7 am pa lang ay agad akong dumeretso sa cr para maligo at makapagready na sa pag jogging. Naalala ko din kasi na sasamahan ako ni Ethan mamaya sa gym.
Nagsuot lang ako ng black sports bra, black leggings, and balenciaga rubber shoes na color white and black. Napatingin ako sa salamin at ngumiti masasabi kong mas masaya ako ngayon dahil sa pagpayag ni dad na tumira sa condo ko.
Inayos ko ang buhok ko sa pony tail para hindi sabog mamaya habang nag eexercise.
Pagtingin ko sa orasan ay 8 am na, dali dali na kong bumaba para I have 1 hour to jog pa, bago pumunta sa gym kung saan kami magkikita ni Ethan.
Pagbaba ko ay agad akong nagsimula, may lugar kasi dito na maraming tao ang nagjojogging.
Nagpahinga muna ako pagkatapos ng 30 minutes na pagtakbo, nagpunas ako ng pawis at umupo sa malapit na bench. Pinagmasdan ko ang paligid. Makakakita ka ng iilang pamilya na sama samang tumatakbo at nakangiti doon pa lang makikita mong masaya sila, may mga mag isa naman kagaya niya, may matatanda, at magjowa na sabay tumatakbo.
Masarap sa pakiramdam ang hangin dahil sa mga punong nakapaligid sa lugar na ito, balak niya sana sa UP Diliman magjogging, kaso isang oras lamang sya pwedeng manatili doon.
Naiisip niya na kung nandito ang mommy at daddy niya mas magiging maganda ang pakiramdam niya, mas magiging masaya pa sya. Kaso alam niya sa sarili niya na hindi na muli maibabalik ang nakaraan, napangiti na lang siya sa mga ala alang hindi niya malilimutan. Hindi niya namalayan na nag uunahan na sa pagtulo ang mga luha niya.
"Ang pangit mo naman umiyak" natatawang sabi ng lalaking hindi niya naman makita dahil nakayuko siya. May inabot na puting towel ito sa kanya.
"Seriously bakit itong lugar pa ang pinili mo para umiyak?" inosenteng tanong ng lalaking hindi niya naman nakikita. Nag-angat sya ng tingin dito at automatic na nanlaki ang mata niya, dahil ang lalaki nasa harap niya ay siyang magiging asawa niya. sa future.
"Ano ginagawa mo dito, akala ko sa gym tayo magkikita? anong oras na ba?" sunod sunod na tanong niya habang nakakunot ang noo. Nagulat naman siya ng punasan ni Ethan ang mga luha niya gamit ang towel nito.
"Hindi na importante yon" nakangiting sabi nito, at alam niya sa sarili niya napangiti din sya sa magandang tanawin. Umiling na lamang sya.
Hinila ng lalaki ang kamay niya dinala siya sa bilihan ng ice cream. Kaaga aga ice cream agad ang kakainin niya samantalang wala pa siyang kinakain, pero okay na din yon pampagaan ng loob.
"Kuya dalawang cookies and cream." "Maze okay lang ba sayo ang cookies and cream or gusto mo ng strawberry and chocolate? hindi ko kasi alam ang paborito mong flavor ng ice cream eh" nahihiyang sabi nito at nagkamot ng ulo. Tumawa siya ng mahina at tumango.
"Oo naman paborito ko ang napili mong flavor, nice choice dude" tumawa ulit siya at tumingin sa mata nito.
Ngayon niya lang napansin ang suot nito. Nakahoodie na black, gray sweatpants at white rubber shoes. Kahit simple lang ang suot ng binata ay bagay na bagay pa din dito.
"Ganon ba? parehas pala tayo" nahihiya pa din ang lalaki habang sinasabi ito. Kinuha na nito ang binili para sa kanilang dalawa at binigay sa kanya ang isa.
Maya maya ay hinubad nito ang hoodie at binigay sa kanya. Natira na lang dito ang plain white t-shirt.
"Wear this Maze, pinagtitinginan ka ng mga lalaki dito. Alam mo namang madaming tao dito at mag isa ka lang mamaya may mambastos pa sayo." nakasimangot na hinablot niya ito.
