Puro tawanan at kulitan sila sa loob, masaya sila kasama kahit hindi mo kaclose ang iba.
Habang nagkukwentuhan ay may naalala ako. Kaya lumabas muna ako saglit at nilibot ang paningin sa paligid. Nakita ko ang mga sa tao mini bar, tinitigan ko ang mga ito at napagtanto kong mga taga Ateneo. Kaya medyo lumapit pa ko at hinahanap ang nais kong makita.
And he's there! umiinom ng wine sa gilid. Kaya dali dali akong pumunta sa tabi niya dahil mukha siyang loner.
"Hey dude! wazzup" inakbayan ko pa siya nagkunyaring tropa niya ko.
Pagkatingin niya sakin ay magkasalubong pa ang mga kilay niya at halata sa mukha ang pagtataka. Dahilan para matawa ako at hampasin pa siya sa likod.
"Oh please Maze tigilan mo k- Aray! tama na nga yan" naiirita niyang sabi, pero tawa pa rin ako ng tawa. Nakakatawa kasi talaga ang reaction niya.
Nang tumingin ako sa kaniya ay agad akong umalis sa pagkaka-akbay. Napansin ko kasi ang masama niyang tingin sakin mukhang bad mood.
"Okay okay I'm sorry! nakakatawa ka kasi. Bakit ka ba bad mood diyan? First time mo maging ganyan sa harap ko" nagpout na lang ako at iniwas ang tingin.
Matagal ang katahimikan na nangyari samin bago niya ko kalbitin. Kahit maingay dito tahimik pa din sa side namin dahil kaming dalawa lang.
May naramdaman na naman akong may kumalbit, kaya nagkunyari akong galit sa kanya.
Pero hindi pa rin tumitigil si Ethan sa pangangalbit kaya humarap ako dito at inayos eng expression ko, nagkunyaring naiirita sa kanya.
"What?!" tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm sorry" he sweetly smile at me. "Kung medyo nasungitan kita, may nangyari lang kasi kanina pero wala na yon. Sorry talaga kung nadamay ka."
Dahil sa sinabi ay agad nagbago ang expression ko at napalitan ng pag-aalala.
"Kamusta ka naman? Okay ka lang ba?" hinawakan ko ang balikat niya at tinignan siya. "you can tell me if you want" I sweetly smiled at him to make sure na he's free to tell me.
Ngumiti siya ng malungkot sakin, doon pa lang alam kong mabigat ito.
"Nagkaroon lang ng away sa pamilya namin, you know it's normal lang naman pero nakakasawa din pala" tumingin siya sakin at nagpatuloy. "nakakasawa na araw araw kang sasabihan na mas galingan mo pa, you need to be number 1, don't disappoint others. Hanggang sa kami ng mga kapatid ko parang nagpapataasan na din, ang maganda lang hindi kami nag-aaway." nakikita ko na nangingilid na ang mga luha niya kaya tumingala siya at pinigilan ito.
"Hindi pa rin enough lahat ng pinaghirapan ko Maze, pagod na ko." "kung buhay pa si mommy hindi niya hahayaan na maging ganito kami ni Dad."
Sandali kaming natahimik dahil hindi pa nagsisink in sakin lahat. Kaya ng maging okay na ay ngumiti ako sa kanya.
"Look you don't need to give up, okay? kung pagod ka na pahinga ka lang, everything takes time lahat ng bagay na naghihintay sayo makakapaghintay yan, kaya sometimes you need to rest. Hindi pwedeng may problema ka tapos tatakasan mo lang, and ididistract mo sarili mo, that's wrong dude. You need to face it. About naman sa Dad mo baka sinasabi niya lang yun para sa future mo, hindi mo ba napapansin? parehas sila ni Dad na ganyan magkaiba lang yung pagkakasabi, but knowing tito Edwin gagawin niya lahat para sayo, proud yun sayo, at the same time gusto niya na maging role model ka sa mga kapatid mo." I sweetly smiled at him.
