Naghahanda na si Maze para sa party mamayang gabi. 4:30 pm na din sila nakarating ni Ethan sa condo. Pagkarating naman ay agad siyang nagpahinga muna, bago dumeretso sa CR at maligo.
Habang nakababad ang katawan sa bathub, ay di niya maiwasang isipin ang mga bagay na ginagawa ni Ethan para sa kanya, para lang mapasaya siya.
Hindi niya maiwasang mapangiti sa mga sinabi at ginawa nito sa kanya, para pagaanin at gawing memorable ang first date nila.
Hindi niya mapigilang isipin at lagyan ito ng malisya, dahil alam niyang ganon lang talaga ang binata. Maisip niya pa lang na ganon din ito sa ibang babae ay kumikirot na agad ang puso niya sa hindi malamang dahilan. Tulad ng nakasanayan ay agad niya itong pinagsawalang bahala at inalis sa isipan.
Ang mga bulaklak naman na binigay sa kaniya ng binata ay nilagay niya sa isang glass vase at ipinatong sa lamesa. Tutal wala naman siyang mailagay doon. May mga natira pa at hindi na nagkasya kaya tinaggal niya ang petals at inipit sa notebook.
Kalimitan niya itong ginagawa sa tuwing may binibigay sa kanya. Para sa remembrance at memories nito. Naisip niya na bukas o sa makalawa na lang isulat ang nangyari kanina, dahil may ganap siya mamayang gabi.
And now she's wearing a black slash neck tassel backless bodycon dress and black stiletto heels. Kinulot niya din ang mahabang buhok para hindi simple tignan. Naglagay lang siya ng light make up. Dahil balak niya maligo kasama ang mga kaibigan niya mamaya, sayang lang kasi kung kakapalan niya masisira lang din naman.
Exact 6 pm dumating ang mga kaibigan niya sa condo at kinatok siya.
"Nats! we're here. Lumabas ka na diyan baka matraffic tayo!" sigaw ng kaibigan niyang si Miguel. Kahit kailan talaga ay maingay ang baklang ito.
"Oo saglit lang!" nagmadali na kong mag- ayos at kinuha ang mga dapat dalhin.
Paglabas ko ay agad ako niyakap ni Joana. "girl I miss you so much, buti talaga pinapayagan ka na ni tito Christian" tuwang tuwa naman ang dalawa niyang kaibigan.
Minsan lang kasi siya payagan ng kanya ng tatay dahil masyado itong protective sakanya. Only daughter lang kasi siya, kaya grabe ito mag-alala. Kahit minsan nakakasakal, but she still love his father.
"Oo nga eh, but you know may kapalit naman ito in the future" I give her a small smile at lumingon kay Miguel. "Mishy! i miss you! grabe ngayon na lang ulit tayo nagkita" I hugged him.
"Hay nako girl namiss din kita! next month pasukan na ulit, araw araw na naman tayong magkikita" nagtawanan kaming tatlo.
Habang naglalakad papunta sa parking lot ay kung ano ano ang pinag uusapan namin. Basta kapag kasama ko sila hindi nauubusan ng kwento.
"Madaming pogi mamaya kaya ienjoy natin itech, kaya mamaya magpapansin ako sa kanila" maarteng sabi ni Mishy.
"Halata naman sa lipstick mong pulang pula noh" tumatawang sabi ni Joana.
"True yan, pahingi daw si Joana para ready siya mamaya" nakisama na din ako sa kanila. "aray naman!" sigaw niya dahil sa hampas ng kaibigan.
Hindi mawala ang ngiti niya sa lokohan nilang magkakaibigan. It feels good na lagi mo silang makakasama, hindi katulad ng dati, hindi siya lagi makasama.
Habang nagdadrive si Mishy ay nagkukwentuhan naman silang tatlo tungkol kay William. Itong dalawang kaibigan niya kasi ay matagal ng may gusto dito.
Gwapo kasi ito at maamo ang mukha. Matalino at responsible sa acads kahit play boy. He have those brown eyes na may pagka-mysterious kapag tinitigan, perfect shape of jaw line, sharp nose, small lips, long eylashes and clearskin. Walang bakas na kahit anong pimple marks and blackheads. And he's friendly sa lahat at napakalapit sa family. Isa yon sa hinangaan niya sa kaibigan, pero kailanman hindi siya nagkagusto dito.
