"Ang alin?"
"Don't wear that kind of clothes kung magpapaiwan ka din naman sa mga kasama mo" seryoso itong nakatingin sa kaniya.
Okay binabawi niya na ang sinabi niya na bumabalik na ito sa dating Ethan.
"Okay" ngumiti siya at tumango.
"Let's go home, it's already 3 am" tumayo na ito at binigay sa kaniya ang bag na pinaglalagyan ng mga damit niya.
"Magbihis ka muna" hinila na siya nito sa cr at inabot sa kaniya ang bag.
Nagmadali na siyang magbihis ng extra clothes na dala at nag-ayos kahit papano.
Pagbukas ng pintuan ay agad bumungad sa kaniya ang nakacrossed arm na lalaki sa gilid, halatang may hinihintay.
"Tara na" lumapit at ngumiti siya dito. "Kasabay ba natin sila Joana?" tanong niya habang naglalakad palabas.
"Nope si William na daw bahala sa mga kaibigan mo bukas. I already ask them but they said na may magsusundo sa kanila." kinuha nito ang bag niya at dere-deretsong naglakad papunta sa sasakyan nito.
Habang nasa sasakyan ay hindi niya maiwasang isipin ang mga nangyari ngayong araw. Masyadong madami, parang ang tagal ng oras ngayon. Kung tutuusin pang 2 days ang mga nangyari sa dami nito.
Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa dami ng iniisip kaya paggising niya ay nasa kwarto na siya.
Napabalikwas siya ng bangon na marealize na hindi ito ang room niya. Amoy panlalaki ito at familiar sa kaniya. Color black and blue ang kulay ng mga gamit dito sa loob.
Napansin niya ang damit niya, ito pa din ang suot niya bago siya umalis sa mansion nila William. Napatingin siya sa pintuan ng bumukas ito.
"Oh gising ka na pala, sorry kung dito kita dinala ha? hindi ko kasi alam kung nasaan ang susi mo masyadong mahimbing ang tulog mo at di na kita magising" natawa ito. "And don't worry sa guest room kita dinala."
"Pano ako nakapunta dito?" nagtataka niyang tanong.
"Malamang binuhat kita" sarcastic na sabi nito. Binato niya naman ito ng unan at sakto sa mukha.
Paglabas niya sa kwarto ay white and black ang kulay ng mga gamit. Kahit sa labas ay malinis at maayos ang mga gamit.
Pagdating sa kitchen ay nakita niya ang favorite breakfast meal niya.
"Wow tapsilog!!!" malakas niyang sabi tumalon talon pa siya dahilan para matawa ang kasama.
"Para kang bata, kumain ka na nga" ginulo na naman nito ang buhok niya.
Sumimangot siya pero kumain na din. Nagpasalamat siya dito bago umalis sa condo nito. Pagdating sa kaniyang unit ay agad niyang nilagay ang mga maruruming damit sa tray.
Balak niya na sana maligo nang magvibrate ang phone niya. Nakita niya ang message ng kaibigan sa gc.
Joana:
'Hi girls! starbucks coffee tayo mamayang 7 pm'
Katrina:
'Bakit anong meron?'
Joana:
'Si Miguel nag-aaya libre niya daw, ikukwento niya na daw lahat ngayon.'
Me:
'Sige game ako diyan. Pero bakit ikaw nagsasabi? nasan si bakla?'
Katrina:
'Oo nga? bakit ikaw lang inuupdate nun? tampo na ko. joke'
Me:
'Gaga arte mo HAHAHAHAHA'
Joana:
'OA mo Kat, nandito si Miguel samin nakikikain lang. Sige na see you later guys! love you.'
Lumingon siya sa orasan at eleven o'clock pa lang pala. Kaya nanood muna siya ng movie sa sala at kumakain ng popcorn.
Romance movie ang pinapanood niya kaya may katabi siyang tissue. Iyakin kasi siya pagdating sa mga ganto.
Nang matapos ang pinapanood ay nagluto muna siya ng kaldereta para sa late lunch niya.
Isinulat niya ang mga nangyari kahapon kasama si Ethan, kasama sa diary nito ang petals ng bulaklak na ibinigay niya kahapon.
Nilagyan niya ito ng design na kakulay ng dalawang paborito niyang bulaklak. Pagtingin niya sa oras ay agad siyang napatayo dahil 5:30 pm na. Dali dali siyang pumili ng damit at dumeretso sa cr.
Masyado ata siyang nag-enjoy sa pagsusulat. Ganon kasi ang ginagawa niya lalo na kapag wala siyang magawa, tulad ngayon wala pang ganap.
She's wearing a white long sleeve off shoulder top, red jumper dress, with a pair of white ankle strap heels. Nagdala din siya ng white shoulder bag. She's putting a light make up and red lipstick para bagay sa suot niya.
6:30 when I decided to go on parking lot, medyo malapit lang naman ang starbucks coffee dito so it's fine na gantong oras na ko umalis.
Exact seven o'clock nang makarating ako sa meeting place namin, good thing walang traffic ngayon. Ayaw pa naman ng mga kaibigan niya na naghihintay.
She opened the door at agad na natanaw ang dalawa sa gilid kung saan kitang kita ang labas. Kumaway naman ito sa kaniya ng makita din siya.
"Hey girls! wala pa si Mishy?" I kissed their cheeks bago umupo sa tabi ni Katrina.
"Obvious ba? syempre wala pa nakita mo namang tayo pala ang nandito" sarcastic na sabi ni Kat dahilan para matawa siya at hampasin ito.
"Hoy! nandito na pala kayo. Sorry nalate ako traffic kasi malapit samin" He gave us an apologetic smile.
"It's okay, maupo ka na." sabi ni Joana.
"Nah wait lang, I'll order first. Yun pa rin naman favorite niyo diba?" he asked, alam niya kasi ang mga paborito namin bilhin dito. Tumango naman kami sa kaniya.
Nang matapos na mag-order si Mishy ay agad na din itong nagkwento.
"You know naman girls I don't have a choice kundi tanggapin yung step mother ko, It's hard of course pero gusto ko naman sumaya yung daddy ko. Kahit maattitude yung babae hahayaan ko na lang. Natuto na ko, natuto akong tanggapin yung mga bagay na kahit na ayaw ko pinipilit pa rin sakin. Kasi ayokong mag-away kami ni Dad, at ayokong maubos yung sarili ko sa kakareject sa mga ganong bagay." ngumiti ito sa kanila.
Napangiti na din sila dahil talagang naggo-grow na ang kaibigan. Hindi katulad dati na may pagkaselfish ito, doon pa lang alam niyang ginagawa nito ang lahat para maayos ang ugali niyang yon, and now he's improving.
Maya maya ay yumakap sila kay Mishy dahilan para matawa ito. Sobrang swerte nila sa isa't isa, they're helping each other to grow up, mentally and physically at wala na siyang mahihiling pa.
Binigyan nila ito ng advice at kinuwento nila ang mga nangyari kahapon. Tulad ng dalawa kinilig din ang kaibigan niya pagdating kay Ethan.
"Tara sa house, overnight tayo?" parang batang sabi ni Kat.
Napatingin naman kami sa isa't isa.
"Sure!!" sabay sabay na sabi namin dahilan para magtawanan kami.
______________________