Chereads / Come Back To Me / Chapter 31 - Passed Out

Chapter 31 - Passed Out

Napabalikwas ako ng bangon nang mapansin na wala ako sa sarili kong room. Agad naman akong napahawak sa ulo ko dahil sa biglaang paggalaw, medyo nagpapanic ako dahil wala akong maalala sa nangyari kagabi. Chineck ko ang sarili ko, nakabihis na ko ng black sweatshirt.

Pinipilit ko talagang maalala pero lalo lang sumasakit ang ulo ko. I think nasa condo ako ng lalaki sa scent pa lang ng room and sa color nito ay panlalaki talaga. And I'm not really familiar sa room na 'to, so maybe someone's helped me yesterday dahil sa pagiging wasted ko.

"Ugh fuck that alcohol! I'll never do that again!" napasabunot ako sa sarili ko dahil sa frustration. Pinabayaan ko na naman yung sarili ko na malasing, and I think ganon din sila Joana.

Napalingon ako sa pintuan nang may pumasok na poging lalaki. Well, pogi talaga siya lalo na kapag nakasmile.

"Gising ka na pala! Are you okay?" may hawak itong tasa na tingin ko may lamang soup, sa kabilang kamay naman nito ay may hawak na coffee.

"Who are you? you look so familiar!" sinundan ko siya ng tingin palapit sa side table at pinatong ang pagkain.

"I'm Axel remember?" umupo ito sa paanan ko at tinaasan ako ng kilay.

Nakatitig pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon, hindi dahil sa napopogian ako. Sobrang familiar niya lang talaga at pilit kong inaalala.

"Omg! ano ginagawa ko dito? wala namang nangyari? where's my friends? are they okay? what happened yesterday?" I heard him chuckle na ipinagtaka ko.

"Wait muna! naalala mo na ba ako?" nakangiti pa din ito hanggang ngayon, seriously hindi ba siya nangangalay ngumiti? I mean maganda naman ngiti niya pero legal pa ba yan? I don't know kung nasabi ko na 'to hay.

"Actually yes! you're the guy na kausap ko! yung ayaw mag girlfriend diba?"

"Right! it feels so good na naaalala mo pa ko" ngumiti ito ay pinat ang ulo niya. "First, wala namang nangyari satin or kung ano mang iniisip mo na censored. Second, okay lang ang mga kaibigan mo"

"Eh bakit ako nandito? anong nangyari?" kunot noo kong tanong.

"You passed out, buti nga gumising ka pa" humagalpak agad ito ng tawa kaya kinuha ko agad ang unan na nasa tabi ko at hinampas sa pogi niyang mukha.

"Pucha! Masakit ha! Bahala ka hindi ko sasabihin say- aray naman!" tumigil na ko dahil nakakaawaa naman pero bago yun ay bumelat pa ko.

Sumenyas naman ako na ipagpatuloy niya, kaya huminga muna siya ng malalim bago ulit magsalita.

"Nung nawalan ka na ng malay pumunta ako sa pwesto niyo and lahat kayo passed out na din, so I have no choice. Ihahatid ko na sana pati sila kaso may mga schoolmate pala kayo na kasama, na medyo okay pa. So sila yung naghandle sa friends mo. Tapos ikaw naman hindi kita magising, hindi ko alam kung saan ka nakatira so yeah" nagkibit balikat pa ito.

"Paano mo ko napaltan ng clothes?" sana lang talaga wala 'tong ginagawang masama kundi hindi ako magdadalawang isip na sakalin 'to.

"Don't worry wala akong ginawang masama sayo. Kung makatingin ka akala mo naman papatayin ako. By the way niremove ko muna yung make up mo sa mukha, tapos pinatay ko yung ilaw para mapaltan na kita ng damit. That's it, so stop your killer look"

Natawa naman ako kaniya, nahalata ko kasi na talkative siyang tao sa way pa lang ng pag-eexplain nito ay parang nagkukwento na.

"Why are you laughing? something's funny on what I've said? I'm not kidding okay?" kunot noong tanong nito.

"No! you're just cute" tinarayan naman ako nito dahil hindi talaga ako makapagpigil ng tawa.

"Kumain ka na nga diyan, after mo mag-eat maligo ka na. Bumili ako ng clothes mo" sabay turo nito sa sofa kung saan nakalagay ang mamahaling brand ng damit.

"Aww you don't need to buy some clothes for me" natouch talaga ako huhuhu, He's so thoughtful. "By the way thank you so much! libre kita next time ha?"

"Whatever, but you don't need to treat me. Hindi ako humihingi ng kapalit. Just eat your food. Aalis ako maya maya at isasabay na kita" ginulo pa nito ang buhok ko at umalis na din.

Hay swerte talaga ng magiging asawa ni Axel! Bakit napakabait non! pogi na nga mabait pa. Lord sana all.

Well, medyo magaan naman ang pakiramdam ko ngayon. Wala namang gumugulo sa isip ko, siguro mamaya kela Drake gugulo na naman. For sure nandun si Ethan.

Tatanungin ko si Drake later, why he didn't tell me about his cousin. Hindi yung magugulat na lang ako bigla na sobrang malapit pala sila sa isa't isa. Kailangan kong mag-ayos ng maaga. six o'clock dapat nandun na ako, seven kasi dapat kumpleto na. Hindi man halata pero strict ang mga Anderson pagdating sa mga oras.