"K fine! i'm sorry sanay lang ako ng gantong suot kapag nagjojog" nakasimangot pa din ang lalaki, hindi niya naman alam kung ano pinuputok ng buchi nito.
"Basta next time wag ganyan isuot mo, I mean yeah it's okay to wear that kind of clothes pero wag kapag mag isa ka. Magsuot ka lang niyan kapag may kasama ka, okay?" concern na tumingin ito sa kanya. "ayoko lang na bastusin at mapahamak ka"
Ngumiti na lamang sya at tumango.
Nung una ay medyo nainis siya sa inasal nito, dahil ayaw niya na may nagbabawal sa mga susuotin niya. But she get his point, so she understand and listen to him.
Umupo ulit sila sa bench na inupuan niya kanina, nakatingin lang sa malayo kung nasaan ang mga bulaklak at nagtataasang puno. Paborito kasi ni Nats ang mga ganoong tanawin, lalong lalo na ang sunset at moon.
"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Ethan "hindi ko alam kung bakit ka umiiyak kanina pero you can tell me everything if you don't mind, you can trust me" hindi niya namalayan na kanina pa pala ito nakatingin sa kanya.
"Okay lang naman ako" ngumiti ako sa kanya para ipakitang totoo ang sinasabi ko. "namiss ko lang si mommy, wala na kasi siya eh. Naalala ko lang din yung mga masasayang ala ala namin kasama si dad" malungkot akong napatingin ulit sa mga bulaklak.
"But I'm happy hindi ko lang talaga maiwasan maisip yung mga ganoong bagay". Nakita kong nakatingin sakin si Ethan senyales na nakikinig nga ito sa kanya, lihim siyang napangiti.
"Look Maze, ganoon naman talaga diba? you can't erase those memories in your mind, may mga panahon o araw na maiisip mo siya pero marirealize mo na maswerte ka pa rin dahil naparamdam sayo ang totoong pagmamahal. Other people can't stay in your life but the memories with them? it'll stay. Imbes na maging malungkot ka, be happy that's what you deserve." ngumiti ito sa kanya.
"I know your Mom, proud na proud yun sayo, at nahihirapan din siyang makita ka na laging malungkot. Kaya ngiti lang lagi ha? And you can make another memories with your friends and your dad, yung mas masaya, yung kasing saya kasama si tita"
Nakatingin lang ako kay Ethan I can see the sincerity in his eyes, and I find my self smiling. I don't hesitate to hug him. Mukhang nagulat pa ito, pero maya maya ay yumakap din sakin. Dahan dahang hinahaplos ang likod ko.
"Everything will be fine, okay? and I know lagi kang malungkot o mabigat ang pakiramdam mo, but from now on i'll be with you through it all" kumalas na ito sa pagkakayakap ay hinawakan siya sa braso.
"I'm always here Maze, And God always there for you" hindi naaalis ang mga ngiti ni Ethan habang sinasabi ang mga yon. Dahilan para yakapin ulit ito.
"Thank you Ethan, thank you" naiyak na siya sa dibdib nito. Maya maya ay hinarap siya ni Ethan at pinunasan ang mga luha niya gamit ang sariling kamay nito.
"Don't cry Maze, I'm here"
"Saglit nga! hindi na ba tayo maggi-gym??" inayos niya ang kaniyang sarili pati ang buhok. Sigurado siyang ang pangit niya tignan kakaiyak. Hindi ata nakatulong ang ice cream sa pagpapagaan ng loob niya.
"Hindi na, magpahinga ka na lang. Sa ibang araw na lang tayo maggym" seryosong sabi nito habang pinapanood siya mag-ayos ng buhok.
"Maligo ka na and mag-ayos ka na din kung saan ka comfortable. Puntahan na lang kita sa condo mo, then let's bond in the nearest mall. Mukhang wala ka din namang gagawin bago pumunta kela William"
Hindi pa nagsisink-in sa kanya ang mga sinabi nito ay agad siyang hinila pabalik sa building. Nakaramdam siya ng inis dito kaya pumiglas siya, madali kasi siyang magalit kapag gutom. Nagtataka naman ang tingin ni Ethan sa kaniya.