Si Miguel Aze Santiago naman ay pogi din, bakla nga lang. Nung una ay naghihinayang siya dahil naging crush niya ito first year college pa lang. Naging close sila at may pagtingin siya dito, pero dumating ang araw na umamin ito sa kanya. Una pa lang ay takot na ito umamin sa kahit na sino kaya sa tulong nila ni Joana ay nalaman na ng lahat at nirespeto ito.
Para sa kanya kasi ay walang masama sa pagiging bakla, tomboy o sa mga transgender. Dahil unang una walang masamang epekto ito sa buhay ng ibang tao as long as tanggap nila ang sarili nila. Sa totoo lang hindi dapat natin pinapakaelaman yung buhay nila, dahil pare parehas lang naman tayo. Pantay pantay. Hindi dapat tinatratong basura, they're treasure na dapat ingatan, kung wala sila walang mapapasayang tao, walang taong tutulong sayo.
Pagkarating sa subdivision ay agad nilang hinanap ang bahay nito.
Nasa tapat pa lang sila ng gate ay rinig na rinig ang dagundong ng music sa loob. Mukhang maraming ngang tao dahil sa mga sigawan.
"Tara na girls, manghunting na tayo" biro ni Mishy at hinila na sila papasok.
Kitang kita sa loob ng bahay ang mga iba't ibang kulay ng ilaw sa labas. Mukha kanina pa sila nagkakasiyahan dito. Nasa sala kasi sila sa gilid nito ay puro salamin na kung saan kitang kita ang mga taong nagsasayawan at nagkukwentuhan.
Madami ding pagkain sa labas dahil karamahin ng bisita ay mga naliligo na. Samantalang sa loob naman ay iilan lang, ang iba pa ay bagong dating. Karamihan dito ay may mga hawak na wine or beer at tahimik na nagkukwentuhan, mukhang hindi sanay sa maingay at madaming tao.
"Dami namang tao dito, Kilalang kilala talaga si William noh?" sabi ni Joana, may kinakain pang pizza habang nakatingin sa labas.
"Oo teh! ano ka ba! Gwapo at captain pa yan ng basketball sa school natin. Malamang kilalang kilala yan, ikaw ba naman makita ng ibang tao sa tv habang naglalaro"
Nagtawanan na lang kami sa sinabi ni Mishy. May time talaga na hindi niya napapansin na parang nambabara na siya.
"Pero nasaan na ba si William? sabi niya magtext daw ako kapag nakarating na tayo, hindi man lang pumunta dito" Halata sa boses ng kaniyang kaibigan ang inis dito, halatang excited makita.
"Girl! you know him, baka nakikipaglaro pa sa mga kaibigan niya sa labas. Basta hangga't hindi pa siyang pumupunta dito wag muna tayo lumabas" tumango na lamang dalawa.
Maya maya pa ay hinila naman siya ng mga ito sa mesang mahaba na may mga iba't ibang pagkain. Kumuha na rin siya ng kaniya at kumain.
Gusto na rin niya makita si William dahil hindi na sila masyadong nagkikita dahil sa wala pa silang pasok.
Nilibot ni Maze ang paningin niya sa paligid, nang makita ang hinahanap ay agad siyang pumunta dito.
"Hey William!" sigaw niya.
"Uy! nandiyan ka na pala! Kamusta?" nakangiting tanong nito.
"Ayos lang naman. Mukhang mas madami kang bisita ngayon kaysa dati ha." Nagtawanan naman kami. "How about you? kamusta?"
"Okay lang naman, madalas pagod because of my training. And alam mo naman dahil sa game madami din akong nakilala at naging kaibigan kaya I just invited them" ginulo naman nito ang buhok niya.
"Hindi ka man lang nanood ng game ko kahit isang beses" He crossed his arm in his chest at nagkunyaring nagtatampo.
"Baliw ka ba!" sabay batok niya dito. "Medyo busy ako ngayon madaming ganap eh. Saka excuse you hindi pa naman tayo sobrang close, hindi ka din naman nag-aaya." tinarayan niya na lang ito.
