaano kasweet yung dalawa, paano ba naman kahit na nasa canteen ang tamis masyado nagsusubuan pa at may papunas punas pa sa labi.
"OMG Ash! Papasok na siya sa canteen! Tingnan mo bilis." hini hila hila pa ni Cara ang damit ko muntik na tuloy akong matapunan ng juice.
"Sino ba kasi yun?" inis kong tanong sakanya habang pinupunasan ang table namin buti talaga hindi sa damit natapon.
Habang nagpupunas ako ng table nagsisimula nanaman ang mga bubuyog dito sa campus napairap na lang ako. Bubuyog sila kasi sila ang mga tahimik na admirer ng nag iisang dakilang masungit dito sa Campus... Yep tahimik kasi naman po ang crush nila ayaw sa maingay.
"Ang gwapo talaga ni Colton"
"Kay Colton talaga ako"
"Si Colton walang jowa, akin na siya"
"Ang HOT!"
Ganyan at marami pang iba ang mga binubulong bulong nila o bulong ba talaga iyon? Kas naririnig ko pa din sila eh hello limang table ang layo ko sakanila mga lola loka.
"Ay shemay... CASSANDRA" kakasabi ko lang kanina na buti na lang hindi ako natapunan eto na nga hindi ako natapunan ng juice softdrinks naman paano ba naman kasi niyuyugyog na ako ni Cara isa din kasi siyang dakilang bubuyog. Kairita.
"Diyan ka na nga muna kukuha lang ako sa locker ng damit." sabi ko,
"Huh. Sige" iniwan ko na siya doon dahil mukhang occupied nanaman ng kung sino ang utak niya.
Lagot ako nito kay mama sesermonan nanaman ako. Nang makarating ako sa locker ko hindi ko pa nabubukasan ang lock may naririnig na akong ingay nagpalinga linga ako sa paligid baka may kung sino nang naaksidente pero winaksi ko ang thought na yun dahil may kwarto nga pala sa tabi ng locker room.
Napahinto ako sa pagbukas ng locker ko dahil sa kung ano anong kalumutang pumapasok sa utak ko myghad ito napapala ko kakasama kay Cara eh, pero dahil curious akong tao pagkakuha ko mg damit dahan dahan akong naglakad papuntang kwarto habang palapit ako ng palapit, palakas din ng palakas ang ingay.
"Ano ba yun?" tinabunan ko kaagad ang bibig ko nang marealize ko na napalakas nang boses ko
"Graye.... Mmm there there" napahinto ako at nanlaki ang mata ko sa narinig Gray daw? Dahil nacu-curious na ako nilakasan ko na ang loob ko na sumilip..
Totoo ba to? What the.. Nastock na ata ang mga paa ko sa nakikita ko hindi ko alam kung tatakbo ba ako or tatabunan ko ang mga mata ko. Si Graye at si Hannah they're groping each other while kissing like there's no tomorrow nakabukas na din ang tatlong butones ng suot na polo ni Graye habang nasa loob ng damit ni Hannah ang mga kamay niya.
Sa sobrang gulat ko tumakbo ako ng hindi lumilingon at dahil naka heels ako...
"May tao," narinig ko pang pagpa panic ni Hannah bago ako makaliko sa may bandang restroom.
Mabuti pa magpalit na ako baka sakaling malimutan ko ang nakita ko pero hindi pa nga ako tapos magulat sa nakita ko kila Graye at Hannah pagpasok ko ng Cr isang ingay nanaman ang naririnig ko..
At sa isang cubicle hindi ko man nakita ang ginagawa nila alam na alam ko na sa pangalang binabanggit pa lang.
"Colton," tawag ng babaeng humahalinghing kasabay ng pagkalabog ng dingding kung nasaan sila.
Habang pauwi nagku kwento si Cara kung paanong naiinis daw siya dahil di man lang niya nasilayan ng malapitan si Gray at kung ano ano pa. Kung alam niya lang.
Nasa gate na kaming dalawa nang makarinig ako ng tilian isa lang ang ibig sabihin nito palabas na sila. Di ko napigilang lingunin sila at sa pagharap na pagharap ko hindi mga mukha nila ang nakita ko kundi ang mga kababalaghan nila kanina.
Naloko na hindi ata ako makakatulog nito....