"Kain muna kaya tayo, noh? kanina pa ako hindi kumakain tapos nagjog-" hindi niya na naituloy ang gusto sabihin dahil bigla itong napahalakhak ng malakas, sa sobrang lakas ay napapatingin sa kanila ang ibang tao.
Hinampas ni Maze ang braso nito, dahil sa kahihiyan, nakukuha kasi ng lalaki niyang kasama ang atensyon ng ibang tao. Walang paalam na hinila niya ito papunta sa building, she decided to cook in her condo, tutal nakapamili na rin siya ng mga pagkain.
Pagpasok sa condo ay dun palang tumigil sa kakatawa ito. And again nagtataka na naman ang mga tingin nito. Naiinis pa rin siya dahil habang papunta sila dito ay natawa pa din.
"Bakit tayo nandito? akala ko kakain muna tayo. Don't tell me magluluto ka?" hindi niya napigilang ngumiti dahil sa reaction at nagsasalubong na kilay nito, kahit na nakasimangot pala ito ay pogi pa din. Umiling na lang siya sa naisip.
"Hoy Ethan, marunong ako magluto noh! mas magaling pa ko sa chef namin, saka wala akong dalang wallet kanina. Nakakahiya naman kung ililibre mo na naman ako" she rolled her eyeballs.
"Assuming mo Maze bat kita ililibre sapat na yung ice cream noh, ano ka chix" nang-aasar na ngumiti ito.
"Whatever Ethan just sit down at manood na lang ng movie sa sala" natatawa niyang sabi dahil sa biro nito, dun niya narealize na hindi nagtatagal ang inis niya sa lalaki.
Hinanda niya ang mga ingredients ng adobo. That's her favorite food, kaya yon ang naisip niyang lutuin para sa kanilang dalawa ni Ethan. Habang hinihintay na lang itong maluto, sinilip niya ang lalaking komportableng nakaupo at nanonood ng action movie.
Naghiwa din siya ng green apple. At nagtimpla ng juice.
"Ethan kain na! patayin mo na yan" tawag niya sa binata agad naman itong sumunod sa kanya.
"Wow ang bango naman ng adobo mo aling Maze" nang-aasar na ngumiti na naman ito sa kanya.
"Aray ko naman!" sigaw nito binatukan niya kasi ito ng mahina dahil sa pang-aasar nito. "Ang arte mo Ethan! ang hina hina nun eh" tumalikod na lang siya at naghain.
"Masarap ka pala magluto eh, minsan lutuan mo ko ha? tapos magbabaon ako" seryoso nakatingin ito sa kanya, tumango na lamang siya. Kahit papano ay masaya siya sa sinabi nito. Nagulat ito ng biglang sumigaw si Ethan.
"Yessss! thank you!" tumawa na lang siya at umiling para kasing bata kung umasta ito. At isa pa mabilis magbago ang expression nito. Bipolar ata.
Hindi mapigilan ni Maze isipin ang ugali ng lalaki. Napaka thoughtful at open minded nito, matalino, minsan seryoso at mahilig mang-asar. Pero ang pinakakinakatuwa niya ay ang pagiging isip bata nito minsan.
Dahil sa kakulitan nito, silang dalawang ang naghugas ng pinagkainan nila. Kaya hindi maiiwasan ang pagkukwentuhan at tawanan sa loob ng kusina.
Napansin niya na napatingin si Ethan sa orasan. "11 na pala, ang bili ng oras. Una na ko Maze mag-ayos ka na din ha? 12 kita susunduin dito." nagmadali itong lumabas ng kitchen. Tumango na lamang siya at sinundan ito.
"Ready na ha? this is the first time na magbobond tayo and i'll make sure na mag-eenjoy ka." kumindat ito sa kaniya dahilan ng pag ikot ng mata niya
Bago lumabas ay may sinabi pa ito sa kanya.
"or parang maganda if I call this as our first date? hmm that's better. k bye Maze" nagmadali na itong lumabas.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito "yeah first date is better than the first bond nice Ethan."
————————————————