Totoo naman kasi hindi sila masyadong close pa. 1 year pa lang silang magkaibigan or magkausap ni William kaya hindi pa siya masyadong comfortable.
Tinap na naman ni William ang hair niya. Dahilan para mapangiwi siya at samaan ng tingin ito.
"Kanina ka pa ha! ayoko ng ginaganyan ako" tinampal niya ang kamay nito
dahil nagbabalak na namang ulitin ang panggugulo sa buhok niya.
Dahil dito ay napatawa na lang si William Fred Alonzo. At tumikhim nang mapagod na sa kakatawa.
"Nasan nga pala sila Miguel?" Pag-iiba ng topic nito.
"Nandun sa kitchen kumakain" nakangiti niyang sabi. Kahit kailan talaga matakaw ang dalawang yun. "speaking of."
Naririnig niya na ang bungisngis ng dalawa niyang kasama, kinikilig ata dahil kay William.
"hello William! Daming bisita ah" nahihiyang sabi ni Joana. Sabay kaway sa kaharap ko.
Tumawa naman si William.
"Kamusta naman kayo? Isang beses ko lang kayo nakita sa game namin" nagpout na naman si Mr. Playboy.
"Ow please William! tigilan mo yan ang pangit mo" Kunyaring nandidiri na sabi ni Mishy
"Pero okay lang naman kami. Minsan minsan na lang kami nagkikita dahil busy. And sorry din dahil hindi kami makapanood daming inaayos eh" sagot ni Mishy.
"Same here" Nakangiting sabi ng isa pa niyang kaibigan. Mukhang hindi na nahihiya.
"It's okay, binibiro ko lang naman kayo" natatawang sabi ni William. "Oh tara na? sumama na kayo sakin sa labas, and have some fun!"
Natawa na lang kami dahil sa kahyperan nito. He's always like that kapag kaibigan niya yung mga kasama makulit at hyper. Pero kapag sa game seryoso at nakakatakot, maiintimidate ka talaga.
At tulad nga ng sinabi ni William sinamahan niya kami sa labas. Tama ang hinala namin na madaming tao ngayon. Pumunta kami sa isang malaking kubo malapit sa pool, pagpasok ay nakita ko ang mga schoolmates ko.
"Hey sweetheart! namiss kita!" niyakap naman siya kaniyang kaibigan na si Katrina.
Katrina Anne Sanchez. maganda, maputi, matalino, mabait at friendly person. She's the one of the famous student in ADMU. Mahaba ang buhok niya like mine, brown eyes and hair, long eyelashes, sharp nose and pouty lips. She's a model too, isa siya sa nag-aaya samin ni Joana na sumali sa agency nila as a model at yun ang pinag-uusapan namin mabuti.
Best friend din namin siya, pero minsan lang namin makasama dahil sa mga gig niya.
"Hey I miss you more" I kissed her cheeks. Sanay na kami sa ganon and I think it's normal.
Hinila niya naman ako sa tabi niya pati na rin sila Mishy. Nagkakatuwaan kaming lahat sa loob ng biglang pumasok ulit si William at may dalang wine. Nagpasalamat naman kami sa kaniya.
Ito ang maganda sa mga party kahit hindi mo sila kilala ipapafeel nila na you belong here. But yeah I'm a friendly person kaya sanay na ako makipag-usap kahit kanino.
"Oh kamusta naman love life niyo ngayong vacation, no time no see guys ah" sabi ni alfred. Basketball player din ito pero mabait at responsible.
Ian Alfred Alonzo. Kapatid ni William, moreno ito hindi kagaya ng kuya niya, palangiti pero tahimik minsan, matalino, understanding at may malaking respeto sa mga babae. He have those brown eyes na kapag natatapatan ng liwanag ay mas nakikita ang kulay nito. Perfect jaw line, malinis na ayos ng buhok, makakapal na kilay, saktong haba ng eyelashes, red medium lips, and sharp nose.
Isa ito sa mga crush niya, hindi naman maiiwasan dahil college pa lang sila. Nagustuhan niya dito ang pagiging gentleman, pagiging cool habang naglalaro, at yung mga ngiti na sumisingkit pa ang mga mata. And It's cute.
Napangiti na lang siya.
__________________________