"Of course your Mom hindi niya gusto na lagi kayong magkaaway ni tito. I really don't know her pero alam kong soft side niya ang namana mo. You just need to understand your Dad para sa ikabubuti niyong lahat baka mamaya habang tumatagal unti unting nadadamay mga kapatid mo" tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"My point is pwede mong sundin ang daddy mo pero hindi ibig sabihin nun susuko ka na dahil sa napapagod ka. Magpahinga ka naman. I'm sorry if you're experiencing a tough time but I want you to know na nandito lang ako."
Natahamik kami saglit dahil yun na ang katapusan ng advice ko sa kanya. Maya maya ay ngumiti na siya. Hindi ito pilit, ito na yung ngiti niya na totoo.
"Thank you Maze, for always there for me." pinisil niya ang magkahawak naming kamay.
"For you Ethan" again, I sweetly smiled at him.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin sa loob at umupo sa sofa. Sa harap nito ay may mga pagkain. Tumingin naman ako sa kanya na may pagtataka.
"Bakit ganyan ka makatingin?" kunot noo niyang tanong sakin.
"Bakit dito pa tayo sa loob? mas masaya dun sa labas oh" tinuro ko ang labas na may mga nagsasayawang tao.
Kahit sa loob ay rinig na rinig ang dumadagundong na music.
"Wala maingay masyado dun, I hate parties" natatawang sabi nito.
"Why are you here kung ayaw mo naman pala sa mga party."
"I already told you na best friend ko si William, diba? I have no choice kundi pumunta dito. Ayoko namang magtampo yun."
Natawa naman ako sa sinabi niya, medyo tampuhin kasi ang lalaking yon kapag hindi nasusunod ang gusto niya.
"Sabagay, kaya pala mag-isa ka kanina" tumatango tango kong sabi.
"Yeah" tipid na sagot ni Ethan.
Natahimik na naman sila, kaya agad siyang nag-isip ng pwedeng ibasag sa katahimikan nila.
"Kamusta na pakiramdam mo?" awkward niyang tanong.
"I'm fine, nandito ka na eh" biro nito sa kanya.
Pero hindi niya kayang makisabay dito dahil iba ang pakiramdam niya, parang kinilig siya na ewan.
"Hey Maze! I'm asking you if you're okay! hindi ka naman sumasagot." Natauhan siya dahil sa sigaw nito. Kinakaway pa ang kamay sa harap niya.
"Yeah yeah I'm fine! may naalala lang ako" ngumiti siya ng konti dito.
Mukhang hindi naman ito naniwala sa sinabi niya, pero hindi na lang nagsalita.
"Maze-" hindi na natuloy ni Ethan ang sasabihin sa kanya ng dumating sila Mishy.
"Hoy babae! kanina ka pa namin hinahanap, di ka man lang nagpaalam!" napapikit siya sa lakas ng boses ng kaibigan niya. Kahit kailan talaga.
"Hi babe, sino naman yang kasama mo? kaya pala umalis agad" Medyo mataray na sabi ni Joana. Pagkaharap niya naman, hindi siya nagkakamali at nakatakaas ang kilay nito sa kanya.
"Hey he's Ethan, friend ko taga Ateneo" I awkwardly smile to my friends and to him.
"Oww okay! Hi Ethan! I'm Mishy" masiglang sabi nito. Tinanguan naman siya ni Ethan at kumaway sa kanya. Halata namang kinilig ang kaibigan ko.
"Hi Ethan, I'm Joana! nice to meet you!" masiglang sabi din nito. Tinanguan at nginitian naman siya ni Ethan.
"Hey, I'm Katrina! but you can call me Kat" katulad ng dalawa ay hyper din ang isang to. Ganon din ang ginawa ni Ethan tinanguan at nginitian din siya.
Ganyan ang tatlo kapag nagpapakilala sa pogi. Kaya hindi niya namalayan na napasapo na lang siya sa kanyang ulo.
"Hi nice too meet you all" nakangiting sabi ni Ethan.
___________________________________